Chapter 6

1393 Words
"You know a lot of men, right?" Tanong ni Mr. Perell. Narito kami sa opisina nya ngayon. Panay ang pagpikit ko dahil nararamdaman ko talaga na parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Paniguradong dahil ito sa hangover. Bakit ba kasi dinala ko pa si broken boy sa bar kagabi?! Tumango ako bilang tugon bagaman maski iyon ay labis na nagiging dahilan para umikot ang mundo ko. "I want you to find a woman for me," aniya. Bahagya pa nitong ibinaba ang salamin na pangbasa saka malalim akong tinignan. Nangunot ang noo ko. Pinaakyat nya talaga ako sa pinakamataas na parte ng kompanya nya para sabihin lang iyon? Pwede naman nya akong tawagan na lang gamit ang telepono, edi sana matiwasay akong nakakapagpahinga sa sasakyan ngayon! Pero syempre, dahil hindi pa sapat ang mga nalaman ko sa kanya ay pilit ang ngiting tumango ako bilang pagpayag sa kanyang gusto. "I want you to look for this girl...." aniya saka inilapag ang isang litrato sa aking harapan. Halos lumuwa ang mata ko nang unti-unti ay maging pamilyar sa akin ang itsura ng babaeng nasa litrato. "...her name is Autumn Grayson. 5'2 in height. Brown eyes." Pakiramdam ko ay bumara ang lahat ng laway sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makahinga. Ilang ulit kong dinamba ang aking dibdib habang pinagdarasal ang sarili sa maaaring mangyari. Ano bang gusto ng lalaking 'to? King ina naman oh. Di maka-move ang gagv. "Why? Is there a problem?" Tanong nya nang manahimik ako. Syempre mabilis akong umiling habang nakangiti pa. Punyetang kaplastikan yan, Autumn. The best! "Okay. So I want you to look for her and bring this woman to me. You will be rewarded after you locate her." Dagdag nya pa. Mas lalong kumabog ang dibdib ko at halos makipagkarerahan ang puso ko nang madiin nya pang itinuro ang mukha ko sa litratong iyon. "This woman owe me something." Seryosong aniya. Ilang ulit akong napalunok habang pilit na tumatawa. Halik pa, Autumn! "Noted, Sir. Hahanapin ko kaagad sya at dadalhin sa'yo." Nagpakawala ako ng pekeng ngiti. Gusto kong pagalitan ang sarili sa binitawang salita. Kung mayroon lang sigurong best in katangahan, baka ako ang special awardee. Tama, Autumn. Hanapin mo sarili mo, ganon ka katanga e. "I'll give you a million pesos when you find here." Dagdag nya pa. Shvt! Ganoon lang ang halaga ko? Walang higher bidding dyan? Mga five million ganon? Joke lang. Hehe. Pero baka lang naman. "You may take your leave." Hindi na ako sumagot pa at mabilis na lumabas. Nang makasakay sa elevator ay ilang ulit kong inumpog sa bakal na pader no'n ang aking noo. Ano ba kasing gusto ng lalaking iyon? Isang halik lang 'yon! Isa! Dampi nga lang 'yon, e! Walang espesyal! Nang madarating ko ang parking lot ay agad akong dumiretso sa sasakyan. Imbis na magpahinga ay inistart ko ang kotse at minaneho iyon patungo sa kung saan. King ina. Pakiramdam ko nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa kaba. "Hello, Korek? Nasaan ka?" Tanong ko sa kabilang linya nang sagutin ito. "Trouble with Josiah?" Bagaman hindi ko sya kaharap ay alam kong nakangisi na ang ulupong na 'to. "Why did you kiss him, Autumn?" Ramdam ko ang pagtatampo sa kanyang pananalita. Madiin akong napapikit. "Napakailap mo sa akin tuwing sasabihin kong gusto kita pero—" "Hindi ko sya hinalikan, okay?!" Kasabay ng pagsigaw ko ay ang malakas na pagkalampag mula sa likurang bahagi ng kotse. "Anong nangyari? Autumn, ayos ka lang ba?" "Naibangga ko yata ang kotse ni Perell, Korek. Tawagan kita maya," tugon ko saka nagmamadaling lumabas. "What di—" hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita ni Korek at basta na lang pinatay ang tawag at isinilip sa aking bulsa ang cellphone. Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha nang makitang wasak ang ilaw sa likod na bahagi ng kotse. "Kapag ka minamalas ka nga naman oh!" Bulalas ko saka sinipa ang gulong ng sasakyan habang paulit-ulit na sinasabunutan ang sarili. Parang ngayon ay gusto kong paniwalaan na isang akong kamalasan na tinubuan ng kamay at paa, at nagpagala-gala sa lansangan! "Argh!" "Aren't you Josiah's driver?" Mabilis akong nag-angat ng tingin. Isang babaeng anghel na nagmula yata sa langit ang aking nasa harapan ngunit nang maalala ko ang kanyang mukha ay muling rumehistro sa akin ang nasaksihan ni Perell na may kahalikan itong ibang lalaki sa hotel kaya broken hearted si billionaire boy nyo. "Ms. Paisley, sa inyo ho ba ang kotse na iyon?" Tanong ko na nakaturo pa sa sasakyang nakadikit sa kotse. "Pasensya na ho kayo ha? Napapreno kasi ako agad nang—" "It's my fault, don't worry. I'll explain everything to Josiah." Nakangiting aniya. Grabe. Siguro sinisiraan lang ni Perell si Ms. Paisley kagabi. Baka naman sa sobrang brpken hearted ni billionaire boy e nagsabi-sabi na lang sya ng kung anu-ano. "Did you have lunch?" Bagaman nahihiya ay umiling ako. "Let's go, I'll treat you to lunch. I'll call the towing company to pick up the car." "Hindi ho ba kayo magfafile ng kaso muna sa police?" Naguguluhang tanong ko. 'Di ba yon naman ang ginagawa kapag may aksidente? Tumawag ng pulis at ambulansya? "My driver will handle everything, you don't have to worry. Besides they both know Josiah and me," tugon nya na halos magpalaglag sa panga ko. Siguro ako lang talaga di nakakakilala sa Josiah Perell na iyon. Bukod kasi sa wala naman akong pakialam sa buhay nya noon, busy din ako sa bagay-bagay. Pero ganito pala talaga kapag mayaman, ano? Nagagawa ang gusto nila. Akala ko sa palabas lang ang mga ganito. Grabe. Pati batas parang mag-aadjust pa sa kanila. Nang matapos manamnam na ng pagkatao ko ang gulat ay hinayaan ko si Ms. Paisley na igaya ako sa isang kotse na kararating lang. Mukhang bago pa iyon dahil sa sobrang kintab. Gusto ko sanang kiligin dahil sa katabi kong magandang babae ngunit hindi ko iyon nagawa nang bigla syang magsalita. "I called Josiah. He will be at the restaurant." Patay. Mukhang kailangan ko nang ipagdasal sa lahat ng santo ang buhay ko, a. Ngayon pa lang ay parang nakikita ko na ang nanggagalaiting mukha ng lalaking iyon. Kung si Winter ay tinanggal nya dahil lang sa dalawang minuto, ano naman kaya ang gagawin nya sa akin na nagawa pang ibangga ang kotse nya? Sabagay. Kung tanggalin nya naman ako ay mukhang bawing-bawi na ako at naisagawa ko na ang paghihiganti na ipjnangako ko kay Winter, e. Kunwaring kinakabahan ako sa panlabas na anyo pero sa isip ay nakangisi ako sa isipin na nakapaghiganti na ako. Nang marating namin ang restaurant ay agad kong natanawan si Mr. Perell sa loob na magkakrus ang mga braso habang diretso lamang ang tingin. Boring siguro buhay ng lalaking 'yon? "Let's go. Josiah's here." Nakangiting ani Ms. Paisley. Tumango naman ako at sinundan sya papasok ng restaurant. "Josiah it's not his fault. I am the one who bump—" "Did you find her?" Hindi na nagawa pang ituloy ni Ms. Paisley ang sasabihin nang putulin sya ni Mr. Perell. Napapahiya itong yumuko saka nag-iwas ng tingin. "I said did you find the woman?" Muling pagtatanong nya nang manatili ang tingin ko sa dalagang nasa aking tabi. Iyon kaagad ang bungad na tanong nya sa akin nang makita ako. Gusto kong madismaya. Inaasahan ko na mangagalaiti sya sa galit at makikita ng lahat ng narito ang totoong ugali nya pero hindi iyon ang nangyayari ngayon. "Who is her?" Tanong ni Ms. Paisley na nagpapalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Mr. Perell pero tulad kanina, maski ang tapunan man lang sya ng tingin ay hindi nya ginawa. Tampo much yan? "You didn't? Focus on looking for her, Joshua. I'll see you at the company," aniya saka tumayo at tinalikuran kami. Gusto pa yatang humabol ni Ms. Paisley na kanya ngunit hindi na nito nagawa pa nang nakapasok sa magkabilaang bulsa ng pantalon na kanyang suot ang pareho nyang kamay at taas noong naglakad palabas ng restaurant na iyon. Joshua. Iyon pala ang pangalan na sinabi ko sa kanya kagabi. Hindi ko maalala. Buti na lang at matalas ang memorya nya. Pero iyon lang 'yon? Di man lang sya nagalit sa akin nang maibangga ko ang kotse nya at ang pinapahanap nya pa rin ang nasa isip nya?! Gusto ko na lang maging patatas sa mga puntong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD