Chapter 7

1271 Words
Ibinagsak ko ang aking katawan sa silya na narito sa garden. Pagod na pagod ako sa pagtatrabaho sa Perell na ito. Hindi ko alam kung paano nakayanan ni Winter na magtagal ng ilang taon sa lalaking ito. Kung saan-saan sya nagpamaneho. Masyado raw magulo ang isip nya sa mga bagay-bagay kaya gusto nya magpahangin pero hindi ko naman inaasahan na ang pagpapahangin na sinasabi nya ay ipagmaneho ko sya ng halos anim na halos na walang konkretong plano kung saan nya gustong pumunta. "Hello?" Sagot ko sa aking cellphone nang tumunog ito. "Autumn, nasaan ka na? Magdidilim na." Tanong ni Winter mula sa kabilang linya. Agad kong tinignan ang orasan na nasa aking pulsuhan. Tama sya. Maggagabi na nga pero— "Hindi ko alam na may curfew ako?" Nakangising tanong ko bagaman alam kong hindi niya nakikita. "Nambababae ka nanaman, ano?! Si Selena nagwawala dito kanina at hinahanap ka! Nakakabwisit!" Reklamo nya. Kahit kailan talaga ay hindi nila gusto si Selena. Masyado raw kasing maarte kaya naman heto at napahalakhak ako kahit alam kong mas lalo lang syang maiirita. Sasagot pa lamang sana ako ng bigla ay makarinig ako ng pagtawag mula sa impyerno este sa loob ng bahay. "Joshua!" Hindi na ako nagpaalam pa kay Winter at basta na lamang pinatay ang tawag. Mabilis pa sa alas-kwatro akong nagtungo sa loob ng tahanan ni Perell nang marinig ang pagwawala nito dahil baka bigla syang mag-evolve bilang satanas. Punyeta! Kanina pa sya! Kung pwede lang sabihin na Autumn ang pangalan ko ay ginawa ko na! Nanunuya na ako sa pangalang Joshua na iyon! 'Di ko rin naman kasi alam sa sarili ko bakit Joshua pa ang naisip kong pangalan. King inang yan! Ex ni Selena my loves yon e! Ngunit hindi ko inaasahan ang maradatnan sa salas ng kanyang tahanan. Ilang ulit akong napalunok nang makita sya sa paanan ng hagdan. May suot itong roba ngunit nakabukas. Ang bato-bato nitong katawan ay lantaran nya ngayong ipinagmamalaki sa akin at mas lalo akong napalunok nang makita ang kargada nyang bumabakat sa boxer na kanyang suot. Oh! Edi sana all malaki! Mula sa malayo ay amoy na amoy ko ang panlalaki nyang pabango. Pakiramdam ko ay nanunuot iyon sa bawat muscle ng ilong ko at nagiging paborito ko. Magkano kaya yung ganong pabango? Paniguradong isang kidney ko ang magiging presyo non. "What do you think about this girl?" "Ha?" Tanong ko na nanatiling nakatitig sa perpekto nyang katawan. King ina. Kung tunay siguro akong lalaki ay baka ganito na rin kaganda ang katawan ko ngayon. Baka nga mas malaki pa ang kargada ko sa lalaking ito. Bakit kasi may favoritism, Lord? "You like what you see?" Muling tanong nya. Mabilis akong napaayos ng tayo nang makita syang nakangisi na sa akin ngunit ang hindi ko inaasahan ay nang maramdaman ang unti-unting paglapit nya. "You are making me confuse, Joshua. You look so familiar to the point that I cannot take my eyes off of you whenever you are near." Matikas na aniya. Nang mag-angat ako ng tingin ay naroon na ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Isa. Dalawa. Tatlo. Para kaming mga teenager na nag-iiwasan. Humahakbang sya palapit sa akin habang ako naman ako umaatras papalayo sa kanya. His eyes are fixed on my face at pakiramdam ko ay pinag-aaralan nya ang bawat detalye ng aking mukha, inaalam kung talaga nga bang pamilyar sa kanya ang mga nakikita o guni-guni lang. Tumikhim ako nang bigla ay maramdaman ko ang pader sa aking likod. Ang panlalaking postura ay unti-unting nawawala sa akin. Pakiramdam ko ay isa akong marshmallow na idinadarang ngayon sa apoy at natutunaw dahil sa kakaibang nararamdaman. Hindi yung init ng libvg ha! Masyado akong kinakabahan! "Why do I feel that this lips...." mas lalo pa akong napasinghap ng hangin nang dampian nya ng maingat na haplos ang mga labi ko. Titig na titig sya roon na tila ba ayaw nang mawala sa kanyang paningin. "I've kissed you before, didn't I?" Para syang lulong sa droga. Nanatili ang paningin nya sa aking mga labi. Sa isang iglap ay para akong tinakasan ng hininga nang unti-unti ay yumuko sya. Punyeta! Galaw galaw, Autumn! Gusto mo rin ha? Lalaki ka rin oy! Isa. Dalawa— hindi ko na hinayaan pang-umabot ako sa pangatlong bilang nang marahas ko syang itulak papalayo sa akin. "Sir naman! Bakla ka ba?" Pilit kong pinagtunog lalaki at hindi kabado ang aking pananalita pero pakiramdam ko ay anoman oras ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Nang isipin kong aayos sya dahil sa tanong na iyon ay nagkamali ako dahil wala itong naging reaksyon. Nanatili ang mga mata nya sa aking labi. Mabilis kong pinagsisihan na binasa ko pa iyon nang bigla ay itulak nya ako sa pader saka bahagyang yumuko sa akin. "Am I?" Tanong nya at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko talaga inaasahan. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa lawak ng kanyang tahanan. Ramdam ko ang pagwawala ng aking puso at mas lalo iyong tumindi nang magsimula syang igalaw ang kanyang labi. "Funny how you make me go crazy. I am not a g—" "E bakit nanghahalik ka?!" Nanunuya kunwaring tanong ko saka sya malakas na itinulak. Maangas kong pinunasan ang mga labi ko at binigyan sya ng masamang tingin. King ina! Anong kunwari?! Nanunuya talaga ako! "I don't know. I just—" he paused saka parang bata na tumingin sa sahig. "—I can't explain." Dagdag nya pa sa pinakakalmadong paraan. Inaasahan kong magugulat ako sa paraan ng pagiging kalmado nya. Dahil nga 'di ba wala sa bokabularyo nya ang salitang calmness pero wala akong maramdaman na kahit na anong pagkagulat. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahilan para lahat ng ibang pakiramdaman na inaasahan ko ay hindi ko ngayon maramdaman. I positioned to defend myself nang muli syang humarap sa akin. Mapupungay ang mga mata nyang pinakatitigan ako— mali, ang labi ko habang paisa-isa muling humahakbang papalapit sa akin. Manyakis pala ang isang Josiah Perell, king ina. "Ano nanaman ba, Sir?" Puno ng kaba na tanong ko pero hindi ito umimik. Ano? Baliw na yata 'to e! "Pareho tayong la—" at bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay muli nya na akong sinunggaban. Inilagay nya ang isang kamay sa aking panga habang ang isa naman ay ipinulupot nya sa aking baywang. Ramdam ko ang pagtatraydor ng aking katawan nang unti-unti ay sumabay ako sa ritmo ng mga labi nya. He pinned me onto the wall saka mas lalo pang pinalalim ang halik ngunit agad akong napatigil nang bigla ay umungol sya. "Autumn—Aww!" Daing nya saka ako tinignan ng masama. Anong Autumn-Autumn?! "Why did you bite my lips?!" Galit na tanong nya pero nanatili akong nakatingin lamang sa kanya. Pilit kong itinatago ang kaba na nararamdaman. "Forget about what I did. Go home. Take a rest." Pagkakuwan ay saad nya saka ako tinalikuran. Pabagsak kong inilapag ang susi sa lamesang naroon at nagmartsa palabas. Hindi ko malaman kung ano ang problema sa akin. Babae ang gusto mo, Autumn. Babae. Ilang ulit kong sinabi iyon sa aking isip hanggang sa makauwi. Maski sa pagtulog ay ipinaliwanag ko na ang bagay na iyon sa aking sarili pero paulit-ulit, parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit ang eksenang iyon sa aking isip. Wala sa wisyong napahawak ako sa aking labi. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko ang paraan ng kanyang paghalik pero alam kong mali iyon. Maling-mali sa aking pagkatao. Pinanganak akong babae ngunit ang puso ko ay tumitibok din para sa babae. Isa akong tomboy at iyon ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD