"Ano bang ginawa mo sa loob ng dalawang linggo?" May pagtatampong tanong ko. Bahagya kong iniyuko ang aking ulo saka itinuon ang paningin sa ice cream na hawak. Hindi alintana ang ilang tinginan ng mga taon, huminto sya sa paglalakad sa aking harapan saka bahagyang yumuko upang magpantay ang aming mukha. "Look at you...." aniya, nag-aasar. Nakapasok pa ang isang palad nito sa kanyang bulsa habang ang isa ay hawak ang ice cream na mukhang hindi naman nya kinakain. "Nagtatampo ka ba?" "Ano?" Napapahiyang saad ko saka nag-iwas ng tingin. "H-hindi ah!" "Look, baby. May mga inasikaso lang ako aa company." "E, bakit di ka nagrereply o tumatawag?" Hindi ko sana nais magtunog nagtatampo pero wala akong ibang magawa dahil iyon talaga ang nararamdaman ko. Ilang ulit ko na ngang kinastigo ang sa

