Norlyn
After ng announcement ni Ma’am Hailey, halos buong recess kinain ng silent processing ko.
Partner? Ako? Sa lalaking nabangga ko?
Sa lalaking halos hindi ko alam kung may boses nga ba?
Rocky John Martinez.
Transfer student. Hoodie boy. Walking enigma.
“Besh, okay ka lang?” tanong ni Theo habang sinusubuan ng fries si Kristen.
“No,” sagot ko habang kinakagat ang straw ng iced coffee ko. “Kapartner ko ‘yung dahilan kung bakit nabura ‘yung bagong lip tint ko kanina sa hallway.”
“Eh ‘di bongga, at least pogi.”
“‘Di ako nabubuhay sa pogi, Theo.”
“Eh sa may chemistry kayo,” singit ni Kristen, habang nagsa-search sa phone. “Martinez daw pangalan niya ‘di ba?”
“Bakit, stalker ka?” iritadong tanong ko.
“Hindi ‘no. Curious lang.” Then she paused. “Wait... teka... may picture dito. May nakita akong isang Martinez din from last year. Kasama sa chess club—parang... twin?”
Rocky:
Pagkatapos ng klase, walang kaabog-abog, pinatawag kami ni Ma’am Faye para i-remind ang project.
“Martinez, Perez, first check-in will be this Friday,” aniya habang naglalagay ng check sa listahan. “Pwede kayong gumawa ng concept kahit hindi pa full draft.”
Tumango lang ako. Norlyn? Tahimik.
Mukhang nilalabanan pa niya ang urge na sabunutan ako gamit camera strap niya.
At bilang malas ng tadhana... narinig ko siyang sinabihan ni Miss Faye:
“You two live in the same barangay, right? Mas madali makapag-meet.”
Great. Hindi lang kami magkapartner.
Magkababayan pa.
Norlyn
Pagkauwi ko, I tried to forget about school by scrolling sa gallery ko. Kaso...
Sa bawat picture na dumaan, laging may paalala.
Yung mukha niya. Yung pagkatahimik niya.
Yung “I-don’t-care” aura.
And worst?
Yung saktong umorder si Papa ng grocery online and asked me to deliver it sa neighbor—family friend daw.
At guess what?
Martinez ang pangalan sa resibo.
“Huwag mong sabihing...”
[MARTINEZ RESIDENCE – LATE AFTERNOON]
Hawak ang eco bag, lumapit ako sa maliit pero maayos na gate. May pusa pa sa harapan na nag-stretch.
Kinabahan ako. Sana maling bahay.
Tok. Tok.
Bumukas ang pinto.
At ang una kong nakita?
Bare chest. Hoodie-less. Smiling.
Wait—wait, wait, wait.
“Uy, ikaw ‘yung camera girl!” bati niya.
WHAT?!
Mukhang si Rocky pero... mas palabiro ang vibes. Mas animated.
Ngumiti siya. “Ako nga pala si Ricky. Twin ni Rocky. Welcome sa kuta namin.”
Norlyn
Twin?
As in... dalawang Rocky?!
Bakit walang nagsabi sa’kin?!
Bakit biglang may bonus character?!
Nakita kong may lalaking dumaan sa loob, papuntang kusina.
“Ricky, sinong kausap mo—?”
Lumabas si Rocky. Hoodie-less din. Basang-basa ng tubig ang buhok, galing banyo ata.
At kaming tatlo?
Nagtitigan.
Ako, nag-freeze.
Si Rocky, nagulat.
Si Ricky, tumawa lang.
“Oh wow. Plot twist,” ani Ricky habang nagkakape. “Magka-partner pala kayo ni kuya.”
Rocky:
Great.
Kakagaling ko lang sa ligo.
Wala pa akong idea na may bisita.
At hindi ko inaasahan na si Norlyn pala ‘yon.
“Uhm…” sabi ko habang tinatakpan ang sarili ko ng tuwalya sa balikat. “Bakit ka—?”
“Huwag ka mag-alala, hindi ako namamahiya ng topless,” sagot niya, sabay bitaw sa eco bag. “Bigay ng Papa ko ‘yan. Grocery.”
“Thanks.”
Tahimik kami saglit. Hanggang…
“So…” panira ni Ricky. “Pupunta ba siya dito para sa project niyo, o para sa amin ni Rocky?”
“Hoy,” sabay sabunot ni Rocky sa kanya. “Tumigil ka d’yan.”
Norlyn (Internal)
OMG.
Nagulantang ako sa lahat ng ito.
Una, nagka-partner ako sa lalaking inis ako.
Pangalawa, may kakambal pala siya?!
At pangatlo—why do they both look like they walked out of a drama series?
This project… is going to be anything but normal.
– itsredhook:
👀 From hallway bump to twinning surprise?!
🎭 Will Norlyn survive the Martinez duo?
💡 Next Chapter: “First Moves” – let the project (and tension) begin.