Norlyn
“Kung pwede lang i-drop yung responsibilities, matagal ko na ‘tong ginawa.”
Hawak ko ang clipboard sa kaliwa at DSLR camera sa kanan habang nilalakad ang pasilyo ng main building. Nagsusulat ako ng last-minute notes habang nagra-rant kay Theo, ang bestfriend kong volleyball player at human extension ng gossip corner.
“Promise, kung hindi lang kailangan ng student council ‘tong activity na ‘to, matagal na akong nag-resign. Nakakapagod maging president.”
“Besh, you say that every week,” sagot ni Theo habang nakasabit ang braso niya sa akin. “Pero you love it. Admit it. You love the chaos, the power, the—”
BAM!
Nabitawan ko ang clipboard.
Lumipad ang ilan sa mga papel.
At may tumama sa balikat ko — o ako yata ang bumangga.
Sht. May nabangga ako.*
Agad akong yumuko para pulutin ang kalat.
“Sorry!” mabilis kong sabi. “Hindi ko—”
“Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo.”
Bigla akong napatingin pataas.
Isang lalaking naka-hoodie, may earphones sa leeg, at malamig ang tingin.
Matangkad. Tahimik. Hindi ko kilala.
“Sino ‘to?”
Napatigil ako. Ilang segundong natahimik.
Ang lakas ng t***k ng dibdib ko, pero hindi dahil sa kilig—
kundi sa inis.
“Excuse me? Ikaw na nga ‘tong sinabayan ko ng balikat, ikaw pa 'tong may attitude?”
Napakunot ang noo ko habang pinupulot ang huling papel.
“Hindi ako may attitude. Naglalakad lang ako ng tahimik. Ikaw ang sumugod.”
“Hindi ko sinasadya—”
“Exactly. So next time, maging aware ka.”
At tumalikod na siya. Naglakad palayo na parang walang nangyari.
---
“Besh... OH. MY. GOSH.”
Bulalas ni Theo habang tinutulungan akong pulutin ang mga papel. “Sino ‘yon? Hindi ko siya kilala. Fresh face alert!”
“Wala akong idea,” sabay hawi ko ng buhok ko, naiirita pa rin. “Pero rude siya. As in, level 100.”
“Pero gwapo, in fairness,” bulong niya. “Yung tipong mysterious na mapapa-question ka kung may trust issues ba siya or ex-girlfriend trauma.”
“Wala akong pake sa trauma niya. Basta ang alam ko, ayoko sa kanya.”
“Which means, ikaw ang mauuna sa love-hate trope,” sabay tawa ni Theo.
Umirap ako. “Baka siya lang ang una kong iwasan this year.”
Pero habang naglalakad kami palayo, hindi ko maiwasang sulyapan siya.
Naka-upo na siya sa dulo ng hallway bench. Nakayuko. Nakasandal. Nakasaksak ulit ang earphones.
Tahimik lang siya. Pero parang may binubuhat.
And that’s when it hit me.
Something about him feels... heavy.
And I don't know why... but I suddenly want to figure him out.
-itsredhook:
Hi readers! 🌸 Thank you for reading Chapter 1 ng "Checkmate: My Heart"!
Kamusta ang first encounter ni Norlyn at RJ? 👀 Kilig ba or inis muna?