Norlyn
What. The. Heck.
Kapasok pa lang namin ni Theo sa classroom, bumungad agad sa'kin ang hindi inaasahang tao ng araw - si Hoodie Boy.
Nando'n siya, kalmado, tahimik, parang walang ibang mundo kundi 'yung notebook sa harapan niya. Pero ako?
Ako itong hindi mapakali.
"Uy, girl. Ayun na naman 'yung hoodie boy na nabangga mo kanina," bulong ni Theo habang nakadikit pa sa 'kin. "Sure ako siya 'yon."
"Obviously," iritadong sagot ko habang dumiretso kami sa upuan. "At hindi man lang nagsabi ng sorry."
"Eh 'di siya na si Mr. Mysterious na snob," sabay tawa ni Theo.
"Mr. Mysterious My Foot," sabay upo ko at pakpak ng hangin sa notebook ko. "Kung ako lang ang masusunod, hindi ko siya kaklase."
"Wait lang-classmate mo?"
Tumango ako, pilit pa ring hindi tumitingin sa direksyon niya. Pero peripheral vision ko? 'Di makapagsinungaling.
Nando'n siya. Nakaupo. Nakasandal. Parang wala lang nangyari.
Grabe. Wala man lang bahid ng guilt na muntik na akong mapaluhod sa hallway kanina.
Rocky
Napansin kong dumating sila.
Yung babae... siya 'yung nabangga ko. 'Yung may camera. 'Yung ang lakas ng energy. Pero ngayon, obvious na inis siya.
Pasado sa'kin ang tingin niya, pero hindi direktang nakatingin. 'Yung parang gusto mong i-avoid, pero hindi mo rin maiwasan.
Typical.
Lahat ng tao dito may first impression. Lahat mabilis humusga.
I get it - na-bad trip siya. Pero hindi rin naman ako nagustuhan sa unang tingin. So quits lang.
Nag-adjust ako ng upo at pinagpatuloy ang pagsusulat sa notes ko.
Tahimik lang.
Mas mabuti nang ganito.
Kristen Hao
Wait. Bago 'to.
Pagkapasok ko ng room, agad akong napahinto.
OMG.
Sino 'yung guy na 'yon?
Hoodie. Headphones. Suplado vibes. Serious face.
Literal na dream boy ko from every story I read online.
Tumabi ako kay Lloyd na abala sa laptop niya.
"Uy, kilala mo 'yon?"
"Yung nakaitim? Hindi eh. Baka transfer."
Napangiti ako. YES.
Wala pang may idea.
Wala pang may "claims."
Kaya excuse me, girls... una akong magkaka-interest sa kanya.
Lloyd Cruz
I swear, kakaiba ang energy ng classroom ngayon.
Parang may bagyong dumarating, pero hindi mo pa ramdam. May mga tinginan, may tensyon, at si Kristen? All eyes sa bagong mukha.
Tumingin ako kay Norlyn - tahimik. Hindi normal 'yon. Usually si Norlyn ang kauna-unahang magtanong kung sino ang bago. Pero ngayon?
Inis ang aura niya.
Hmm... interesting.
Miss Faye (Adviser)
"Good morning, class. We have a new student joining us this semester."
Tumayo ang lalaking naka-hoodie.
Tahimik. Walang reaksyon.
"Rocky John Martinez. You can call me RJ."
At 'yun lang. Umupo na ulit. Wala nang extra.
Norlyn
Rocky John Martinez.
So may pangalan pala siya. At may mukha.
Hindi ko mapigilan ang mapangiwi.
May part sa'kin na gusto ko siyang kausapin, tapos sabihan ng, "Next time, tumingin-tingin ka naman."
Pero wala akong energy.
At ayoko rin ng drama.
"Besh, okay ka lang?" tanong ni Theo sa tabi ko.
"Hindi," sagot ko. "Classmate ko 'yung walking hoodie incident."
Natawa siya. "At least gwapo."
"Ewan. Hindi kasi ako nabubuhay sa itsura lang," sabay buntong-hininga ko. "Misteryoso nga, pero rude pa rin."
Rocky (internal)
Naririnig ko ang bulungan nila.
Hindi nila alam na ako 'yung nabangga niya.
At mas okay nang gano'n.
The less they know, the better.
Mas madali ang tahimik.
Mas safe ang walang connection.
Pero kahit pilitin kong umiwas, hindi ko maalis ang presensya niya sa tabi ko. Lalo na't ang lakas ng boses ng inis niya, kahit hindi siya nagsasalita.
Great. Welcome to my new section.
-Redhook:
Inis na inis si Norlyn. Tahimik si Rocky.
At si Kristen? Mukhang unang crush sa section!
Sino ang magbabanggaan sa feelings?