Madaming masaya nung nakabalik na si Rain sa school. Magaling na yung balikat nito at makakasabay ko na ulit ito sa pagpasok. Hindi ko nga ginamit yung motor ko dahil sa kanya ako sumabay. Katabi ko naman na si Rain tahimik lang siya habang yung iba namin kaklase ay ang gugulo. " Rain! Masayang masaya kami na nakapasok ka na ulit. Diba, boys!?" Wika ni Gian. " Tama!" Masiglang sagot ng mga ito. Natawa lang si Rain sa kanila. " Thank you sa concerned ninyong lahat." " Ikaw kasi yung sunshine sa klase natin. Gumaganda kasi ang paligid kapag nakikita ka namin. Dati kasi ang panget ng---" " Oh oh oh! Ano!? Sinasabi mo pangit kami!?" Nag react naman agad si Gelay sa sinabi iyon ni Charles kaya hindi nito natapos ang sasabihin nito. " May sinabi ba kami!? Lahat kayo magaganda para sa amin

