Nagmukmok ako sa kwarto ko. Pinili ko mapag-isa. Ayoko makita nila kung gaano ako nasaktan sa pag-alis ni Rain. Ang dami kong tanong sa sarili ko kung bakit niya ako nagawang saktan ng ganito? Hindi ba ako worthy para mahalin at pinili niya akong iwan? Hindi ko mapigilan hindi umiyak ng umiyak. Iyon lang magagawa ko ngayon ang umiyak. Sinusubukan ko tawagan ito pero hindi ko na siya ma contact. Hindi niya alam kung gaano niya ako nasasaktan ngayon. Naninikip pa din ang puso ko sa sobrang sakit. Natigilan ako ng mag beep yung phone ko. Nagmadali ako tiningnan iyon. Ganun na lang ang excitement ko ng makita ko nag text sa akin si Rain. ' I'm sorry.' Iyon lang ang text niya. Naiyak ako sa nabasa ko parang binagsakan ako ng balde na puno ng yelo na namamanhid ang buong katawan ko upang hu

