Pagkadating namin sa bahay na talagang nagpuyat sila para hintayin ako umuwi pero ang akala ko sesermonan kami ay nauwi sa mahigpit na yakapan ng makita nila si Rain ang kasama ko umuwi. Lalo na si tita mommy humagulgol ng makita si Rain. " Bakit di mo sinabi na uuwi ka? Edi sana sinundo ka namin sa airport." Naluluha pa din si tita mommy. " Gusto ko kasi kayo surprisahin pero may dinaanan lang kami ni Celine kaya kami late nakauwi. " Ano ba kasi ginawa mo sa Brazil?" Kulang na lang paloin siya ni tita mommy sa puwet sa pagiging pasaway na anak. " Wag kang magalit kay Dad." " Rain?" Mukang may ideya na ito sa tono palang ng boses nito. " No..." " I already accepted it, Mom." " No No No..." Hindi nito matanggap ang naging desisyon iyon ni Rain. " It's okay, Mom." " Anak, I want yo

