Pagkatapos ng duty namin ngayon ay ititreat daw nila kami sa isang KTV bar dahil sa maganda daw yung performance namin at ito na din yung last day namin sa Monte Carlo at tapos yung OJT namin. Sabi sa amin ni Sir Max na head ng accounting department na maganda daw ibibigay niya sa amin na grades. Excited naman kami syempre first time namin ito. Naghahanda na kami para sa pagpunta namin sa KTV Bar. " Sasama ako sa inyo!" Akbay sa akin ni Banjo. Medyo nagulat ako sa biglaang pagsulpot nito sa tabi ko. " Diba, mag KTV Bar din kayo?" Tanong ko. Iyon ang sa pagkakaalam ko pero sa ibang location ata sila. " Oo, pero mas gusto ko sumama sa inyo. Sir Max, pwede ba ako sumama sa KTV niyo?" " Oh sige, sumama ka. Walang problema." Ngiting sabi ni Sir Max. " Ang bait talaga ni Sir Max." Pala

