Hatred

4650 Words
Kumakain ako ng breakfast ng bumaba si Rain. Nakabihis na ito. " Anak, kumain ka mo na bago umalis." Yaya ni tita mommy. " Sa labas na ako kakain." " Dalhin mo na lang itong baon mo--" " I have to go." Nagmadali na ito lumabas ng bahay. Ako naman yung nasaktan para kay tita mommy sa pinapakita ni Rain. Halatang nalungkot ito. " Tita mommy, super sarap po ng niluto niyo." Gusto ko matanggal ang lungkot sa mga mata nito. " Talaga? Nga pala pinaghanda ko kayo ng baon." " Wow! Thanks tita mommy. The best talaga kayo!" Napangiti naman siya sa sinabi ko. Solve na ako makita lang nakangiti si Tita mommy kahit papaano. " Ikaw talaga bata ka." " Tita mommy, ako na po magbibigay ng baon ni Rain." " S-Sigurado ka?" " Opo! Tita mommy, sisiguroduhin ko kakainin niya ang luto mo." " O-h s-sige ikaw bahala." Pagkalunch break ay hinanap ko si Rain pero madalas kasi siya sa canteen kaya doon ko siya unang hinanap. Ayon, nakita ko naman siya doon. Mag isa na naman. Ilang linggo na nakalipas pero napapansin ko pa din na lagi ito nag-iisa naglalakad at kumakain. Hindi ko din naman sila masisisi kasi very intimidating yung mukha ni Rain kaya nahihiya sila mag approach dito kahit naman na madaming gustong makilala pa siya o mapalapit man lang sa kanya. " Naiwan mo yung baon mo kanina. Pinagprepared tayo ni tita mommy." Tinapunan lang niya ako saglit ng tingin. " Just take it and leave." Ang cool pa din ng pagkasabi nito. Napanganga naman ako sa sinabi nito kaya nag-abot talaga ang kilay ko kaya ang ginawa ko tinanggal ko yung headset sa tenga nito. " What the--" Galit ito nakatingin sa akin. Akala niya natatakot ako sa kanya. " Kainin mo yan dahil pinaghanda ka ng mommy mo." Pinagdiinan ko talaga. " Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" Nagsusukatan kami ng tingin. Kapwa kami pareho matapang. Sorry siya! " Sasabihin ko sa kanila na stepsister kita." Banta ko. Natawa naman ito ng mapakla. " Binablackmail mo ba ako? Well, Stepsister go ahead tell them coz I dont care." Napalunok naman ako sa hamon niyang iyon. " Hindi mo kaya diba? Kasi ang totoo, ayaw mo din malaman nila." Sige na, tama na siya ayoko din talaga malaman ng lahat na mag stepsister kami dahil ayoko maging instant celebrity. " Ah, basta! Hindi ako aalis hanggat hindi mo ito kinakain." " Bahala ka." " Bakit ba ayaw mo? Ayaw mo ba... Ikaw na nga pinaghahandaan ng mama mo." " Hindi na ako bata." " Oo, hindi na nga tayo bata pero yung thought na pinaghandaan ka ng mama mo napaka-sweet nun. Kung nabubuhay lang sana yung mama ko malamang araw-araw niya ako pinaghahandaan ng baon ko. Syempre kakainin ko yun dahil wala ng masasarap pa sa luto ng mama natin. Buti ka pa nga may mama ka pa gumagawa niyan sayo. You have to be thankful." " Ang drama mo." Bigla nitong kinuha ang baon niya. Napangiti naman ako. " Sabay na tayo." Nagmadali ako umupo. Ito yung first time na nagsabay kami maglunch sa school. Pansin ko yung napapadaan o kumakain sa canteen ay napapataas ang kilay sa akin. Ako lang naman ang tao sa school ang nakakasabay kumain kay Rain. Inggit lang. " Bakit ikaw lang mag-isa lagi? Wala ka pa bang friends dito?" Tanong ko. " Hindi ko kailangan ng kaibigan." Taray naman. Tama nga sabi ni Tita mommy very independent si Rain. " Pwede ba yun? Lahat tayo kailangan ng kaibigan noh. Nang makakausap para naman hindi bumaho yung bunganga natin." Sinamaan niya ako ng tingin. " Share ko lang naman. Ang sungit sungit mo. Sayang maganda ka pa man din." " Alam mo ang ingay-ingay mo." Sabi niya sa akin. " Kasi ang tahimik mo." Balik ko naman sa kanya. Uwian na ng makatanggap ako ng text mula kay Dad na magdidinner daw kami sa labas. Sabay na daw kami ni Rain. Tiningnan ko agad si Rain sa upuan niya pero wala na ito. Nakita ko nakalabas na ito. Nagmadali ako habulin ito kasi ang bilis niya maglakad. " Rain! Rain! Wait!" Tinatawag ko siya pero parang wala itong naririnig. Hindi naman kaya nagbingi-bingihan lang. " Raaaiiinnn!!!" Malakas na sigaw ko. Sa wakas huminto ito at nilingon ako. " What do you want?" Napakataray talaga. Hindi ako nakapagsalita kasi super hingal ko na. Naghahabol pa nga ako ng hininga. Ito naman yung stepsister ko mainipin pala kaya nagpatuloy ulit ito sa paglalakad. " Rain sandali!" Habol na naman ako. Nasa parking lot na kami sa paghahabol ko sa kanya. " Sandali lang--- Aaayyy!" Bigla ako natisod sa bato kaya napada ako. " Aaraayy..." Nagkasugat ako sa tuhod. Naiyak naman ako isipin na hindi ko nagawa yung sinabi ni Papa sa akin na magsasabay kami ni Rain pumunta sa restaurant. " Hey... Are you okay?" Inangat ko yung mukha ko at nakita ko si Rain. Tama ba ako sa nakikita ko nag-aalala siya sa akin? " s**t, may sugat ka. Bakit kasi hindi ka nag-iingat?" " Ako na nga ito napada tas ikaw pa ngayon may ganang magalit?" Pinunasan ko yung mga luha ko. " Sino ba kasi may sabi sayo habulin moko?" " Ehh, sabi kasi ni Papa kakain daw tayo sa restaurant. Sabay na tayo pumunta dun." " Kaya moko hinabol dahil lang dun?" " Hindi sa dahil lang dun. Syempre kasi... family dinner yun dapat completo tayo." " Oh, Wag ka ng umiyak para kang bata." Puna niya. " Ehh, masakit ehh." Pagdadahilan ko. " Syempre dahil nasugatan ka." Sa loob-loob ko natutuwa ako na isipin na may paki alam siya sa akin. May kinuha siya sa bulsa niya. Isa iyong panyo. " Akin na yung paa mo." " Huh? W-Wag na. Madumihan lang yung panyo mo." Sinamaan niya ako ng tingin. Tinupi niya iyon saka tinali sa tuhod ko kung saan may sugat. Hindi na lang ako pumalag pa. I can see another side of her. Mukang maalaga naman pala siya. " You can walk?" Tanong niya sa akin. " Oo naman, maliit lang ito." " Good. Dahil wala akong balak na buhatin ka." " Tss, hindi naman ako magpapabuhat sayo noh." Inirapan ko nga siya. " Mauna ka na at susunod ako sayo. Hindi ka naman pwede sumabay sa akin dahil hindi mo pwede iwanan yung scooter mo." " Sige." Sabay kami dumating ni Rain sa Teriyaki Boy na Japanese restaurant. Naka uniform pa nga kami dalawa syempre dumiretso na kami dito. Naghihintay na sa amin yung mga magulang namin. " Kanina lang po ba kayo andito?" " Hindi naman." " Buti naman na magkasabay kayo pumunta. Na paano yung tuhod mo, anak?" Tanong ni Papa. " Amh, napada po kasi ako kanina." Hindi naman kasi ako nagsisinungaling. " Mag-ingat ka next time, anak." " Gamutin natin yan pagkadating sa bahay." " Wag na po tita mommy kasi maliit lang naman po." Tanggi ko. " Hugasan mo yung sugat mo." Tumango lang ako kay tita mommy. " How's your school, baby?" Tanong ni tita mommy kay Rain. " I'm not a baby anymore, Mom." " But you're still my baby. How's your school?" Napansin ko yung pag-iwas ng tingin ni Rain. Ang tagal nitong sumagot para nga walang balak sumagot sa tanong ng nanay niya. Siniko ko nga ito sa tagiliran kaya kaya makahulugang tumingin siya sa akin. Nagsusukatan kami ng tingin pero mas dominant ako ngayon. " It's good." Maiksing sagot niya. Napangiti naman ako. Dumating na yung food namin na masarap din pala yung japanese food lalo na yung ebi tempura nila. Ang dami ko nga nakain. Lalo na si Rain ganadong ganado kumain ng ebi tempura parang paborito niya. Hula ko lang naman. " Diba baby, paborito mo itong tempura?" Tumango lang si Rain sa tanong ng nanay niya. So, tama nga ako na paborito niya talaga ang tempura. Halata din kaya. Super busog na ako. Naumay ako sa dami kong nakain na Ebi Tempura. Nang nasa bahay na kami dumiretso agad ako sa banyo para malinisan ko yung sugat ko. Maingat ko tinanggal yung panyo. Napatitig naman ako doon sa panyo. " Lalabhan ko na lang mona saka ko isasauli sa kanya." Matapos ko linisan yung sugat ko lumabas na ako ng banyo. Nagulat ako ng makita ko si Rain at mahigpit niya ako hinawakan sa braso ko. She pinned me on the wall. " A-Ano ba p-problema mo?" Hindi ba niya naririnig ang lakas ng t***k ng puso ko dahil kinakabahan ako sa weird na kinikilos niya. " You think yung ginawa mo kanina sa akin ay dominant ka na?" Galit na sabi nito pero bumaba yung tingin niya sa mga labi ko. Ang tagal niya tinititigan ang mga labi ko hanggang sa napapikit ako sa gulat ng akmang susuntokin niya ako pero sa dingding ito tumama. " Ugh!" She's frustrated. Nanginginig ako sa takot pero nilakasan ko na lang ang loob ko. " Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong ginawang masama sayo!" Iyak ko. " Ang gusto ko lang naman maging maayos yung relasyon niyo ni tita mommy. Hindi mo ba nakikita yun!?" Sumbat ko sa kanya. Natigilan lang ako ng makita ko dumudugo yung knuckles niya. " Y-Yung k-kamay mo." Bigla ito lumabas sa kwarto ko. Napabuntong hininga akong malalim. Wala ba talagang pag-asa na magkasundo kami? Nagmadali ako kinuha yung first aid kit at nagtungo sa kwarto ni Rain. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako pero alam ko kasi hindi niya gagamutin yung sugat niya. Pagkatapos kong kumatok ay pumasok na ako sa kwarto nito. Medyo madilim sa loob. Nakita ko siya nakayuko nakaupo sa kama. Lumuhod ako at kinuha yung nasaktan kamay niya. " Lalabas ako sa kwarto mo pagkatapos ko gamutin yung sugat mo." Hindi ko maiwasan hindi maiyak habang ginagamot ito. Buti na lang hindi naman siya pumalag. Pagkatapos ko gamutin ay niligpit ko na yung mga gamit saka walang salitang lumabas ako sa kwarto nito. *************************** Nasa soccer field kasi kami para sa P.E class namin. Nagtitilian naman yung mga kaklase namin ng makita paparating ang tennis team kasama na doon si Banjo na naka jersey uniform dala-dala mga rackets nila. " Celine!" Tawag sa akin ni Banjo. " Ayeeeee" Sabay sabi ng mga kaklase ko parang mga sira tinutukso nila ako lagi kay Banjo. Knowing na madami din naman talaga nagka-crush dito kasi cute naman talaga siya pero hindi ko magawang kiligin eh kasi magkakabata lang ang turingan namin ni Banjo at saka lalo hindi ako ASSUMING! Nilapitan niya ako. " Asan na si Rain?" " Bakit mo siya sa akin hinahanap? Hindi ko alam baka nasa locker area pa yun nagbibihis ng P.E uniform namin. Bakit ba may problema ba?" " Ngayon kasi yung last day ng try out ng tennis kung hindi siya makakapag try out ngayon ay hindi na siya makakasali sa team namin." " Ganun ba?" " Banjo! Halika na." Tinatawag na siya na mga ka teammates niya. " Oh sige, Celine mamaya na lang ulit." " Okay." ' Ang sabi lang niya I don't want to play anymore. But I know, She loves to play tennis.' Pumasok agad sa isip ko ang sinabi ni tita mommy. " Jelay, sabihin mo kay Miss na masama yung pakiramdam ko." " Huh!? Masama pakiramdam mo? Samahan na kita sa clinic." Nag-alala agad ito. " Syempre hindi totoo yun, okay ako." " Saan ka ba pupunta?" " Uuwi mona ako saglit ng bahay dahil may importante akong kukunin. Basta kayo na lang bahala ni Mich magsabi kay Miss." Paliwanag ko. " O-Oh sige." Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Nagmadali ako umuwi ng bahay kasi medyo malapit lang din naman yung bahay namin sa school para kunin yung tennis racket ni Rain na itinago ko sa kwarto ko. Lakad takbo yung ginawa ko. May oras pa naman pero hindi na nga ako nakapasok sa P.E namin. Gusto ko talaga na maka try out si Rain at hindi ko pa alam kung mapapayag ko siya pero gusto kong subukan. Super hingal ko ng dumating ako sa classroom. Hinanap agad ng mga mata ko si Rain. As usual nasa kanyang upuan lang siya. Lumapit ako sa kanya. " Okay naman na yung kamay mo diba?" She looks at me clueless. Inabot ko yung racket niya. Tiningnan naman niya ako parang nagulat pa siya. " T-This is my..." She looks puzzled. " Ngayon ang last day ng try out ng tennis team kaya sige na mag try out ka na." Sabi ko. " How did you get it?" She still surprise. " Sa condo mo nung kinuha namin ni tita mommy yung mga ibang gamit mo." Mahina ko lang iyon sinabi yung tama lang na marinig niya kasi andito yung ibang mga kaklase namin. " Hindi ba halata na ayoko sumali sa tennis team na yan?" " Bakit ba!? Ang galing galing mo kaya maglaro saka nag absent ako diyan para kunin yung raketa mo." " Sino ba magsabi sayo na gawin mo yun?" Napakatigas talaga ng babaeng ito. " Oh sige, kapag sinubukan mo mag try out. Lahat ng gusto mo gagawin ko." Napataas ang kilay nito at ngumiti ng pilya. " Ayy! Mali pala..." I cover my mouth. Pinagsisihan ko tuloy yung sinabi ko. " Okay." Tumayo ito saka palabas na siya ng pintoan. ' So, Papayag siya? Kasi nga nagpa offer ka. Yan! Ihanda mona yung sarili mo.' Sabi ng mahaderang utak ko. " Sasama ka ba o hindi?" No emotion na sabi nito. Natigil lang ako sa pag-iisip ko ng magsalita ito. " Sama ako. Sama din kayo." Hinablot ko yung dalawa sila Jelay at Mich. Pagkadating namin sa tennis court ay agad siya pinagtitinginan ng mga sumali sa try out. Pinag-uusapan agad siya ng mga ito. May mga manonood din at medyo madami din yung nag try out. May mga paghanga sa mga mata nila kay Rain. " Dela Merced! Buti dumating ka." Nilapitan agad siya ni Coach Tan. Halata sa mukha ng coach na nagagalak ito makita si Rain. Umupo kami sa pangatlong bench. Hindi na nag try out si Banjo kasi part na siya ng tennis team. Nasa sideline lang ito at kumaway ng makita ako. Sasalang agad si Rain sa try out. Wala man lang warm up. Si coach Tan ata ang ka match niya. A part of me gusto na makita kung paano maglaro si Rain ng tennis kung gaano ito galing gaya ng mga sinasabi ng iba. " Gooo Rain!" Biglang cheer ni Jelay. Kapal din ng mukha nito. " Oyy cheer mo naman yung stepsister mo." Dagdag pa nito. " Ayoko nga." Nakakahiya kaya iyon. Pumito na yung umpire. Magseserve si Coach Tan. Pagkaserve nito ay mabilis na naibalik ni Rain ang bola sa kabila na hindi nahabol ni Coach. " Woah!" Sa kanya agad yung first point. Pumalakpak naman kami. Nung time na mag serve na si Ares. Pinapatalbog talbog pa niya yung bola saka nito hinagis sa taas at pinalo niya iyon ng napakalakas kaya pagdating doon sa kabilang court super bilis halos hindi mo alam kung saan pupunta ang bola dahilan na hindi iyon nakuha ni Coach Tan. Napakamot lang ito sa ulo. Habang pinagmamasdan ko si Rain na naglalaro her facial expression was so serious. Bawat pagpalo niya ng bola alam mo yung may galit at hinanakit. Hindi mo siya nakikitaan na nag-eenjoy sa paglalaro. Kaya nalulungkot ako. Nanalo si Rain sa laro nila ni Coach. Super papuri ang natatanggap niya dito. Humanga din sa kanya yung mga nakapanood. " Hooo! Classmate namin yan!" Sigaw ni Jelay at Mich kaya napatingin sa amin ang lahat. Napayuko naman ako sa kahihiyan. Kapal ng mga mukha nito. " Celine, maging proud ka naman." Sabi sa akin ni Jelay. " Tara na nga..." Nauna na ako lumabas ng tennis court. Sumunod naman sila sa akin para bumalik sa classroom. Hindi ako mapakali dito sa kwarto kasi naman kinakabahan ako sa ipapagawa sa akin ni Rain. " Bakit ba kasi naiisip mo pa iyon?" Sermon ko sa sarili ko. Pumasok ako sa kwarto nito. " May kailangan ka ba?" Cool lang ito. " Y-Yung usapan natin kanina na kapag nag try out ka gagawin ko yung gusto mo. Heto, ready na ako." " Ah, Oo nga pala. Gagawin mo pala yung gusto ko." Napalunok naman ako sa kaba dahil sa tono palang ng boses niya parang may balak siyang hindi maganda. ' Celine, you have to be strong. Kaya mo yan. Pagsubok lang ito sa buhay mo ang makasama ang brat na ito.' " P-Pero isang beses lang." Paalala ko sa kanya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Naiinip na ako kasi nagpapasuspense pa kasi ito. " Hmm, sasabihin ko na lang sayo." " Huh? A-Ano?" " Hindi pa kita sisilingin ngayon. Kailangan ko pa kasi pag-isipan yung gusto ko." " Ano ka ba? Ngayon na! Ready na ako oh!" " Wala pa akong naiisip eh." " Ang dami-dami diyan pwede naman magluto ako para sayo." " Masyadong madali yun." Aba! Napanganga ako dahil hindi ako makapaniwala. Talagang may balak siyang pahirapan ako. Buwisit talaga siya! Nahagip naman ng mga mata ko yung konting pagngiti niya. Nagagalak bigla ang puso ko sa pa teaser na ngiti niyang iyon. Syempre hindi mo ito makikitang ngumiti. Napansin naman ni Rain na nakatitig ako sa kanya. " Ano!? Labas ka na." Napasimangot naman ako. Nagtataray na naman po siya. " May tanong ako sayo." Wala siyang reaction nagpatuloy lang ito sa pagbabasa. " May galit ka ba sa mundo? Kasi... magaling ka naman maglaro kanina kaso... hindi ka naman nag-eenjoy." Napaitlag naman ako ng bigla nito sinarado ang binabasang libro. Bumuntong hininga ito ng malalim. Ihanda mona yung sarili mo Celine dahil magtataray na naman po siya. " Matutulog na ako kaya lumabas ka na." Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. " O-Okay, g-good night." Tumakbo palabas ng kwarto ni Rain. Hindi ako makatulog kasi hindi mawala sa isip ko si Rain. Napakamisteryosa kasi ng dating nito. Ang hirap niyang ipuzzle dahil sa kapal ng wall na tinayo nito pero ang masilayan lang yung konting ngiti na iyon parang mas gusto ko pa ito kilalanin. Matulog ka na Celine baka pumasok sa panaginip ang Brat na Rain na iyon. Wag naman sana! Baka sana panaginip nagtataray na naman ito. **************************** Sinauli ko lang yung libro hiniram ko sa library sa kabilang building nang makita ko si Rain na sumakay ng kanyang kotse. " Hindi ba siya papasok? Saan naman kaya siya pupunta?" Mabilis ako nagtago sa isang malaking halaman ng dumaan ang kotse nito. Nagmadali din ako sumakay sa scooter at isinuot ang helmet ko para sundan ito. Hindi pwede masayang lang ang pera ng mga magulang namin kung hindi siya magtitino. Hindi naman sa pinapakialaman ko siya kaya lang concern ako sa kanya. Ayoko kako siya mapahamak dahil mag-aaway na naman sila ni tita mommy. Huminto sa isang establishemento at lumabas sa sasakyan. Pumasok ito sa loob. Pinark ko yung scooter ko. " Fun out bar?" Basa ko. Napaka rebelde talaga itong kapatid ko. Magbabar siya ng ganitong kaaga!? Akmamg papasok na ako sa loob pero bigla ako hinarang ng isang bouncer sa bar. " Minor ka, hindi ka pwede dito." Sabi sa akin ni kuya na super laki ng katawan. " Ehh, mag e-eighteen na po ako." Sabi ko. " Ngayon taon?" Striktong tanong nito. " Sa susunod na taon po, advance po kasi ako mag-isip." " Pinagloloko mo talaga akong bata ka. Hindi pwede... umuwi ka na hinahanap ka ng nanay mo." Nainsulto naman ako nun. " Sandali kuya... pero bakit niyo po pinapasok yung kapatid ko?" " Sinong kapatid mo?" " Si... Rain yung kakapasok lang kanina." Bigla ako tiningnan ni kuya bouncer mula ulo hanggang paa. Agad naman ako napatakip sa katawan ko. " Kapatid mo si Rain Dela Merced? Sinong pinagloloko mo?" Natatawa ito. Ganun ba talaga ako ka panget? " Aray! Grabe ka naman kuya... Oo, hindi talaga kami magkamukha dahil Stepsister ko po siya." " Ineng, umuwi ka na sa inyo." Hindi pwede umuwi ako hindi ko kasama si Rain. " Gusto niyo ba na ireport ko kayo sa Police dahil yung stepsister ko ay seventeen palang pero pinapasok niyo sa bar at sa oras pa ng klase. Sige kayo, masasara itong bar na pinagtatrabahoan niyo at mawawalan pa kayo ng trabaho." Pagte-threatened ko kuya bouncer na mukhang kinabahan naman. " Oh siya! Pumasok ka na." Na badtrip si kuya wala siyang choice ehh. " Yes! Thank you, kuya." Ngiti ko. Naisahan ko naman si kuya bouncer makapasok lang ako ay nagawa ko talaga. Proud na proud tuloy ako sa sarili ko. Super lakas ng music kung ano ka init ng araw sa labas ay kabaliktaran naman dito sa loob parang gabi na talaga pero madami din talaga dito nagbabar. Saan ko naman ngayon hahanapin si Rain? " Miss... drink?" May nag offer sa akin waiter. " N-No." Tinanggihan ko talaga kasi hindi talaga ako umiinom at never pa ako uminom. May nakikitang ako mga foreigners dito na kasama mga pinay na syota nila. May naghahalikan doon sa may tabi pero walang paki alam ang mga tao dito. Saan ko ba siya unang hahanapin? " Miss... may kasama ka ba?" Nagulat ako ng may umakbay sa akin na lalaki. " Pwede ba kitang isayaw?" Natakot ako kaya agad ako lumayo dito at tumakbo sa taas. May second floor naman kasi yung bar. Medyo tahimik dito siguro naman hindi na ako susundan ng lalaking manyakis na iyon. " Ahh!!!" Tumingkad naman yung tenga ko sa narinig kong sigaw pamilyar sa akin ang boses na iyon. Napalinga-linga ako sa paligid ko. Andito lang sa paligid si Rain. " Ano!? Wag ako!" " Babe, tama na." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko si Rain na sa sahig at inaapakan nung babae yung kamay niya kaya namimilipit ito sa sakit. " Rain!" Tumakbo ako palapit dito. " Tama na!" Tinulak ko yung babae parang pokpok. Sinamaan ko nga itong nang tingin. " Rain..." " Ahh..." Namimilipit pa din ito sa sakit sa ginawang pag-apak nung babae sa kamay niya. " Ano bang problema mo!?" Tinulak ko yung babae at pa galit na tanong ko. " Pagsabihan mo yang kasama mo na wag niyang akitin ang boyfriend ko." " Paano mo masasabi na inaakit nga ng kapatid ko yang boyfriend mo? Yan!? Aakitin ng kapatid ko tumingin ka kaya sa salamin. Ehh, mukha yang kulogo!" Bigla ako nasampal nung babae. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasampal. "Anong sabi mo!?" Galit na galit ito na parang pusa na kakalmutin ako kundi lang siya pinipigilan ng boyfriend niya. " Masyado maganda yung kapatid ko para patulan niya yung boyfriend mo na kahit ako hindi ko papatulan noh!" Sabi ko. " Anong kagulohan ito!?" Dumating si Kuya bouncer. " Ikaw na naman!?" Sabi nito ng makita ako. " Kuya, sila yung nanggugulo ehh. Alam mo ba kung gaano kahalaga yung kamay niya na inapakan mo!? Pwede kita ipakulong!" Pagbabanta ko dito. " Bagay lang sa kanya iyon. Malandi kasi! Kulang pa nga yan ehh. Gusto ko baliin yung kamay niya hanggang sa madurog." Ako ay natakot sa banta nung babae kay Rain. " Anong sabi mo!?" Susugorin ko sana ito para sabunotan talagang nanggigil ako. " Enough." Natigil lang ako ng hawakan ni Rain ang kamay ko kaya medyo kumalma na ako. Inalalayan ko itong tumayo. " Let's go home." Sabi nito. Inakay ko si Rain pababa ng hagdan. Medyo nakainom na din pala ito pero kaya pa naman nito tumayo at maglakad. Hanggang sa lumabas kami dun sa bar. " Kaya mo ba magmaneho?" Tanong ko dito. " Shocks, bakit ko pa ba tinatanong masakit nga pala kamay mo." " Umuwi ka na." Sabi niya sa akin. " Ano!?" " Bingi ka ba? Sabi ko umuwi ka na." Umupo ito sa may hagdanan ng bar. Mas malinaw na yung mukha niya ngayon na may sugat ito sa may gilid ng labi at mapula yung pisngi nito. Siguro sinampal siya nung babaeng na parang pokpok. " Hindi ako bingi at hindi ako uuwi hanggat hindi kita kasama. Tiningnan mo nga yung sarili mo ngayon. Bakit lagi mo pinapahamak ang sarili mo!?" Sigaw ko dito. " Hey! Sinisigawan mo ba ako!?" Sita niya sa akin. " Oo! Dahil ang sama-sama mo!" Sa taas ng emosyon hindi ko napigilan ang umiyak. " Bakit gustong-gusto mong pinag-aalala ang mga taong nagmamahal sayo!? Wag ka naman selfish!" Hikbi ko. Wala akong paki alam kung pinagtitinginan na ako ng iba. Rain was stand. She looks surprised na makita niya ako umiyak. Pinakalma ko yung sarili ko. " Tayo na, uwi na tayo." Yaya ko sa kanya na parang walang nangyaring kadramahan ko. " I can't drive. Can't you see?" Kumalma na din ito. " Edi, umangkas ka sa akin." Kinuha ko yung motor ko. Sinuot ko yung helmet ko. " Halika ka na, pasensya ka na wala kasi ako extra helmet." Tumayo na ito sa pagkakaupo at inopen yung trunk ng kotse niya saka lumapit sa akin may dala na siyang helmet at sinuot iyon. " Kumapit ka sa damit ko." Sabi ko. Nanlaki yung mga mata ko na hindi ko inasahan na yayakap siya sa bewang ko parang bigla ako kinabahan. " Hindi pa ba tayo aalis?" Back to earth Celine. Na mental black kasi ako. " U-Uuwi na tayo." Nilisan na namin yung bar. Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ito sa kwarto. Napabuntong hininga na lang ako kasi iniisip ko paano ko kaya mapapatino yung kapatid ko. May concerned din naman ako sa kanya kasi kahit naman na anong gawin niya o kahit ayaw niya sa akin. Wala akong magagawa dahil stepsister ko siya at iisang pamilya na kami. Tok~Tok Walang sumasagot pero pumasok pa din ako sa kwarto nito may dalang coffee. Always hindi naman ito naka-locked. Nag-alala kasi ako dahil sa kamay niya inapakan nung babae halata kasi nasaktan siya. " Who told you to come in?" Tinarayan niya agad ako. " Pinagtimpla kita ng coffee." Tinanggap niya yung coffee pero hindi ito nagpasalamat hindi naman ako nag expect. Knowing her, hirap ata ito magsabi ng thank you. " Baka naman may lason ito." " Grabe ka! Kung gusto kitang lasonin matagal ko sana ginawa iyon. Ang dami ko kayang pagkakataon." Sinakyan ko naman yung pang-aasar niya. " Pero wag ka, masyado akong mabait kahit super maldita mo." " Ano!?" Sinamaan niya ako ng tingin. " Yan! Yan! Mga ganyan mong yan! Mabilis mag-init ang ulo mo pwede chill ka mona?" " Ewan ko sayo." Irap niya sa akin. " Okay lang ba yung kamay mo? Gusto mo samahan na kita pumunta sa hospital para ma check yung kamay mo baka ma injury yan." " I'm fine." " Kung hindi mo lang talaga ako pinigilan kanina malamang wala na yung buhok ang babaeng iyon!" Nanggigil pa din ako. Then I heard Rain's laugh. Parang huminto yung oras ng tumawa ito. She's laugh! I think my heart is melting. Napakaaliwalas ng mukha niya yung napapangiti ka na din. " Alam mo lalo ka gumaganda kapag tumatawa ka." Pinuri ko siya. " Ehem." She clears her throat at bumalik sa seryosong mukha niya na realized niya siguro na tumatawa na pala siya sa harap ko. " Wag kang mag-aalala hindi ko sasabihin kay tita mommy ang nangyari." " You don't have to do that." She's acting cold. " Alam ko, pero sinasabi ko lang sayo." Lalabas na ako sa kwarto nito. " Bakit ba ang bait bait mo sa akin?Hindi naman ako mabait sayo." Natigilan naman ako at nilingon ko ito sa tanong niya sa akin. " Dahil pamilya tayo. Ayoko malungkot si tita mommy at... concern ako sayo. Okay na ba yun sayo?" Napansin ko ang pagbago ng expression ng mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD