Kumakain kami ng breakfast maliban na lang kay Rain. Never naman iyon sumabay sa amin.
Napatingin naman ako ng bumaba ito.
" Good morning, anak." Bati ni tita mommy.
" Good morning." Napataas yung isang kilay ko ng mag respond ito.
" Halika ka, kain ka." Niyaya pa din siya ng mama niya kahit na yung anak niya hindi naman nito na appreciate.
Napalingon ako ng bigla ito tumabi sa akin. Wait! Joke ba ito? Sasabay siya mag breakfast sa amin? Hindi ata ako makapaniwala.
" Ang ganda ata ng gising mo?" Bulong ko dito.
" Dahil sayo?" Sarcastic na sabi nito. Inirapan ko nga siya.
Pagkatapos ko mag breakfast ay na momorblema ako sa scooter ko. Nakita ko kasi may pako sa gulong.
" What's the matter?" Si Rain.
" Ngayon ko lang kasi napansin na nakaapak pala yung gulong ng pako. Pag-uwi ko na lang dadalhin ito sa talyer."
" Sumabay ka na sa akin." Presenta nito na hindi ko lubos hinasahan.
" Huh?" Medyo hindi pa nag process yung sinabi niya sa utak ko.
" Ano ba gusto mo ang sumabay sa akin o ma late?" Striktang sabi nito.
Napangiti ako kasi niyaya niya ako sumabay sa kotse niya. Choosy pa ba ako? Hindi ako pwede ma late dahil may quiz kami sa first subject namin.
Pumasok na ako sa kotse nito na parang na eexcite ako kasi first time ko makakasakay ng BMW. Super cool! Lalo na yung driver.
" Please fasten your seatbelt."
" Ah. O-Oo." Nakalimutan ko pa.
Napatingin naman ako sa kanya na nagsuot ng rayband glasses saka pinaandar na ang kotse.
Habang nasa biyahe ay nagbabasa na lang mona ako ng notes ko. Hindi naman kasi ako kinakausap ng isa dito.
" Sinabi nga pala ni Mom sa akin na turuan ka magmaneho ng kotse."
" Huh!? Amh... o-okay lang kung h-hindi." Nahihiya talaga ako.
" I will teach you."
" Huh!?" Mas lalo ako nagugulat. " S-Sige." May kakaiba talaga kay Rain ngayon parang bumabait na siya sa akin o baka naman maganda lang yung mood niya. I wonder!?
Hays! Celine wag kang umasa dahil hindi mo alam ang timpla ng mood niya bukas at hindi ka tuturuan.
Pagkadating namin sa school ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto. She's acting a gentlewoman. She's gentlewoman naman talaga at caring din.
" S-Salamat."
Nahihiwagaan na talaga ako sa kinikilos nito.
Iba naman kung makatingin yung ma ngilan-ngilan na estudyante sa akin dahil ba magkasabay kami ni Rain?
Paki ba nila! Parang ang pangit pangit ko ba na bawal sumabay kay Rain. Lamang lang naman ito ng isang paligo sa akin.
Andito kami sa tennis court manonood kami ng pre game. Ang mananalo daw ay magrerepresent sa school para sa Palarong Pambansa kasi isa lang dapat. Male or female tennis pa yan kailangan may isa sa kanila ang manalo. So, hindi official na lalaki ba o babae ang magrerepresent sa school namin.
May top two choice na kasi ang school hindi ko lang alam kung sino iyon pero yung isa sure na ako si Banjo kasi last year siya din kasi. Natalo niya lahat ng mga ka teammates niya noon.
Nakita ko sa sideline si Rain wearing her black tennis attire. Siya kaya ang isa sa mga pagpipilian? Base sa mga nakalap ko na inpormasyon galing sa google ilang beses na ito nanalo sa Palarong Pambansa kahit nung first time niya sumali ay nanalo agad ito.
First time ito nangyari na madami manonood puno nga ang bleacher. Malamang si Rain ang inaabangan ng mga lalaki dito.
" Hindi pa ba magsisimula?" Reklamo ni Jelay.
" Napaka mainipin mo naman. Wait ka nga lang." sabi ni Mich.
Tahimik lang ako dito at nakita ko tumayo na si Banjo nag stretching na.
Mas curious ako kung sino ang makakalaban nito. Naririnig ko ang mga bulongan ng mga tao sa likod namin na baka si Rain nga. Napakunot ang noo ko ng mapansin ang coach ng tennis team na kinausap si Rain. Mukang nagtatalo ang dalawa pero sa huli din ay tumayo si Rain halata ang di pag ka gusto.
So, Si Rain ang makakalaban ni Banjo ngayon taon.
Nagsisigawan ang lahat. Si coach ang nagsisilbing umpire mona.
" Bess, Sino gusto mong manalo sa kanila?" Tanong ni Mich.
" Huh?"
" Your childhood best friend or your wicked stepsister?" Natatawang sabi ni Jelay.
Napaangat naman ang isang kilay ko. " May ganun talaga?"
" Syempre si Banjo diba?" Hindi na lang ako nagsalita kasi yung totoo gusto ko si Rain yung manalo kasi gusto ko bumalik yung passion niya sa paglalaro ng kanyang paboritong laro.
Pumito na yung umpire tanda na magsisimula na yung laro.
Unang nag serve si Banjo. Ang lakas nung serve nito at ang bilis pa pero mabilis din gumalaw si Rain para mahabol iyong bola at dobleng bilis binalik nito sa kabilang court.
Napapansin ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Pareho silang may iba't-ibang lakas at bilis pero si Rain iba lang yung IQ niya sa tennis kasi aminin na natin iba naman yung lakas talaga ng lalaki pero hindi iyon naging problema ni Rain kasi dinadaan niya sa pautakan yung laro. Mahahanga ka niya sa IQ niya sa tennis.
Pero... humihina yung tira ni Rain pinapagpag na nga niya yung balikat niya. Yung frustration ng mukha niya very visible. Hindi ko lang maintindihan parang may mali sa kanya.
Pero yun na nga...
Napatayo ako ng bumigay yung tuhod ni Rain matapos hindi mahabol yung bola at matalo sa laban nila ni Banjo.
Lumapit ang lahat ng teammates nila para batiin si Banjo sa pagkapanalo nito. Nakaramdam ako ng lungkot makita si Rain na ni isa walang lumapit sa kanya.
Tumayo ito mula sa pagkadapa at kinuha ang raketa niya. Bumaba ako sa bleacher para sana lapitan ito.
" Celine... I won!" Naantala ang paglapit ko kay Rain ng yakapin ako ni Banjo.
" Congrats, ang galing mo." Ngiti ko.
Nang tingnan ko si Rain ay kinuha nito ang bag at palabas na siya ng tennis court.
" Punta kayo sa bahay let's celebrate." Yaya sa amin ni Banjo.
" Erm, H-Hindi ako pwede eh. Aalis na ako. Excuse me." Paalam ko sa kanila.
" C-Celine w-wait!" Dinig ko kay Banjo.
Nagmadali ako lumabas sa tennis court para mahabol siya. Napabuntong hininga ako ng makita ko siya hindi pa nakakalayo.
Hindi niya alam sumabay ako sa pag lalakad niya kaya ng mapansin niya ako ay napatingin siya sa akin.
" Do you need something?" Tanong niya sa akin.
" Gusto mo ba pumunta sa park?" Sabi ko. Alam ko malungkot ito kaya gusto ko pagaanin yung nararamdaman nito.
Makahulugang tingin niya sa akin. " Sa Park?"
" Hmm..." Tango ko.
Pumayag ito sa ideya ko pumunta sa Park. Lumapit kami sa stall na nagtitinda ng mga kwek-kwek, tempura, fried isaw at balut. Gusto ko kasi ipa try sa kanya iyon kasi sa itchura at kaartehan nito mukang hindi pa nga nito nasubukan.
" Nakakain ka na ba nito?" Interesadong tanong ko.
Pinaningkitan niya ako ng tingin. " May balak ka sa akin noh?" Akusa niya.
" Ano ka ba, wala no! Bakit lagi yan ang iniisip mo? Saka alam mo ba lahat ng ito masasarap. Diba, Manong?"
" Aba naman, Oo! Hindi ka Pinoy kung hindi mo pa natitikman ang mga ito."
" Ohh, Pinoy daw. Wag mong ipakita kay Manong na may ibang lahi ka. Proud to be Pinoy dapat." Tapik ko sa dibdib ko.
Napangiti naman si Rain sa sinabi ko. Sa galing ko mag sales talk ay tinikman niya lahat maliban sa balut.
" It taste really good!"
Napangiti naman ako kasi nagustohan nito. Ang lakas niyang kumain ang dami niyang naubos. Totoo nga yung sinabi nila na pag athlete malakas kumain.
" Sabi ko sayo masarap ehh. Ngayon naman syempre yung balut." Nanlaki ang mga mata nito. Hindi pa nga talaga ito na try kumain ng balut.
" No, Okay na ako dito." Tanggi nito.
" Ano ka ba!? Mas masarap toh! Kapag nakakain ka nito mas magiging pinoy ka."
" I don't need to prove that by eating balut."
Napatanga naman ako. " Ito talaga ang arte. Isang balut lang. Masarap naman ito ehh." Hindi ako titigil hanggat hindi ko ito makumbinsi.
" Ayoko nga." Malutong na tanggi nito. Nakakahiya tuloy sa bagong dating na dalawang customers ni Manong na ang gaganda.
" Kaya nga kita dinala dito para tumibay yang tuhod mo. Manong, diba yung balut pampatibay ng tuhod?"
" Naman! Titibay mga kasukasuhan mo niyan."
" Narinig mo sabi ni Manong? Kaya kumain ka na nito." Pagpupumilit ko.
" Ikaw kaya kumain." May attitude talaga ito. " Halika na! Uwi na tayo." May dinukot ito pera mula sa wallet at binigay kay Manong saka umalis na.
" Ang arteeee mo!!!" Sigaw ko. Nahiya tuloy ako sa dalawang babae customers na nakangiti nakatingin sa amin. Nagtatalo kami ni Rain sa harap nila. " Ayy! Sorry po." Hingi ko ng paumanhin pero ningitian lang nila ako muka naman silang mababait.
" Celine!" Tawag sa akin ni Rain. Na mukang na bo-bored na.
" Andyan na po!" Irita sabi ko. Nakahingi naman na ako kay Manong ng suka at asin para sa balut.
Hinabol ko si Rain na nauna maglakad. Ang iksi talaga ng pasensya nito pero cute naman kasi ang totoo gusto lang nito iwasan kumain ng balut. Pero wag siya! Ipipilit ko talaga ipakain sa kanya ang balut.
Umupo kami sa bench kasi napagod din sa kakalakad para makapagpahinga din.
" O-Okay ka lang ba?" Gusto ko talaga siya tanongin kung okay lang siya mula pa kanina kumukuha lang ako ng tiempo.
" Bakit kaya hindi mo na lang ako diretsahin?" Prangka nito.
Iba talaga ito. Ang lakas ng pakiramdam.
" Erm,Ginawa mo ba talaga ang best mo sa game kanina?" Natawa napailing-iling ito. " Rain, seryoso ako." Sabi ko. Walang nakakatawa.
Napabuntong hininga ito. " My best will never be good enough." Makahulugang sagot nito.
" Yah! Enough na yun. Ano ka ba, as long as ginawa mo yung best mo. Hindi ibig sabihin na natalo ka ay hindi ka na magaling." Kontra ko sa sinabi niya. " Hanga-hanga nga ako sa tennis IQ mo eh. Ang galing galing mo kaya kanina." Dagdag ko pa.
Pagtingin ko kay Rain ay nakatingin na pala siya sa akin pero ako din una nag-iwas ng tingin dahil na co-conscious ako bigla kung paano niya ako titigan. Ewan ko ba.
" Taas talaga ng bilib mo sa akin sa paglalaro ko ng tennis noh."
" Syempre naman! Ang galing galing mo kaya. Maging qualified ka ba sa ITF kung hindi ka magaling. You already brought honor in our country. Super astig!"
" That was before... I'll never be the same again."
" Huh? Syempre! Diba nga, kasi kinalimutan mo na yung tennis. Pag nag training ka ulit at bumalik yung passion mo sa paglalaro mas gagaling ka pa. Diba---" Natigil ako ng makita ang malungkot na mukha ni Rain. " R-Rain, o-okay ka lang?"
" Huh? Y-Yeah." Nagsisinungaling ito.
Malungkot ito siguro dahil sa laro kanina. Apart of me gustong pawiin sa mga mata niya yung lungkot. Hindi ko lang alam kung paano?
" Balut?" Abot ko sa kanya.
" A-Ano ba, kanina mo pa ba yan dala?" Hindi ito makapaniwala.
" Oo! Kainin mo na kasi."
" Ang kulit mo talaga."
" Oo, super kulit kaya kainin mona toh para tumibay yung tuhod mo at hindi agad gi-give up yan. Promise, masarap itong balut ko." Offer ko pa din sa balut.
Natawa ito sa sinabi ko kaya natigilan ako kasi humagalpak ito sa tawa. Super saya ko na napatawa ito. Halos mangiyak ngiyak pa nga ito sa tawa. Kahit na wala naman nakakatawa pero tumatawa ito. Ano kaya tingin niya sa akin clown?
" Hooo... Akin na nga yan. Paano ba kainin ito?"
" Pakpakin mo mona yung shell. Tas lagyan mo ng suka at asin saka higupin mo yung sabaw."
Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa niya yung mga sinasabi ko sa pagkain ng balut. Ngumiwi ito ng makita yung buhok ng manok.
" Ohh gahd!" Diring-diri ito.
" Sige na, masarap talaga yan. Wag mona lang kasi tingnan."
" Are you sure!?" Pinagmukha pa ako sinungaling.
" Ano ka ba ang dali lang yan!" Maiinis na ata ako.
" Okay! Wait lang..." Buntong hininga nito ng malalim na akala mo susugod ito sa giyera.
Matapos niya higupin ang sabaw ay isinubo na niya ng buo ang balut. Napatalon-talon naman ako sa excitement na sa wakas nakakain na ito ng balut.
" Diba, masarap?"
" Gosh! That's my first balut!" Pati siya ay hindi din makapaniwala na nakakain na din ng balut.
" At madami pang balut!"
" Ugh! I'm so proud of myself." Palakpak nito sa sarili.
Lihim naman ako natawa sa reaksyon nito ng nauna ito maglakad sa akin. Sumunod na ako dito.
****************************
Suspended yung klase dahil sa bagyo kaya andito lang kami sa bahay. Andito kami sa living room si Rain nagbabasa ng libro. Napansin ko mahilig siyang magbasa.
" Anong binabasa mo?" Itinukod ko yung chin ko sa balikat niya. Hindi naman siya nagreklamo.
" Finding your true love." Kalmadong boses niya. Hindi ba siya naba-bothered na iniistorbo ko siya. Mukang hindi naman.
" Mahilig ka sa romantic novels?" Interesadong tanong ko.
" I read different kinds of books that has sense."
Lumayo ako sa kanya konti pero pinagmamasdan ko ito. Napapangiti kasi ako isipin na kahit na maldita siya ay gusto ko pa din siya maging kapatid. Maganda na nga ngayon dahil medyo nagkakasundo na kami.
" Do you have something to say?" Nakatuon pa din ang atensyon nito sa libro pero alam nito na pinagmamasdan ko siya. Napaka talented niya o masyado lang talaga ako halata.
" Gusto mo na ba ako bilang stepsister mo?" Interesadong tanong ko.
She rolled her eyes at me.
" Ayaw mo pa rin ako bilang stepsister mo?" Ngiting umiiling lang ito. " Dali, tanongin moko kung gusto kita bilang stepsister ko."
" Do I really need to ask? It's obvious. You like me because I'm gorgeous, smart and talented." Pagmamalaki nito.
" Whoa! Ang yabang mo masyado." Hampas ko sa braso nito. Natawa ako sa sinabi niya.
Napaka-conceited talaga nito pati siya natawa din.
" Err! You're wrong. Kahit naman na maldita ka alam ko naman na mabait ka. Ayaw mo lang pinapakita kasi nahihiya ka. Wag kana kasi mahiya." Sabay kabig ko sa balikat niya. " Ehh, Ayaw mo ba talaga ako bilang stepsister mo?" Pangungulit ko ulit.
" You can't please anyone." Simpleng wika nito na parang hindi talaga niya iniisip yung mga sasabihin niya kung nakakasakit ba o hindi. Napakaprangka!
Napatanga ako. " Ang harsh mo! Totoo? Ayaw mo sa akin?" Kahit naka side view siya kita ko pa din yung pigil na pagngiti niya. " Rain naman ehh!" Yugyog ko sa braso nito.
Natigil ako ng tumingin siya sa akin ng diretso dahil sa ginawa ko. Lumayo agad ako sa kanya.
" Ayaw mo kasi sabihin sa akin kung bakit ayaw mo pa din ako bilang stepsister mo." Pagtatampo ko.
" Fine, You really want to know the truth?" Sinirado nito ang librong binabasa.
" Oo naman!"
We face each other. Mariin niya ako tinititigan habang hinihintay ko yung sasabihin niya.
" Ano?"
Nakatitig lang talaga siya sa akin. Doon ko napansin ang kulay ng mga mata niya na hazel brown. Ma coconscious na ba ako?
" Uy! Ano nga?"
" Ang pangit mo pala." Ngisi nito at iniwasan ako ng tingin.
" Anong sabi mo!?" Hampas ko sa braso nito. Nakakaasar siya! " Hindi ako pangit noh! Madami kaya nanliligaw sa akin. Kung maka pangit ka. Ikaw na! Ganda mo ehh."
" Bakit wala ka pang boyfriend?" Cool na sabi nito sabay crossed arms.
Na caught off guard naman ako. " D-Dahil choosy ako noh! Hindi ako easy to get."
" Talagang lang ha." Hamon nito.
" Talaga lang! Talagang talaga!" Panindigan ko.
Tumawag si Papa at Tita mommy hindi daw sila makakauwi ngayon gabi sa sobrang taas ng baha hindi makakadaan ang mga kotse kaya magpapalipas sila ng gabi sa hotel. Lalo kasing lumalakas ang ulan nakakatakot nga yung hampas ng hangin sabayan pa ang pagkidlat at kulog na parang lumilindol sa sobrang lakas.
Andito ako sa kwarto ko. Nakatakob sa kumot ko at tinatakman ko yung tenga ko kasi natatakot talaga ako.
Nang biglang nawalan ng kuryente.
" Ahh!" Sigaw ko. Nabalot ako ng takot.
Bumukas yung pinto ng kwarto ko. " Celine? Are you okay?" May dalang flashlight si Rain kaya tumalon ako sa kama at yumakap ng mahigpit sa kanya.
" Natatakot ako."
" I'm here." Hagod niya sa likod ko na parang pangpakalma yung init ng kamay niya. " Let's turn on the generator."
Bumaba kami para magtungo sa stock room kung saan andun yung generator. Nakakapit lang ako sa braso ni Rain the whole time. Matatakotin din talaga kasi ako buti na lang itong si Rain hindi. Hindi ba?
Pagka on ni Rain sa generator ay nagkaroon na ulit ng ilaw. Nakahinga na ako ng maluwag.
" Doon ka na matulog sa kwarto ko."
Tumalon naman yung puso sa sinabi nito. " Promise! Hindi ako malikot matulog at ngayon gabi lang."
Nagmadali na ako pumasok sa kwarto niya baka kasi magbago pa ang isip nito.
Humiga ako sa kama nito. Kasya naman kami kasi malaki naman yung kama niya.
" Bakit ganun ang sarap higaan ng kama mo?"
Humiga na din si Rain. Hindi siya naglagay ng mga unan sa pagitan namin. She doesn't care at all.
Nakaharap siya ng humiga pero ako nakatagilid kaharap siya. Ang tangos ng ilong nito. Sarap pisilin.
" Hindi ka ba natatakot?" Dahil napakalmado lang talaga niya.
" Saan?"
" Sa mga kidlat, kulog at sa dilim. Kasi ako, natatakot ako."
" Hindi, kung matatakot ako paano na tayo? Dapat may malakas sa ating dalawa."
Hindi ko maiwasan mapangiti sa sinabi nito.
" Nagkakapuso ka na." Sabi ko.
Dug!
Napaitlag ako sa malakas na kulog na iyon. Napakapit ako sa manggas ng damit ni Rain. Nakapikit lang ako.
Natigilan lang ako ng kinabit ni Rain ang isang headset niya sa tenga ko.
Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nang dumating ang
aking panalangin
at hindi na maikubli
Ang pag-asang nahanap ko
sa'yong mga mata
at ang takot na ika'y mawawala
It keeps me calm.
" Good night, Rain." Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan nagising ako ng napakasarap ng tulog ko kagabi dahil iyon kay Rain. Hindi ako natakot sa kidlat at kulog.
Mag-isa na lang ako sa kwarto. Bumango na ako pero inayos ko mona yung higaan.
Sumilip ako sa bintana medyo maulan pa din sa labas at makulimlim.
Lumabas na ako sa kwarto at bumaba para hanapin si Rain.
Ayon! Nadatnan ko siya sa kitchen nagluluto. Naamoy ko na yung sarap ng fried rice.
" Good morning!" Bati ko.
" Morning." Maiksing bati din nito.
" Marunong ka pala magluto."
" Nasa condo kaya ako nakatira dati."
" Sabagay. Ikaw naman yung nagluto. Magtitimpla na lang ako ng coffee para sa atin. Bagay na bagay sa malamig na panahon."
Kumuha ako ng dalawang tasa at nagtimpla ng coffee habang si Rain inaayos na yung pagkain namin.
Excited na ako tikman yung luto niya na fried rice, yung perfect na sunny side up niya at hotdog.
" Grabe! Ang sarap mo pala magluto. Pwede ka na mag-asawa pero bago ang asawa tutulongan mona kita maghanap ng boyfriend baka kasi mapunta ka pa sa kung sinu-sino diyan."
Natawa ito. " Anong akala mo sa akin walang standards na gaya mo."
Maka insulto wagas!
" Excuse me! FYI may standards ako."
" Like what?" Makahulugang tingin niya.
Nag-isip ako ng mabilisan dahil kung makatitig sa akin si Rain parang pini-pressure niya ako.
Sumagot ka ng maayos Celine. Tapatan mo yung sa sinasabing standards nito.
" Faithful! yung kaya ako panindigan na ipupursue niya talaga ako. Higit sa lahat mabait! Bunos na yung kung cute siya." Confident na sabi ko.
Napabuntong hininga naman ito.
" Ngayon ikaw naman. Ano ba ang standards mo?"
Ang kagaya ni Rain na diyosa sa ganda syempre gusto kong malaman kung ano ang mga tipo nito. Pareho ba kami ng gusto sa isang tao o hindi?
" Someone... that can see the real me." Nagtama ang aming mga mata. Maiksi pero madaming ibig sabihin.
Ako yung unang nag-iwas ng tingin. Ang awkward kasi.
Hinigop na niya yung coffee na inihanda ko sa kanya.
" Do you like it?" Interesado akong malaman.
" Sakto lang."
" Grabe talaga toh." Ganun ba kahirap para sa kanya ang icompliment ako. " Alam mo, ako yung nagtitimpla ng coffee ni papa tuwing umaga. Ikaw, ganun ka din ba sa daddy mo noon?"
Medyo natigil ito sa pagkain. May masama ba akong nasabi?
" No, I was five years old when my parents got separated. So, I've never been make a coffee for my dad."
Ako naman yung nalungkot. Kumirot yung puso ko. Sigurado ako nangungulila siya sa papa niya. " Sorry."
" Don't tell me, iiyak ka na niyan?"
" Huh? Amh..." Umayos naman ako kasi tutulo na yung luha ko.
" Ba't di ka kaya pumasok sa pag-aartista kasi ang bilis mong umiyak." Asar niya sa akin.
" Kasalanan ko ba kung mababaw lang yung luha ko?"
" Hindi mo kailangan umiyak may ibang mga anak naman siya para gumawa nun sa kanya."
Tumango na lang ako. Araw-araw madami ako nalalaman tungkol kay Rain at mas nakikilala ko siya. Doon ko masasabi na malalim pala siyang tao. Yung taong gustong-gusto ko makausap palagi kahit na madalas niya ako asarin o insultuhin kasi may sense siyang kausap yung hindi ka mabobored kaya madalas ko siya kinukulit sa kwarto niya. Ganito pala yung feeling na may kapatid.