Hinatid lang namin yung scooter ko sa talyer dahil habang pinapaayos namin yung scooter ko mamasyal mona kami ni Rain sa mall. Malapit lang naman saka bihira lang ito magyaya.
Kumain kami sa Sambokjin.
" Ang bait bait mo sa akin. Alam ko kung bakit dahil gusto mona ako bilang kapatid mo."
Napangiti ito. " No, hindi kita gugustohin maging kapatid."
" Ehh, bakit mabait ka sa akin?" Simangot ko.
" Kasi mabait ka sa akin. At! Nakakatawa ka."
" Ano ako clown mo." Inis ko.
" Close to that." Ngiti niya.
" Ang sama mo!" Akmang tusokin ko siya sa chopsticks ko. Natawa lang ito.
" Masyado ka naman masaya sa akin noh?" Napapansin ko kaya na madalas na siyang ngumingiti.
" Hmm, masyado ka naman confident." Nasupalpal ako doon sa sinabi niya. " Wag kang masyadong mabait."
Napakunot noo ko parang ang dating sa akin binabalaan niya ako. " Dahil?"
" Alam ko masyado kang mabait pero masama ang masyadong mabait."
Mas lalo ako nagtataka. " Ano!? Masama na ngayon ang masyadong mabait?"
Hindi na ito umimik pa. Hindi sinagot ang tanong ko.
Ang akala ko babalik na kami sa talyer pagkatapos kumain pero pumasok kami sa isang store may bibilhin ata si Rain para sa kotse niya pero sa mga helmets siya tumitingin.
" Para sa akin?" Namimili kasi siyang ng mga helmet naisipan ko siyang biruin. Baka naman!
Alangan naman na para sa kanya. Hindi naman siya nag momotor.
" Sa akin toh." Sagot nito.
" Magmomotor ka ba? Hindi naman diba?" Taas kilay ko.
" Hindi ko naman sinabi magmomotor ako dahil gagamitin ko ito kapag aangkas ako sa motor mo."
Napatitig ako sa kanya.
" Joke lang." Ngiting inakbayan niya ako.
Nagtungo kami sa cashier at binili na nga niya yung helmet na bet na bet ko dahil ang cute kasi ng kulay pink.
Inabot niya sa akin yung binili niya. " P-Para sa akin ba toh?" Ayoko naman mag assume no.
" Tanggapin mona, kailangan mo yan medyo sira na yung ginagamit mong helmet."
" Mahal to." Sabi ko.
" Oo nga, Yan! Mas matibay at mas safe gamitin lalo na sa mahilig na nagmomotor na gaya mo."
" Salamat!" Hindi ko napigilan yung saya ko at niyakap siya. " Ayy! Sorry..." Napabitaw ako dahil na realized ko mahigpit ko pala siya niyakap. " Thank you, ulit."
" Anong thank you? May kapalit yan."
" Sabi ko na nga ba eh."
" Ipag prepare mo ako ng baon bukas. Ikaw mismo ang magluluto."
Lumawak yung ngiti ko. " Sige ba! Pabor sa akin yan!"
" Let's go."
Binalikan na ulit namin yung scooter ko sa talyer at super saya ko na maayos na ulit ito pero napansin ko mas gumanda ito ngayon parang nag mukang bago pati yung dalawang gulong bago.
Nakita ko si Rain na nag bayad sa counter.
" Ako na." Sabi ko.
Hindi niya ako pinansin.
" Rain, bakit ikaw nag bayad dapat ako kasi motor ko ito."
" So?"
" P-Pero kasi... "
" Mauna ka na umuwi sa bahay." Wika nito.
" O-Okay, T-Thank you ulit."
Ngumiti lang siya sa akin bago sumakay sa kanyang kotse. Kumaway ako ng umalis na ito.
Napabuntong hininga ako kasi hindi ko lubos maisip na maging blessing si Rain sa akin ng araw na ito.
Medyo ginabi na nga ako nakauwi galing sa bahay ni Mich saka bumili din akong empanada na mainit init pa.
Nang may natanaw ako pamilyar sa akin. Dinahan-dahan ko yung pagmamaneho ko. Hindi ako pwede magkamali si Rain iyon at may kausap siya.
Napakunot ang noo ko ng bakit siya hihinto sa madilim na parte ng kalsada at talagang dito sila mag-usap ng mga kaibigan niya. Weird!
Huminto ako ng makita kwenilyohan ng isang babae nakaitim na sleeveless si Rain.
Hindi sila magkaibigan!
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng suntokin siya nito.
Naalarma ako kaya agad ako tumakbo sa kinaroroonan nito. Akmang susuntokin na naman ulit niya si Rain pero bago niya gawin iyon ay naitulak ko na ito.
" C-Celine? A-Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ito ng makita ako.
" Okay ka lang ba?" Nakita ko may sugat sa gilid ng labi nito. " S-Sino ba sila?"
" Oyy! Sino itong matapang na cute na babae na ito?" Wika nung babae na mahaba ang buhok pero kung gumalaw ito napaka brusko at mukha siyang lalaki!
" Gusto ata ito sumali sa atin." Sabat naman ng isang alipores niya na hindi nalalayo sa itchura nito.
Sino ba sila? Kaaway ba sila ni Rain?
" Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko.
" Ang kailangan namin iyang kasama mo si Rain Dela Merced." Ngisi nito.
Naiinis ako sa nakakalokong ngisi nito. Hinarang ko yung sarili ko para protektahan si Rain sa mga naka drugs na mga babae na ito. Na mukang may masamang balak sa kanya.
" Tumabi ka na diyan Miss Cute gusto lang namin kausapin si Dela Merced."
Hindi ako naniniwala. " No! Hindi pwede."
Natawa ang mga ito. " Gusto kita, Ang tapang tapang mo. Saan mo ito napulot Dela Merced?"
" Ako ang stepsister niya! Kaya pwede ba umalis na kayo. Tatawag talaga ako ng Police." Ako naman ngayon ang nag banta sa kanila.
" Stepsister mo pala ito Dela Merced!?"
" Don't you ever dare lay a hand with her. Swear to God hindi mo magugustohan ang gagawin ko sayo." Banta ni Rain. Nakaramdam ako ng takot sa sinabi nito.
" Kami ba yung tinatakot mo? Ikaw at isang mahinang babae ay magbabanta sa amin. Nagpapatawa ka ba?" Tawa ng mga ito. " Turuan mo nga yan ng leksyon. Nang mabawasan ang tapang niyan sa katawan. Unahin mo yang kapatid." Utos nito.
" Yes, Boss!"
" Huwag kang lalapit!"
Napapikit ako ng hahampasin niya sa dala niyang arnis. Handa na ako salohin ang lahat ng sakit.
Natigilan lang ako ng niyakap ako ni Rain at saka inikot. Siya ang nagsalo ng palo na dapat ay sa akin.
She protected me!
" Aba! Pinapahanga mo talaga kami sa katapangan mo Dela Merced."
Sige lang sila sa pag palo sa likod ni Rain. Hindi ito pumipikit sa mga palo natatanggap nito.
Rain???
May kumirot sa puso ko kahit na nakikita ko sa mga mata nito na nasasaktan ay hindi ito nagpapakita na mahina siya.
" Tulong!!! Tulooong!!!" Nagsisigaw ako para makagawa ako ng atensyon o marinig man lang ako.
" Hoy! Ano yan!?" May paparating na nag roronda ng mga tanod at napansin kami.
" Batchi na tayo!" Wika nung isang kasamahan nito na natataranta makita ang mga tanod.
" Hindi pa tayo tapos Dela Merced! Babalikan ka namin." Banta sa kanya na leader ata iyon.
Nagkumiripas na ng sakay sa kotse ang dalawa at pinasabad ng mabilis ang kotse kaya pagdating ng mga tanod ay nakaalis na ang mga ito.
" Hoy! Tigil!" Sigaw ng tanod.
" Okay lang ba kayo?" Tanong sa amin ng isang tanod.
" O-Okay lang po kami. Marami pong salamat sa inyo." Sabi ko.
" Wala yun, malas nga namin hindi namin naabotan ang mga iyon. Mga bata pa kayo dapat hindi na kayo lumalabas itong dis oras ng gabi kasi maraming loko loko ngayon."
" Saan ba sa inyo dahil ihahatid namin kayo?"
" Wag na po kasi malapit lang naman yung village. Marami pong salamat ulit."
" Oh sige, mauna na kami dahil magroronda pa kami." Paalam nila.
" Sige po."
Pagkaalis ng mga tanod ay nilingon ko si Rain na kanina pa tahimik.
" O-Okay ka lang ba?"
" Uwi na tayo." Maiksing sabi nito.
Tumango lang ako. Binalikan ko yung motor ko at sumunod na kay Rain.
Pagkadating sa bahay naabotan pa namin si Papa sa kusina nagkakape. Bumati kami at hindi pinahalata na may nangyari.
Dumiretso kami sa kwarto ni Rain. Hinubad niya ang kanyang leather jacket at napatakip ako sa bibig ng makita ang mga pasa nito sa likod buhat ng mga palo kanina.
Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya pero ang unang pumasok sa isip ko kunin ang cold compress kaya mabilis ako lumabas.
Pagbaba ko nasa living room ay andun pa si Papa nanonood ng TV.
" Oh, may problema ka ba nak?" Napansin niya siguro na parang nagmamadali ako.
" P-Po? W-Wala naman po. Inum lang ako ng tubig." Umayos na ako sa paglalakad ko.
Putek! May mini ref pala ako sa kwarto pero buti na lang hindi naman iyon pinansin ni Papa.
Lihim ko kinuha yung cold compress.
Hindi mona ako umakyat agad tinitingnan ko mona si Papa naghihintay lang ng tiempo na hindi niya makita yung cold compress dala ko baka lagot pa kami dalawa ni Rain.
Habang totok na totok ito sa TV ay sinamantala ko na umakyat sa taas.
Pagbalik ko sa kwarto ni Rain ay nakita ko na siya nakadapa nakahiga sa kama na naka topless lang at walang suot na bra.
Umupo ako sa gilid ng kama saka ko dinadahan-dahan dinadampi iyon sa mga pasa niya para naman mag swollen iyon.
Hindi naman niya ako pinipigilan na gawin iyon sa kanya.
" O-Okay ka lang ba? Sino ba sila? Ano ba kailangan nila sayo?" Nag-aalala talaga ako sa kanya.
Hindi ito kumibo parang walang balak magkwento.
" Rain? Gusto kong malaman." Paki usap ko.
" Gusto nila ako isali sa sorority nila pero ayoko." Wika nito.
" Sorority?! Wag talaga! Rain wag na wag kang sasali sa sorority nila kahit na pilitin ka pa nila. Okay?" Kinakabahan ako marinig yung salitang sorority.
Hindi kumibo si Rain.
" Rain!?"
" What?" Napalingon ito sa akin.
" Mangako ka na hindi ka sasali sa sorority nila."
Tinititigan na mona niya ako. " I promise."
" Promise?" Ulit ko ulit.
Ngiting tumango ito. " Promise."
Doon na ako nakaginhawa ng maluwag kasi may assurance na ako sa pangako niya sa akin.
" Ang mga mukha ng mga iyon. Alam mo hindi gagawa ng tama. Lagi ka ba nila ginugulo?"
" I can handle, Celine. Wag ka ng mag-aalala. But next time, Wag kana sumali sa gulo ko baka madamay ka pa."
" Edi, damay damay na! Hindi ako natatakot." Matapang na sabi ko.
" Alam ko."
Tapos na ako sa pagcocold compress sa mga pasa niya ng bigla ito bumangon kaya tumalikod ako agad kasi baka makita ko pa yung harap niya.
Narinig ko yung pag open ng cabinet sigurado kukuha ito ng damit para magbihis.
Hanggang sa maalala ko yung binili kong empanada kanina. Nailagay ko pala sa ibabaw ng drawer ni Rain at kinuha ko yun.
" Try it." Alok kay Rain na nakabihis na.
" Ano toh?"
" Empanada masarap yan saka paborito ko. Medyo hindi na mainit."
" Thanks."
Kumuha ito ng dalawang four season can juice sa mini ref niya at binigay sa akin yung isa.
" Salamat." Ako naman ngayon ang nag thank you.
Andito lang kami sa kwarto niya kumakain ng empanada.
" Masarap."
" Syempre! Empanada special yan. Special para sa stepsister ko."
Napatingin naman siya sa akin sa sinabi ko. Nakangiti ako sa kanya saka natawa lang ito.
Ang tanging napansin ko kay Rain kung hindi man siya masalita ay kabaliktaran naman yung sinasabi niya sa pinapakita niya para bang nagpre-pretend siyang walang paki-alam kaya madalas naja-judged siya na ubod ng sungit at mataray, konti lang naman. Hindi kasi siya basta-basta nagpapakita ng kabaitan siguro dahil ayaw niya abusohin siya ng tao.But when I actually get to know her lalo na ngayon ako yung mas nakakakilala sa kanya. Kung hindi man siya naiintindihan ng iba pero ako naiintindihan ko siya
****************************
Nauna umalis si Rain bago pa man magising ang lahat. Iyon nga din ang pinagtataka ko.
Pagpasok ko sa classroom ay nakita ko si Rain sa kanyang upuan. Lumapit ako dito.
" Bakit umalis ka kanina ng napakaaga?"
" Mag-aaway lang kami ni Mom kapag nakita niya ang sugat ko."
Fresh pa nga yung sugat sa labi niya.
" Pero... sasabihin ko din naman kay tita mommy ang totoong nangyari."
" That's right! Kaya umalis ako kanina na mas maaga sa bahay dahil alam ko ipagtatanggol mo lang ako sa harap nila at pati ikaw madadamay."
All along iyon pala ang nasa isip niya na ayaw niya ako madamay.
Kinuha ko yung sandwich sa bag ko na ako mismo gumawa at vita milk para makakain siya ng breakfast.
" Para sayo. Ako mismo gumawa niyan."
Hindi naman siya tumanggi. Kinain niya yung sandwich gawa ko.
" Kamusta na yung likod mo?"
" Better now."
Nung nag lunch break ay binigay ko na sa kanya yung baon niya. Maaga kaya ako nagising para ihanda ang baon nito pero nauna pa din siya nagising sa akin na akala ko tulog pa ito sa kwarto.
" Ako mismo nagluto niyan pa thank you ko sa binili mong helmet kahapon. P-Pero pag hindi mo nagustohan edi iba na lang ipagawa mo sa akin."
Ang tahimik na naman niya para akong walang kausap.
Tinititigan ko lang siya habang kumakain saglit ito natigil at tumingin sa akin.
" Hindi ka ba kakain?" Tanong niya.
" K-Kakain na."
Habang ako naman yung kumakain. Siya naman yung napapansin kong nakatitig sa akin.
" M-May dumi ba ako sa mukha?"
" Wala bang nanliligaw sayo ngayon?" Napakunot noo naman ako sa tanong niya iyon.
" Hmm, W-Wala naman."
Tumango-tango lang ito sa sagot ko. Bakit naman kaya niya ito na tanong?
" Hindi naman ako magtataka kung wala."
" Aba! Sinasabi mo na pangit ako ganon?"
" Hindi ako nagsabi niyan." She chuckles.
Tawa-tawa pa siya kaya hinampas ko nga siya ng malakas sa braso.
" Grabe ka! Ganda mo din eh no." Simangot ko.
Pag nag asar kasi siya talo ako lagi kasi lahat kasi sa akin mali.
" Si Banjo, hindi ba siya nanliligaw sayo?" Seryosong tanong nito.
" Si Banjo?" Ako naman ang natawa. " Magkakabata lang kami nun, kaya closed kami pero yun lang yun."
" Paano kung may gusto siya sayo?"
Natahimik naman ako at napaisip.
" Hindi mo ba iyon naisip na maaaring may gusto siya sayo? O magkakagusto ka sa kanya?"
" Huh? A-Ako? H-Hindi, K-Kasi... kababata ko lang siya." Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos.
Bigla may naalala ako.
Way back 4 years ago
" Anong sasabihin mo?" Tanong ko kay Banjo na mukang kinakabahan at kami lang tao sa classroom namin.
Gusto niya daw kasi ako makausap.
" C-Celine... I-I like you." Nanlaki naman ang mga mata ko sa pinagtapat ni Banjo ng nararamdaman sa akin.
" B-Banjo..." Syempre gulat ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
" Matagal na kita gusto noon pa man."
" P-Pero mga bata pa tayo. H-Hindi ako handa sa mga ganyan." Sabi ko.
" Ang importante sa akin na alam mo yung nararamdaman ko. Celine, maghihintay ako sayo hanggang sa makatapos tayo ng pag-aaral." Pangako nito sa akin.
Tumango lang ako saka niya ako niyakap ng mahigpit.
Hindi ko naman maitatanggi na crush ko din si Banjo dahil mula pa noon siya na yung kasa-kasama ko.
Nararamdaman ko yung pag-aalaga at pagpoprotekta niya sa akin lalo sa mga panahong nalulungkot ako. Siya, lagi siyang andiyan para sa akin.
Never kami nagkailangan ni Banjo matapos ang araw na iyon. Nangako kami sa isa't-isa na hanggang magkaibigan na lang mona kami. Uunahin na mona namin ang mga pangarap namin bago ang isa't-isa kaya hindi niya ako pwedeng ligawan.
Isa din iyon sa mga rason ko na kahit may ibang nanliligaw sa akin ay binabasted ko ka agad dahil sa pangako namin iyon ni Banjo.
" Bakit mo naman naitanong?" Tanong ko kay Rain.
Ang tagal pa bago ito nakasagot. " Bawal ba magtanong?"
" Hindi naman. Bakit ikaw ba may boyfriend ngayon? Sabagay... meron sa mukha mong yan tag dalawa-dalawa ba---?" Bigla ako natigil ng makita ang reaksyon ng mukha nito.
Naka straight face ito parang kinabahan tuloy ako. Na offend ko ata siya.
" I have to go."
" P-Pero h-hindi tayo tapos kumain---"
Napatakip ako sa bibig ko ng mag walk out ito.
" Naku! nasaktan ko ata yung feelings niya. Ano ka ba naman Celine!? " Pokpok ko sa ulo ko.
Sa loob ng classroom habang busy ang lahat sa pagsusulat ay busy din ako sa pagsulyap kay Rain sa puwesto nito.
Nakatingin lang ito sa bintana at hindi nagsusulat.
Hindi kasi ako mapakali kasi alam ko may nasabi ako sa kanyang hindi nito nagustohan. Mamaya kakausapin ko siya.
Mag-isa ako naglalakad. Nalulungkot kasi ako dahil mauubos na yung vacant time namin pero hindi ka pa din siya nakakausap.
Wala kasi siya sa tennis court. Napagod na din ako sa paghahanap.
Nang nahinto ako dahil nakita ko si Rain mag-isa nakaupo sa grand stand. Ngumiti ako makita siya.
Imbes na lapitan ko siya ay bumalik mona ako sa canteen para bumili ng dalawang cornetto ice cream saka ko ulit siya binalikan.
Napatingala naman siya ng makita ako.
" Para sayo." Abot ko sa kanya ng cornetto.
" For what?" Takang tanong nito.
" Para... lumamig yung ulo mo at hindi ka na magalit sa akin."
Tinaasan niya ako ng kilay pero tinanggap din naman niya yung ice cream.
Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Tinanggal pa kasi nito ang nakabalot sa ice cream.
Bigla nito binigay sa akin ang ice cream na tapos nito binalatan. Nagugulohang tinanggap ko na lang pero kinuha niya yung ice cream ko.
Napataas ang dalawang kilay ko na kasi consistent ang pagiging gentlewoman niya. Lalo tuloy ako nagiguilty.
" Sorry ha," Sabi ko.
" Don't be... Sanay na ako sa tingin ng mga tao sa akin, Playgirl?" She smirks. " It doesn't matter to me of what people might think about me. I don't owe to anyone an explantions."
Sige na, aaminin ko na madami ako wrong impressions kay Rain. Pinag-iisipan ko siya ng masama pero hindi pala siya ganon.
" Pero mali kasi ako. Maling-mali... hindi ko dapat sinabi iyon."
" It won't change Celine. You already said that. Ganun yung tingin mo sa akin. At wala din ako magagawa para baguhin iyon."
" Wag mong sabihin yan. Matagal mona binago ang tingin ko sayo. Oo, maldita ka pero may puso ka, Rain. At, hindi iyon nakikita ng ibang tao."
Bakas sa mukha ni Rain ang hindi makapaniwala sa sinabi ko tungkol sa kanya. Totoo naman kasi!
" Pasensya ka na kung minsan na mi misinterpret kita pero naniniwala ako sa kabutihan ng puso na meron ka."
" You really think I'm good?" Ayaw niya maniwala sa akin.
" Oo naman! Kitang-kita ko kaya yung kabaitan mo."
Nagtaka ako para kasi siyang kinilig na napapangiti. Lalo lang siyang gumaganda.
" Ikaw ang unang tao na naniniwala na mabait ako."
I put my head on her shoulder habang pinapanood namin yung mga tao na nasa soccer field.
Nung uwian hinihintay ko si Rain dito sa parking lot para sabay na kami umuwi. Nang may sumundot sa tagiliran ko.
" Ayy! Palaka!" Paglingon ko si Banjo lang pala. " Banjo naman!"
" Uuwi ka na ba? Hatid na kita."
" Oo, pero... hinihintay ko pa si Rain. Sabay kasi kami uuwi."
" Mukang close na kayo ng stepsister mo ah. Hindi ka na ba nun inaaway?"
" Hindi naman niya ako inaaway. Tas mabait yun."
" Buti naman naging mabait na siya sayo. Nga pala may dalawang ticket ako dito. Alam ko kasi mahilig ka sa horror movie panoorin natin?" Yaya niya sa akin.
" Kailan ba?"
" Bukas... after class natin."
" Oh sige, magpapaalam ako kay Papa." Ngiti ko kay Adrian.
" Tatawagan ko na lang din si Tito mamaya para ipagpaalam kita."
Bigla kaming nagkakatitigan dalawa at sabay na natawa.
Umayos naman ako bigla ng mapansin ko si Rain sa likod ni Banjo.
Iba yung tingin niya sa amin dalawa ni Banjo. I'm not sure if I can see the pain in her eyes. Pero bakit?
" A-Andiyan ka na pala." Sabi ko.
" Hi Rain." Binati siya ni Banjo pero hindi niya ito pinansin.
Nagtaka ako sa biglaang pagbabago ng kilos nito. Kitang-kita sa mukha nito ang wala talaga ito sa mood.
Dumaan lang ito sa harap ko na parang hindi ako nakikita. Diretso nga lang ito sumakay ng kanyang kotse.
" Mabait?" Sarkastik na biro ni Banjo.
Pinaandar na nito ang makina ng kotse.
" Banjo, aalis na ako. Kita na lang tayo bukas." Nagmadali na ako sumakay sa scooter at inistart iyon kasi aalis na si Rain.
" Okay, Ingat!" Kaway sa akin ni Banjo.
Pagkadating sa bahay ay nakatingin lang ako kay Rain na pumasok sa kwarto nito.
May ginawa na naman ba ako ng masama? Okay naman na kami kanina. Minsan hindi talaga siya maiintindihan.
Sabay-sabay na kami nag haponan. Tahimik pa din si Rain habang kumakain. Nang maalala ko yung sinabi ni Banjo.
" Papa, tita mommy... pwede po ba ako ma late ng uwi bukas?"
" May tataposin ba kayong project sa school?" Tanong ni Tita mommy.
" Wala naman tita mommy. Ano po kasi... niyaya po kasi ako ni Banjo manood ng sine." Kwento ko.
" Ito ba si Banjo ay anak ng bestfriend mo sweetheart si Joaquin?"
" Yes, sweetheart.. mabait na bata yan si Banjo. Sa lahat ng kaibigan na lalaki ni Celine ay si Banjo lang ako may tiwala ako."
" Si Banjo ba ay boyfriend mo hija?"
" No, tita mommy."
" Pero gusto ko si Banjo para sayo kasi alam ko aalagaan ka niya." Hindi naman halata na botong boto si Papa kay Banjo.
" Sweetheart, hayaan na natin si Celine pumili sa taong mamahalin niya." Wika ni Tita Mommy. " Ang importante kung saan masaya ang mga anak natin. Suportahan natin sila."
" Syempre naman, sweetheart. Sige anak, papayag ako pero kapag kasama ang kapatid mo si Rain."
" Po!?" Nagulat ako at napatingin kay Rain. " B-Baka po kasi may g-gagawin si R-Rain n-nakakahiya naman po kung maiistorbo ko siya."
" Edi sabihin mo yan si Banjo next time na lang kayo manood ng movie kapag hindi na busy ang kapatid mo."
" Papa naman..." Sumamo ko.
" Anak, kahit naman na may tiwala ako kay Banjo kailangan pa din kita protektahan dahil babae ka pa din." Paliwanag ni Papa.
" Tama ang papa mo hija."
Sasama naman kaya bukas sa amin si Rain? Heto nga siya hindi ko makausap dahil hindi ako pinapansin.
Ang planong kulitin ito ay naging hopia dahil naka locked ang pinto nito. First time ito nag locked ng pinto.
Nanggigigil ako sa inis dito sa labas ng kwarto ni Rain. " Yah!" Umaarte ako na sumisipa. Iniisip ko siya yung sinisipa ko.
" Ano bang problema niya?"