Dumiretso na kami sa MOA pagkatapos ng klase namin. Nagyaya nga si Banjo manood ng movie pero papayagan lang ako kapag kasama ko si Rain.
Sumama nga ito sa amin at halatang naiilang kami ni Banjo sa presensya niya dahil hindi naman ito nagsasalita. Naka straight face lang ito palagi.
" S-Sandali lang ha, bibili lang ako ng isa pang ticket." Sabi ni Banjo.
" No need, I have mine."
Nakabili na pala siya ng ticket niya.
Pagpasok namin sa loob pumagitna ako sa kanilang dalawa. Matatakotin ako pero mahilig ako sa horror movie. Yung panonoorin namin ang IT part two.
Punong puno yung sinehan kaya ang ingay kapag lumalabas na si Pennywise.
" Ahh!"
Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Rain.
Sumulyap ako kay Rain na inaayos agad ang kanyang sarili. Pati siya hindi din niya inaasahan ang kanyang naging reaksyon.
Ewan ko ba if matatawa ako sa kanya kasi ang cute niya.
Grabe yung sigaw ko kaya napapakapit ako ng sobra-sobra sa braso ni Rain.
Tawang-tawa sa akin si Banjo pagkatapos namin manood ng sine.
Gabi na ng matapos yung movie kaya naisipan namin na kumain mona bago umuwi.
Nilibre ako ni Banjo sa Shakey's pero hindi si Rain. Hindi ito nagpa libre kay Banjo.
Habang kumakain kami tatlo. Napapatingin ako kay Rain kasi magkaharap kaming dalawa tas katabi ko si Banjo.
Kagat kagat niya ang burger na akala mo nasa commercial ito. Yung feeling na gusto mo na din bumili ng burger katulad ng sa kanya.
" Celine, next week may Kpop dance contest dito nood tayo. Diba, mahilig ka sa Kpop?"
" Sakto lang." Ngiti ko.
Napansin ko naman yung pamumula kaliwang braso ni Rain. Iyon ba yung kanina sa sine na panay ang kapit ko sa braso nito.
Naku naman, talagang bumakat talaga sa makinis na braso niya pero hindi siya nagreklamo.
Nasa parking lot kami kasi uuwi na.
" Salamat Banjo sa libre. Nag-enjoy ako."
" Yun naman ang importante sa akin ang nag enjoy ka. Sa uulitin ulit?"
Napangiti ako tumango kay Banjo.
" Kailangan ko na umalis. Mag-ingat kayo."
" Ikaw din."
Kumaway ako kay Banjo ng umalis na ito.
Nagtungo na ako sa kotse ni Rain na kanina pa naghihintay sa loob.
Hinintay lang niya ako sumakay sa kotse niya saka pinaandar agad ang sasakyan.
Habang nagmamaneho ito hindi ko maiwasan na pa sulyap sulyap sa kanya.
Super seryoso niya nakatingin sa daan lalo akong nahiya kausapin ito.
" Salamat nga pala sa pagsama kanina. Sana nag enjoy ka din." Sabi ko para lang mabasag yung katahimikan sa aming dalawa.
Hindi naman nagbago ang expresyon ng mukha niya. Wala nga siyang reaksyon.
" Sabi ko nga." Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Maiiyak kasi ako sa pinapakita nito.
*************************
Hindi na kami nagkakaabot sa bahay ni Rain dahil parati ito wala. Sa school ko lang siya nakikita pero kapag sinusubukan ko siya kausapin o lumapit ay halatang iniiwasan niya ako.
Napapansin ko nitong mga nakaraang araw iniiwasan ako ni Rain kaya nag baka sakali ako dumaan sa tennis court baka andun iyon.
Habang papalapit ako naririnig ko mga talbog ng bola may nag-eensayo. Nang sumilip ako nakita ko yung tao kanina ko pa hinahanap at gustong kong makita. Si Rain nag pa practice siya mag-isa panay ang hampas niya sa bola sa dingding. Kitang-kita ko sa mukha niya yung frustration.
Hindi na kami nag-uusap kasi lagi naka locked yung pintoan niya kaya hindi ko siya ma kulit.
Nakakamissed pa man din siya kausap yung ka supladahan niya. Siya yung tipo ng tao na akala mo walang paki alam sa buhay pero pag nakausap mo na siya punong-puno siya ng ka prangkahan. Napaka totoong tao kaya nalulungkot ako dahil parang bumalik na naman kami sa dati.
Halos kalahating oras na ako andito pero si Rain hindi pa din tumitigil sa pag practice ni hindi siya humihinto kahit isang minuto.
" Ugh!" Sabay hampas ng bola ng napakalakas.
Natakot ako sa palo na iyon. Hindi ko makita kung saan napunta yung bola.
Naalarma naman ako ng napaluhod si Rain sabay bagsak ng katawan sa court.
" Rain?" Kinakabahan tumakbo ako.
Paglapit ko kay Rain nakapikit ang kanyang mga mata.
" R-Rain?" Hawak ko sa braso niya.
Rain open her eyes. Saka nagtama yung tingin namin.
" R-Rain... okay ka lang ba?" Chini check ko if may masakit sa kanya.
Natigil ako kasi nakatitig lang siya maigi sa akin hindi kumukurap.
" Okay ka lang?" I'm so worried right now.
Lumayo ako konti sa kanya ng akmang babangon ito.
Andito na naman po kami sa eksenang parang hindi niya ako nakikita o naririnig.
Naiinis na talaga ako!
" Rain, sandali..." Hawak ko sa kanang braso niya.
" Ugh." Mahinang daing nito.
Automatikong binitawan ko yung braso niya ng makitang ngumiwi ito ng konti mukang may iniindang sakit sa bahagi na iyon.
" M-May masakit ba sayo? For sure, meron. Wag ka ng magsinungaling. Tara na, Dadalhin na kita sa clinic." Alala ko.
Pumikit ito saglit halatang kinokontrol nito ang emosyon.
" Don't act like as if you know everything about me. Dahil wala... wala kang alam sa akin." Straight face sinabi niya sa akin sabay talikod.
Ako naman parang na estatwa sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito. Habang wala akong magawa para pigilan pa ito lumayo sa akin.
Hanggang sa kinagabihan hindi pa din ako makakapag-aral ng maayos kasi iniisip ko yung nangyari kanina.
" Don't act like as if you know everything about me. Dahil wala... wala kang alam sa akin." Parang sirang plakang pa ulit-ulit sa utak ko.
Nabubuwisit na ako sa kanya dahil apektado na ang mga ginagawa ko.
" Kailangan matapos na itong pag-iinarte niya!" Determinadong sabi ko sa sarili ko.
Natigil naman ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa tapat ng kwarto ko. Malamang andiyan na siya.
Nagmadali ako lumabas para puntahan ito bago pa ito ilocked ang pinto.
" Rain..." Sambit ko sa pangalan niya.
" What?" Lingon niya sa akin pero namumungay ang mga mata habang hinuhubad ang denim jacket nito.
" Naka inum ka ba?"
" Eh, Ano naman sayo kung uminom ako? Wag mo kong paki alaman dahil stepsister lang kita."
Naka inom nga siya pero nasaktan ako dun sa sinabi niya.
" Pero concern ako sayo!"
" Hindi ko kailangan ang concern mo!"
" Ano bang problema mo?" Tanong ko.
" Wala akong problema. You! You are my problem." Ito na nga lumabas na sa bibig niya.
" A-Ako!? Bakit naging problema ako sayo!? Ang bait bait ko nga sayo."
" Yun na nga! Masyado kang mabait sa akin. Masyado mo pinapakilala sa akin ang totoong ikaw."
" Problema na ba yun? Kaya hindi moko pinapansin! Hindi moko kinakausap. Iniiwasan moko dahil lang masyado akong mabait sayo?" Halos pasigaw na sabi ko.
" You don't understand." She shook her head.
" Then make me understand!
Nahihirapan na ako intindihin yang ugali mo pabago-bago. Kung may problema ka sabihin mo sa akin---" I stopped.
She pinned me on the wall then my eyes goes widen when her lips touches my lips.
Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat at super bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko ito inaasahan mangyari.
Yung biglang tumigil ang mundo.
S-She... She k-kissed me!
Mali to! Tinulak ko ito ng malakas at sinampal ko ito.
" B-Bakit mo yun g-ginawa!? Ano ba pumasok sa utak mo!?" Galit na sigaw ko sa kanya.
Pinusan ko yung labi ko sa likod ng kamay ko. Hindi talaga ako makapaniwala na gagawin niya iyon. Langhiya!
" I like you!"
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito.
" Ano bang kalokohan yan! Rain, hindi ako nakikipaglaro sayo dito." I warned her.
" I like you, Celine." Diretsahang sabi nito sa mga mata ko.
" Nababaliw ka ba? Hindi ako nakikipagbiruan sayo." Ayaw ko isink in sa utak ko yung sinabi niya.
" Hindi din ako nagbibiro na gusto kita!" Yung mga mata niya na puno ng sensiridad. Wala kang makikita na nagbibiro ito.
Nawendang ako sa pinagtapat niya parang humihina ang tuhod ko.
" H-Hindi... Hindi pwede... Hindi..." I shook my head of disagreement. " Hindi moko pwede magustohan!" Iyak ko.
Tumakbo ako palabas ng kwarto.
" Celine!?" Tawag sa akin ni Rain.
Ayoko siyang lingonin. Gusto ko malayo mo na sa kanya. Umalis mona sa bahay.
Ako naman ngayon umiiwas kay Rain buhat nung nangyari. Ilang gabi ako hindi makatulog dahil bumabalik pa din sa isip ko na pilit ko binubura.
" Bess! Okay ka lang ba? para kang zombie naglalakad." Napansin din ni Mich ang pangingitim ng ilalim ng mata ko.
" Alam ko..." Matamlay na umupo ako sa table ko.
" May problema ka ba?"
Umiiling-iling lang ako. Ayoko naman sabihin sa kanila yung pagtatapat sa akin ni Rain. Mas mabuti pa na sasarilin ko na mona.
" Celine!"
Tawag sa akin ni Jelay na bagong dating na hinihingal pa. Alam mo tumakbo ito.
Lahat ng kaklase namin nakatingin sa kanya sa sasabihin nito.
" C-Celine, nag quit na si Rain sa tennis team!" Pag balita nito.
" Ha!?" Napatayo ako sa gulat sa balita iyon.
"Hindi mo ba alam kalat na kalat na iyon sa buong school natin." Kwento nito.
Tumayo agad ako sa kinauupuan ko saka nagmadali tumakbo palabas ng classroom para puntahan si Rain.
" Celine! Saan ka pupunta!?" Sigaw ni Mich.
" Pipigilan ko si Rain!" Sagot ko kahit medyo malayo na ako.
Ano ba pumasok sa isip niya?
Hindi ba siya nagsasawa o naaawa sa akin na dagdagan ang mga iisipin ko.
Nahinto ako sa pagtakbo at ganon din siya. May dala dala niya ang sports bag niya halatang kinuha na nito ang mga gamit sa locker.
Yung balak ko wag mona siyang kausapin ay di ko magagawa talaga kasi yung mga desisyon nito minsan di ko maintindihan.
" Totoo ba na nag quit ka na sa tennis team. Bakit? Diba, love mo yung tennis? Bakit igigive up mo mga bagay na gusto mo?"
" I have a reason, Celine. Why I can't play tennis anymore."
" Dahil ba sa akin?" Baka lang naman na ako yung dahilan. Inisip ko na lang.
" Hindi. Wala kang kinalaman sa desisyon ko sa pag alis ko sa tennis team." She walks.
" Edi... Ano?"
Natigil na naman ito sa paglalakad. Ngayon bakas sa mukha niya na naiinis na ito.
" Wag mo nang alamin pa. Please... do me a favor huwag mona ako pilitin sa tennis na yan dahil ayoko na." Galit na ito.
Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hindi ko na siya hinabol pa. Malungkot na makita ito umalis.
Nauna ako dumating sa bahay naisipan ko na pasokin ang kwarto ni Rain. Hindi kasi talaga ako matatahimik feeling ko may tinatago siya kaya ito nag quit sa team.
Hindi siya basta-basta aalis sa team ngayon pa na bumalik na ulit siya paglalaro.
Hinalungkat ko yung drawer niya at sa ilalim ng kanyang unan pero wala akong makita. Napatingin ako sa closet niya
Gusto ko talaga malaman yung rason niya.
Natigilan ako ng may biglang nahulog na brown envelope. Kinuha ko iyon sa paanan ko at nahiwagaan ako kung anong ang laman nun.
Napakunot ang noo ko. Bakit siya may Medical Certificate?
Nanlaki ang mga mata ko parang huminto ang ikot ng mundo sa nabasa ko sa Medical Certificate nito.
Napalingon ako sa pinto ng pumasok si Rain. Nagulat ito ng makita ako at napadako ang tingin niya sa hawak ko.
" What are you doing here?" Agad siyang lumapit sa akin na nakunot ang noo.
" Rain..."
Inagaw niya sa kamay ko ang hawak na papel pero nabasa ko na ang nilalaman na iyon.
" Wag ka nga basta pumapasok sa kwarto ko." Galit ito.
" Totoo ba? Rain... totoo ba?"
" Ano ba pinagsasabi mo? Get out!?" Sabi nito.
Hindi ito yung oras para magpasindak ako sa galit niya mas nangingibaw sa akin ang kagustohan ko malaman ang totoo.
" Totoo ba!?" Di ko napigilan na napasigaw ako.
Natahimik ito at nakatitig sa akin. Umupo ito sa kama na parang nawalan ng lakas. Bakas sa mukha niya yung kalungkotan.
" Rain..." Yung kaba ko walang paglagyan.
" Yes, it is true."
" P-Pero makakalaro ka pa naman ng tennis diba?"
" Celine, listen! Malala na yung rotator cuff tear ko. Sabi ng doctor di na ako pwede maglaro ng tennis. I need to undergo surgery before it get worse."
Napailing-iling ako hindi ako makapaniwala. Hindi ako halos makahinga na isipin na si Rain ay hindi na makakalaro.
" Rain magpatingin tayo ulit sa ibang doctor baka nagkamali lang yan."
" No, Celine... Doc Gianni is the best doctor in town."
Di ko napigilan di napaiyak sa nangyari sa kanya. Ako kasi yung parang sobrang nalulungkot.
" Gosh! Don't cry."
Sinuntok ko nga siya sa balikat. " Nakakainis ka! Bakit okay lang sayo!?"
" No it's not!" Napabuntong hininga ito. " Mababago ba yung resulta kung magmomokmok lang ako? Diba, hindi naman."
Sabagay tama ito.
" Bakit kasi di mo inaalagaan ang sarili mo?"
" Celine, bata pa ako nung nangyari sa akin yun. Yung time na gusto ko talaga may mapatunayan sa daddy ko magagawa ko lang yun kapag makapasok ako sa ITF pero na abuse ko yung lakas ko nun kaya di na ako nakapag compete sa finals."
" Pero... Anong reaction ni tita mommy?"
" She doesn't know."
" Ano!? Di mo sinabi sa kanya? Rain naman..."
" Ang akala niya gumaling na yung balikat ko pero di ko sinabi sa kanya ang totoo."
" Rain, you have to tell her the truth."
" Ayoko mag worry siya sa akin."
" I'll tell her."
" Celine!?" Pigil nito.
" Rain! Kung ayaw mo ako magsabi edi ikaw magsabi kay tita mommy. Kailangan mo ma operahan agad bago pa may mangyari masama sayo."
" I-I understand." Napayuko ito.
Hinawakan ko yung kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Nakangiti ako sa kanya.
" Andito ako, di ka na mag-iisa. Sabay natin sila harapin."
Nakikita ko sa mga mata niya na sumigla kahit paano.
Napabuntong hininga ito. " Okay."
Pagkdating nila galing sa trabaho ay agad namin sila kinausap.
" May sasabihin ba kayo?" Tanong ni Papa.
" I have something to tell you." Sabi ni Rain.
" Anak, is it about your dad? Kinukulit ka na naman ng ama mo na pumunta sa Brazil."
" Mom, it's not dad."
" Tita mommy..."
Kumalma naman na ito.
Binigay ni Rain ang medical certificate niya kay tita mommy.
Hinawakan ko ng maigi ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Habang binabasa nila iyon.
Nakita namin naiyak si tita mommy at punong puno ng pag aalala ang mukha ni Papa tumingin kay Rain.
" Why you didn't tell me?" Iyak ni tita mommy. " I thought, okay na yun injury mo anak."
" I'm sorry but I lied to you. Ayoko mag alala ka."
" Rain, ang mga ganito pangyayari di dapat ililihim sa pamilya." Sabi ni Papa.
" I know, and I'm sorry."
" You can't play anymore?" Dagdag pa ni tita mommy.
Malungkot na tumango si Rain.
Niyakap niya si Rain na umiiyak pati ako naiiyak na din.
Inaalo lang ni Rain ang nanay niya na di pa din tanggap nangyari sa kanya. Kahit naman siguro sinong nanay diba ayaw mo gumuho ang pangarap ng anak niya.
" Bakit di mo sinabi sa mama?"
" Mom, I don't want you to worry."
" No please... you're my daughter. Mag-aalala at mag-aalala ako sayo."
" I'm sorry."
" Rain, kakausapin namin doctor mo para sa schedule ng operation mo." Sabi ni Papa.
" B-But..."
" Wag ka na magreklamo ano ka ba." Nainis naman ako dito.
" Anak, kailangan mo operahan agad, wag mona dagdagan ang pag-alala ni mama."
Wala na din nagawa pa si Rain kundi tumango at pumayag sa operasyon.
Patulog na ako pero napansin ko may tao pa sa pool area. Sino na kaya yun? Tulog na kaya sila.
Lakas loob ako sumilip sa bintana. Hinawi ko yung kurtina para makita ang sa labas.
Si Rain lang pala. Nawala naman na yung kaba akala ko kasi magnanakaw. Uso pa naman yun sa balita na kahit nasa subdivision ka nakatira may nakakapasok pa din magnanakaw.
Akala ko pa naman natulog na siya. Lumabas ako para samahan ito. Hindi pa naman din ako inaantok.
Malamig pa naman ang hangin sa labas buti na lang naka sweater ako.
" Di ka ba nilalamigan?" Napatingin naman siya sa akin kasi excuse me naman sa suot niya na sleeveless at shorts short kumpara sa akin na sweater at track pants.
" I'm fine. You want?" Alok niya sa akin ng ininum niyang wine.
" I don't drink." Tanggi ko naman. Ganon siguro pag foreigner noh, mahilig sila uminom ng wine kahit walang okasyon. " Di ka pa ba matutulog?"
" Hindi pa ako inaantok."
" Dahil iniisip mo yung operasyon mo? Nga pala, bakit sumali ka pa din sa team? Hindi mo ba inisip na mas lalo lumala ang kondisyon mo."
" Hindi ko na naisip yan dahil... sayo."
Nanlaki ko sa mga mata ko. " D-Dahil sa akin?"
" Nakikita ko kasi sa mga mata mo na malaki ang tiwala mo sa akin. Never pa may tao nagtiwala sa akin ng ganon. Kaya nagtiwala ulit ako sa sarili ko."
Tagos sa puso sa akin ang sinabi niya.
" R-Rain..."
" Kaya... wag kang magtataka kung bakit nagustohan kita kahit di ka naman masyadong maganda."
Natawa ito ng naka-busangot ako alangan naman pupurihin niya ako pero may malait pa din sa huli pero ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Siguro pulang pulang na iyon.
" Iba na nga pag-usapan natin. Ano nga ba ulit pinag-usapan natin?" Natataranta kasi ako.
" Na gusto kita?"
Napatanga na lang ako talagang napaka vocal niyang sabihin iyon sa akin.
" Hush! Ano ka ba baka may makarinig sayo?"
" I can say it out loud here that I like you. Walang makakarinig." Hamon niya sa akin.
" Ano ka ba! Wag mo nga gawin yun." Gusto ko talaga takpan bibig nito.
Naiilang pa ako pag-usapan ang topic na yun.
" I like youuuu!!!"
Nagulat ako ng bigla na lang ito sumigaw.
" Rain!" Sita ko sa kanya. Napatingin agad ako sa paligid ko baka kasi may nakarinig. Ako kaya kinakabahan sa kalokohan niyang ito.
" One more?"
" Wag na! Tama na..." Tinakpan ko yung tenga ko at tumakbo pabalik sa loob ng bahay.
Nakakainis talaga siya halatang inaasar lang niya ako.
" Ugh!" Padabog ako umakyat sa kwarto ko pero yung init ng pisngi ko di pa din nawawala.
Naku naman Celine! Mali yan.