Nakatambay lang kami sa harap ng booth namin. Naghihintay sa mga estudyante magsa sign up sa drama club namin. Clubbing kasi ngayon araw.
Ako kasi President ng drama club every year nagkakaroon kami ng pagtatanghal mula pa nung high school ako. Nung isang taon pa nga ako naging president ng nag graduate mga seniors namin. Ngayon naghahanap kami ng mga bagong miyembro.
" H-Hi..." Ang cute naman ng babaeng ito. She's wearing a nerd glasses at mukhang mahiyain.
" Yes?"
" Sasali ka ba?" Nagtaray agad si Jelay muka naman natakot yung babae.
" Tss... Jelay ano ka ba." Napangiti ako.
" Biro lang."
" Hi, I'm Celine Bonifacio. President of Drama Club." Lahad ko ng kamay.
" H-Hi... I'm Ava Agoncillo." Inabot naman nito.
" Ava, Ito si Jelay at si Mich."
" Gusto ko sana sumali sa club niyo."
" I'm glad you found us. Kailangan mo lang gawin mag sign up dito at tatawagan ka na lang namin para sa first introduction."
" O-Okay t-thank you."
" Mich, ikaw na mag assist kay Miss Ava."
" Okay, Halika ka."
" Alam mo mas dumami ang gwapo at maganda ngayon sa school natin lalo na yung mga grade eleven." Sabi ni Jelay.
" Kasi maganda naman talaga ang school natin kaya expected na yun." Sabi ko.
" Speaking of Gwapo, Si Banjo." Siko sa akin ni Jelay.
Napangiti naman ako makita si Banjo. Sa harap ng booth namin. May booth din kasi sila para sa sports club. Siya din yung president.
Kung mahilig lang din yung sports ko sa akin malamang sumali na din ako sa sports club pero sadyang lampa ako.
" Madami bang nag sign up sa sports club?"
" Medyo, dito ba?"
" Hmm, dalawa pa nga lang."
" Ayaw kasi nila mag artista." Biro ni Jelay.
" Oh my si Rain..."
" Ang ganda ganda niya talaga no."
" Para siyang artista."
" Crush ko siya."
Natigilan lang kami ng marinig namin yung mga bulong bulongan ng mga tao. Kaya kami ay napatingin din sa pinangungunahan ng gulo.
Napatanga ako makita si Rain na papunta ata dito. Umaalon-alon ang kanyang buhok na tinatangay ng hangin at ang palda namin na hanggang tuhod dapat ang sa kanya napaka iksi. Matangkad na nga siya ay nag heels pa ito at saka yung white na long sleeveless niya ay itinupi ng hanggang sa siko. Model nga siya magaling sa fashion style eh.
" Hays! Nung nagsaboy ata ng kagandahan ang diyos sinalo lahat ni Rain. Napapa Sana all ka na lang talaga. Bakit ba kasi ako nun natulog?" Pabiro na wika ni Jelay pero di naman may tono na naiinggit.
Napailing-iling na lang ako at napangiti.
" You girls are beautiful." Pinapalakas naman ni Banjo ang loob nito.
" Oh, diba." Sabi ko naman.
" Hi Rain..." Bati ng mga grupo ng mga lalaki sa kanya pero parang walang lang narinig ito kaya hopia ang mga boys.
Huminto ito sa harap ng store namin. Napatanga pa din ako.
" Hi..."
Back to earth Celine. Nai star struck ka ba sa kapatid mo? Eh, araw-araw mo siyang nakikita at nakakasama sa iisang bahay.
" H-Hi." Napakunot noo ako. Bakit ako nauutal?
" Totoo nga! Nag quit ka na nga sa team?" Tanong ni Jelay kay Rain.
Ini-interrogate agad niya si Rain sa pag-alis nito sa harap ng booth namin. Tumango lang si Rain bilang sagot.
" Ayy sayang naman." Sabi ni Mich. Pati ako naghihinayang din pero iyon ang dapat gawin sa kalagayan ni Rain. Kung alam lang nila.
" Nakapili ka na ba ng club?" Pag-iba ko agad ng topic baka di ito komportable pag usapan lalo na andito si Banjo.
" Yes."
" Anong club!?" Interesadong tanong ko. Syempre gusto ko malaman kung anong club pinili niya.
" That's why I'm here. I want to sign up."
" Huh?" Nagulohan naman ako saglit.
" Sasali siya sa drama club." Bulong sa akin ni Jelay.
" Huh!? Amh... sandali..."
Bago pa ako nakapag react wala na siya sa harap ko. Nakita ko lang ay nag sign up na si Rain.
" Celine... Sasali din ako sa drama club." Wika ni Banjo.
" Huh? I-Ikaw din?" Lalo kumunot ang noo ko kasi hindi ko talaga maintindihan.
Nang matapos mag sign up si Rain ay nakita ko kung paano silang dalawa nagsukatan tingin ni Banjo.
Hinila ko si Rain palayo ng konti sa booth.
" Anong ginagawa mo?"
Nakasimangot ito. Hindi ako pinapansin.
" Rain." Tawag ko ng pansin sa kanya. Napalingon naman siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.
Dahan-dahan siya lumapit sa akin. Kinakabahan naman ako sa tingin niyang iyon.
" I want to get closer more with you." Bulong niya sa tenga ko para na estatwa at tumayo lahat ng balahibo ko.
Pagkatapos ay dumistanya ito sa akin. Sinamaan niya ng tingin si Banjo na nakatingin din pala sa amin at umalis na ito.
Napahawak ako sa puso ko. Doon lang kasi kumalma ang nagwawala kong puso na hindi ko talaga maintindihan.
Napabuntong hininga ako at bumalik na sa booth club namin.
" Celine... babalik na ako sa club namin pero sasali ako sa drama club." Kindat niya sa akin.
Napangiti ako kay Banjo. " Sige, Thank you."
Nagpaalam na ito.
" May problema ba ang dalawang iyon?" Makahulugang tanong ni Jelay. " Ang weird nila pareho eh."
" H-Hindi ko din alam." Pati ako nagpapatanong.
" Parang magpapatayan ang dalawa sa tinginan palang."
" Siguro kasi... pareho sila magaling sa tennis kaya nagkakaroon sila ng tensyon." Sabat naman ni Mich.
Nagkibit balikat na lang ako.
" Sinong kakampihan mo sa alitan nilang dalawa?" Tanong sa akin ni Jelay.
" Dapat ba mamimili ako?"
" Syempre ikaw ang unang maiipit sa alitan nilang dalawa."
Oo nga naman, hindi magkakasundo ang bestfriend ko at ang stepsister ko.
" Pareho nila pinapasakit ang ulo ko kaya ayoko silang isipin." Napaupo ako sa upuan.
Mula di ko na nakita si Rain sa school. Nalaman ko din na wala itong sinalihan na clubs kundi ang drama club lang. Hanggang sa dumami na yung nag sign up sa amin ng malaman nila na sign up si Rain puro mga lalaki pa.
Dito sa kwarto ko nag-iisip nga ako habang nakatingin sa pangalan niya na may signature pa niya kung tatanggalin ko siya sa listahan o hindi baka kasi pinagtitripan lang niya ako diba.
Natigilan lang ako ng may narinig ko ang sasakyan nito. She's here!
Nagmadali ako sumilip sa bintana. Nakita ko siya lumabas ng kanyang kotse. Hindi ko inaasahan na titingin ito sa kwarto ko at nakita niya ako nakadungaw.
Siguro galing na naman ito sa gimmick. Pumasok na ito sa bahay kaya lumabas ako sa kwarto para salubongin siya.
" Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba hinahanap ka sa akin ni tita mommy?"
Hindi na naman niya ako pinapansin. Dinaanan lang niya at diretso pumasok sa loob ng kwarto nito.
" Rain..." Hinawakan ko siya sa braso. " Gumimik ka na naman noh?"
" No." Tanggi nito.
Inamoy ko nga siya pero ang bango naman niya. Hindi siya amoy alak. Tinititigan ko yung mukha nito. Di nga ito lasing.
" Stay there... mag wash up lang ako."
Pumasok ito sa banyo kaya naghintay ako gaya ng sabi nito.
Ilang minuto din ako naghintay sa kanya kaya umupo na ako dito sa kama niya bago ito lumabas na ito nakatapis lang ng tuwalya at basa ang buhok.
" Akala ko ba magwa wash up ka lang? Akala ko nalunod ka na. Naliligo ka lang pala."
" Masarap maligo."
Akmang tatanggalin nito ang tapis na tuwalya sa katawan kaya agad ako tumalikod agad.
" Buwisit ka talaga!" Sita ko dito. Tumawa lang ito. " Sasali ka ba talaga sa drama club?" Kinuha ko na yung pagkakataon na tanongin siya.
" Yes."
" Bakit!?" Pagkarinig ko sa sagot niya ay nilingon ko siya pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. " Ayy!" Napasigaw ako at nagmadaling tumalikod ulit.
Kinabahan naman ako kasi nakita ko naka panty palang ito at walang suot na bra pero di ko naman nakita dibdib nito kasi nakatalikod din ito.
" Bilisan mo nga diyan!" Nag iinit tuloy ako. Ang weird. " B-Bakit ka sasali?"
" Because... I want to get more closer with you."
Napairap na lang ako dito kasi inulit lang nito sinabi kanina. " Alam mo balak mo lang ako asarin."
" No, you can put me on your staff team."
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama siguro tapos na ito magbihis kaya lumingon na ako dito.
Buti naman nakabihis na ito kasi minsan nanadiya na ito eh gusto talaga masilipan ko siya.
" I have here... Nachos."
Na excite naman ako marinig ko yung Nachos. Favorite ko kasi ito. Limang box ang binili niya.
" This is my favorite."
Pareho pala din kami na paborito ito.
" Base sa reaksyon mo paborito mo din ito." Tumango lang ako. " Masarap kumain ng Nachos pag meron beer." Tumayo ito at lumapit sa mini ref nito saka kumuha ng dalawang can beers.
" H-Hindi ako umiinom."
" Just try it. One beer?" Sabi nito.
Ang hirap naman niyang tanggihan kaya tinanggap ko.
" Isa lang ha." Wala naman kasing masama na tumikim din.
Pinagbuksan niya ako ng beer bago binigay sa akin.
" Cheers."
Pagtungga ko ng beer. " Ahh! Paet!" Parang nasusuka ako.
Natawa sa akin si Rain. " You're so cute."
" Ganito ba talaga yung lasa nito?" Nang mawala yung paet kumain na lang ako ng Nachos.
Si Rain parang ginawa lang niyang tubig ang beer. Di man lang nito napapaitan kasi siguro sanay na kasi uminom.
Nakatatlong beer na ako ko pero dahan-dahan ko lang iniinom kahit na ganon nag iinit na yung batok ko saka pisngi parang nawawalan ba ako ng lakas pero si Rain naku! Naka anim na ng can beer namumula na yung pisngi nito.
Ang dami ko na nga sinabi eh. Ang dami ko naikwento dito.
" So, Banjo really has a feelings for you."
Tumango ako. " Oo, pweroh mashado pa kami bata."
" Hindi na kayo bata."
Bakit ba dalawa si Rain sa pangin ko?
" B-Bakit ang ganda ganda mo pa din! Bakit ako... hindi!" Yakap ko sa sarili ko. Narinig ko natawa ito.
" Because you're not beautiful. You're cute, Celine."
" Ahh, Thank you..."
" Do you like him? Do you like Banjo?" Seryosong tanong nito kaya napaseryoso tuloy ako.
" Hmm... O-o gushto ko shi Banjo!" Pagtatapat ko.
" I see..." Tango nito. " but... Do you like me?"
" Magkapatid tayo! Anu ka ba!?" Hampas ko sana sa braso niya pero nawalan na talaga ako ng lakas at nahiga ako.
Pagmulat ko ng mga ko ay nagtama ang mga tingin namin ni Rain. Nasa ibabaw ko siya mismo.
" We can't be sisters dahil gusto kita. Gustong gusto kita. Sapat na dahilan iyon kung bakit ayaw ko sayo."
Napadako ang tingin nito sa mga labi ko.
" I want to kiss you." Parang musika ang boses nito sa tenga ko.
Unti-unti lumalapit ang mukha ni Rain sa mukha ko. Napapikit ako ng dumikit yung labi niya sa labi ko. Napakalambot ng kanyang mga labi.
Nakahawak ang aming mga kamay sa ulohan ko.
And she kissed my forehead.
********************
Napahapo ako ng kumirot yung ulo ko buti na lang talaga walang pasok. Nakayakap ako ng paborito kong unan si spongebob.
" Hmm, ang bango bango naman talaga." Sabi ng isip ko habang nakapikit.
Ang sarap ata nito yakapin tas ang bango bango.
" Hmm..." Rinig ko umungol.
" Bakit nagsasalita si spongebob?" Takang tanong ng isip ko lalo napakunot ang noo ko ng gumalaw ito. May buhay ang spongebob ko!
Dahan-dahan ko minumulat ang mga mata ko. Naramdaman ko na may mabigat na bagay nakadagan sa bewang ko kaya napadako ang tingin ko dun.
Isang maputi na braso ang nakayakap sa bewang ko. Nagsimula na ako kinabahan inangat ko yung mukha ko at ganon na lang ang pagkagulat ko ng makita si Rain na mahimbing na natutulog.
" Ahh!!!" Sigaw ko ng malakas.
" What the..." Nalimpungatan ito sa sigaw ko na iyon.
Sinipa ko nga siya dahilan nahulog ito sa kama.
" Ouch..."
Napakapit ako ng maigi sa kumot ko. Yung puso ko parang lalabas na sa sobrang kaba.
" Diyos ko po! Ano bang nangyari kagabi!?" Natataranta na ako. " Hindi maaari. Hindi pwede." Mababaliw ata ako.
Tiningnan ko yung ilalim ng kumot. I close my eyes because I feel relieved. I still have my clothes on.
" You! What the hell is your problem!?" Tumayo ito at nakahawak sa nasaktan puwet. Galit na galit siya sa akin.
" Ikaw! Anong nangyari sa atin kagabi?"
" Uhh." Biglang nagbago ang expresyon nito at ngumiti na para bang may nakakatawa siyang iniisip. " We just shared ---"
" Tama na!" Binato ko nga siya ng unan. Ayoko marinig ang sasabihin niya.
Tok-tok~~ Sabay kami napatingin sa pintoan.
" Rain, anak... Are you okay?"
Si Tita Mommy!
Ano na gagawin namin? Hindi ako pwede makita dito sa loob ng kwarto ng anak niya na ganito ang ayos.
Nagmadali ako nagtago sa ilalim ng kama nito. Si Rain nakatayo lang na parang wala lang sa kanya. Di ba siya nag-aalala? Ako dito parang naliligo na sa pawis dahil sa kaba.
" What are you doing?" She asked me.
" Anak?" Si Tita mommy sa tono ng boses nito ay nag-aalala na din.
" Go..." I mouthed.
She rolled her eyes at me. Tumalikod ito at nagtungo sa pintoan saka nito pinagbuksan ng pinto si tita mommy.
" Morning mom."
" Good morning, narinig ko may sumigaw mula dito." Curious nito.
" That--- I'm watching a movie. Sorry, napalakas ko ata yung volume ko." Napataas ang kilay ko sa narinig ko sagot nito. Smart kid.
" Okay, pero... nakita mo ba si Celine wala kasi siya dito sa kwarto niya?"
Napasapo ako sa noo ko. Paano na lulusotan ni Rain ito?
" Niyaya niya ako mag jogging kanina pero sabi ko, siya na lang kasi masarap yung tulog ko."
Sandali may kahulogan ata sinabi niyang iyon.
" I don't know mahilig mag jogging ang batang iyon. Oh sige, magsabay na kayo kumain dalawa ha, dahil pupunta na ako sa trabaho."
" Okay, mom. Take care." Halik nito sa pisngi ng ina.
Pagka-locked ni Rain ng pinto ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
Tumakbo ako palabas ng kwarto niya saka pumasok ako sa kwarto ko at ni locked iyon.
" Ahh!" Napaupo ako sa kama ko. Naiinis pa din ako. " Ang tanga tanga mo talaga, Celine!" Sermon ko sa sarili ko.
Kinalma ko mona sarili ko. Walang magagawa kung maiinis lang ako.
Ano ba talaga nangyari kagabi sa amin ni Rain?
" Oo, andun ako sa kwarto niya uminom kaming dalawa. Nagtatawanan kaming dalawa. Pero... Ano na nangyari kasunod nun?"
Eto na nga ba sinasabi ko madaming napapahamak sa alak na iyan.
Napahiga na lang ako sa kama ko. Lalo kasi sumasakit ang ulo ko sa kakaiisip.
Mag alas nuwebe na pero hindi pa din ako lumalabas mula sa kwarto ko medyo gutom na ako pero ayoko talaga lumabas nahihiya ako na naiinis kay Rain. Andito lang ako nakaupo sa study table ko.
" We just shared---" Parang sirang plaka na lagi nagpi-play sa utak ko ang sinabi iyon ni Rain.
Tok-tok Napaitlag naman ako sa biglang may kumatok.
" Celine, come out the door. Let's eat." Otoridad na wika nito.
Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang boses nito.
Wala naman magagawa itong pagkukulong ko sa kwarto kung nagugutom na ako. Okay lang sana kung may laman ang mini ref ko kaso wala dahil nakalimotan ko makapag grocery.
Nagdesisyon ako lumabas na ng kwarto ko at bumaba sa kusina.
Andun nakita ko siya na nasa mesa na kumakain. Lalo ako natakam sa niluto niya pancakes, hotdog saka itlog. Nahihiya man ako pero lumapit pa din ako.
Kumuha mona ako ng dalawang tasa at nagtimpla ng kape sa coffee maker. Nakaligo na pala ito mukang aalis ata siya.
Pagkatapos pa simple ko binigay sa kanya ang kape at umupo sa puwesto ko na magkaharap kami.
Ang tahimik naming dalawa di ako sanay. Sanay ako kulitin siya pero ang awkward kasi. Tunog ng kutsara at tinidor lang mula sa plato namin ang naririnig ko.
" R-Rain..." Hindi ko talaga kaya itong ganito katahimikan. " Tungkol sa nangyari... may nangyari ba?" Diretsahan tanong ko.
Natigil ito sa pagkain. " Ano sa tingin mo?" Mapang-asar nito.
" Tss! Rain ano ba?" Pagpupumilit ko.
Tiningnan niya ako na blanko ang expresyon ng mukha nito. Napalunok naman ako sa nagbabadiyang tingin na yun.
" Eh, gusto ko lang naman malaman eh." I pouted.
" Fine!"
Napangiti ako konti kasi hindi niya din ako matitiis.
" Makinig ka!"
Nakikinig ako habang nagkukwento ito.
" We can't be sisters dahil gusto kita. Gustong gusto kita. Sapat na dahilan iyon kung bakit ayaw ko sayo."
Napadako ang tingin nito sa mga labi ko.
" I want to kiss you." Parang musika ang boses nito sa tenga ko.
Unti-unti lumalapit ang mukha ni Rain sa mukha ko. Napapikit ako ng dumikit yung labi niya sa labi ko. Napakalambot ng kanyang mga labi.
Nakahawak ang aming mga kamay sa ulohan ko.
And she kissed my forehead.
Napakagat na lang ako sa table napkin dahil naalala ko na yung nangyari kagabi.
" Do you now remember it, Miss Bonifacio?" Pang-aasar niya sa akin.
Nahihiyang tumango ako.
" I kissed that lips on a second time."
" No! Technically, You stole it! Magnanakaw ng halik." Paratang ko sa kanya. Nakakainis kasi siya. Totoo naman eh.
Napahalakhak ito sa tawa. " Anong akala mo din sa akin mapagsamantala ng kahinaan?"
" Oo, wag talaga. Masama yun kasi magkapatid tayo." Nawala bigla mga ngiti nito sa labi at seryoso tiningnan ako.
" Hindi tayo magkapatid. Iba ang apelyedo mo sa apelyedo ko." She seriously said.
" Pero... Rain kasal ang mga magulang natin. Sa batas magkapatid tayo." Paliwanag ko sa kanya.
" Pag naghiwalay sila wala na yan batas sinasabi mo."
Napanganga naman ako sagot nito na gusto nito maghiwalay ang mga magulang namin.
" Rain, Ano ka ba. Wag mo nga sasabihin iyon."
" I like you that's all that matters to me."
Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa tono ng boses at sa mga sinasabi niya parang wala siyang paki-alam sa feelings ng ibang tao lalo sa feelings ng mga magulang namin.
" Rain naman, itigil mona nga yan. Hindi magandang biro yan. You're being selfish! Kaligayahan ng mga magulang natin iyon kaya di moko pwede magustohan."
" Ang sabihin mo gusto mo si Banjo."
" A-Ano?" Hindi ko naman na inasahan ang sasabihin niya iyon. Nakita ko yung sakit sa mga mata niya pero bigla ito umiwas ng tingin sa akin.
" But I don't care... I can still win you."
I shook my head of disappointment. " Hindi iyon Rain because I'm straight!"
Hinawakan ni Rain ang kamay ko. " I like you, I really do like you, Celine."
Binawi ko ang kamay ko sa pagkahawak iyon sa kanya. " Hindi pwede, Rain. Gusto kita bilang kapatid ko. Please... tama na, kung hindi ka titigil. Aalis na lang ako dito sa bahay."
Tuluyan na nagbago ang expresyon ng mukha nito pagkasabi ko nun. Tumayo ito ibig sabihin tapos na ito kumain.
" You're the only person who shows me so much affection." Her face was blank.
Natamaan naman ako dun sa sinabi nito dahil naramdaman ko iyon tagos sa puso ko yung kirot.
" Saan ka pupunta?"
" You stay here because this is your house. I can't stay this house anymore. Habang nakakasama kita araw-araw yung nararamdaman ko sayo lalo lumalalim."
" R-Rain wag..." Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya pero tinanggal lang niya iyon.
" Just tell mom, I'm in Batangas."
Wala na ako magawa sa pag-alis ni Rain para sa pamilya namin iyon ang tama.
Di ko napigilan ang umiyak ng marinig ko ang sasakyan nito na paalis na ng bahay.
This house will never be same again without Rain.
Mabilis ako tumayo at lumabas ng bahay para pigilan ito.
" Rain! Raiiinnn!!!" Kakaalis lang ng kotse nito kaya tinakbo ko pa ito para mahabol. " Raaaiiinnn!!!" Sigaw ko ng sobrang lakas pero di na ako humabol sa sobrang layo na nito. Hingal na hingal ako. " Bumalik ka..."