Safe

3313 Words
Nasa living room lang ako the whole time nung umalis si Rain. Nalulungkot ako dahil sa hindi namin pagkakasundo dalawa. Kinabahan ako ng biglang tumawag si tita mommy. Anong sasabihin ko sa kanya? " H-Hello, t-tita mommy." " Kumain ka na ba diyan? It's lunch time." Napakabuting tao ni Tita Anne ramdam ko naman yung concerned at love niya sa akin kaya nagi-guilty ako. " O-Opo." Sagot ko kahit ang totoo di pa talaga ako kumakain. Wala kasi akong gana kumain. " Good." Napapikit ako kasi gusto ko sabihin kay tita mommy tungkol kay Rain. Ayoko magsinungaling. " Tita mommy... Si Rain po kasi u-umalis." Medyo di na ako mapakali. " Oo, tumawag siya sa akin na nagpaalam na pupunta siya ng Batangas." " Nagpaalam po siya sa inyo?" Hindi ko naman iyon inasahan. " Oo, nasa Lipa siya ngayon dinalaw niya yung coach niya." " Tita mommy ang totoo kasi..." I paused. " Ano yung totoo, Celine?" Sasabihin ko ba kay tita mommy ang totoo na umalis si Rain para iwasan ako dahil may feelings siya sa akin o hindi? Kung sasabihin ko naman baka mas lalo lang gugulo ang sitwasyon. ' No, Celine. Masisira ang pamilya niyo.' Sabi ng utak ko. " W-Wala po." Alam ko tama ang desisyon ko na hindi sabihin ang totoo. " Sigurado ka ba?" " Opo." Ngiti ko. " Oh sige, kung may problema sa bahay tumawag ka kaagad." " Opo, tita mommy. Bye po." Binaba ko na yung tawag saka napabuntong hininga ng malalim. Ano na ang gagawin ko? Ding-Dong~ Medyo napaitlag ako. " Rain?" Napatayo ako sa pagkakaakala na bumalik ito pero binawi ko agad kasi naisip ko na hindi naman iyon gawain magdoorbell. Naalala ko bigla na pupunta pala ngayon sila Jelay at Mich sa bahay. Bigla nawala sa isip ko ang usapan namin na may girls bonding kami sa kwarto ko. Lumabas ako para pagbuksan sila sa gate. " Hi bess! May dala kaming snack foods dumaan na kami ni Jelay sa supermarket matapos niya ako sunduin sa bahay." " Pasok na kayo." Yaya ko sa kanila. Isinira ko naman yung gate ng makapasok na sila. " Grabe! Ang laki pala talaga ng bahay niyo, bess." Puri ni Mich. " Syempre, kasi may new family na si Celine. Good bye old house na. Hello, mansion!" Sabay taas ng kamay nito na parang nag i-endorso si Jelay. " Can't wait to see the pool." Sabi ni Mich. Pumasok na kami sa loob ng bahay. " Andito ba ang wicked stepsister mo?" Tanong ni Jelay. " Jelay, she's not like that." I defended. " Close kayo teh?" Hindi ko na lang pinansin ang biro iyon ni Jelay. " Baka naman magalit iyon pag nakita kami." Concern ni Mich. " Wala siya dito." Sabi nito. " Akyat na tayo sa kwarto ko." Nanonood kami ng Frozen2 sa Netflix pero hindi pa din mawala si Rain sa isipan ko. Ang akala ko mawawaglit ko ang isipin siya pero hindi din pala lalo ko lang siya naiisip. " Ayy, ang ganda ng frozen2. Aaahhh... into the unknown!" " Jelay stop, sama ng boses mo." " Oyy! Ano sabi mo!?" " Sabi ko panget ng boses mo." May malambot na bagay tumama sa ulo ko. " Bessy, sorry..." ' Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya? Tinatakot ko lang naman siya na lalayas ako dito sa bahay pero hindi ko naman gagawin iyon noh! Wala naman ako ibang mapupuntahan kung maglalayas ako.' " Oyy Bessy!" Natauhan naman ako sa panggugulat iyon ni Jelay. " Celine, napapansin namin na malayo ang iniisip mo?" Tanong ni Mich sa akin. " Huh?" " May problema ka ba?" Ganon nga siguro ako ka halata na alam nila na may problema ako. " W-Wala naman. Okay lang ako." Pilit na ngiti ko. " Inaaway ka na naman ba nun ng hilaw mong kapatid? Sabihin mo lang sa amin dahil sasabunotan namin siya." Matapang na sabi ni Jelay. " Hindi nga Jelay, hindi naman siya ganon." " Edi, hindi na kung hindi, pero kapag may ginawa siya masama sayo lagot siya sa amin." " Hindi..." Napatingin kami kay Mich nagtataka kami parang hindi ito makapaniwala sa nabasa sa cellphone nito. Kung anuman iyon ay hindi namin alam. " Mich, okay ka lang ba?" Curious ko. " Kakapasok lang ng balita. Pumutok ang bulkan taal." " Ano!?" Nagulat kami ni Jelay. " Seryoso ka ba? Hindi kaya magandang biro yan." Sabi ko. Binuksan ko yung phone ko para malaman ang totoo. And It's all over in the internet. The eruption of Taal Volcano. " Oh no, kawawa naman ang mga taga Batangas." Rinig ko sabi ni Jelay. Saglit naman ako natigilan ng marinig ang salitang Batangas. " Batangas?" Napatayo ako sa takot na isipin na andun ngayon si Rain. " Bessy? May kamag anak ka ba sa Batangas?" Nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot. " Bess... okay ka lang ba?" " Hindi... Si Rain. Si Rain... nasa Batangas siya ngayon." " ANO!?" Napatayo din sila sa gulat. " A-Anong gagawin natin ngayon?" Natataranta din si Jelay. " Ang alam ko nasa Lipa siya ngayon. Mich, Jelay... puntahan natin si Rain." " O-Oh sige, tayo na!" Yung kotse ni Jelay ang ginamit namin at ito na din yung magmamaneho. Siya lang din naman ang marunong sa amin tatlo mag drive. We turned on the radio nakikinig kami ng balita habang papunta na kami ng Batangas. " Bess, tawagan mo kaya si Rain." Suggest ni Mich. Kinuha ko yung phone ko para sana i-dialled ang number nito pero natigilan ako. " Kainis! Wala pala akong number ni Rain." Naiinis tuloy ako kung bakit di ako humingi ng number nito. " Ano ba yan!? Anong klase kayong magkapatid!?" Reklamo ni Jelay na nakatuon pa din sa daan. Napatanga na lang kami ng makita ang mula dito sa loob ng sasakyan ang makakapal na usok mula sa bulkan Taal, dumilim ang kalangitan at nakakatakot na kidlat. It's like a beautiful disaster. Tumatawag si Tita mommy. " Hello, tita mommy." Rinig ko umiiyak ito sa kabilang linya sa pag-aalala niya kay Rain. Yung guilt ko ay mas lumaki pa dahil kung hindi dahil sa akin hindi aalis ng bahay si Rain. " Tita mommy, malapit na kami ngayon sa Batangas. Hahanapin po namin si Rain." Ang sabi ni Tita mommy na papunta na din daw si Papa para hanapin din si Rain kaya bumalik na daw kami sa bahay pero hindi ko iyon sinunod. Pagpasok palang namin ng boundary ng Batangas ay kitang-kita namin sa loob ng kotse nagkakagulo na ang mga tao nagpapanic ang lahat. Nakakaramdam kami ng pagyanig ng lupa kaya hindi ko mapigilan ang matakot sa mga nangyayari ngayon. Lahat umaalis palabas ng Batangas dahil sa makapal na abo binubuga ng bulkan kaya nag dahan-dahan si Jelay sa pagmamaneho. " Jelay, ipark mo sa gilid." Inihinto naman nito ang kotse sa gilid ng daan. " Dito lang kayo dahil magtatanong ako." " Celine, baka mapano ka." Pagpigil ni Mich sa braso ko. " Mich, hindi pwede nasa loob lang ako ng kotse. Kailangan ko hanapin si Rain." Determinadong sabi ko. Lumabas pa din ako ng kotse kahit alam ko nagkakagulo na ang mga tao sa paglikas ng bayan. Tinatakpan ko yung ilong ko ng panyo. Nakikita ko ang takot sa mga mukha nila. Halos wala na nga akong makita sa kapal ng ash fall kaya di ko nakita na may lalaki na tumatakbo at nabangga ako. Nababangga ako sa mga tao nakakasalubong ko. " Rain!" Sigaw ko. Hindi ko siya mahahanap dito. " Ahh!" Natumba ako ng may malakas na bumangga sa akin. " Celine!?" Sumundo pala sa akin si Mich. Tinulongan niya ako makatayo. " Salamat." " Celine... bumalik na tayo sa loob ng kotse. Delikado na dito." " Pero..." " Celine, alam mo hindi ipapahamak ni Rain ang sarili niya. Tayo na!" " Mama!" " Anak! Bilisan mo ang pagtakbo." Napalingon kami sa mag-iina na buhat pa ang kanyang sanggol at may dalang bag at ang dalawa pa niyang maliliit na mga anak na may dala-dala din bag at hawak nito ang kamay ng kapatid niyang babae na nasa edad na tres. Puno sila ng mga ash fall ang kanilang katawan. Pareho kami nagkatinginan ni Mich at alam ko naiisip din niya ang naiisip ko. Dali-dali namin sinalubong ang mag-iina. " Ate... sumama po kayo sa amin. Lalabas po tayo ng bayan." " Salamat, maraming salamat." Kinarga ko ang batang babae at si Mich yung batang lalaki. " Sumunod po kayo sa amin." Sabi ko. Tumatakbo kami pabalik ng kotse kung saan naka park si Jelay. Binuksan ko yung pinto. " Pumasok na po kayo sa loob." Nakasakay na kaming lahat. " Jelay, dahan dahan ka lang sa pagmamaneho." Paalala ko dito. Kung pwede lang namin isakay ang lahat ng mga nangangailangan pero good for five seater lang ang kotse ni Jelay. Tiningnan ko ang mag-iina sa likod ng kotse. Nakakaawa ang mga bata na puno ng ash fall. Ako ay naiiyak kitang-kita sa mga mata nila ang takot. Nanginginig sa lamig na pinupunasan naman sila ng kanilang ina. Tinanaw ko mula sa bintana ng palabas kami ng bayan ng Batangas na halos di na makita sa kakapal ng ash fall na bumabalot dito. Dinala namin sila sa isang church kung saan maraming din evacuees na nagsilikas doon. " Maraming marami pong salamat." Sabi ng ina sa amin. " Walang ho anuman. Mag-iingat po kayo." Sabi ko. Sinalubong naman sila agad sa mga nag responder na dswd. Inalalayan papasok ng simbahan. Ring-ring~~ Tumutunog ang cellphone ko. Tumatawag si Papa. " Papa?" " Anak, Saan ka?" " Hinahanap po namin si Rain." " Anak, bumalik na kayo sa bahay. Kami na maghahanap sa kapatid mo." " Papa... hindi po ako mapakali sa bahay hanggat di po natin nahahanap si Rain. Gusto ko pong tumulong mahanap siya." Naiiyak na sabi ko. " Celine, anak. Delikado. Umuwi na kayo. Pangako, iuuwi ko ang kapatid mo na ligtas." He assured. " Pangako, Papa?" " Pangako anak." Dad promised me. " O-Okay po." Nagdesisyon na ako na umuwi na kami kahit gusto ko hanapin si Rain pero sa sitwasyon ngayon na nagkakagulo ang lahat. Alam ko, hindi ko magagawa iyon at hindi ako makakatulong kina Papa at tita mommy. Saglit ako natigilan ng may kumuha sa atensyon ko. Isang pamilyar na pulang sasakyan. " Hindi ako pwede magkamali." Lumapit ako sa pulang kotse na napakadumi na dahil sa putik. " Bess?" " Jelay, Mich.. kotse ito ni Rain." " Huh!? Talaga!?" " Oo! Hindi ako pwede magkamali. BMW at ang plate number niya ito. Andito lang siya!" Nabuhayan naman ako ng loob. Bumalik kami sa church. Gustong-gusto ko na talaga ito makita. Alam ko andito lang siya sa madaming tao dito. " Kuya! May nakita ka ba dito na babae na meztisa, maganda, at matangkad?" Pinagtanong ko na lang ito para mabilis ko ito mahanap. " Pasensya, pero hindi ko nakita." " Sige po salamat." Ganon na din ang ginawa nila Jelay at Mich nagtatanong na din sila. " Ate, Ate.. may itatanong lang po ako. May nakita ba kayong babae na meztisa, maganda tas matangkad po siya." " Siya ba yung tinutukoy mo?" May tinuro naman ito. Sinundan ko yung direksyon tinuro ni ate. Napangiti ako makita si Rain na karga ang isang bata at binigay nito sa ina. " O-Opo." " Kanina pa siya nandito. Pabalik balik siya sa Batangas para mailikas ang mga tao at kasama na ako dun at ang pamilya ko. Napakabait niyang bata." Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula kay ate. Ginawa talaga iyon ni Rain? Alam ko naman na mabuti ang puso ni Rain at defense mechanism lang nito ang pagmamaldita at pagiging matapang. " Ate, salamat po." " Walang anuman." Naiiyak ako makita ito. Nagpasalamat yung babaeng kausap nito at umalis. Nahinto siya sa paglalakad at nagulat ng makita ako. Si Rain puno ng putik ang kanyang katawan at basang basa tulad ng mga tao dito. Unti-unti ako lumapit sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin ng tipid na hindi umabot sa tenga. Hindi talaga makakaya ng konsensya ko kapag may mangyari masama sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang ito bumagsak. " Rain!" Tumakbo ako sa kinaroroonan nito. " Yung babae nahimatay." " Rain..." Sapo ang kanyang ulo sa aking mga braso. " Rain... wake up." Yugyog ko dito. Naiyak na lang ng sobra sa takot ko. Yung kaba ko kanina ay mas ikakaba pa pala ako ngayon. ********************* Naiwan ako sa pagbabantay kay Rain. Bumili kasi ng pagkain si Papa at si Tita mommy naman kinausap ang doctor ni Rain. Umuwi na din na mona sila Jelay at Mich nakapagpasalamat naman ako sa kanila sa pagsama nila sa akin. Nakaupo lang ako dito sa tabi niya. Hindi niya alam kung gaano niya ako pinakaba kanina nung nahimatay ito sa simbahan. Sabi kasi ng doctor nahimatay daw ito sa pagod. " Hmm..." She groan. Excited ako magising ito. " Rain?" Nagtama ang aming mga mata. Nang makita niya ako. " Celine!?" Nagulat ako ng bigla niya ako hilahin at niyakap ng mahigpit. Super higpit niya ako niyakap na to the point nasasaktan na ako. " Rain... nasasaktan ako." Reklamo ko sa kanya. Agad naman niya ako pinakawalan. " I-I'm sorry. Where am I?" " Nasa hospital ka, nahimatay ka kasi kanina sa simbahan. Si Papa at Tita mommy maya-maya andito na din sila. Hindi ka kasi dapat umalis ng bahay." Sermon ko sa kanya. " because... I like you." She harder cupped my face. " Aray!" Napangiwi ako sa sakit ng ginawa niya. Hindi talaga ako komportable sa tuwing sinasabi niya iyon. " I don't want to stop my feelings for you. Kaya aalis pa din ako sa bahay kapag nakalabas na ako dito sa hospital." " Rain..." I was surprised. " Hindi mo kailangan umalis ng bahay." " Celine! Kahit sabihin mo pa sa akin na wag kang mahalin. I can't! too late... mahal na kita." She confessed. Umiyak ako. " Akala ko ba okay na tayo? Na maging pamilya na tayo." " We can't be family. So, stop hoping." Pagdidiinan nito. " Sisirain mo yung pamilya natin dahil sa pamsariling kaligayahan mo." Di ko napigilan tumulo luha ko. " Si Papa at yung mom mo, mahal nila ang isa't-isa. Kaya ng konsensya mo yun na sirain yung happiness nila?" " My happiness is to love you." Mahinang sabi nito pero narinig ko pa din iyon. " Rain..." Rain take my hand and hold tight. She smiles at me. " You don't have to love me back. Just let me love you." Ewan ko ba bakit pakiramdam ko may mga maliliit na karayom tumutusok sa puso ko na nakakaramdam ako ng kirot ng marinig ang mga salita nito. Kinabahan naman ako ng biglang bumukas ang pinto agad ko naman binawi ang kamay ko sa pagkahawak sa kanya. Pumasok sila Papa at tita mommy. Nanatili ako kumalma kahit may konti kaba sa puso ko na muntikan na kami mahuli. " Anak, gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo?" " I'm much better now, mom." " Pinag-aalala mo kaming lahat. Di ko kakayanin na may mangyari sayo o may mangyari masama sa inyo." Naiiyak si tita mommy. " Mom, I'm fine now." Kinuha ko naman yung pagkain na binili ni Papa. " Sigurado ako na gutom ka na." Sabat ni Papa. " Subuan mo naman ako." " Huh?" Makahulugang tingnan ko naman ito. Ano bang iniisip niya? " Ano ka ba may kamay ka naman." Sita ko dito kahit andito mga magulang namin. " My arm is hurt." Pagdadahilan nito. Tinaasan ko siya ng kilay. Napakagaling kasi umakting nito. Di naman masakit braso niya. " Celine, subuan mo na ang kapatid mo." Utos sa akin ni Papa. " O-Opo." Kinuha ko sa plastic yung pagkain. Umupo ako sa ibabaw ng hospital bed sa tabi nito para masubuan siya. Nakangiti lang sa akin si Rain. Inirapan ko na nga lang siya. " Anak, sabi ng doctor mo pwede ka na daw makalabas ng hospital ngayon." Nung gabing din iyon ay nakalabas na nga sa hospital si Rain. Pauwi na nga kami sa bahay. Nasa likod kami ng kotse dalawa ni Rain. Pansin ko nakatingin lang siya sa labas ng bintana. " Rain, okay ka lang?" Napalingon siya sa akin saka ito tumango tas binalik ulit ang tingin sa labas. Inihatid namin siya sa kwarto niya. Hindi man siya masalita pero yung pagkatahimik niya ngayon may ibang dahilan. Pagkalabas nila Papa at tita mommy sa kwarto ay nagpaiwan mona ako. " Rain..." Hinawakan ko ang balikat niya. Napansin ko naman na nagulat ko ata siya. " Okay ka lang ba talaga?" Pagsisigurado ko. " Lumabas ka na, magpapahinga na ako." Bigla ito naging cold at masungit sa akin. " O-Okay." Nalungkot ako. Gusto nito mapag-isa. Tahimik ito humiga ng kama na nakatalikod sa akin. Ayoko nakikita siyang ganito. " Pwede ba ako matulog dito?" Naisip ko kasi na nasamahan na lang mona ito ngayon. Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. I take it is a yes. Ni locked ko yung pinto pagkatapos ay dahan-dahan ako tumabi kay Rain sa kama. Nakatihaya lang ako habang siya nanatiling nakatalikod sa akin. Sobrang tahimik nakakabinging katahimikan. Natutulog na kaya siya? " Pagkasabog ng bulkan, pagyanig ng lupa..." Bigla ito nagsalita. " Nagkagulo lahat ng tao." Nag-aalala naman ako sa kanya na baka na trauma ito sa nangyari kanina. " Rain..." Himas ko sa likod nito. Nang mabawasan naman ang bigat ng nararamdaman nito. Natigil ako sa paghimas ng likod nito ng humarap ito sa akin. Nakatitig lang siya sa akin. " It's okay..." Di ko napigilan ang sarili ko haplosin ang malambot na pisngi nito. Napapikit naman siya sa paghaplos ko. Kahit papaano gusto ko pawiin yung worries niya. Kinuha niya ang kamay ko nasa pisngi niya at hinawakan na lamang niya iyon. " Mangako ka sa akin na di ka aalis ng bahay." Tumango lang ito bilang sagot. Hindi ko na din tinangka pa na bawiin yung kamay ko sa pagkahawak niya. Hanggang sa makatulog ito. Pagkagising ko kinaumagahan pakiramdam ko napakasarap ng tulog ko. Pag-angat ko ng tingin ang napakagandang mukha ni Rain ang una ko nakita. Feeling ko Deja vu lang. Nang magising ako ay ilang saglit ay nagising na din ito. Nakatitigan pa kami ng mapadako ang tingin nito sa baba at ganon na din ako. Nanlaki ang mga mata ko. Yung isang kamay ko nakayakap sa bewang nito at nakadantay pa ako. Pagtingin ko kay Rain ay nakangisi na ito kaya nagmadali ako lumayo dito. " Good morning." Bati nito sa akin. Nahihiyang inaayos ko yung morning hair ko saka nagmadaling lumabas ng kwarto. Nagsabay-sabay na kami nag breakfast. " Rain, pinaayos ko na sa talyer ang kotse mo." Sabi ni Papa. " Thank you, tito." " Ihahatid ko na kayo sa school." " No, tito. Baka lalo po kayo ma late sa trabaho niyo. Sasabay naman po ako kay Celine." " Huh? Sa akin?" Napatingin naman ako kay Rain ng kinindatan lang niya ako. Tss! " Oh sige, masaya kami na nakikita namin na nagiging close na kayo." Pansin ni Papa. Napangiti lang ako ng pilit. Hay! Kung alam lang nila. " Tito, Mom... may ipagpapaalam nga pala ako sa inyo." Napakunot ang noo kay Rain parang kinakabahan ako sa sasabihin nito. Don't tell me aalis siya ng bahay? Hindi talaga ito maayos kausap. " Ano yun, anak?" " Since hindi pa okay yung kotse ko. Bibili sana ako ng motor." " Nang motor?" " Yes, with my savings." " It's not that hija pero... O-Okay sige kung gusto mo. Alam ko naman na good driver ka. Sige, payag kami ng mom mo." " Thank you." ' Good driver, gusto nga nito magmaneho ng lasing.' Kontra ng isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD