Something

3628 Words
Inaayos ko yung motor kasi sasabay sa akin si Rain. Wala naman akong choice dahil nasa talyer pa nga ang kotse nito. " Oh." Inabot ko sa kanya ang isang helmet. " Ako na mag drive." Napatingin naman ako dito. " Di ako na." Sabi ko. Naglahad ito ng kamay. " The key please..." Seyosong mukha nito. Napabuntong hininga ako. Sa expresyon palang ng mukha nito ay di ito papayag na di nasusunod ang gusto. Binigay ko na lang yung susi sa kanya. Naiinis ako kasi bakit ba di ko siya kayang kontrahin? " Good. Now, open the gate." Ngayon inuutusan na naman na niya ako. Sinamaan ko nga siya ng tingin. Padabog ko binuksan ang gate. Saka ito lumabas. " Sumakay ka na." Sabi nito. " Sandali lang! Isasarado ko mona. Eto naman, nagmamadali eh. Gusto mo ba manakawan tayo?" Isinira ko mona ang gate. " Whatever." Pagkasira ko ng gate ay naghihintay na nga si Rain sa akin. Sinuot ko yung helmet ko at umangkas ako sa likod. Hindi ako yayakap sa bewang niya kaya nakahawak lang ako sa balikat nito. Nang bigla niya kinuha ang mga kamay ko saka pinayakap sa bewang niya. " R-Rain?" Naiilang kasi ako. " That's the proper way. Hold it still." Sinuot na nito ang helmet. Pinaandar na niya ang makina saka umalis na kami. Napakabilis niya pong magpatakbo kaya napakapit ako ng husto sa bewang nito dahil parang matatangay na ako ng hangin. " Rain... dahan-dahan." Sabi ko sa kanya. " I can't mali-late na tayo." Napaka-istrikto pa naman yung school namin. Hindi ka na papayagan makakapasok sa first subject mo kapag na late ka na. Napatingin ako sa relo ko. " Rain... mali-late na tayo." Pangamba ko pero malapit naman na kami makarating sa Nashville. " I got it. Kumapit ka." Sabi nito. Pagsabi niya iyon ay mas hinigpitan ko yung kapit sa bewang niya. " Celine... I can't breathe!" Narinig ko reklamo nito. " Ayy sorry!" Automatikong niluwagan ko yung pagyakap ko sa bewang nito. Natawa lang ito. " I'm just kidding." Kinurot ko nga siya sa tagiliran. Nagawa pa niya magbiro. " We're here!" Nakapasok na kami sa Nashville. Napatingin ako sa guard na isinira na nito ang gate ng school. Napabuntong hininga ako ng maluwag dahil nakaabot pa din kami sa oras. Hinubad ko na yung helmet. Inayos ko mona ang buhok ko. Nakaramdam naman ako ng ilang ng mapansin ko nakatitig sa akin si Rain. Akala ko nauna na ito sa akin pero andito pa din siya. " Mauna ka na." Sabi ko. " Sabay na tayo." " Huh!?" Nagulat naman ako. " Amh... mauna ka na." Pagpupumilit ko. Inakbayan niya ako. Napatingin naman ako dun sa kamay niya nasa balikat ko. " Tayo na." Nagpatangay na lang ako sa kanya. Pagpasok namin sa classroom ay buti na lang wala pa si teacher. Binati agad nila Gelay at Mich. Umupo na ako sa upuan ko. " Hi..." Napatingin kami lahat kay Rain na binati si Darren. Maski ito ay di makapaniwala na binati siya mismo nito. " H-Hi..." " Hmm, Darren can I have a favor with you." Parang tanga tumatango lang si Darren na nakatitig kay Rain na parang nakakita ng diyosa na nakatulala. Hindi ko inasahan nakilala niya si Darren kasi di naman ito nakikipag-usap sa iba namin kaklase. " Pwede ba mula ngayon na doon ka na umupo sa upuan ko?" Mahinahon nito paki usap. Iisipin ko nagpapacute ito. Ano ba palabas niya? Teka lang... Nanlaki ang mga mata ko ng ma gets ko na ang lahat. Katabi ko si Darren kaya ito gusto makipagpalit ng upuan ay para tumabi sa akin. " S-Sa u-upuan mo?" Hindi ito nakapaniwala. " Sige Rain, dito ka na." Agad agad ito pumayag. " Thanks Darren." Nagmadaling kinuha ni Darren ang mga gamit at lumipat sa dating upuan ni Rain. Napatingin si Rain sa akin at ngumiti ng nakakaloko sabay kindat. Inirapan ko na lang ito at napasimangot. Wala bang bagay ang hindi nakukuha nito? Naiinis na kasi ako. She's really something. Nagkagulo kasi mga boys namin kay Darren dahil daw napakaswerte daw nito na pinansin ng nag-iisang The Great Rain. " Good morning class." Dumating na si Ma'am Diane kaya natigil na din yung gulo at tahimik na ang lahat. " Sa susunod na araw na ang school fest natin. The administrators decided that every sections will have a booth. The best booth will receive an award the best booth of the year. Aside from that andiyan pa din yung sports events. Celine..." " Yes ma'am?" " Ikaw ang magiging in charge sa booth natin." " Po? O-Okay po." " Kailangan niyo mag cooperate lahat. Sa ABM department we already chose Rain to be our representative in female tennis competition." Napatingin ako kay Rain na tahimik lang. " Ma'am! Di po pwede si Rain..." Ako yung umangal. Hindi pwede maglaro si Rain bawal na sa kanya ang maglaro. Nagsitinginan naman sa akin ang mga kaklase ko. " Bessy, sigurado panalo na tayo nun kung si Rain ang maglalaro sa department natin." Sabi ni Gelay. " Oo nga!" Sang-ayon naman nila. Alam ko inaabangan ng lahat ang school fest pero tutol ako sa ideyang lalaro ulit si Rain. Hindi nila alam ang totoong sitwasyon nito. " Hindi ka ba pwede Rain?" Tinanong na siya ni Ma'am Diane. Please say No. Matagal pa bago ito sumagot. " I'll play." Hindi ako makapaniwala sa sagot nito. Natuwa naman ang buong klase sa sagot iyon ni Rain. Nung napatingin siya sa akin ay sinamangutan ko ito. Hindi talaga ako natutuwa. Nung lunch break hindi ko ito pinansin. " Thank you nga pala sa inyo sa pagtulong niyo kay Celine sa paghahanap sa akin." " Wala yun, syempre kapatid ka ni Celine." Sabi ni Mich. " At saka masaya kami na okay ka." Ani ni Gelay. Nakikinig lang naman ako sa pag-uusap nila. Kahit na napapataas yung isang kilay ko kapag naririnig ko ito nagpapasalamat parang isang himala lang. " Mauna na ako sa classroom." Tumayo na ako. " Tapos ka na? Ohh sige, tataposin lang namin toh." Rinig ko sabi ni Gelay. Super naiinis talaga ako kay Rain. Ayoko siyang kausapin. " Hey." May humablot sa braso ko. Natigilan ako makita si Rain. " What's your problem?" " Bitawan mo nga ako." Nagpumiglas ako sa hawak nito. Binitawan naman niya ako. " Now, tell me what's wrong with you?" I crossed arms. " Celine!?" Naiinip na wika nito. Sinamaan ko siya ng tingin. " Bakit ka pumayag na maglaro? Bawal yun sayo! Tigas ng ulo mo." Sermon ko dito. " Ikaw ang tao nagtiwala sa akin ng sobra. Why so change?" " I believe in you! But now it's different. Na alam ko na yung sitwasyon mo. Yung health na ang pinag-uusapan natin dito, Rain." Paliwanag ko. " I know." " You know? Pero tinanggap mo pa din." Inis ko. " You're mad at me but you just need to trust me." Hawak niya sa kamay ko. " P-Pero Rain..." Andun pa din yung worry ko. " Celine, no practices no exhibition para sa competition. Okay?" She assured. She needs me to trust her. Kaya ibibigay ko sa kanya kahit ayaw ko sa gusto niya. " Pero sasabihin natin toh kila tita mommy at papa. Bawal na tayo magsinungaling sa kanila, Rain." " Oo naman." Ngiti nito sa akin. " After mona ako samahan bumili ng bagong motor." Tumango ako. Pagkatapos ng klase namin. Dumiretso na kami sa Ducati store. Mahihiya yung motor ko dito. Bukod sa magaganda ang mamahal pa ng mga presyo. " Can you choose for me." " Huh? Bakit naman ako yung pipili? Eh ikaw naman bibili at gagamit. Pero... ang mamahal dito Rain." Bulong ko dito. " It's okay." Yun lang ang sinabi nito. Balewala ata ang presyo nito sa kanya. " It's not okay." " Celine, mas preferred ko yung reliable na brand. Mahal pero matibay." " So, sinasabi mo ngayon na hindi matibay ang motor ko?" Nainsulto ako konti. " I didn't say that. Iyon kasi gusto ko sa isang bagay I don't mind the price but the quality itself." " Okay." " Now, choose for me." Nagtingin-tingin kami pero ang umagaw ng pansin ko yung black ducati big bike na super ganda at sa tingin ko bagay ito sa personality ni Rain na maganda, sexy at class. " It suits me." Napatingin naman ako kay Rain na nasa tabi ko lang pala. Nasa atensyon din siya sa black ducati big bike. " It's pretty." Sabay tingin sa akin. Nag-abot naman ang mga tingin namin dalawa. Her pretty brown eyes says something. " Ma'am, bagay na bagay po sa inyo yan." Natauhan lang kami ng magsalita ang salesman kaya nagkaiwasan kami ng tingin. " I will buy it." Sabi agad ni Rain. " May mga kailangan lang po kayo pirmahan." Sumama mona si Rain sa salesman. Ano ba yun? Kumakabog ang puso ko. Weird. Lumabas na kami ni Rain sa store. Masusubokan na niya ang kanyang bagong motor. " What do you think?" Nang sumakay na ito. Hindi nga ako nagkamali bagay talaga sa kanya ito. " Good!" Thumbs up ko sa kanya. Pag-uwi namin ng bahay ay nasa labas na sila tita mommy at papa malamang hinihintay kami. " This is nice, Rain." Puri ni Papa sa bagong motor. " Celine chooses it for me." Sagot naman ni Rain. " How much is it?" Tanong ni tita mommy. " Mom, it doesn't matter." " You're really like your dad. The price don't matter." Pailing-iling nito. " Can we go inside now? I have something to say." " O-Okay." Nagtataka naman sila. Pumasok na kami lahat sa loob ng bahay nasa living room kami nakaupo. Alam ko sasabihin na ni Rain ang tungkol sa pagsali niya sa competition. " Mom, Dad... sasali ako ng tennis competition sa school fest." Pag-amin nito. " Rain!? Hindi ka na pwede maglaro diba naka schedule ka na operahan next week. Anak naman!" Galit ni tita mommy inaasahan ko naman ang maging reaksyon nito. " Hija, ayaw lang namin na maging malala yung sitwasyon mo." Sabi ni Papa. " Alam ko lahat kayo nag-aalala sa akin pero kailangan ko suporta ninyo. This game will be my retirement." Lahat kami natahimik at nabigla sa sinabi nito. " I officially announce my retirement. Gusto ko andun kayo. Makita niyo ko maglaro. Ma proud kayo sa akin." " We will always be proud of you, anak." Umiiyak si tita mommy at niyakap siya nito. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi ito nagdadalawang isip sumali sa competition. I promise andun kami mismo sa laro niya at susurportahan siya. ********************* Sinamahan ko si Rain para kunin ang kotse niya sa talyer. Maganda na ulit ito di tulad nung dati na puno ng ash falls. " Makimtab na ulit." Sabi ko. " Let's go." " Saan tayo pupunta?" Curious ko. " I want to teach you how to drive." " Huh?" Medyo nagulat ako sa sinabi nito kunwari na di narinig. " Teach you to drive." Pag-uulit nito. Di ko napagilan na ngumiti kasi tumalon yung puso ko sa excitement. Bumalik kami subdivision para doon ako turuan magmaneho. Excited ako magmaneho ng BMW. Super ganda ng interior design nito. " Syempre alam mo yung steering wheel. And gear shift. On your right foot is the gas pedal controls the speed. Brakes is in the middle. The clutch pedal on the left." Nakikinig lang ako ng maigi sa mga instructions ni Rain. " Automatic car naman toh. So, press the brake and press the start button. Now, try it." Napabuntong hininga ako ng malalim kasi medyo kinakabahan ako. " Celine, relax." Paalala nito. Halata niya medyo tense ako. Tumango lang ako. " Okay, press the brake and press the start button." Pag memorized ko. Ginawa ko naman yung sinabi niya na. Umaandar na ang kotse pero di ko pa din alam ang susunod na gagawin ko. " C-Celine... turn the wheel." Sabi nito. " Ano? Turn the wheel?" Hindi ko maintindihan. " Celine turn the wheel!" Pagalit na sigaw niya sa akin. " Bakit ka ba sumisigaw!?" Inis ko sa kanya kasi sinisigawan niya ako. " Y-You... Y-You watch out!" May takot sa sigaw nito. " Ahh!" Nagulat ako na yung takbo ng kotse patungo sa isang pader. Agad ko inapakan ang break bago pa kami mabangga. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko sa kaba ko kanina. Muntik ko na ibangga itong kotse niya kaya malamang galit na galit na itong katabi ko. Ihahanda ko na lang yung sarili ko. " It's okay, let's start again." " Huh? H-Hindi ka galit sa akin?" Hindi ko kasi inasahan itong reaksyon niya. " Kapag ibangga mo yung kotse ko doon kita papagalitan. Now, let's try again. You have to focus and listen to me." " O-Okay." Umulit ako sumubok. Gaya ng sabi niya mag focus lang ako. Gina-guide naman ako ni Rain kaya nakikinig ako sa kanya. Medyo nararamdaman ko na driver na ako kasi nakakapagmaneho na ako. " Bilisan mo ng konti. Napakabagal mo magmaneho." Nawawala yung pagmomoment ko sa pang-iinsulto nito. " Tsk." Nag-iikot-ikot lang kami sa subdivision. Bandang hapon na kami natapos. Nakapark kami sa tapat ng bahay namin. " Marunong na ako." I'm so proud of myself. Rain applauded. " Thanks to you." Nahihiyang pasalamat ko kay Rain. " Thank you lang?" Taas ng isang kilay nito sa akin. " Sinasabi ko na nga ba eh. Ano na naman gusto mo?" I crossed arms. Bigla ito nag-isip. " How about...this..." She poked her cheek. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gusto nito. Gusto niya halikan ko siya sa pisngi. Nag-init naman ang pisngi ko. " A-Ano ka ba!" Hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso. Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kotse. Think Celine! It's getting awkward. " Treat na lang kita ng Mcdo!" Mula dito nakita ko ang pag-ikot ng mata nito parang ayaw niya sa ideyang iyon. " You drive." Maiksing sabi nito. " Ako!?" Gulat ko magmamaneho sa daan na mismo. " Why not? You want to treat me." " Pero sa daan!?" Pagklaro ko dito. " I'm hungry." Reklamo nito. " Rain naman... " I pouted. Hindi ko pa kaya magdrive sa labas. " Get out." " Rain..." Nalungkot ako kasi galit na po siya. Lumabas na lang ako sa kotse. Binaba nito ang bintana ng driver seat. " Why are you still standing there?" Tanong niya sa akin kaya hindi ko siya ma gets. " Huh?" " Akala ko ba itreat moko? Ako na ang mag drive." Pagkasabi niya nun ay napangiti ako ng malaki. Nagmadali ako sumakay sa front seat. Naisipan na lang namin ni Rain na mag take out na lang kesa kumain sa Mcdo. " Good afternoon ma'am." Maganda bati ni service crew sa amin. " 2 Big Mac, 2 milk tea McFloat and 1 large fries." Si Rain na ang umorder. " Okay ma'am." " Ikaw na mag bayad." Sabi niya sa akin. Kumuha ako sa wallet ko na 500 inipon ko yan sa lahat ng allowances na binibigay ni Papa sa akin. Binayad ko na dun sa service crew. " Here's your order ma'am. Come again ma'am." Kinuha ni Rain ang order saka kinuha ko din ito sa kanya kasi baka mahirapan siyang mag drive mamaya. Umalis na kami matapos mag order. Buti na lang may lalagyan ng dalawang cup yung kotse niya. Nagutom din naman talaga ako kaya kumain na ako. Napansin ko kay Rain nagmamaneho ito isang kamay lang ang gamit habang kumakain siya ng burger. Kawawa naman nahihirapan pa siya ngayon kumain. Tinuruan na nga niya ako magdrive. Asan yung konsensya mo gurl? Hay naku! " Susubuan na lang kita." Kinuha ko yung burger niya. Natigilan naman siya sa sinabi ko. Imbes na magreklamo siya hinahayaan lang niya ako subuan ko siya. Sa school ngayon ay sports fest. Pinapanood namin ang laban ni Arianne. Katatapos lang kasi ni Rain sa laro niya kontra sa STEM walang kahirap hirap tinalo niya ito. Nung hindi pa dumating si Rain sa Nashville si Arianne ang magaling maglaro pagdating sa tennis. Kilala ko ito kasi magkabarkada naman sila ni Banjo saka mabait ito. " Magaling siya diba?" Sabi ko. " Hmmm, basic." " Ang yabang nito. Maka basic ka diyan." Napakahambog talaga magsalita nito buti na lang walang nakakarinig sa amin. " Let's go home." Talikod nito. " Huh? Hindi natin tataposin yung game?" Gusto ko aralin ni Rain ang style ni Arianne para sa game niya bukas. Humarap ito. " I don't need to study her style, Celine. Just believe in me and I'll do great." " O-Okay? Oyy! Hintayin moko." Takbo ko. Inakbayan naman niya ako. Buong bigat niya pinatong ata niya sa balikat ko. " Ang bigat mo!" Inalis ko nga ang braso niya sa balikat ko. " Where's my reward?" " Anong reward?" Takang tanong ko nito. " I won? I think... I deserve a kiss from you." Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi nito. Hindi ito yung unang pagkakataon na hiningi niya sa akin iyon. Napatitig ako sa kanya at nakatitig din pala siya sa akin. Tahimik ang paligid dahil biglang humangin umaalon ang buhok nito na napakaganda. Mapapatameme ka na lang. Hinaplos nito ang pisngi ko. Dahan-dahan lumapit ang mukha nito at mabilis ako hinalikan sa pisngi. Nakatulala lang ako. " Hapon na, uwi na tayo." Bigla ako natauhan pero wala na sa harap ko si Rain. Anong nangyari? Napahawak ako sa pisngi ko. Hinalikan niya ako. " Hoy! Rain..." Inis na sigaw ko dito pero kinawayan lang ako. " Halika dito!" Gusto ko siyang batukan. Tinakbohan lang niya ako. Kinabukasan madami nanonood ngayon puno na nga ang bleachers ng tennis court. Tinalo kasi ni Rain ang STEM department kahapon kaya ngayon HUMSS at ABM ang magkakaharap sa final. Nauna maglaro ang men's kaya chinicheer ko din si Banjo. Andito din ang papa niya si Tito Niel magkatabi sila ni Papa at tita mommy. " Yes!" Napatayo si Tito ng manalo si Banjo. Proud na proud ito. " Anak ko yan!" Masaya ako para dito at bumuhos ang palakpakan. Panalo ang STEM sa men's tennis. Tinanggap ni Banjo ang gintong medalya at kumaway ng makita kami pero nakatingin ako kay Rain tumayo na ito ng matapos ang men's. Kinuha nito ang tennis racket niya. Naghahanda na ito sa laro. Ako ay kinakabahan para sa kanya. Inaayos niya ang kanyang ponytail. She's wearing a blue uniform and sports shoes. Bagay na bagay sa kanya kasi long legged naman ito. " Kaya mo yan Rain." Bulong ko sa sarili ko. Nagkamayan mona ang dalawa. Mauna si Rain mag serve ng bola. Pumito na ang umpire. Pinapatalbog-talbog nito ang bola saka hinagis sa taas at pinalo ng malakas. Super bilis ng serve na yun. Score! Napalakpak kami ng maka-score si Rain sa unang serve palang nito. Hindi lang isang beses kundi sunod sunod ng tatlong beses. Hirap na hirap si Arianne habulin ang unpredictable serve iyon ni Rain. Kitang kita sa mukha nito ang frustration kaya natalo ito sa first set sa serve lang iyon ni Rain ni hindi ito nakapuntos. Napailing-iling ako kasi sobra ako na amazed sa pinakita ni Rain. Si tita mommy panay ang kuha ng video kay Rain. " Go anak!" Sigaw nito. " Hooo! Gooo Rain!" Nagcheer din ako. " Ang galing galing ni Rain, bessy. Panalo na tayo nito." Ngumiti lang ako kay Gelay. Sa second set nakaka adjust na si Arianne sa mga serve ni Rain pero matalino maglaro si Rain. Nauutakan siya lagi nito sa mga tira nito na ang bibilis. Iba ang focus ni Rain ngayon ni hindi siya nagrerelax sa game. Hindi niya pinagbibigyan si Arianne. " Hey." Nabaling ang pansin ko ng tumabi si Banjo sa akin. Bago bihis ito. " Yes!" Nanalo na naman ito ng isang set. " She's really good." " Oo naman." Sagot ko na hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa panonood. " Pero... hindi na siya magaling gaya ng dati." Natigilan naman ako at sinamaan ko ng tingin si Banjo sa sinabi nito kay Rain. " Hindi mo alam kung ano sinasabi mo." Pagtatanggol ko kay Rain. Wala siyang karapatan sabihin yun tungkol kay Rain. Naiinis ako dito. " She's very talented player." Puri nito. " She really is." Pagsang-ayon ko dito agad. " Parang magkasundo na kayo ng kapatid mo." Natahimik naman ako doon. " Hindi naman kasi ganon ka sungit." Tagaktak ang pawis ni Rain pero nakafocus pa din kahit wala ng chance si Arianne habulin ang score niya. Nagtayuan na ang lahat sa huling tira iyon ni Rain. Napatalon ako sa sobrang tuwa ng ipasok nito ang tira at di magawang habulin pa ni Arianne. She wins! Naiiyak ako ng makita ko ang ngiti niya. Niyakap ako ni tita mommy umiiyak din ito gaya ko. Binigay nito ang lahat lahat kanina sa laro. Maaari ito na ang huling laro ni Rain sa tennis dahil magreretiro na ito. Super saya din ng lahat ng ABM department sa pagkapanalo iyon ni Rain. Hindi pa din tumigil ang pagluha ko habang malakas na pinalakpakan ito. " Bessy... nanay lang ang peg?" Biro ni Gelay sa akin na makita niya ako umiiyak. " Ano ka ba, happy tears ito. Masaya lang ako para kay Rain. Masayang masaya!" Pahid ko sa mga luha ko. " Nakakaproud din naman talaga siya." Ani ni Mich. " Sobrang proud ako sa kanya." Tinanggap ni Rain ang gintong medalya. Natigil ako ng mula dito tagos sa akin ang mga tingin sa akin ni Rain. Napalunok naman ako ng makita ngumiti siya sa akin ng napakaganda. Napahawak ako sa puso ko. Ang lakas ng t***k nito. Oh oh Tukso layuan moko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD