Doll, Emilia

2133 Words
Malakas akong umiyak dahil nawawala na naman ang aking favorite doll. Ayaw na ayaw ko pa namang nawawala ‘yon. It's my favorite and I can't sleep without it by my side. Nagpapadyak ako. Mayaman ang mga magulang ko, kaya naman ay kayang-kaya niyon palitan ang barbie doll na laruan ko. But I don't want to have another barbie doll. My Potchi is already enough for me. I love that doll because it was a gift from my twin brother Enrique on our sixth birthday. Kaya very special sa akin ang laruang ‘yon. Nakasimangot akong umupo sa aking kama. Sometimes, I'm a b***h kaya kapag nalaman ko na kinuha o itinapon ‘yon ng kung sinoman ay malalagot talaga sa akin. Being an only girl in the family gives me a perk of having and getting everything I want. Malakas akong sumigaw at pinagtatapon ang mga unan sa sahig. Malakas na bumukas ang pinto sa aking silid. Pero hindi ko inalam kung sino ang pumasok, because I can smell his scent already. “Baby, what happened?” malambing ang boses na tanong ng kakambal ko sa akin. He sits beside me. “My Potchi is missing and I don't know where I put her!” nakanguso kong sumbong rito. He tapped my shoulder and then hugged me. I felt so safe while hugging my twin, Enrique. “Don’t be sad anymore. I will help you to find your Potchi. Okay?” malambing ang boses niyang ani sa akin. Napanguso ako at mahinang napabuntonghininga. “Fine. And thank you my twin. You always make me happy,” nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Kumalas ako sa pagkakahayakap sa kakambal ko. “Anything for you baby,” he said. I always love his endearment to me. I felt like I'm his baby forever. I can see the happiness in his twinkling eyes. Sa tuwing nakikita ko ang kanyang mga mata ay napapasimangot ako. How I love his emerald green eyes. Wala sa sariling hinaplos ko ang kanyang pisngi. “I wished that I had the same emerald green as yours. We are twins but we're different from each other.” May lungkot sa mga mata kong ani rito. Hinawakan nito ang kamay ko. “It’s okay. You're beautiful with your hazelnut brown eyes. I love them, as I love you.” Sensiro nitong ani sa akin. And because of what he said ay nawala lahat ang inhibition at insecurities ko sa aking sarili. Ang daming nagsasabing kamukha ko raw si Mom. Si Enrique kasi ay kamukhang-kamukha ni Daddy. Our Dad is half-Scottish. Kaya naman nakuha ni Enrique ang kulay emerald green nitong mga mata. “And I love you too my twin.” Malambing kong sabi rito at niyakap ito. Labing-isang taong gulang na kami ng kakambal kong si Enrique. But he is mature enough, unlike me I'm a childish and a brat one. Sabay naming hinanap ni Enrique si Potchi. Hinalughog na namin ang lahat ng sulok sa silid ko pero hindi pa rin namin makita si Potchi. Maging si Enrique ay hindi makita ang hinahanap kong laruan. Argh! I'm starting to get irritated! “Kapag hindi ko ‘yon nakita ay hindi ako kakain!” inis kong sabi kay Enrique. “Baby, it's just a doll. I can buy you lots of i-” Ipinadyak ko ang aking mga paa para patigilin ito sa pagsasalita. “No! It's not just a doll! Regalo mo sa akin si Potchi! And she's very special to me! I don't like another doll!” sigaw ko rito. And I'm starting to cry. Agad naman akong niyakap ni Enrique. “We will find Potchi. Huwag ka ng umiyak. I don't want you to see you crying.” Marahan nitong sabi sa akin. Pinunasan nito ang basa kong luha at tumango rito. “Let’s go downstairs. Mag meryenda na muna tayo. Okay? And after that, we will find Potchi.” Pangako nito sa akin. Pagbaba namin ng kakambal ko ay may nakita kaming kausap ni Mommy. And I don't know the woman. Siguro she's a new maid. Pumunta ako sa kinaroroonan nina Mommy habang si Enrique ay sa kusina yata ang punta. “Mom!” tawag ko sa attention ng aking ina. She smile at me widely. “Baby! Come here! Ipapakilala kita kay Josefina. Dati ko siyang kaibigan at kakilala.” Masayang ani ng aking ina. Nang lumingon ang babae ay agad niya akong nginitian. Medyo tumaas ang kilay ko ngunit kalaunan ay ngumiti na rin ako. I don't want to be disrespectful in front of this old woman. Well, she's not that too old. Parang magka-edad lang naman sila ni Mom. “Hi po! I’m Emilia.” I cheerfully greeted her. “Wow! Ang laki at ganda mo na hija. Ako naman si Josefina. Pwede mo akong tawaging Nana kung gusto mo.” Masaya ring pakilala ng ginang. I just nodded to her. “Mom, kakain po muna kami ng meryenda ni Enrique,” paalam ko sa aking Ina, binalingan ko ang kaibigan ni Mom, “Nice meeting you po!” magalang kong sabi rito. “Ako rin hija,” malapad ang ngiti nitong ani sa akin. Nagmamadali na akong nagtungo sa kusina. I'm looking for my twin brother. Ngunit bago pa ako makapasok sa kusina ay narinig ko ang mahihinang tawa sa loob ng kusina. Kumunot ang noo ko. Who's with my twin? Bakit parang ang saya yata niya? Nagtagis ang bagang ko. I'm the only one that makes my twin laugh! Mabilis akong pumasok sa loob ng kusina and then I saw my twin with that kid. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang kami n‘ong batang babae. She's like a commoner. Napaingos ako. Isang commoner lang ang magpapatawa sa kakambal ko ng ganoon? How shocking right? And then nakita kong hawak ng batang babae ang aking favorite doll. It's my Potchi. Biglang nagdilim ang paningin ko. Mabilis ang hakbang ko at tinungo ang batang babae at bigla ko itong itinulak. “You b***h! How dare you to steal my doll!” malakas kong sigaw sa batang babae. Nakahandusay na ito ngayon sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak ko. Agad kong inagaw ang barbie doll ko sa batang babae. “Emilia! Stop that!” mukhang nakabawi na ang kakambal ko sa pagkabigla kaya agad niya akong inilayo sa batang babae. Dahil mahigpit ang pagkakahawak ko sa barbie doll ko ay naputol ito sa gitna. Nanlaki ang mga mata ko. “No! No!” malakas kong iling sabay bitaw kay Potchi. Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan ang batang babae na ngayon ay tinutulungan na ni Enrique na makatayo. Mas lalong kumulo ang dugo ko nang makita ko ang pag-aalala sa mga mata ng kakambal ko. Humalukipkip ako. “So, you're choosing her over me now my dear twin?” nasa boses ko ang sarkasmo. Kumunot ang noo nito. “Why should I have to choose? I'm just helping her! She's Erika, daughter of Mommy’s friend. Ano bang nasa isip mo ha? You're being rational, Emilia.” Matigas ang boses na sabi ni Enrique sa akin. Sumakit ang dibdib ko dahil sa sinabi nito. He's calling my first name, and it means that he's mad at me. “I don't care! And she stole my Potchi! Tapos hinayaan mo lang siyang hawakan ang favorite doll ko?” ayaw kong magpatalo. Ako si Emilia, everything I want, I always get. Marahas na napabuntonghininga si Enrique. “She didn't steal it. Nakita niya lang ‘yon sa may swimming pool and Mom let her play with your Pochi.” He explained. Malakas akong umirap. Matalim ko pa ring tiningan ang batang babae na ang pangalan ay Erika. She hated it so much! Seeing my twin touching that commoner makes my blood boil! Nakakainis! “Really? Duh! She's lying! Mom knows that I love that barbie doll at ayaw kong pinahahawakan ito sa iba. You liar!” inis kong sabi sabay duro kay Erika. Namumula na ang mga mata nito. But I don't give a damn! Kahit umiyak pa siya ng dugo, I don't care! She stole my Potchi and Enrique is on her side! Feeling ko tuloy ay outsider ako. “Fine! Simula ngayon ayaw ko na sa barbie na ‘yan! I don't like Potchi anymore! Just give it to that commoner b***h!” galit kong sigaw at matalim ko itong tiningnan. “Emilia! Sumusobra ka na! Can you give some respect sa bisita ni Mommy!” malakas na saway ng kakambal ko sa akin. “You should say sorry to her. Now!” mabagsik nitong utos sa akin. I look at his eyes. His eyes are cold and it hurts me so much. Sasagot sana ako nang may biglang pumasok sa kusina. Napalunok ako nang makita ko si Mommy. I know how she disciplined us. “What’s going on here? Ang lalakas ng sigaw niyo. Care to tell me what's happening here?” nasa boses ni Mommy Helena ang pagiging seryoso. Kahit kinakabahan ay pinatigas ko ang aking mukha. Tiningnan ko si Enrique. “Si Emilia po Mommy she thought that Erika st-” “Sorry po ma'am! Ako po ang may kasalanan, nasira ko po ang doll ni Emilia.” Mababa ang boses na sabi ni Erika. I rolled my eyes on so much annoyance! What a dramatic girl! Umawang ang bibig ng kakambal ko. Hindi rin ito makapaniwala sa sinabi ni Erika. Hmp! If I know she just wanted to get my Mom and twin's side! “Is that true, Enrique? You were saying something,” tanong ni Mommy sa kakambal ko. Matalas ang pakiramdam ng aking ina. I didn't look at my twin brother’s reaction. Nasaktan na ako kanina nang ipagtanggol nito ang batang babaeng ‘yon. I don't like her! I will never like her! “Well, ahm. . . Emilia pushed Erika. She thought that Erika stole her Potchi doll.” My twin brother explained. Very honest huh! I just rolled my eyes. Tiningnan ako ni Mommy. “Is it true, Emilia? Itinulak mo si Erika at sinabihan mong magnanakaw? Did I raise you like that?” galit ang boses na tanong ni Mommy sa akin. Napalingon ako sa kaibigan ni Mom. I know I hurt the woman too. Nakita ko ang malambot at nakakaunawang expression nito sa kanyang mga mata imbes na galit ang makita ko sa kanya para sa akin. Akala ko magagalit ito sa ginawa ko sa anak niya. And I hate it even more. My guilt eating me! “No Mom.” Halos pabulong kong sagot. “I can't hear you!” galit nitong sigaw. “Mom! Don't raise your voice at Emilia!” saway ni Enrique. “And don't you dare shout at me!” may pagbabanta sa boses na ani ng aming ina. Natahimik si Enrique. Binalingan ako ni Mommy Helena. “Anong sasabihin mo sa ginawa mo kay Erika, Emilia?” nakataas ang kilay na tanong ni Mommy Helena sa akin. Matigas ang boses nito. I know I have mistakes, but I will not accept them! I will never be! Matapang kong tiningala ang Mom ko. “I will never say sorry to that commoner!” malakas kong sigaw kay Mommy at masamang tiningnan si Erika. Mabilis akong tumakbo at nagkulong sa aking silid. Doon ay umiyak ako ng umiyak. Feeling ko ay pinagtutulunga nila ako. I'm mommy's daughter and I'm Enrique's twin sister! Pero bakit mas kinakampihan nila si Erika? Bagong kakilala pa lang nila ang batang babae na ‘yon! And I hate her for playing innocent b***h! Iyak ako ng iyak habang nakahiga ako sa kama ko. Napaigtad ako sa kama nang may malakas na kumatok sa pinto. “Emilia! Emilia! Open this damn door!” malakas na sigaw ni Enrique. Huh! At nagmura pa talaga ito. Sana makusutan ito ni Mommy sa pagmumura ng kakambal. Hindi ako nakinig sa kanya at ipinikit ko ang aking mga mata. “Bahala ka d‘yan!” mahina kong saad sabay irap sa hangin. Nagtalukbong ako ng kumot. Ilang sandali pa ay hindi ko na narinig pa ang boses ng kakambal kong si Enrique. Why was I been hurting when I saw my twin with that commoner girl? This is my first time being jealous of someone. Dahil ba nakita ko sa mga mata ng kakambal ko ang pagpapahalaga sa babaeng ‘yon? I don't want to overthink anymore. Malakas akong napabuntonghininga. Duh! I don't care about that doll anymore. I can replace it with thousands of dolls. Pero si Enrique ang nagbigay sa akin n‘on, it's so precious to me. But I guess, goodbye Potchi na. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. I hope that when I wake up it's all a dream, a bad dream.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD