"Hindi ako sang-ayon dito, Steph. Baka mapahamak ka lang diyan sa binabalak mo." Kylie held my arm. "He's a Dean. If you'll get into trouble because of this, baka lalo lang mawala ang tiwala nina Tito Stefano sayo."
I understand that Kylie is concern about my insane plan of using Dean Chen, but I'm desperate to earn my degree and prove to everyone that I can be something more. Kapag natapak-tapakan ka na ng mga taong inaakala mong magtataas sayo kapag nadapa ka, mawawalan ka na ng pakialam sa magiging reputasyon mo.
"Mag-iingat ako, Kylie. Hindi niya malalaman."
"How sure are you? He didn't become the youngest Dean in the university for nothing!"
I sighed. "Basta. Magtiwala ka na lang sa akin saka... please, sikreto lang natin 'to? Itikom mo 'yang bibig mo, Kylie, parang awa mo na."
Napatigil siya at tila may lungkot na dumaan sa mga mata kaya napakunot ako ng noo.
"Bakit?" I asked.
"Hmm?" She drew in a sharp breath then shook her head. "Wala naman. Na-miss ko lang 'yong kagarapalan ng bibig mo. Simula noong nahinto ka after failing the first sem in our last school year, ang laki ng pinagbago mo." Pilit siyang ngumiti. "Sana, Steph mura-murahin mo na lang kami ulit kasi nami-miss na namin ang sigla mo. Lahat kami nag-aalala nang husto sayo lalo na si Audrey. Alam mo naman, takot na takot na 'yon sa usapang depression."
I wish it's that easy to bounce back and be my normal self again, but me f*****g up my chance to finish college on time really messed up my mental health. Pati ang self-esteem ko ay bumaba nang husto kaya sana ay mapanindigan ko talaga ang plano ko.
Pinilit kong ngitian si Kylie saka ko isinuot ang leather backpack ko. "Magiging okay din ako. Kailangan ko lang patunayan ang sarili ko."
"Pero kaya mo naman kahit walang tulong ni Dean Chen, Steph. Matalino ka. Mas matalino ka pa nga sa aming apat."
My chest tightened. Am I? Kung ako ang pinakamatalino, bakit ako ang hindi nagmartsa? Bakit ako ang hindi nagsuot ng toga? It's frustrating when people are telling you that you're smart yet you can't even succeed in life. Parang mas lalo lang akong nagiging talunan kapag sinasabing may utak ako, pero wala naman akong marating. Wala akong mapatunayan.
Hindi ko na lamang siya kinibo. Nang makaalis ako ng bahay ay ihinanda ko na ang sarili ko. I can't show Dean Chen that I'm still mad at him, kahit ang totoo ay sa kanya ko pa rin talaga isinisisi ang pagbagsak ko.
I went to his office and expected him to not be there yet, ngunit nang makapasok ako ay nakasandal na siya sa kanyang swivel chair, ang ulo ay nakaliyad nang kaunti habang nakasara ang kanyang mga mata.
Is he sleeping?
I shut the door carefully and took the chance to study him. He's wearing a maroon polo shirt and denim jeans. Nakasuot pa ang salamin niya habang nakapikit ang kanyang mga mata. His hair was on a clean cut, at sa pwesto niya ngayon ay nagkaroon ako ng pagkakataong pag-aralan ang kanyang itsura.
Dean Chen has a sharp and defined jaw line. May hiwa sa kanyang baba habang ang ilong ay matangos. It was slim with a downturn tip that's pointing his slightly unproportion lips. Mas manipis ang itaas na labi sa ibaba. His eyelashes are long while his brows were thick and a little bushy on the inner corner.
May nunal siya sa tapat ng adam's apple na madaling mapansin dahil itim na itim. His built was toned but not bulky, as if he's only maintaining a healthy body, ngunit hapit pa rin sa manggas niya ang kanyang braso.
Napatitig ako sa kanyang braso. His rolex looked more expensive because he's the one wearing it. Nang tinignan ko ang kanyang mga daliri ay napakunot ako nang walang makitang wedding band.
I thought he's married?
"My anatomy isn't part of the bar exam, Miss Madrigal."
Kumalabog ang dibdib ko nang madinig ang kanyang sinabi. Nang makita ang bahagya niyang pagdilat ay nalunok ko ang sarili kong laway.
Bakit ba ang intimidating tumitig ng lalakeng 'to?
I drew in a silent breath as I remembered why I'm here. Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa desk. "Good morning, Dean Chen." I offered my hand. "Bati na tayo."
His brows slightly furrowed. Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na nakalahad saka siya humugot ng hininga at tumayo.
"Hindi naman tayo nag-away, Miss Madrigal." He walked and patted my shoulder. "Sit down. I'll just get the reviewers."
Napaawang ang mga labi ko at napasunod ng tingin sa kanya. Hindi nag-away? So, anong tawag sa pagmumura ko sa kanya? Hindi pa ba away 'yong sagutan namin sa email?
"Nag-away tayo, Dean Chen," pilit ko.
Napalingon siya sa akin habang nasa harap ng drawers. "We did not. You only expressed your frustration in a not so decent way by using profanities and unsupported claims, but I did not, in any violent way, responded to it because I knew you were coming from a state of disappointment." He pointed me. "Baka ikaw lang ang umaway, pero hindi kita pinatulan."
Napakurap ako, hindi makapaniwala. Ganito ba talaga 'to makipag-usap? Parang ginagawa akong kliyente!
He grabbed a few binders and shut the drawer. Inilapag niya ang mga iyon sa coffee table saka siya sumenyas na lumapit ako.
I swallowed the pool of saliva in my mouth when I saw his biceps effortlessly flexed after he sat on the couch. Bakit kahit postura sa pag-upo, parang modelo ang lalakeng 'to? He's sitting on the couch as if he's selling it for millions, and I hate my mind for thinking that way!
Nang hindi ako nakaalis sa aking pwesto ay muli siyang bumaling sa akin. Hindi siya nagsalita at nakipagtitigan lamang na tila hinihintay akong kumilos.
I sighed and finally walked towards him. Naupo ako sa kanyang tabi ngunit nagsalubong lamang ang kilay niya. Na-frustrate naman ako kaya hindi ko napigilan ang pag-irap.
"What now?" I hissed, almost forgetting why I'm even here in the first place.
Dean Chen pointed the single-seater in front of us. "You're supposed to sit there, Miss Madrigal."
"Why?" I smirked. "You find me attractive that you'd rather have me seated where you can stare at me without breaking your neck?"
Napaangat siya ng parehong kilay. "You have a very attractive face, Miss Madrigal, but you won't get into my program nor march on the next graduation day by joining a beauty pageant." He jerked his head. "Move."
Napasimangot ako. Paano ko ba aakitin 'to kung parang hindi naman marunong humarot? May iba pa bang laman ang utak nito maliban sa batas?
Masama ang loob na lumipat ako sa kabilang silya. Inilatag niya naman sa harap ko ang kailangang kong pag-aralan. He explained it while his eyes were focusing on the materials in front of me, habang ako ay nakatitig lamang sa galaw ng kanyang mga labi.
Bakit... parang ang lambot-lambot no'n? Masarap kayang humalik si Dean Chen?
"Did you understand everything?" he asked then lifted his gaze at me.
"Hmm?" Napatuwid ako ng likod saka patay-malisyang tumango-tango. "Yes."
Umarko pataas ang kanyang kilay. "Can you be found guilty in a civil case?"
I blinked twice. "Huh?"
"I mentioned earlier that you'll be studying the difference between a civil and criminal case. I gave you a tip about the difference in terms of the decisions between a civil and criminal case. If you're paying attention and you understood everything I said, you'll know the answer, Miss Madrigal. So what's the answer?"
Napalunok ako. "Y--Yes?"
He sighed. Mayamaya ay pinitik niya ang aking noo. I groaned and wiped my forehead while glaring at him.
"Review this and give me the answer later." Tumayo siya at sinalubong ang matalim kong titig. "Next time I'll catch you wasting time by staring at my lips, I'll establish a rule between us. Maybe I'll have you clean my office tuwing mahuhuli kita."
Uminit ang aking pisngi. "H--Hindi ko tinititigan ang labi mo, ano!"
Umismid siya. "Yes, you did. Graduate, get your license, saka mo asaming matikman. For now, focus. My lips won't get you a degree."
Nanlalaki ang mga mata at halos malaglag ang panga ko siyang sinundan ng tingin nang lumabas siya ng opisina. This man is unbelievable!