"Ma, kumusta ka na diyan?" tanong ko kay Mama habang kausap ko siya sa phone. She looks exhausted and sleepless, yet she still managed to give me a small motherly smile.
"Kinakaya naman, anak. Dalawa na ang trabaho ko rito. Nakahanap ako ng isang mapapasukan kaya kahit paano ay madadagdagan ang kita. Nabibili ba lahat ng gamot ng Papa mo? Kumakain ba kayong lahat nang maayos, Steph?"
I nodded while holding back my tears. Siya na ang nagpapakapagod pero mas naiisip niya pa rin ang kalagayan namin dito.
"Okay lang po kami, Mama. Ah, Ma? Huwag mo nang problemahin ang tuition ko kapag nag-enroll ako. Hahanap ako ng trabaho para may panggastos ako--"
"Si Lorena ba 'yan?" tanong ni tita Ningning nang makita ako sa balkonahe.
I swallowed before I nodded. "O--Opo."
"Ay pakausap, Steph. Dali. Chat ako nang chat hindi ata nakikita ang message ko."
Hindi pa ako um-oo ay kinuha na ni tita Ningning ang cellphone ko saka malaki ang ngising ngumiti na akala mo naman ay hindi niya ako pinagsalitaan ng kung anu-ano noong graduation ni Kylie.
"Naku, Lorena! Hipag, kumusta ka naman diyan? Paganda ka yata nang paganda, ah?" bola niya kay Mama.
I heard Mom disagreeing but tita Ningning continued. Ako na lang ang nahihiya sa kaplastikan niya sa Mama ko.
"Ay oo, huwag kang mag-alala sa mga anak mo dahil alagang-alaga naman sila. Mabunganga lang si Mama pero hindi niya naman pinababayaan. Lagi rin naman kaming nakabantay sa mga pamangkin namin. Ay, Lorena, pinapatanong ni Mama kung baka naman daw pwedeng makapagpadala ka sa susunod na Linggo? Birthday kasi ng bunso ko, eh alam mo naman si Mama gusto no'n nahahandaan ang mga apo."
"T--Tita Ningning, kapapadala lang po ni Mama noong nakaraan. Mag-isa lang niyang kumakayod ngayon sa Hongkong," sabat ko.
Inilayo ni tita Ningning ang cellphone sa mukha niya saka niya ako pinanlakihan ng mga mata. Umiwas naman ako ng tingin at humugot na lang ng hininga. Nang mapatingin ako sa kwarto ni Papa, napansin kong nakatanaw siya sa amin ni tita Ningning.
"Baka naman magagawaan ng paraan? Ibinili kasi namin ng bagong cellphone ni Rowena ko 'yong sobra sa ipinadala mo. Eh, pumayag din kasi si kuya kasi nga 'di ba pinangakuan niya na 'yong bata na siya ang sasagot ng pang-aral? Kailangan din kasi ngayon sa pag-aaral ang cellphone."
I chewed my bottom lip. Ako nga nagtyatyaga sa cellphone na binili ni Papa sa Hongkong noon. Kahit tatlong taon na sa akin, ingat na ingat ako tapos si Rowena, pinasalubungan nina Papa last year ng cellphone, ngayon nagpalit na naman.
Hindi ba sila naaawa sa Mama ko? Halos lahat na nga ng bills dito sa bahay, si Mama na ang sumasagot. Hindi naman milyonaryo ang mga magulang ko. Hindi naman porke't nag-abroad ay mayaman na. Hindi rin kada hingi nila ay may maiaabot si Mama.
Hindi na kami nakapagpundar ng bahay dahil iyong kita na dapat ay iipunin nina Mama at Papa, napupunta na sa mga kamag-anak namin sa side ni Papa. Palibhasa kasi ulila na ang Mama ko kaya wala kaming ibang pupuntahan. Kung sana buhay pa si Lola Dolor, baka hindi ganito ang kalagayan namin. Bakit iyong mababait ang kinukuha kaagad ng Diyos?
"Sus, ikaw pa, Lorena mauubusan? Ang ganda-ganda ng buhay diyan sa Hongkong." Napansin ko ang pag-irap ni tita Ningning. "Kung hindi lang naman na-stroke si kuya, hindi naman ako hihingi sayo."
Naiyuko ko ang ulo ko nang madama ang matalim na titig ni tita Ningning. Siguro pumayag na lang din ang Mama na magpadala kahit wala na siyang pera dahil alam niyang ako na naman ang pag-iinitan kung sakaling hindi siya pumayag.
Nang maibalik sa akin ang cellphone, awang-awa kong tinignan ang Mama ko sa screen.
"Ma, bakit ka pa pumayag? Halos wala ka na ngang tulog. Bugbog na bugbog ka na sa pagtatrabaho."
Basag na ngumiti si Mama. "Hayaan mo na, anak. Kaya pa ng Mama. Ang mahalaga, hindi sila magkaroon ng dahilan para ibunton na naman sayo ang inis nila. Nasasaktan ako na hindi kita maipagtanggol, Steph." Naiyak na siya nang tuluyan. "Patawarin mo si Mama kung mahina ang loob ko at hindi ko sila magawang sitahin. Kapag nakatapos ka, anak pwede ka nang bumukod. Malalayo ka na sa kanila, ha? Sa ngayon, tiis muna tayo, Steph. Ikaw muna ang bahala sa Papa mo at sa mga kapatid mo."
I sniffed and wiped my tears. "Nakakausap mo ba si Steffy, Mama? Baka may problema at madalas late umuuwi sabi ni Seb."
"Wala namang sinasabi, anak pero umuungot ng pampa-rebond bago magpasukan."
I sighed. Bakit naman gano'n?
"Oh, sige na, Steph. Iidlip ako sandali nang may lakas akong magtrabaho mamaya. Mag-iingat ka at lakasan mo palagi ang loob mo, ha? Mahal na mahal ka ng Mama, anak."
Pigil ang luha akong tumango. "Mahal din kita, Ma."
Nang maputol ang tawag ay pumasok na ako sa loob. I took a bath and got dressed. Ala una ang usapan namin ni Dean Chen. Dahil Linggo ay sa isang coffee shop kami magkikita para mag-review.
Noong itatapon ko na sa basura ang plastic ng shampoo, napansin ko ang pamilyar na plastic. Ganoon ang binili namin noon para kay Rizza nang nabuntis siya. Kinabahan tuloy ako at dali-daling kinuha sa basura nang makumpirma ko. Wala nang laman at nakabalot ng papel na nabasa para siguro hindi makita. Napakunot tuloy ako ng noo. Sino ang gumamit ng pregnancy test kit?
I took a photo and sent it to Kylie to ask her if she's pregnant, but Kylie cursed me and told me Jolo wants to keep her pure until their wedding day. Menopaused na ang mga tiyahin ko kaya kung hindi si Rowena, baka is Steffy?
Napalunok ako sa huli kong naisip. Huwag naman sana. Kawawa si Mama kung nagkataon. Ang taas pa naman ng tingin kay Steffy.
Ibinalik ko na lang sa basurahan ang plastic saka na ako lumabas ng banyo. Nang makaalis ako ng bahay at nakapunta sa coffee shop na sinasabi ni Dean Chen, lumulutang pa rin ang isip ko dahil sa nakita.
Dean Chen clicked his fingers to get my attention. "You're spacing out again, Miss Madrigal."
"Hmm? Ay, sorry." I tucked my hair behind my ear. "Pasensya na, Dean Chen."
He drew in a sharp breath and stared at the reviewer. "You can drop the salutation. We're not inside the uni."
Napakurap ako. "Po?"
His eyes met mine again. "I said you are free to drop the salutation when we're not inside the uni."
Ngumuso ako at nag-isip. "Anong itatawag ko sayo? Kuya o tito Chen?"
Nalukot nang husto ang noo niya. "Are you teasing me, Miss Madrigal?"
Umiling ako kaagad. "It's a harmless question, Dean Chen. Ikaw nga, Miss Madrigal ka nang Miss Madrigal pwede mo naman akong tawaging baby."
Umismid siya. "Why? 'Cause you know nothing?"
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Marunong ka bang makaramdam kung pick up line, hmm?"
He raised both of his brows as he grabbed his cup of coffee. "Pick up lines don't work with grown ups, Stephanie."
My heart pounced. Did he... call me by my first name? Napatitig tuloy ako sa kanya habang sumisimsim siya ng kape. Bakit kasi ang gandang pakinggan ng pangalan ko noong siya ang nagsabi? Dahil ba parang may accent ang pagkakabigkas?
Ssstefaneee. Samantalang iyong nagkakagusto sa akin sa kanto namin, Estefane ang bigkas sa pangalan ko.
I cleared my throat. "Baka sa old people, Ninong Chen?"
Muntik niya nang maibuga ang kapeng iniinom saka lukot ang noo akong tinignan. "Ninong?"
"Yeah. Parang ayaw mo ng tito or kuya, so Ninong na lang?"
He inhaled a sharp breath then massaged his nape as if he's trying to calm himself. "Just Coal. Coal will do."
"Nah, I like Henry more."
Napansin ko ang bahagyang pagkurba ng mga labi niya pataas. "Really? You are the first person who liked my second name. Mind justifying your opinion?"
"Coal means uling. Hindi ka naman n***o. Mas maputi ka pa nga sa akin. Henry means ruler or lord that's why a lot of kings in the west were named Henry. You're kind of strict like a king so, yeah. Mas bagay sayo ang Henry, Henry." I picked up my iced coffee and was about to sip when I remembered something. "Oh, wait. Pwede rin pala ang Coal 'cause, you know? You're hot."
Tumaas ang kilay niya. "I'm hot, huh?"
"Uh-hmm..."
Napasandal siya sa couch at tinitigan ako. Mayamaya ay humugot siya ng hininga at ang panga ay bahagyang gumalaw. "With all due respect, Stephanie, you're a very pretty girl, but I don't date women your age. Besides, it's immoral to go out with a student."
"Sinasabi mo bang nati-tempt kang i-date ako, Dean?" I teased.
He smirked. "Not so fast, Madrigal. My bachelor years were over. I have no time to still prioritize my dating life."
"Sabi mo lang 'yan. Baka nga crush mo ko kaya mo ko nire-review."
He scoffed. "You're unbelievable. I'm just helping you out because you are blaming me for not being able to graduate."
"Tignan natin," I murmured before I continued reading, but when we heard a commotion coming from outside, I turned my head to see who it was. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Steffy na sinasampal ng isang babaeng inaawat naman ng lalake.
Napatayo ako at dali-daling lumabas saka ko sinubukang umawat. I didn't realize that Dean Chen followed me, kaya nang akmang sasampalin ako ng babaeng nang-aaway kay Steffy ay kaagad siyang pumagitna.
He mentioned all of the criminal cases we can file if they won't leave my sister alone, at nang siguro ay natakot ang babae ay tumingin sa akin si Dean Chen.
I flashed an apologetic smile at him. Magpapasalamat sana ako, ngunit nang dumaing si Steffy at nilingon ko siya ay halos mawalan ng kulay ang aking mukha nang makita ang dugo sa kanyang hita.
Napatulala ako sa kapatid ko. Siya nga ang gumamit ng pregnancy test kit...