Kabanata 7

1461 Words
"Pumapayat ka na," puna ni Kylie sa akin nang maabutan akong nagsisipilyo sa kusina. Nagmumog ako at ibinalik ang toothbrush sa lagayan. "Nakakapagod lang kasi sa trabaho tapos laging nakatayo." I got a job at a fastfood chain near the school. Bago ang tutorial session namin ni Dean Chen ay dumidiretso muna ako sa coffee shop para magtrabaho bilang part-time waitress. Gusto kong mabawasan ang sagutin ni Mama kaya habang may isang buwan pa para makapag-ipon ay tinatrabaho ko na. Naging makahulugan ang ngisi ni Kylie. "Akala ko sa iba ka napapagod." Uminit ang pisngi ko nang maintindihan ang gusto niyang iparating. Pinalo ko siya ng tuwalya sa tagiliran saka ako pabirong umirap. Humagikgik naman siya saka na binuksan ang mga nakatakip sa lamesa. "Anong oras ang pasok mo?" tanong ko. She was hired as an admin staff at a mental clinic. Tinanggap na rin niya dahil malaki-laki na ang offer para sa isang fresh graduate. She even offered to share some of her salary to me so I can pay my tuition. Hindi nga lang namin pwedeng sabihin kina Lola dahil siguradong magbubunganga na naman sila. "Alas nuebe. Ikaw?" Sumandal ako sandali sa lababo at tinuyo ng tuwalya ang buhok ko. "Alas otso hanggang alas singko." Her brows furrowed. "Eh, paano pa kayo nakakapag-review?" "Pagtapos na ng part time ko sa coffee shop. Two to three hours lang naman ako ro'n. Kapag peak hours lang." Tumaas ang kilay ni Kylie. "So nag-s-stay kayo sa university hanggang dis oras ng gabi?" "Uh-huh." Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Huwag mo kong tingnan nang ganyan." She pursed her lips and prevented herself from bursting into laugh. Nang pumasok si tita Ningning sa kusina ay nagawa pang magpatimpla ng kape sa akin. Umikot tuloy ang mga mata ni Kylie. "Kung ako 'yon, nilagyan ko ng asin," aniya nang makaalis si Tita Ningning. Palibhasa ay matagal na siyang sinasabihan ni Tita Ningning ng pokpok magmula noong siya ang kinuha bilang muse ng purok namin at hindi si Rowena. "Pabayaan mo na," sagot ko bago na sumenyas na magbibihis na. I wore my white shirt and checked Papa before I left. Kahit na hanggang ngayon ay hindi niya ako kinikibo, humahalik pa rin ako sa pisngi niya bago ako umaalis. Me seeing him every morning motivates me to strive harder in proving myself. Kaya kahit minsan ay nakakapagod ang dala-dalawa ang trabaho, lumalakas ang loob ko. My normal day went by. Noong oras na para sa review session ko, naisipan kong ilibre si Dean Chen ng Jollibee. Dumaan ako sa pinagtatrabahuhan kong fastfood at bumili ng pagkain namin saka ako nagtungo sa opisina niya sa College of Law. Dean was on the phone when I got it. Parang stress na stress siya dahil sa kausap, at nang maramdaman ang pagpasok ko, bumuntong hininga siya saka na nagpaalam sa kausap sa phone. "How's work?" he asked. He always does. Mula noong nalaman niyang nagtatrabaho na ako, iyon na ang palagi niyang bungad kapag dumarating ako sa opisina niya. "Nakakapagod, pero may tips ngayon." I removed my backpack and went to his table. "Libre ko." He stared at the food on his desk then looked at me. "I uh... don't really eat fastfood." Napawi ang kurba sa aking mga labi. "Gano'n ba? Uh, sige iuuwi ko na lang pala--" "Did you buy it because you wanna have dinner with me?" Uminit ang pisngi ko sa kanyang tanong. Napaiwas tuloy ako ng tingin dala ng hiya. "H--Hindi, ah?" "Really? Ayaw mo kong kasabay mag-dinner? Dinalhan mo lang talaga ako--" "Oo na." Inirapan ko siya. "It's a token of appreciation. Okay na?" I saw the corners of his lips twisted upward. "Thank you, Steph." I blinked, my heartbeat suddenly raised when I saw a glint of joy in his eyes. Napalunok na lamang din ako at tumalikod na upang maupo sa couch. He stood up and carried the food. Nang mailapag ang pagkain sa coffee table ay siya pa ang naglagay ng akin sa harap ko. He even arranged the plastic spoon and fork next to it as if we're about to have a fine dining. "Shala," I murmured. "Hmm?" "Sabi ko shala may pag-ayos ng kutsara at tinidor. Akala mo nasa resto." Kumunot ang kanyang noo. "You don't arrange your utensils that way at home?" Umiling ako. "Nakalagay sa container ang kutsara't tinidor namin tapos kanya-kanya lang kami ng kuha." "Huh. That's... weird. Anyway, this is my first time to try plastic utensils. Will this not break?" Ako naman ang napalukot ng noo. "First time mong gagamit ng ganito?" He nodded. "Like I said, I don't really eat fastfood. I wasn't allowed when I was younger to eat stuff like this because it's not healthy." "Hindi ka man lang na-curious kung ano ang lasa?" "Curiosity can get you into trouble, Steph." He met my gaze. "I don't like getting into trouble." "Hindi ka naman mamamatay sa isang pirasong chicken joy, Dean." He sighed. "I guess you're right. I feel so ignorant right now." "Okay lang 'yan. Hindi naman lahat dapat alam mo." Kinuha ko ang kutsara at tinidor niya saka ko hinimay-himay ang manok nang hindi niya maputol ang utensils niya. Nang natapos ay inilagay ko ulit sa kamay niya ang mga iyon. I caught him staring at me. "Bakit, Dean? May dumi ba ako sa mukha?" He drew in a sharp breath and shook his head as he drifted his gaze towards his food. "None." He cleared his throat. "Are you working at the Jollibee near the main gate?" "Yeah. Cashier ako ro'n." I smirked. "Kapag cashier ka, ibig sabihin matalino ka kumpara sa ibang crew." "Really, huh? I didn't know there's a hierarchy in a fastfood org." Nagtinidor siya ng manok, ngunit bago iyon sinubo ay nagpatuloy muna siya sa pagsasalita. "Since you're working at a fastfood chain as a cashier and a customer began physically abusing you for giving a wrong change, causing you to lose your eyesight, who can sue who and what will be the case?" Sinubo niya ang nasa kanyang tinidor, at nang nalasan ang pagkain ay napatango-tango siya. "This is surprisingly good." Ngumuya ako at nag-isip. "Did she figure out that I gave the wrong change after she left?" "Assumingly, yes." "Since customers are reminded all the time to check their change before leaving the counter, she doesn't have a strong argument about the reason for her behavior, but I can definitely sue her for public disturbance and physical injuries." I smirked. "Republic Act 1385." Inagaw niya ang bottled water na sinusubukan kong buksan at siya na ang nagbukas bago iyon ibinalik sa akin. "You're already memorizing the basics. Shall we proceed to the complicated ones?" "I'm not even in law school yet," rason ko bago uminom. "Better to be prepared before you even go to war." Isinara ko ang bottled water. "Sigurista ka talaga, ano? Hindi ka lang perfectionist? Ganyan ka rin ba sa mga naging chics mo noon, Dean?" He lifted a brow. "Look who's getting interested about my dating life, huh?" Inirapan ko siya kunwari. "Just answer me." Nginuya niya ang pagkain sa kanyang bibig saka ako tinitigan. "I only dated one girl, Steph." Napakurap ako. "I--Isa lang?" "Why? How many men have you dated in the past?" Sandali akong nag-isip. "Tatlo? Yeah, tatlo. Pero short-term relationships lang." "How short?" "Two weeks to three months, I guess?" Nagkibit-balikat ako. "Bakit? How long was your only relationship?" tanong ko bago muling sumubo ng pagkain. "Fifteen years," he casually answered. Halos mabilaukan ako. "Fifteen? Diyos ko, kaya naman pala ayaw mo nang makipag-date? Mahirap naman palang tapatan ang kinseng taong relasyon." "Yeah. I already had my fair share of romance and heartbreaks. I'm good." Umismid ako. "H'wag kang magsalita nang tapos, Dean. Malay mo nasa paligid lang ang pwedeng tumalo diyan sa fifteen years mo." "Not when my my daughter still wants me and her mom to work things out." Natigil ang aking pagnguya. "May... anak ka na?" Coal nodded. "Yeah, and she's the reason why my wife and I can't process our annulment papers." Tumikhim ako habang nakatitig sa aking pagkain. "Eh, paano kung... kung makahanap ka ng bagong babae sa buhay mo tapos... tapos ayaw pa ring pumayag ng anak mo na... palitan ang mommy niya sa buhay mo? Will you listen to your daughter or you'll choose the next woman you'll fall in love with?" Sandali siyang nag-isip, at nang iangat ko ang aking tingin ay napansin kong sa akin nakatutok ang kanyang seryosong titig. Mayamaya ay humugot siya ng malalim na hininga saka sumandal sa couch. "I cannot break my daughter's heart, Steph. So as long as my daughter isn't letting me be happy with another girl, then I will keep myself unavailable for another relationship..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD