"Ang ganda, ha? Mahal 'to, Steph," Kylie remarked while gazing inside the condo. "Kumpleto pa ang gamit."
"Kaya nga nakakahiyang dumihan," sagot ko.
Bumaling siya sa akin. "Iyong... plano mo ba kay Dean Chen, tuloy pa rin?"
Napaiwas ako ng tingin. I don't think I'm ready to admit to Kylie nor to our friends that I am already falling for a married man. Kahit naman sa sarili ko ay hindi pa ako handang aminin ang bagay na iyon, kaya kahit na alam kong hindi ko na itinutuloy ang orihinal kong plano, itinango ko ang aking ulo.
Kylie sighed. "I don't think it's still worth it, Steph. Mabuti pa siguro ay itigil mo na habang maaga pa. Nag-aalala na rin kami sayo dahil tignan mo? Dean Chen is putting a lot of effort in helping you. Baka mamaya ay nagkakagusto na talaga siya sayo."
Nilunok ko ang sarili kong laway saka ako pilit na ngumiti. "Huwag na muna natin 'yang pag-usapan, Kylie. Kumusta na sina Papa? Nakalipat na ba sila?"
Tumango siya. "Oo, kaso dahil wala namang titirahan sina Lola at sina Tita Ningning dahil pagtutulungan pa lang ng mga nanay natin ang pampagawa ulit ng bahay, sumama sila ro'n. Hindi ka tuloy makakadalaw."
Bumagsak ang mga balikat ko. Miss na miss ko na sina Papa at ang mga kapatid ko. Nag-iiyakan kami palagi ni Mama tuwing magkausap kami sa phone dahil awang-awa siya sa akin.
Nagagalit siya kay tita Ningning, kaya lang wala rin namang ibang tutulong kay Tita Menggay para mapatayo ulit ang bahay ni lola, kaya kahit na alam kong ayaw na sana niyang tumulong, wala rin siyang magawa.
Hinagod ni Kylie ang likod ko. "Hayaan mo. Kapag dumalaw ako ro'n, tatawagan kita para makausap mo naman si tito Stefano at ang mga kapatid mo." Dinampot niya na ang bag niya. "Mauna na rin ako, Steph. Dumaan lang talaga ako para i-check kung okay ka ba rito. Magpahinga ka, ang lalim na ng eyebags mo."
I pursed my lips and nodded. Ihinatid ko siya hanggang sa ibaba, at nang masundo na siya ni Jolo, saka lamang ako pumasok ulit.
Natulog na muna ako dahil Linggo naman at wala akong pasok. Ngunit nang magising ako ng bandang hapon, naririnig kong mayroon nang nagluluto sa kusina. Bukas na rin ang AC at may comforter nang nakatakip sa akin samantalang hindi ko naman natatandaang ini-on ko ang AC.
I immediately stood up and went out of the room. Nang makita ko si Dean Chen na abalang magluto sa kusina, hindi ko napigilan ang sarili kong pagmasdan siya.
He's wearing an evergreen shirt matched with his denim jeans. He was frying something on the stove, his thick eyebrows were slightly meeting while his lips were pursed as if he was too serious with what he was doing. Nang siguro ay naaninag niya ako nang kumuha ng asin, umaliwalas ang kanyang mukha at kaagad siyang ngumiti nang matipid.
"I didn't bother you anymore. Masarap ang tulog mo," aniya bago hinalo ang sinangag.
Lumapit ako at pumunta sa kusina. "Sana ginising mo ko. Ako na sana ang nagluto."
"It's fine. I know you stayed up late because of your projects." Pinatay niya ang kalan at isinalin sa plato ang pagkain. "You haven't had your lunch yet. Eat before we go."
Kumunot ang aking noo. "Where are we going?"
"You didn't read my chat?" he asked.
"Ano bang sinabi mo sa chat?"
Kinuhanan niya ako ng uttensils at inilagay iyon sa aking tapat nang makaupo ako sa stool. "I said we should attend the mass. We can pray for your father and brother's fast recovery."
Tila may mainit na palad na humaplos sa aking puso. I can't believe someone like him would also be God-fearing. Kung sabagay, bakit nga ba nagulat pa ako? He's a very decent man anyway.
Kumain na lamang ako nang mabilis para hindi naman siya mainip sa paghihintay. Nang makapagbihis ako ng dress na binili ng mommy niya para sa akin, lumabas na rin ako ng kwarto.
"Let's go?" I asked, but when I noticed that he was frozen on his spot while looking at me from head to toe, napakunot ako ng noo. "Panget ba?"
"Hmm? Oh, no no." He looked away and cleared his throat. "You look... you look stunning. Ngayon lang kita nakitang nagsuot ng ganyan kaya... medyo nanibago lang ako. But you look great," tila nag-aalangan niya pang sabi bago humugot ng hininga at nauna nang naglakad palabas ng pinto.
Napailing na lamang ako habang magkalapat ang mga labi para mapigilan ang kilig ko. I followed him outside. Sabay kaming nagtungo sa basement, at nang marating ang kotse niya ay ipinagbukas niya pa ako ng pinto.
I noticed the bouquet of flowers in the backseat. Nang makasakay siya ay hindi ko naiwasang magtanong. "Kanino 'yon? May nagbigay sayo?" biro ko.
I saw his face slightly turn red as if he was getting shy. "N--No, uh..." His adam's apple bobbed up and done while he's still avoiding my gaze. "I'm still contemplating whether to give it or not. Anyway, seatbelt, please," pag-iiba niya sa usapan.
Hindi ko na lamang ipinilit pa na sabihin niya sa akin kung para kanino ang mga bulaklak. Nang makarating kami ng simbahan ay pumwesto kami sa bandang likod. He was listening attentively to the priest, and when it was time to kneel, I noticed how Dean Chen shut his eyes as he bowed his head as if he was sincerely praying from his heart.
Nang matapos kaming magdasal, muli ko siyang nilingon. "What did you pray for?"
Sandali niya akong sinulyapan saka niya ibinalik ang kanyang tingin sa poon na nasa harap. "I prayed for your family. I asked God to enlighten them so they'd see how lucky they are to have you. I prayed that He will give you strength to carry on no matter how hard life may be so you will graduate and someday see yourself without the filter of your traumas. I prayed that Coleen will someday understand if... if her Dad can no longer go back to her mom. And I prayed that... that God will give me the wisdom to make the right choice about something that's challenging my principles and beliefs."
My heart felt warmth after knowing his prayers. Hindi ko naisip na may taong darating sa buhay ko na isasama ako sa mga panalangin niya. Paano naman ako hindi magkakagusto kay Dean Chen kung ganito siyang klase ng tao?
But then, who am I to even ask God for a man this good? I am too broken, too lost. I haven't figured out life yet. Ni hindi ko alam kung saan patungo ang mga paa ko oras na makamit ko na ang mga pangarap ni Papa para sa akin.
I drew in a sharp breath and stared at the image in front while I silently prayed in my head that someday, I hope God will bless Coal with a healed and strong woman who can be his companion in his journey in life. I prayed that He will give Coal a long and happy life with someone who will understand him and love him and his daughter. I prayed that Coal will experience a love that doesn't fade nor weaken. A love that will last for a thousand lifetimes and more, because I know that he deserves it.
Nang matapos ang misa, ay aksidente kong nakita ang isa sa mga ex ko. Kerwin immediately ran towards me with a wide smile on his face as if he was excited to see me again.
"Steph! Grabe, mas lalo ka nang gumanda ngayon! Hindi ka na namamansin masyado sa chat, ah?"
Alanganin akong ngumiti nang madama ko ang pagbabago ng mood ni Dean Chen. Nang sulyapan ko siya ay nakaigting na ang kanyang panga habang pilit na umiiwas na balingan ng tingin si Kerwin.
"Ano kasi, nagiging busy na. Alam mo naman, hindi pa ako graduate. Last shot ko na 'to kaya gusto ko nang pagbutihin."
Kerwin nodded. "Labas naman tayo minsan. Ang tagal na rin nating single, eh. Malay mo... tayo pala talaga--"
I heard Dean Chen cleared his throat. Naramdaman ko ang pagkailang niya kaya kahit na nag-aalangan ako ay ipinakilala ko siya kay Kerwin.
"Kerwin, si Dean Chen."
Coal breathed in sharply and offered his hand. "Coal."
Kerwin accepted his hand. Ngunit mayamaya ay napansin kong bahagya siyang napangiwi na tila nasaktan sa pagkakahawak ni Coal ng kamay niya.
"Sorry. I didn't mean to squeeze your hand that tight." Dean Chen showed his car key to me. "Hintayin na lang kita sa kotse."
Tumango na lamang ako. Nang magsimula siyang maglakad ay muling nagtanong si Kenwin.
"Boyfriend mo ba 'yon? Parang ang layo ng agwat kung oo. Hindi naman gano'n ang tipo mo."
I glanced at Dean Chen before I shook my head. "No. Magkaibigan lang kami. Anyway..." I forced a smile. "Mauna na ako sayo. Kailangan ko pang mag-review at gumawa ng project."
Tumango siya at nagpaalam na rin. Nang makarating ako sa kotse ni Dean Chen, napansin kong madilim ang kanyang ekspresyon na tila bad trip siya. Nahiya naman akong magtanong kaya nang marating namin ang parking lot ng condo, lakas loob na lamang akong nagsalita.
"Gusto mo bang mag-dinner sa unit?"
He pursed his lips and shook his head before he grabbed the bouquet of red roses on the backseat. Nang ibigay niya iyon sa akin nang walang sinasabi ay napaawang ang aking mga labi.
"T--This is... mine?"
He inhaled a sharp breath then nodded. "I have to go, Steph. I'll just see you tomorrow," aniya sa malamig na tinig kaya kahit na gusto ko pa sanang magtanong kung bakit niya ako binigyan ng bulaklak, lumabas na lamang ako ng kotse at pinanood siyang umalis.
I sighed and looked at the bouquet. Nang makitang may note na nakaipit ay niyakap ko ang bouquet saka iyon kinuha, ngunit nang mabuksan ko ang note, pakiramdam ko ay muntik nang tumalon palabas ng aking dibdib ang nagwala kong puso.
To Steph,
I'm losing my battle against my own heart.
Love,
Coal Henry