Kabanata 19

1443 Words
Coal and I decided to see Jolo and Kylie. Nahanap ko ang pinsan ko sa bahay nina Margaux, umiiyak at maga na ang mga mata habang yakap ang mga tuhod. "Hindi pa kumakain magmula kanina. Ayaw na ring pumasok sa trabaho dahil baka puntahan daw ni Jolo," Margaux informed me, making me let out a heavy sigh. "Sige, ako na ang bahalang kumausap." Margaux nodded. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ni Kylie ay isinara ko ang pinto saka ako lumapit sa kanya. Nang kabigin ko siya para yakapin ay humagulgol siya nang husto sa aking balikat. Kylie rarely cries. Sa circle namin, si Rizza at Audrey ang pinakaiyakin kaya nakakapanghina na iyong palaging nagpapalakas ng loob naming apat ngayon pa ang nagkakaganito. Hinagod ko ang likod niya. "Kaya mo 'to, ha?" I pulled away from our hug and wiped her cheeks, only for her tears to fall again. "Ano ba kasing nangyari? Sabi ni Margaux ayaw mo raw sabihin kung bakit ka nakipaghiwalay kay Jolo. Baka naman sa akin pwede mong sabihin? Hindi naman ako ibang tao." Humikbi siya at pilit na pinakalma ang sarili. "Alam mo naman, 'di ba na ayaw ko sanang magkaroon ng anak? I mean, yes kids are wonderful, but I am not ready to bring a child in this cruel world." I sighed. Alam ko iyon. Dahil sa kinalakihan naming pamilya ni Kylie, natakot na siyang magkaroon ng anak. Yes, she wants a husband, but she doesn't want to have kids. Pakiramdam niya ay magagaya lamang sa amin ang mga magiging anak namin. Isa pa ay takot siyang hindi niya mapapalaki ang magiging anak niya nang maayos. She doesn't think she was given enough example since her mom went abroad when she was still little. "Bakit? Gusto ba ni Jolo na magka-baby na kayo kaya ka nakipaghiwalay?" She bit her quivering lower lip then shook her head. "Hindi dahil bago pa naging seryoso ang relationship namin, nilinaw ko na sa kanya na wala siyang aasahan sa akin kung ang goal niya ay maging ama. He loved me despite my desire to not bear kids, pero..." Humikbi na naman siya nang husto. "Steph, tatay na ang boyfriend ko... tatay na si Jolo at ngayon, pakiramdam ko hinding-hindi na ako magiging sapat para mag-stay siya sa'kin." My heart almost stopped. "A--Ano? Teka, paano? Did he cheat on you?" Kylie sobbed. "No..." Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kanyang mga luha. "Hindi ko alam kung... kung matutuwa ba ako o manlulumo, Steph. Nabuntis niya 'yong first love niya bago sila naghiwalay kasi lumipat 'yong babae ng probinsya. Itinago sa kanya 'yong bata dahil high school pa lang sila no'ng nabuntis niya. Did you get my point? Nauna sa akin 'yong bata, Steph, and no matter how immature or selfish this might sound, but I'm so scared. I'm so scared when I saw how happy he was when he met his daughter." "Kylie..." Hinawakan ko ang kamay niya. "Wala namang kasalanan 'yong bata rito. Produkto lang din siya ng nangyari sa kanila." "Alam ko naman 'yon, Steph. Alam na alam ko 'yon. Pero pakiramdam ko hindi na sapat 'yong kung anong meron kami. Pakiramdam ko magbibilang na lang ako ng buwan at mare-realize na rin ni Jolo na maling pinili niya ang isang babaeng ayaw magkaroon ng anak. Natatakot akong dadating kami sa punto na kailangan ko nang baliin ang sarili kong desisyong huwag mangkaroon ng baby para lang hindi niya ako iwanan..." Napabuntong hininga ako. "Kylie, wala naman siyang sinabing gano'n, 'di ba?" Her lips curved for a broken smile. "Kahit namin hindi siya magsabi, Steph, nakikita ko naman. He was so happy whenever he's with his daughter. Halos nagiging anino na nga lang ako. Kapag kasama namin 'yong bata, parang hindi niya na ako nakikita. Ayaw kong dumating ako sa punto na makikita ng anak niya ang selos at takot na nararamdaman ko. Isa pa..." Her shoulders quaked. "His ex is still single, at tuwing tinititigan niya si Jolo, nararamdaman kong gusto niya pa rin ang tatay ng anak niya. Anong laban ko ro'n, Steph? May anak si Jolo ro'n. Sa akin wala tapos ayaw ko pang magka-baby kami? Kaya tama lang 'to na nakipaghiwalay na ko ngayon hangga't kaya ko pang tumalikod sa kanya." Bumagsak ang mga balikat ko. "Kausapin mo muna. Sabihin mo 'yang side mo. Sayang naman ang pinagsamahan ninyo? Isa pa, hindi naman magkakagano'n ngayon si Jolo kung hindi ka niya mahal." She sobbed. Ngunit imbes na sagutin ako, nahiga na lamang siya sa kama at niyakap ang unan habang umiiyak. Wala na rin akong nagawa pa. Hindi ko rin siya napilit na makipagkita kay Jolo, kaya nang magkita kami ni Coal sa condo'ng ipinapagamit sa akin ng mommy niya, halos matulala kaming pareho. His heavy sigh broke our silence. Sumandal siya sa backrest ng sofa at hinapit ako upang sumandal sa kanyang dibdib. Napapikit ako nang madama ang pagdampi niya ng marahang halik sa aking noo bago niya hinagod ng palad ang aking braso. "They'll get through this soon. I know they love each other," aniya sa malumanay na tinig. Napahugot ako ng hininga. "Sapat ba 'yon, Coal?" "What do you mean?" Tiningala ko siya. "Sapat bang mahal nila ang isa't isa para bumalik pa sila sa relasyon nila? Kylie is threatened with Jolo's daughter. I know that's so unfair dahil walang kinalaman ang bata, pero hindi ko rin masisisi si Kylie. Second family na sila ng Papa niya. Iniwan sila ni tito no'ng nagkamabutihan sila ulit ng first wife niya at nagkaroon ng panibagong kapatid si Kylie sa father side niya. Kylie suffered as a kid because her mom became emotionally unavailable, too. Alam ko kung saan siya nanggagaling kaya kahit napaka-irrational ng dahilan niya para sa maraming tao, hindi ko rin talaga siya magawang sisihin." Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "Kasi kung... kung sa atin din mangyari, baka... gano'n din ang gawin ko..." Coal shut his eyes for a moment before he let out the heavy air in his lungs. "That's not gonna happen because I am certain that Maggie and I are through." May lungkot ko siyang tinitigan. "What if Coleen will never accept me? Kaya mo bang mabuhay na may gap sa aming dalawa? Are you willing to watch your daughter feel neglected and unheard just because you don't want to get rid of me?" Gumalaw ang kanyang panga. "Stop thinking that way. I won't let that happen. Coleen is a good kid, babe. She's just having a hard time accepting that our family can't be how it used to. Pero naniniwala akong darating ang araw na magiging bukas na ang isip niya." He let my head rest on his chest again before he kissed my temple. "Iba ang sitwasyon nina Jolo at Kylie, iba ang sa atin. Wala ka namang sinabi sa'king ayaw mong maging ina." I sighed and held him by his arm that's wrapping around me. "I wanna be a mom. Gusto kong iparanas sa magiging anak ko 'yong buhay na hindi ko naranasan. Iyon siguro ang pagkakaiba namin ni Kylie. While she grew up getting scared of letting her own kids see this world we are trying to survive from, I dreamed to raise mine in a way I wish I was raised... but since you have Coleen, then maybe it's best to see how things would go first before I think about having kids." Pinagsalikop niya ang aming mga kamay. "Ang mabuti pa magpahinga na muna tayo. Let's just pray that Jolo and Kylie will figure things out soon." Tumango ako at kumalas na sa pagkakayakap niya, ngunit nang akmang pupunta na kami sa kwarto ay sandali ko siyang pinigilan. "Coal?" "Hmm?" My eyes softened. "Can you... promise me something?" Hinaplos ng kanyang hinlalaki ang likod ng aking palad. "What is it?" I swallowed the lump forming in my throat. "If... if someday you're gonna have to choose between me and Coleen, please promise me that you will always put her first." "Steph..." "Just promise me that." Basag akong ngumiti. "I will understand you. She won't..." Bumuntong hininga siya at kinabig ako upang yakapin bago niya pinatakan ng halik ang tuktok ng aking ulo. "Thank you for thinking about Coleen. I hope you two will come along someday..." Niyakap ko siya pabalik saka ako pumikit habang pinakikinggan ang kabog ng kanyang puso. Sana nga magkasundo kami ni Coleen. I don't want such innocent child to feel that she needs to compete with me for her Dad's attention, dahil kapag nangyari 'yon, baka kahit masakit, kusa ko nang alisin ang sarili ko sa buhay ng tatay niya. Gaano ko man kagustong manatili...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD