Kabanata 20

1291 Words
"Sige, ha? Bukas na lang ulit. May trabaho pa ako sa college of law, eh," paalam ko sa mga kasama ko sa group project. "Uy, 'di ba single naman si Dean Chen? Baka... pwede mong sabihin na i-accept ako sa f*******:," nakangising sabi ni Yuki, ang isa sa mga kaklase ko. I tried my best not to lift an eyebrow. Alam ko namang kahit na nasa thirties na si Coal ay marami pa rin talaga ang nagkakagusto sa kanya lalo na rito sa university. Mapa-estudyante man o guro, hindi mapigilang mapalingon tuwing nakikita siya. Everyone wants to take their shot, so it's really hard to keep myself from showing them I'm getting jealous. "Uh, ikaw na lang kapag nakita mo." I faked a smile. "Mahirap na baka may girlfriend pala na hindi ninyo alam." "KJ ka naman, Steph! Baka naman crush mo lang din si Dean Chen?" Pinasadahan niya ako ng tingin. "No offense pero nagpa-derma na ako sa clinic ng ex-wife niya. I know his type and... it's clearly not you." Napahugot ako ng hininga kasabay ng paghigpit ko ng hawak sa folder ko. I'm doing my best not to burst her bubble, kahit na sobrang nakakairita na ang galing ng babaeng 'to sa panlalait. "May boyfriend na ako, Yuki. Kung gusto mo palang harutin ang isang lalake at tingin mo naman ay papasa ka pala kay Dean Chen, ikaw ang gumawa ng paraan." My phone rang. Nasagot ko iyon nang hindi tinitignan ang caller ID kaya pabalang ang naging bungad ko. "Hello?" Sandaling binalot ng katahimikan ang kabilang linya, siguro ay dahil na rin sa tono ko. Mayamaya ay narinig ko ang pagbuntong hininga ng tumawag. "Why is my baby being grumpy right now?" Napawi ang inis sa aking mukha. "B--Babe?" Tumalikod na ako sa mga kasama ko sa proect at mabilis na naglakad palayo. "Sorry. Nasagot ko ang tawag nang hindi tinitignan kung sino'ng caller." "It's fine. Why are you grumpy anyway?" I sighed. "Nakakapikon ang isa sa mga kasama ko sa project. Masyadong mataas ang tingin sa sarili tapos ako pa ang gagamitin para i-accept mo raw sa Facebook." "Why? What's her name?" Tumaas ang kilay ko. "So interesado ka rin, hmm?" I heard him scoffed. "No. I'm asking so I can block her. Come here so I can shoo away that brewing jealousy." Umirap na lamang ako sa kawalan saka na nagtungo sa opisina niya. Nang makapasok ako ay ini-lock ko ang pinto gaya ng nakasanayan magmula nang maging kami. He closed his laptop and leaned on his swivel chair while waiting for me to come towards him. Nang maalis ko ang bag ko at naibaba ang mga gamit habang nakatitig siya sa akin, tuluyan na akong humakbang papalapit sa kanya nang nakasimangot. I saw how he pursed his lips together as he guided me to sit on his lap. Nang mailingkis ang mga braso sa aking baywang ay hinalikan niya ang balikat ko bago niya sinipit ang tungki ng aking ilong. "I want to kiss you more when you're pouting like that," he said that made my roll my eyes. "Yuki Pineda. Accept mo na ngayon," inis kong sabi na nakapagpatawa sa kanya nang mahina. Nang tignan ko nang matalim ay pinaglapat niya ang kanyang mga labi upang pigilan ang kanyang ngisi. He grabbed his phone and looked up my classmate's name. Nang aalis sana ako sa kanyang kandungan ay hinigpitan lamang niya ang yakap sa aking baywang bago niya ikinalso ang kanyang baba sa aking balikat. "Just look at the screen," he uttered. I sighed. Nang makitang nakatingin na ako sa kanyang phone ay pinindot niya ang block sa profile ni Yuki bago niya ini-exit ang app. A photo of us where my face was resting on his chest while I was covering half of my face as I stared at the camera was his home wallpaper while Coleen's photo was his screensaver. Ibinalik niya ang phone sa mesa at sumandal muli sa backrest ng swivel chair. "We're good now?" he asked. Nakasimangot akong tumango. "Yeah." He tucked my hair behind my ear. "Nasa unit mo pala si Mommy. Nag-grocery raw siya para sayo." I groaned. "Sabi ko kay tita Clareth ako na, eh. Hiyang-hiya na ako sa kanya dahil hanggang toletries ko binibili niya." He grinned. "Hindi mo mapipigilan 'yon. Matigas ang ulo no'n. She even bragged about the new curtains she bought for your room. Ginagawa kang manika ni mommy." "Ka-chat ko nga siya kagabi hanggang alas dose. She said she'll bring me to the upcoming charity ball she's gonna attend, kaya sa Sunday magpapasukat daw kami ng gown." I pouted. "Nakakahiya." "I'll pay her if you're getting shy." Umikot ang mga mata ko. "Eh, 'di gano'n din po, your honor? Ngumisi naman siya at pinisil ang aking pisngi bago niya hinilot ang kanyang sintido. Napakunot tuloy ako ng noo at hindi napigilang magtanong. "Masakit ba ang ulo mo?" His adam's apple bobbed up and down before he nodded. "Hindi lang ako nakatulog kaagad. I received a favor from a good friend of mine. He wanted me to take a look at a complicated case and give him some pointers." Tumayo ako at nanatili sa gilid niya saka ko inalis ang kamay niyang nagmamasahe sa kanyang sintido. Nang simulan ko siyang imasahe sa ulo ay napansin ko ang pagguhit ng munting kurba sa kanyang mga labi. "Why, hmm?" I asked. He shook his head while a ghost of a smile was plastered on his lips. "It just feels so good to be taken care of sometimes. Niyapos niya ako gamit ang isang braso. "Thank you." Ngumiti ako, tuluyan nang nakalimutan ang init ng ulo ko kani-kanina lamang. "Ikaw nga minamasahe mo pa ang legs ko dahil sabi mo ilang oras akong nakatayo sa branch." "It's the little things that matter, baby." He cleared his throat. "I uh... told Coleen yesterday that if her mom will not make it to her family day, baka pwedeng tayo na lang kung papayag ka." Napatigil ako sa pagmasahe. "Sinabi mo sa kanya? Anong reaksyon?" "Nagtampo, syempre. She said I'm breaking my promise, but mom told her that you and I are just friends para hindi magalit. Sabi niya tanungin daw muna kita kung magaling ka bang mag-sack race." I smirked. "Champion ako sa pambatang laro, ano?" "So you're willing to attend the family day with us? Kung hindi, okay lang naman. I don't want to force you so don't feel obligated to do it." "Ano ka ba, okay nga 'yon, eh para kahit papaano makilala namin ni Coleen ang isa't isa. Gusto ko rin naman makuha ang loob niya, Coal." He smiled and pulled me to sit on his lap again. "Thank you. Ito ang ikinakatakot ko noon kaya kahit maraming nagpapakita ng interes, hindi ko pinapatos. I'm scared that they won't accept my daughter." "Coleen is just going through something hard that's why she's showing a difficult behavior, but I bet she's a good girl. After all, anak mo siya. Anong karapatan kong huwag siyang tanggapin? The moment I accepted to myself that I'm falling for you, I knew you and Coleen are a package deal. I cannot love you and leave her behind." Napansin ko ang pagkislap ng mga mata niya na tila napasaya ko siya sa aking sinabi. He drew in a sharp breath and held me by my nape to kiss my lips. Gumanti naman ako ng halik, ngunit nang makarinig kami ng katok sa labas ng opisina ay mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko. Pigil naming pareho ang pagtawa nang lumapit ako sa pinto upang pagbuksan ang kumakatok, ngunit nang makita ko kung sino ang babaeng nasa labas, kaagad na napawi ang kurba sa aking mga labi. Dra. Maggie..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD