bc

Forbidden Lover

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
serious
small town
like
intro-logo
Blurb

"Now I have a name to put to the face when I think about our night together."

Author Note: Inalis ko po pansamantala ang Destiny Love, balak ko po kasi i-apply for contract. Salamat sa pang-unawa.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
MAHIGIT limang taon na mula nang umalis si Delilah sa Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa. Isang rehistradong nars ang dalaga. Hindi naman siya pursigidong magtrabaho sa ibang bansa. Sa katunayan, napagkatuwaan lamang niyang magpadala ng letters of application sa iba't ibang mga ospital sa Amerika. Ang kanyang desisyon na mangibang bansa ay naging pinal lamang nang sabay na namatay sa aksidente ang kanilang mga magulang. Naiwan silang magkapatid sa pangangalaga ni Tiya Clara, ang bunsong kapatid ng kanilang ama. Tinanggap niya ang alok ng isang ospital sa New York, kung saan siya nag-apply. Mataas ang sahod at libre ang board and lodging. Nasa kontratang pinirmahan niya na titira siya nang libre, kasama na ang pagkain sa nurses’ quarters sa loob ng premises ng ospital. Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Natanggap niya ang sulat na ipinadala ng kanilang tiyahin. Ang matandang babae ang inutusan ng kanyang nakatatandang kapatid upang ipaalam sa kanya ang nalalapit nitong kasal. Paglapag ng eroplano sa runway at paglabas niya sa airport ay tanging ang kanilang drayber ang naroon para sunduin siya. Wala ang kanyang kapatid. “Hindi nakasama si Señorita Greta. May mahalaga silang pinuntahan ni Sir Amir,” pagbibigay alam ni Mang Delfin. Pinagbuksan nito ng pinto ng kotse ang dalaga. Si Amir, ang magiging asawa ng kanyang kapatid. Tahimik siyang pumasok sa kotse. Habang lulan ng sasakyan papunta sa kanilang asyenda, hindi niya maiwasang mag-isip. Hindi ba nasasabik ang kanyang Ate Greta na makita siyang muli? Mahigit limang taon silang hindi nagkita, dapat ay nasa airport ito para salubungin siya. Mas pinili pa nitong makasama ang mapapangasawa kaysa sa kanya. Hindi pa niya nakikilala ang lalaking pakakasalan ng kanyang Ate Greta. Tuwing magkausap sila sa telepono, bukambibig nito ang asyenda, at ni minsa’y hindi nabanggit sa kanya na may nobyo ito. Pinakiusapan ni Delilah ang drayber na bagalan ang pagmamaneho habang binabagtas nila ang daang paakyat sa Maxvilla Masayahin. Ang tahimik na bayan kung saan ipinanganak silang magkapatid ay nasa pusod ng malawak na Iraya–nasa pagitan ng mga bundok na parang mga tanod na nagbabantay sa bayan laban sa karahasan ng makabagong panahon. Ini-off niya ang aircon ng sasakyan at binuksan naman ang mga bintana nito. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin na nagmumula sa kabundukan. Napangiti ang dalaga nang makita ang mga naggagandahang bulaklak sa mga balikat at gilid ng mga bundok. Alas-otso pa lamang ng umaga at napakalamig ang simoy ng hangin dahil mataas ang lugar na kinaroroonan ng bayan ng Maxvilla Masayahin. Sa limang taong pananatili niya sa ibang bansa, hindi nagbago ang lugar na ito, sa loob-loob ng dalaga. M.C NAPANGITI si Delilah nang matanaw ang isang malaking arko. Hacienda De Luna. Muli niyang binuksan ang bintana ng sasakyan na isinara niya kanina habang sinusubukang umidlip. Mula sa loob ng sasakyan ay tanaw niya ang nakatayong hanay ng mga puno ng niyog. The aroma of coffee. Parang libo-libong kape ang malapit sa kanya. “Mang Delfin, ano ang mga iyon?” Itinuro niya ang mga puno. “Kape, señorita.” Napatingin ang matanda sa dalaga, ngunit saglit lang at muling ibinalik ang tingin sa daan. “Si Adolfo ang pinagkakatiwalaan ng iyong kapatid sa pamamahala ng taniman ng kape.” Hindi niya kilala ang taong binanggit ng driver. Si Delilah ay nag-aral ng kolehiyo sa Maynila. Ang kursong kinuha niya ay nursing. Naging lingguhan na lamang ang uwi niya sa asyenda. Samantala, si Greta nama'y agriculture ang kursong kinuha at sa probinsiya ng Maxvilla Masayahin piniling mag-aral. Gusto nitong tulungan ang kanilang ama na pamahalaan ang Hacienda De Luna. “Sa asyenda pa rin ba nagtatrabaho si Mang Adolfo?” tanong niya. Umiling si Mang Delfin. “Apat na taon nang nagretiro si Adolfo. Pinatigil siya ng kanyang kaisa-isang anak na lalaki sa pagtatrabaho.” “Anak?” Sinulyapan niya ito. “Si Amir, nag-iisang anak ni Adolfo. Napakasipag na binata. Siya ang pumalit sa kanyang ama. Halos ang binata ang namamahala sa buong asyenda. At ngayo'y may sarili ng plantasyon ng kape ang Hacienda De Luna.” “Hindi pa sila kasal ni Ate Greta, gusto niya nang angkinin ang buong asyenda,” akusa ni Delilah kay Amir. Mahina lang ang pagkakasabi niya niyon pero umabot sa pandinig ni Mang Delfin. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig, waring nais ipagtanggol ang lalaki ngunit pinili nitong manahimik. Makalipas ang isang oras ay narating na nila ang villa. Naroon pa rin ang kulay gintong bakal na bakod na nakapaligid sa antigong bahay na bato. Ang malawak na bakuran na napaliligiran ng malalagong puno. Kay sarap pagmasdan ng mga ibong naglalaro sa sanga ng mga ito. Ang buong lugar ay buhay na buhay likha ng iba't ibang kulay ng mga bulaklak ng bougainvillea. Binuksan ng security guard ang malaking gate. Pumasok ang sasakyan sa may driveway ng malawak na bakuran. Bumaba ang dalaga sa sasakyan nang makita ang isang may-edad ng babaeng malusog ang pangangatawan. “Tiya Clara!” masiglang bati ni Delilah sa tiyahin. Tumingin ito sa kanya. Hinubad nito ang eyeglasses, pinagmasdan siya nang mabuti. Pagkatapos, sumilay ang napakatamis na ngiti sa labi ng babae nang makilala ang bagong dating. “Delilah! Ikaw na nga ba ‘yan, iha?” tanong nito at nagmamadaling sinalubong ang pamangkin. “Ako na nga po ito, Tiya Clara!” nakangiting tugon niya at patakbong niyakap ang tiyahin. Napaluha sa galak ang ginang, hinalikan sa noo ang dalaga. “Salamat at umuwi ka na, iha. Limang taon ka rin nanatili sa Amerika. Kung hindi naisip ng kapatid mo na magpakasal, siguro hindi mo naisipang umuwi.” Lihim siyang napalabi nang banggitin ng tiyahin ang tungkol sa pag-aasawa ng kanyang kapatid. “Hindi ka pa rin nagbabago, Tiya. Malusog at maganda pa rin,” sa halip ay sabi niya. Muling nagyakapan ng mahigpit ang dalawang babae at kapwa may luha sa mga mata sa tindi ng emosyong nararamdaman. “Tara sa bahay at nang makakain ka. Alam kong pagod ka sa biyahe.” “Kukunin ko po muna ang mga bagahe ko. May pasalubong po ako sa iyo.” Kinausap ni Aling Clara ang security guard na tulungan ang kanilang family driver na ilabas ang mga bagahe ni Delilah sa sasakyan. “Naku, mukhang marami kang pinamili. Gumastos ka pa ng pera,” sabi ng kanyang tiyahin nang makita ang mga bagahe niya. “Kaunting pasalubong po lamang ang mga ‘yan at karamihan ay pagkain.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook