Nay.......Buntis Po Ako

4127 Words
"Hoy, bakla! Anong inaarte arte mo dyan?" napalingon ako kay Essa na abala sa pagmamaneho.  Nagkibit balikat lang ako.  "Hhmmm, alam ko na," ngumiti siya ng nakakaloko.  "Nagkagusto ka dun sa lalaki, ano?" Hindi ako kumibo.  Napailing siya. "Hindi pwede yang ginagawa mo Idad.....kung may gusto ka, kalimutan mo na dahil hinding hindi na kayo magkikita,"  tumango ako.  "Nga pala, pakikuha diyan sa lalagyan," sabay nguso sa harap ng sasakyan.  "Itulak mo yang maliit na dinding na yan at kunin mo yung isang kaheta ng tabletas." Ginawa ko ang sinabi niya.  "Eto?" tumango siya.  "Anong araw ngayon? Lunes," tanong niya, sagot niya.  "May nakikita kang araw diyan, di ba?" tumango muli ako.  "Kunin mo ang Sunday at Monday, yung magkatabi kailangan dun sa may green shade," ginawa ko ulit.  "Tapos may tubig ako diyan.  Inumin mo," napakunot noo ako.  "Sige na! Hindi naman droga yan! Proteksyon lang iyan para di ka mabuntis.....malibang gusto mo....." Sunod sunod na umiling ako.  Walang dahilan para dalhin ko ang punla ng lalaking iyon! Agad kong ininom ang mga tabletas.  Nang akmang ibabalik ko ang iba sa kinalalagyan kanina, hinawakan niya ang kamay ko. "Sa iyo na iyan.  Inumin mo iyan sa loob ng isang buwan hanggang magkaroon ka ulit ng dalaw,"  isinilid ko na iyon sa pitaka ko.  "Siguraduhin mo lang na walang palya ang gagawin mong pag inom, ha!  Baka mamaya, mabangis ang mga.....you know....sperms ng lalaking iyon, may makalusot sa iyo! Lagot na lagot tayo kay Aling Linda! Baka matigok bigla ang nanay mo!" Napabuga ako ng hangin at sumandal.  Hanggat maaari, ayaw ko nang isipin pa ang nangyari sa akin kagabi.  Isa iyong masamang masarap na panaginip! 'May masarap talaga?! ' Hindi ko maiwasang matawa. "Ay, naloka na!" sinulyapan ko si Essa.  "Baaakkklllllaaaaaa!" "B-bakit?" bigla akong kinabahan.  Nanlalaki ang mga mata ni Essa.  Inihimpil niya ang kotse sa tabi ng kalsada at hinarap ako. Nagulat ako ng hawakan ako sa leeg at haplusin iyon. "Bakla! Ang dami mong kagat!" ibinaba din niya ang bandang taas ng suot kong t-shirt.  "Pati dito! Pinanggigilan ka ng lalaking iyon!" kita ko ang inis sa mukha niya.  "Hindi ka ba niya sinaktan? Pinilit? Dinahas ng bongga?" nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.  "Kasalanan ko ito, Bakla," hinawakan niya ako sa kamay.  Nangingilid na ang luha niya.  Umiling ako at ngumiti.  "Wala kang kasalanan Essa. Ginusto ko din naman iyon e.  Tsaka di naman ako sinaktan ni Nathan.  Iningatan nya nga ako," naalala ko na naman kung paano siya ingat na ingat na wag akong masaktan ng sobra.  Hinawakan ko ang mukha niya.  "Sorry talaga, Karidad," tumango ako at niyakap siya.  "Wala ito, Essa.  Malaki naman ang kapalit nito. Si Nanay," bigla niya akong binitawan at muling hinarap ang manibela. "Let's go na pala dahil ngayong ala una na ang operasyon ng Nanay mo.  Nakakuha na ako ng dugo na isasalin sa kanya.  May libre palang isang bag sa ospital.  Kapag on-going na yung operasyon at kailangan pa ng isang dugo, tatakbo ako sa Red Cross para kumuha dahil kailangan bayaran agad iyon at kunin," kinabahan ako.  Hinawakan niya ako sa kamay.  "Wag kang mag-alala.  Magiging okay ang Nanay mo.  Mamaya, iaabot na sa akin ang pera kaya ipina-schedule ko na. Sabi lang naman, mag handa tayo, di ba?  Tsaka, yung komisyon ko, di ko na kukunin.  Iyo na iyon," nanlaki ang mata ko. "Essa! Sa iyo....." umiling siya at ngumiti.  "Tulong ko na iyon.....namin ng kaibigan ko.  Siya din, di na kukunin yung komisyon niya.  Kung baga, kawang gawa na namin yun.  Sa laki ng mga kasalanan ko, kahit man lang sa pamamagitan nito, mabawasan, di ba?" Ako naman ang maluha luha.  "Salamat Essa.  Pangako, babawi ako sa iyo." "Kahit wag na.  Basta gumaling si Aling Linda.  Ang bait nyo kayang mag-ina sa akin,"  nakarating na kami sa ospital.  Agad na inayos si Nanay para operahan.  Abot abot ang dasal ko.  Si Essa, hindi ako iniwan.  Naroong nakatulog na siya....kumain.....uminom ng kape.....pero di talaga ako iniwan. "Bakla, punta kaya ako sa billing station para malaman ko kung magkano ang gagastusin?"  suhestiyon niya.  "Wala pa iyon. Di pa tapos ang operasyon, e,"  sabi ko sa kanya.  Sabi sa akin ng doktor, kailangan nang tanggalin ang bahay bata ni Nanay, pati na ang obaryo niya dahil sa sobrang laki ng myoma.  "Sana, sumapat na ang perang hawak natin." Kanina lang, dumating ang baklang kaibigan ni Essa na si Mercy.  Iniabot sa akin ang buong bayad.  Gustuhin ko mang makaramdam ng hiya, iwinaksi ko iyon sa utak ko.  Dahil may dahilan at mabigat ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon. Lumabas ang doktor na nag-opera kay Nanay at nakangiting lumapit sa amin.  "Hija, matagumpay ang ginawa naming operasyon sa Nanay mo," sinulyapan niya si Essa.  "Tama lang na naagapan iyon dahil kung hindi...." Hinawakan ko ang kamay ng doktor.  "Basta po okay na siya, yun po ang importante,"  nagpunas ako ng luha.  "Maraming maraming salamat po." Tumango siya at tinapik ang kamay ko.  "Walang anuman.  Ililipat na siya sa ward kapag nagkamalay na siya.  Pakiantay na lang.  Yung mga gamot, ibibigay sa iyo ng nurse kung ano ano ang mga kailangan mong bilhin." Muli akong tumango at nagpasalamat.  Naupo muna kami.  "Naku Ganda! Buti naman pala at naagapan."  Pareho kaming nabunutan ng tinik.  "Mabait ka daw kasi kaya naging okay ang Nanay mo," tinapik ako sa kamay.  "Kaya ikaw, forget mo na yang nangyari sa iyo, okay?" 'Paano kaya iyon?  Madali ko lang bang makakalimutan ang nangyari sa akin?' ~~//~~ "Kumain ka din, Idad,"  nakangiting alok sa akin ni Nanay.   Hinaplos ko ang noo niya at umiling.  "Busog pa po ako.  Sinabayan ko si Essa kanina habang tulog pa po kayo,"  muli ko siyang sinubuan ng kanin na may sabaw ng nilagang baka.  "Nasaan na ba si Essa?"  limang araw na kami dito sa ospital. Kasasabi lang ng doktor kanina na pwede nang lumabas si Nanay dahil naging maayos naman na ang pakiramdam niya.  Noong mga nakaraang araw kasi ay lagi siyang nahihilo dahil siguro sa mataas na dosage ng gamot. "Nagpunta po sa billing station para po makalabas na kayo bukas ng umaga.  Hindi na naman po tayo makakabiyahe pauwi sa atin ngayong gabi....." "Idad!"  sabay kaming napalingon ni Nanay.  Nakita kong humahangos si Essa.   "O, anong problema?"  kunot noong tanong ko. Alanganing sumulyap siya kay Nanay bago ibinalik ang tingin sa akin.  "Ano.....pwede ka bang sumama sa akin sa billing?" "Hindi mo pa naaayos?"  umiling siya.  "Masyado bang mahal ang babayaran natin?"  tumingin ako kay Nanay.  Nakita ko ang pag-aalala niya.   Inabot ko ang kamay niya at pinisil iyon.  "Nay, wag po kayong mag-alala sa hospital bills.  Nakahiram naman po ako kay Essa, eh.  Di ba, Essa?" Nakita ko ang pagtango niya.   "Naku Essa.  Maraming maraming salamat.  Utang ko sa iyo ang buhay ko,"  eto namang kaibigan ko, maluha luha na naman.   "Naku Aling Linda, wag nyo na pong isipin iyon.  Eh noong panahong walang wala talaga ako, kayo din naman po ang tumulong sa akin,"  hinalikan niya sa noo si Nanay.  "At itong si Idad naman, para ko nang kapatid.  Tignan nyo naman po ang mukha namin, di ba, parang pinagbiyak lang?"  idinikit pa niya ang mukha niya sa akin.   Natatawang tumango si Nanay.  Kunwa ay nanlaki ang mata ko. "Nanay!  Pumapayag kang kamukha ko si Essa?!"  naramdaman ko ang mahinang pagtulak sa akin ni Bading. "Hoy!  Hindi kasula-sulasok ang beauty ko, ha!  Maraming nababaliw sa alindog ko!  Tsusa to!"  natawa naman si Nanay pero humawak sa tiyan. Siniko ko si Essa.  "Tumahimik ka na nga!  Alam mo namang biling bili ni Nanay ang mga jokes mo, eh,"  tumayo na ako at hinalikan si Nanay sa pisngi.  "Nay, pupunta po muna kami sa billing ha para makalabas na po kayo bukas." "O siya.  At gustong gusto ko na talagang makauwi.  Lalo akong nahahapo dito,"  hinaplos niya ang mukha ko.  "Salamat anak.  Napakaswerte ko talaga sa iyo." Napangiti ako sa sinabi niya.  "At swerte ako na kayo ang Nanay ko." "Ah, excuse me lang po, ha...."  marahang hinaltak ni Essa ang braso ko.  "Pasensya na po Aling Linda kaso talagang kailangan ko po si Idad." Nakangiting tumango si Inay at itinaboy na kami.   "Bakit ba Essa?  May problema ba?"  lumingon lingon muna siya bago tumingin sa akin at hinaltak ako sa isang sulok. "Magkano ikamo ang sinabi sa iyo ng doktor na babayaran natin sa ospital?"  tila hindi siya mapalagay. Kumunot ang noo ko.  "Bakit may......" "Tinatanong kita kaya sagutin mo muna ang tanong ko!"  tila nagulat din siya sa pagtataas niya ng boses.  "Sorry, bakla at napalakas ang boses ko.  Magkano nga?" "Sabi ng doktor, singkuwenta mil ang kailangan naming ihanda.  Kung sa private hospital daw, malamang umabot kami ng isang daang libo,"  napailing siya.  Lalo akong napakunot ang noo.  "Mas malaki pa ba ang kailangan?  Wag kang mag-alala dahil may sobra......" "Walong libo lang daw ang babayaran mo,"  seryoso niyang sabi.  Nanlaki ang mata ko!   "Walong libo?!  Bakit walong libo lang daw?!"  nararamdaman ko ang pangingilid ng luha ko. "Tanda mo yung NGO na lumapit sa atin noong isang araw?  Inilapit daw sa.....SWA yata yun....basta parang ganun, yung kaso ng Nanay mo.  Kaya ang sinabi mong halaga, nauwi lang sa ganoon,"  napaupo ako sa sahig at yumupyop doon.  Hindi ko maiwasang mapaiyak.  "Karidad....."  naupo na din siya sa sahig.  "Karidad naman, eh!  Wag kang umiyak diyan dahil nagu-guilty ako sa nangyari sa iyo." Hindi ako kumibo pero hindi ko talaga mapigilang mapaiyak. Naiisip ko ang pinagdaanan ko makuha ko lang ang halagang kailangan ni Nanay. Humilig ako sa dibdib ni Essa.  "Pasensya na, Essa, ha, kung naiiyak ako.  Hindi ko talaga maiwasan."    ~~Essa's POV~~  "Pasensya na, Essa, ha, kung naiiyak ako.  HIndi ko talaga maiwasan,"  hinapit ko siya palapit sa akin. Si Karidad o Idad ang natatanging kaibigan ko sa barrio.  Ang mga tao kasi sa amin, akala mo, sobrang lilinis na mga nilalang.  Hindi nila tanggap na ganito ako.  Kinakaibigan lang naman ako ng mga tao doon kapag nangungutang pero kapag wala ng kailangan, ang turing sa akin, alien. Lumaki ako na kasama ko si Idad kaya bata pa lang kami, alam na niya na ganito ako.  Sabay kaming lumaki na imbes barbie doll ang nilalaro, ayun kami at nagbabanat na ng buto.  Si Idad, iginapang talaga ni Aling Linda para mapag-aral.  Ako, sa dami ng kapatid ko, hindi ko na nagawang mag-aral.  Iilan lang naman sa baryo namin ang mga nakapagtapos lalo na sa kolehiyo.  Ako naman, nung may ini-offer na vocational course para sa paggugupit, pumasok ako kahit nahihirapan ako dahil sa trabaho sa isdaan.  Nang makatapos ako, iniwan ko na ang isdaan at pumasok sa isang parlor.  Ilang panahon din akong nag-tiis bago ko naisipang lumuwas sa bayan dahil sa nakilala kong mayamang kalahi ko din, si Mama Sonya.  Inalok niya akong pumasok sa kanya. Huli na ng malaman ko ang magiging trabaho ko.  Bugaw......bugaw ng mga babaeng naghahanap ng mayayamang lalaki na makakapagbigay sa kanila ng marangyang buhay.  Hindi basta basta ang mga kliyente ni Mama Sonya.  Lahat, mayayaman.  Yung iba, may mga katungkulan pa sa gobyerno kaya malakas ang loob niya na hindi siya makukulong.  Kaya nagulat kaming lahat ng sabihan niya kaming isasarado na niya ang kasa.  Binigyan niya kami ng kanya kanyang contact na matataas na tao. At doon ko nakilala ang taong kumuha sa limang babaeng ireregalo daw niya sa mga kaibigan niya.  Kasama sa mga iniregalong iyon si Idad. Agad kong pinunasan ang luha ko.  Ayokong makita ako ni Idad na umiiyak dahil baka lalong maawa ito sa sarili. "Naku, Idad!  Kung pwede nga lang kumpunihin ko yang hymen mo, ginawa ko na,eh!"  naramdaman ko ang pagngiti niya at hinampas ako ng mahina sa dibdib. "Loka!" humiwalay siya sa akin at nagpunas ng luha.  "Ganoon talaga,"  tumingin siya sa akin at pilit ng ngumiti.  "Kunin mo na yung komisyon mo at nung kaibigan mo." Umiling ako.  "Gaga!  Bigay na namin iyan.  Kahit nga wala kang binayaran dito, basta tulong na namin iyan sa iyo.  Okay ka na ba?"  Hinaplos ko ang braso niya. Tumango naman kahit na malungkot pa rin ang mga mata.  "Itatabi ko ang pera sa bangko, Essa.  Para kapag kinailangan ko, may makukuha akong pera." Tumango ako.  "Sasamahan kita.  Punta tayo ng maaga bago lumabas ng ospital si Nanay mo.  Baka malaman niya yung tungkol sa pera, for sure, isusumpa ako noon!  Baka makasama pa sa kanya." Hinalikan niya ako sa pisngi.  "Salamat Essa kasi nandiyan ka at ikaw ang kaibigan ko." "Pasalamat ako dahil kahit sobra akong makasalanan, ikaw ang ibinigay sa aking kaibigan.   Bayaan mo, darating ang oras na ititigil ko na rin itong trabahong ito.  Malapit na naman akong makaipon ng ibibigay ko sa kanila sa bahay para naman sila na ang mag-asikaso sa buhay nila at sarili ko naman ang intindihin ko.  Hindi ko rin naman maatim na tumanda sa ganitong trabaho." "Kapag type mo na magbagong buhay, ako ang isama mo, ha,"  tumango ako sa itinuran nya. "Sino pa ba?   Eh kayo lang naman ni Aling Linda ang bilib sa beauty ko!"  natawa siya.  Tumayo ako at hinaltak ko siya.  "Halika na at bayaran na natin ang bill at baka magtaka ang nanay mo dahil ang tagal nating dalawa." Kahit na sinabihan ko na siya na walong libo lang talaga ang babayaran, hindi pa rin niya napigilan ang sariling itanong kung bakit nagkaganoon.  Natatawa na nga sa kanya ang cashier dahil kung ang iba, nagmamakaawa, siya naman, tanong pa ng tanong. Kinabukasan sa banko, iniwan lang kami sandali ng teller sa counter.  Bigla siyang humarap sa akin. "Essa, may sasabihin ako sa iyo,"  kinagat niya ang labi. "O ano?  Sasabihin mong ayaw mo ng ibangko?"  umiling siya. "Halika,"  bumulong siya at nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.   "Hindi nga, bakla?!"  tumango siya.  "Syet!  Sobrang galante naman nun!"  Ewan ko, ni hindi ako nainggit sa sinabing halaga ni Idad.  Natutuwa pa nga ako dahil kahit paano, kahit nakuha ng lalaking iyon ang puri niya, tinumbasan naman nito iyon ng hindi birong halaga.  "So kukunin natin at ipapa-transfer natin sa account mo?" Umiling siya.  Kumunot ang noo ko.  "Binigyan na niya ako ng singkwenta mil at ikaw naman, isang daan.  Tama na iyon.  Ayokong kunin ang pera dahil ayokong malaman niya kung sino ako dahil sa laki ng halagang iyon, siguradong itatawag iyon sa kanya.  Ayoko ng magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya." Tumirik ang mga mata ko.  "So....mas gusto mong tawaging libonarya kaysa milyonarya, ganun?!"  natawa siya pero tumango.  "Eh gaga ka talaga!"  sumimangot siya.  Sumandal ako sa upuan at nag-isip.  "Pero sabagay, tama ka.  Baka magulo ang buhay mo kapag kinuha mo ang perang iyan." "Tsaka, baka isipin niya, masyado tayong mukhang pera.....alam mo na, tayong mga mahihirap.  Baka isipin niya na talagang ganun ako....." "So, worried ka sa sasabihin niya tungkol sa iyo?"  tukso ko sa kanya.  Nanlaki ang mga mata niya at umiling. "Hindi kaya!"  tanggi agad ang hitad!  "Ayoko lang na may masabi siyang hindi maganda at pangkalahatan po ang sinasabi ko, no!  HIndi lang para sa akin.  Para sa ating mahihirap!  At isa pa, kahit nakuha na niya.......ang, ano ko, hindi ibig sabihin noon, pwede na niyang bilihin ang buong pagkatao ko!" "Opo na, aleng maganda.  Lumalaki na ang butas ng ilong mo," umirap siya sa akin.  Bumalik na ang teller at may pinapirmahan sa kanya.  Sampung libo lang ang itinira niyang pera sa kanya dahil sobra sobra na daw iyon para sa kanilang mag-ina.  Napangiti ako ng titigan niya ang tseke at tiniklop bago isinilid sa lumang pitaka.  Siya pa rin ang kaibigan na matagal ko nang kilala. Ang taong hindi nasisilaw sa salapi.  Kung hindi nito kailangan ang pera para sa ina, siguradong hinding hindi papasok sa isip nito ang trabahong ibinigay ko sa kanya.  Kung maiba ibang babae siguro ito, malamang, hindi na umabot pa ng paglubog ng araw kinabukasan at agad na nitong kukunin ang pera. Pero hindi ganoon si Karidad Bernabe.  Ang babaeng laging sinasabing hindi kayang bilin ng sino man ang pagkatao niya, ang dignidad niya, dahil iyon na lang mayroon siya.  Tuwang tuwa ito ng makuha ang libreta de bangko niya.  Tila kinikilig pa ito at hinalik halikan ang hawak.   "Ang pangalan ko na ngayon, Karidad Bernabe, libonarya!"  nag-apir kaming dalawa.  "Libre kita sa gotohan, Essa!  Dahil kung hindi sa iyo, hindi ako libonarya ngayon!"   "Lukaret!  Ikaw talaga,"  alam kong sa kabila ng mga ngiting iyon, ay may bahid na lungkot. "Pero sige, hindi kita tatanggihan.  May alam akong masarap na gotohan!" Dahil alam ko kung paano ang ginawang pag-iingat ni Idad  sa pagpili ng lalaking mamahalin at ang puring iyon ang nais niyang ibigay sa lalaking mapipili. Puring ibinigay niya sa isang estranghero kapalit ng malaking halaga.   ~~Nathan's POV~~   "Sir, nobody encashed the amount which you told us nor transferred it on another account,"  balita sa akin ng Division Manager ng bangko sa Davao.  "How about in other branches?"  it's been weeks since that day.  Imposibleng hindi niya kunin iyon.  Ang mga ganoong tao ay agad na susunggaban ang ganoong kalaking halaga. 'But you know how innocent she is, right?' 'Innocent my foot?!  What if she's just faking it?!' Ipinilig ko ang ulo ko.  I expected that she already encashed the money.  She told me that she badly needs it that is why she did that 'thing'. "I personally checked it Sir but it's negative.  We will inform you once we get any report about it," I massage my forehead.  Hindi ko kasi maiwasang hindi isipin ang babaeng iyon. "Thank you,"  bumalik ako sa kinauupuan ko kanina.   Napabuga ako ng hangin.  I pressed the button on my intercom.  "Racquel, please come." I heard warning knocks after a few minutes.  Nakangiting mukha ni Racquel ang bumungad sa akin.  She's working with me for five years.   "What can I do for you, Nate?"  she's calling me by my first name.  Hindi ako sanay na Mr. Guanzon ang tawag sa akin dahil feeling ko, tatay ko ang tinatawag nila. "Any schedule on the South?"  agad niyang tinignan ang hawak na tablet.  She browsed on it and nod. "Cebu by next week.  After that......" umiling siya.  "Nothing." "Then schedule me to go to Davao this week,"  she frowns.   "But you are full for this week....even on the following week,"  napabuga ako ng hangin.  I dismissed her after I heard my schedule. I tried to call Mario but I cannot reach him.  I called the guys with me on that day that is why I found out that he's out of the country.  Piloto nga pala ang loko. Suddenly my private phone rings.  I lazily took it.  "Nathan here." "Dad!"  bigla akong napatuwid ng upo.  It's Cassie.  "I was trying to call you for how many times but your line was so busy so I tried your landline." "Sorry, Mommy,"  bigla akong na-guilty.  I have a beautiful girlfriend and here I am, thinking of a woman on that lustful night.  "I was talking to the bank manager." "No problem.  Sorry din po kung napatawag ako ng office hours,"  ngumiti ako at pumikit.  I want to see Cassie on my mind......brushing away the face of the unknown woman.   "It's okay, Mommy.  You know that you can do that, anytime,"  natawa siya.   Cassandra might be a single mom but it doesn't stop me from loving her, not to mention, that the father of her child is my best buddy in college. "The reason I called is just to remind you that today is Ulric and Pauleen's gathering,"  oo nga pala.  Muntik ko ng makalimutan.  "But, is it really okay for us to come?" "Of course!  Anyway, Cameron is also a part of that family so technically, you should be there and since I am your......ehem.....boyfriend, so I should come with you,"  alam ko namang nag-dadalawang isip talaga siya.  Hindi lang niya magawang tanggihan si Ulric. "But isn't it awkward?  Hindi maganda ang turingan namin ngayon ni Troy......he's married, while I have you....." "And so?  Kailangan mo bang maapektuhan sa sasabihin ng ibang tao?  And you know that his family loves you! What are you afraid of?"  I heard her sigh.  "Hey, hey.....Mommy, what was that deep sigh?  Don't worry, okay?  I am with you, kami ni Cameron.  Isama mo pa sina Bea and Lex.  We are all there with you so no need to worry." "I know Dad.  Hindi ko lang maiwasan,"  I smiled.   "It's fine, okay.  Just be prepared and I'll pick you up.  You need to be more beautiful for me tonight.  Wear your best,"  she laughs at what I said. "Do I really need to?  So kapag pala nagsuot na ako ng basahan, you will not like me anymore?"  ako naman ang natawa. "Mommy, ikaw ang tipong kahit suotan ng basahan, your beauty will not fade,"  napasulyap ako sa laptop ko ng may mag-pop up na email.  Agad ko iyong binuksan.  Monthly report from Subic.   "O sige na.  You already convinced me.  See you later,"  paalam niya sa akin. "See you, Mommy.  I love you," tumawa lang siya ng mahina.  Hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang pinong kurot sa puso ko.  Hanggang ngayon pa rin kasi, hindi pa niya nasasabi sa akin na mahal niya ako.  Though I told her that I will wait, I cannot help to hope to hear those words from her. "See you then, Daddy.  Ciao!"  and she cuts the line.   I frustratedly look at the phone.  I really want to marry Cassandra and I hope it will be soon.   ~~//~~ ~~Linda's POV~~   "Nay, mano po,"  kinuha ni Idad ang kamay ko para mag-mano.   "Kaawaan ka ng Diyos.  Mukhang hapong hapo ka, ha?"  Ilang araw ko na siyang napapansing ganoon.  Naupo siya sa silyang kawayan pero di sumagot sa tanong ko.  Gawa pa pa ng namayapa kong asawa ang silyang kawayan.  Sira sira na nga iyon pero pinagtitiyagaang kumpunihin ni Idad.  "Kumain ka na, may iniluto akong tinapa at halabos na dahon ng kamote."  Tumango siya "Eh kayo po, kumain na po ba?"  tumango ako.  "Eh si Pulgas, kumain na po?"  "Ay yang alaga mo, may kaartehan din.  Nagsasawa na yata sa isda,"  napangiti siya.  Si Pulgas ang isa sa kasayahan ni Idad. Napulot niya ang asong iyon na nanlilimahid at punong puno ng pulgas sa bayan bago kami umuwi mula sa pagkaka-opera ko.  Hindi ito nag-atubiling dalahin iyon dito sa amin at alagaang linisin at tanggalin ang pulgas nito.  At dahil sa tiyaga, ayun, si Pulgas, maganda na ang balahibo.  Wala na kahit isang pulgas. "Ako lang yata ang inaantay nun, eh.  Pulgas! Tsuuu!  Tsuuuu!  Pulgas!"  at nakita na naming kumakawag kawag ang buntot nito palapit sa amin.  "At saan ka galing, ha?  Matutulog ka na agad, hindi ka pa kumakain?!"  pinanlakihan niya ng mata ang aso na tumungo at tila naiintindihan ang sinasabi ng anak ko.  "Di ba, sabi ko sa iyo, kakain ka muna?"  naghugas siya ng kamay at bumalik sa hapag.  Nagpira-piraso ito ng isang buong isda at inilagay sa sariling plato ni Pulgas. Hinaluan din niya iyon ng kanin.  "Kain na, sige na.  Baka sumakit ang tiyan mo mamaya at ako din naman ang kukulitin mong pakainin ka." "Para kang sira, Idad.  Talagang sobra ang pag-aalaga mo diyan kay Pulgas,"  napangiti ako ng kainin nga nito ang ibinigay niyang pagkain. "Nay, parang mga anak lang iyan,eh.  Kapag hindi mo inalagaan, hindi lalaking mabuti.  Mas maigi pa ngang ngayon pa lang, alam na niya kung sino sa amin ang magulang,"  ngumiti siya.  Binalingan ulit ang aso.  "At ikaw, Pulgas.  Kapag binigyan ka ni Nanay ng pagkain, kumain ka.  Wag kang masyadong mapili. Hindi tayo mayaman.  Kung gusto mo ng mga dog foods, wala akong ipambibili noon."  Hinaplos niya ang ulo ng aso.  "Mabait ka naman talaga, di ba Pulgas?"  nang umungol ito at tumingin sa kanya, tuwang tuwang niyakap ito ni Idad at hinalikan sa ulo. "Ay, ano ka ba, Idad!  Pati ba naman ang aso, hinahalikan mo?  Tapos mamaya, ako naman ang hahalikan mo,"  natatawang muli siyang lumapit sa lababo at naghugas ng kamay ganoon na din ng mukha. "Aba'y sino pa po ba ang hahalikan ko kundi kayong dalawa ni Pulgas!"  napailing ako.   "Ano bang sabi ko sa iyo?  Sagutin mo na ang isa sa mga nanliligaw sa iyo!  Hindi ka na bumabata, Idad at ako naman, gusto ko ng mag-alaga ng apo mula sa iyo,"  nakita kong natigilan siya.   Nagulat ako ng sapuin niya ang tiyan at biglang nagduduwal sa lababo!  Agad ko siyang nilapitan.   "Anak!  Anong nangyari sa iyo?  May masakit ba sa iyo?"  umiling siya at patuloy pa rin ang pagduwal.   Nakita kong pinagpapawisan na siya ng malapot.   Matapos ng ilang sandali, naghilamos siya ng mukha bago tumingin sa akin.  Nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya.  Bigla akong kinabahan. "Nanay.......sa tingin ko po, buntis po ako,"  pagkatapos manlaki ng mga mata ko, nagdilim na ang paningin ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD