"Inakupo Idad! Masasakal kita talaga!" inis na sita ko sa sarili ko. Bigla akong natakot ng himatayin si Nanay. Buti na lang, agad ko siyang nasalo! "Nay....." tinapik ko ng mahina ang pisngi niya. "Nay," muli kong tawag sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag nang gumalaw siya at idinilat ang mata unti unti.
"Nay......." nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at umiyak!
"Idad......bakit mo hinayaang mangyari sa iyo ito!" nakagat ko ang labi ko at pasimpleng kinaltukan ang sarili. "Pinalaki kita ng maayos......inalagaan.......tapos......tapos....." at bigla siyang bumunghalit ng iyak!
"Nay! Sorry po!" niyakap ko siya. Humigpit ang yakap niya sa akin.
"Sino ang ama ng ipinagbubuntis mo? Wala naman akong kilalang nobyo mo?" sunod sunod na tanong niya sa akin habang sumisigok. "Magtapat ka!"
Unti unti ko siyang inilayo sa akin at umiling ako. "Nay.....hindi po ako buntis! Paano naman po mangyayari sa akin iyon eh wala nga po akong nobyo! Di po ba pwedeng mag-joke?!" nakagat ko ang dila ko!
'Hay naku Idad! Kung kailan ka nagka-edad, tska ka natututong magsinungaling!'
'Hoy, utak! Hindi ako nagsisinungaling, ano?! Totoo naman ang sinabi kong wala akong nobyo, ha! Di ko naman sinabi na wala pang nakakakuha ng puri ko, ano!'
Biglang nawala ang dalawang nagdadakdakan sa utak ko ng maramdaman ko ang pagpingot sa akin ni Nanay!
"Lesak kang bata ka! Mamatay matay ako sa narinig sa iyo, tapos nagbibiro ka lang pala!" mangiyak ngiyak ako ng ikutin pa lalo ni Nanay ang pagkakakurot sa akin! Eh, pinong pino pa naman ang pagkakahawak niya!
"Aaaaarrrrrraaaaayyyyyy kkkoooo ppppooooo!" hinawakan ko ang kamay ni Nanay at pilit tinatanggal sa pagkakahawak sa tainga ko! "Ang sakit, Nay! Naiihi na ako!" at pakiramdam ko talaga, may lumabas na ihi sa panty ko!
"Nyemas kang bata ka!" nakahinga ako ng maluwag ng binatawan niya ako pero nagulat naman ako ng hampasin ako sa braso! "Aatakihin ako sa iyo!"
"Nay ha! Child abuse na yang ginagawa ninyo!" Buti na lang, nakita ko na aabutin niya ang singit ko kaya ako nakaiwas! "O! Iisa pa!"
"Child abuse ha?! Oo! Bubugbugin talaga kita, lesak ka!" pinanlakihan niya ako ng mata! "Dapat pala, yang singit mo ang kinurot ko!"
"Nay naman! May regla ako ngayon!" na siya namang totoo. Pangalawang beses na nga iyon mula noong may mangyari sa amin ni Nathan. "Sige kayo, kayo ang magiging duguan, hindi ako!" tatawa tawa na ako. Hinimas ko ang tainga ko. "Nay, wala talaga kayong kupas, ano? Hanggang ngayon, ang sakit nyo pa ring mamingot. Partida, ha. Operada pa kayo niyan!"
"Aba'y dapat lang! Operada o hindi, pagdating sa iyo, talagang magiging ganito ako kung kinakailangan para magtanda ka!. At ikaw, Idad! Hindi ka tumanda ng ganyan..... hindi kita pinalaki para maging disgrasyada! Alam mo naman ang mga tao dito sa baryo, mataas ang tingin sa moralidad," napalunok ako. Mabait si Nanay pero kapag nagalit, lahat ng gamit, nasisira! Buti na lang, lahat ng gamit namin, sira na, hahah!
'Nanay, patawad talaga kung nawala ko ang moralidad na sinasabi ninyo, ha. Dala lang po ng matinding pangangailangan.'
"Naku naman, Nay! Wag nyo ngang pinapasakit ang ulo ko.....Aray naman!" bigla kasing hinaltak ang patilya ko!
"At ako pa ngayon ang nagpapasakit ng ulo mo, nyemas ka! Ako nga itong muntik ng atakihin sa puso!" pinanlakihan na naman ako ng mata.
"Alam mo Nay, may pagka-OA ka din minsan, ano? Matres mo lang ang may problema hindi ang puso mo! At sabi iyan ng mga doktor!" pinanlakihan ko din siya ng mata. "Gusto pa yatang magkaroon ng sakit sa puso!"
Nakita ko ang itinatago niyang ngiti. Pinaliit ko ang mga mata ko at unti unting ngumiti sa kanya.
"Kayo ha! Kayo pala ang nang-gugudtaym sa akin, ha!" lumawig ang ngiti niya at nauwi sa halakhak.
Nahawa na din tuloy ako. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.
"Mahal kita, Idad, alam mo iyan," hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Naniniwala ako na kaya mong alagaan ang sarili mo. Alam mo ang tama at mali. Pero ito sana ang tandaan mo.....malagay man tayo sa hindi kagandahang sitwasyon, kunwari, naospital ulit ako....." napasimangot ako.
"Ayoko nga! Ikaw talaga, ipinapanalangin mo, ano?!" natatawang umiling siya.
"Sinasabi ko lang ang maaaring mangyari. Swerte nga at nahiraman mo si Essa. Paano kung wala siyang pera, di ba? Iyon ang ipinupunto ko sa iyo. Mawawala at mawawala din naman ako sa piling mo. Kapag dumating ang ganoong sitwasyon muli at kakailanganin mo ng malaking halaga, tandaan mo na mas nanaisin ko pang mawala sa mundong ibabaw kaysa malaman ko na ang perang ipinambayad mo sa ospital ay perang galing sa mali......halimbawa'y......pagbebenta ng laman.....ng katawan....." nanlamig ako. Ewan ko kung naramdaman ni Nanay iyon. Natakot akong bigla.
'Syemay talaga! Sorry po talaga Nanay! Panginoon ko! Nagbenta na po ako ng laman.......atay.....balunbalunan......bituka......para humaba pa po ang buhay ninyo.'
"Sana ay naiintindihan mo ako, ha, Karidad?" ewan ko kung nakatango ako o hindi "Ikamamatay ko kapag nalaman ko iyon!"
Nakagat ko ang labi ko. Pinilit kong wag magpahalata sa kanya. "Makakaasa po kayo, Nay. Hinding hindi ko po iyon makakalimutan."
"O siya. Kumain ka na diyan," umiling ako.
"Nasobrahan nga po ako ng kain kaya po siguro ako naduwal. Bigyan ba naman ako ng sangkatutak na kanin ni Aling Aning, eh," si Aling Aning ang katabi kong tindera sa palengke. Tuwang tuwa iyon kapag napapakain niya ako ng mga iniluluto niya. Magtatayo daw siya ng karinderya at ako ang taga tikim.
"Kaya naman pala hindi mo na kinakain ang mga iniluluto ko dahil kay Aning," umirap ito at tumayo mula sa kinasasalampakan.
"Naku naman! Kung makatampo ang Nanay kong maganda!" tumayo na din ako at niyakap siya mula sa likod. "E nagbabaon naman ako ng luto ninyo at nakain sa gabi, di po ba? Eh ngayon po talaga, sobrang dami kong kinain. Ako ang umubos ng dalawang plastic ng kanin. Itatapon na daw kasi niya eh sayang kaya yun."
"O siya. Itabi mo na lang iyan at kainin mo bukas bago ka umalis," maaga pa lang kasi, nakikipagtawaran na ako ng isda para maibenta sa palengke. Kapag di ako tinatamad, tumatawid ako sa kabilang baryo na ang ibig sabihin ay sa kabilang isla. Eh kalahating oras din iyon. Yung bayan na pinagdalhan ko kay Nanay, sa siyudad ng Davao, dalawang araw ang biyahe. "Ako'y matutulog na. Inantay lang talaga kita."
"Sige po. Ako na po ang bahala dito. Patatapusin ko lang po kumain itong si Pulgas. Baka utakan na naman ako, eh," hinaplos ko ang ulo ng kumakain kong aso. "Pakibilisan Mahal na Pulgas. Pagod na ang nanay mo."
Pumasok na ng kwarto si Nanay. Ako naman, isinarado na ang pinto at bintana. Naligo ako at inis-is ang kuko ko. Simula ng ayusan ako sa resort, pinanatili ko nang malinis ang mga kuko ko at hindi na nangangamoy malansa.
Pagod na pagod ako, isama pang may buwanang dalaw ako kaya medyo mabigat ang pakiramdam ko.
"Pulgas, lika na. Tulog na tayo," sumunod naman siya sa akin pagkapatay ko ng ilaw. Sa kwarto din kasi siya natutulog. Buti na nga lang, marunong na hindi magpupu dito sa loob ng bahay. Talagang may kalabit pa yan sa akin kapag nadudumi at sarado ang pintuan. Ingudngod ko ba naman siya sa sarili niyang dumi nung minsang tumae siya, eh di nadala! Nabahuan sa sariling echas! Kaya ayun, marunong nang maghanap ng dudumihan.
Nahiga na ako at itinaas ang suot kumot hanggang sa dibdib ko. Tulog na agad si Nanay. Ipinikit ko na din ang mga mata ko dahil maaga pa ako bukas. Balak kong magtinda sa karatig isla.
~~//~~
"O, Idad, sa kabila ka ba pupunta?" Tanong sa akin ni Inday na kababata ko. Gulay naman ang tinitinda nila sa palengke. Ang laki ng itinaba nito mula ng magkaanak. Dalawa na ang anak nito samantalang ako, wala pa din kaya inip na inip na si Nanay.
"Balak ko nga, eh. Kaya maaga din akong mag-aantay sa pampang," halos pasikat pa lang kasi ang araw at pabalik na ang mga mangingisda.
Sumabay siya sa paglalakad sa akin. "Nga pala, inimbitahan ka ba ni Lota sa pagtitipon sa kanila?" kunot noong tumingin ako sa kanya at umiling.
"Di naman kami malapit sa isa't isa para imbitahan niya, ano!" sabay irap ko.
Si Lota ang anak ni Chairman Hidalgo. May kaya sila sa buhay kaya ang nag-iisang anak nito, akala mo, hindi nadudumihan ang mga paa. Laging nakataas ang noo.
"Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo sa akin noon!" sabi ko habang tulak tulak ang kariton ko. Doon na din ako nagtitinda. May banyera na lang ang kariton para doon ilagay ang mga isda.
"Eh ikaw ba naman ang mas maganda sa kanya, eh! Nagkataon lang na maputi si Lota kaysa sa iyo kaya lahat ng kalalakihan dito, nahuhumaling sa kanya," napangiti ako sa sinabi niya.
"Numero uno talaga kitang tagahanga, ano?" nangingiting tumango tango siya.
Kababata ko man si Inday, hindi sila naging malapit ni Essa sa isa't isa. Dahil nga siguro mali ang pananaw ng mga tao dito sa baryo tungkol sa mga bakla. Napagbawalan siguro siya ng mga magulang na lapitan si Essa.
"Aba'y siyempre naman! Bukod sa maganda ka na, mabait pa!" sabay pasimpleng sumiko sa akin. "Pautang kahit singkwenta lang ha. Kulang pambili ko ng gatas."
"Ayun naman pala kaya tagahanga kita!" natawa siya. Alam kong biro lang niya iyon. Mas nakakaangat sila sa buhay dahil kanila ang mismong tindahan, samantalang ako, kung saan lang may bakante.
"Nga pala, inanyayahan ako ni Lota. Itinanong ko kung inimbitahan ka niya. Sabi niya, sasabihan ka niya. Eh wala pa palang sinasabi sa iyo hanggang ngayon."
"Naku! Pabayaan mo na. Hindi ko na naman inaasahan iyon. Kailan ba ako inimbitahan noon?" inirapan ko siya.
"Sa kasal siguro nila ni Ruben," si Ruben ay kababata ko din na matagal ng nagpapalipad hangin pero hindi ko iniintindi dahil nga magkaibigan lang kami. "Sa panaginip niya!" sabay hagalpak nya ng tawa na ikinatawa ko din. Hindi kasi lingid sa lahat ang pagtatangi niya kay Ruben. "Oy, Ruben!"
Napatingin ako sa tinitigan ni Inday. Si Ruben nga. May kasama itong lalaki na matipuno ang katawan. Dahil medyo madilim pa, hindi ko aninag ang mukha nito. Mas matangkad ito kay Ruben.
"Sino iyon?" tanong ko kay Inday na nagkibit balikat naman.
Nakalapit na sila sa amin pero hindi ko tinignan ang katabi niya. Nginitian ko si Ruben.
"Idad, magandang umaga. Bakit napaaga yata ang labas mo ngayon?" pagkaganda ganda ng ngiti niya sa akin. Kahit na pinaitim ito ng dagat , makikita pa rin ang angking kakisigan. Sa totoo lang, isa siya sa iilang lalaki sa baryo na talagang may itsura.
"Magandang umaga. Balak kong pumunta sa kabilang isla. Hindi ka pumalaot ngayon?" nararamdaman ko ang pagkurot kurot at pagsiko sa akin ni Inday. Hindi ko siya pinansin. Malamang, nanunukso na naman.
"Eh, hindi. Sa koprahan muna ako ngayon. Pinapasama sa akin ni Tatay itong pinsan ko, si Lando," hindi pa rin ako tumitingin pero parang nag iinit ang mukha ko. Para kasing may nakatingin sa akin pero binalewala ko iyon.
Ang koprahan na sinasabi ni Ruben ay pagmamay-ari nila. Maliit lang iyon pero maganda ang kita. Kahit naka-aangat sa buhay ang pamilya nila, mababait na tao ang pamilya ni Ruben. Di hamak na mas mayaman pa sila kina Lota. Nakatapos siya ng Agriculture kaya naman tuwang tuwa si Manong Mando dahil may hahawak na ng koprahan nila. Pero alam kong mas gusto ni Ruben ang buhay mangingisda.
"Aren't you going to......"bigla akong natigilan ng marinig ko ang boses ni Lando. "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kanilang dalawa?" napalunok ako. 'Imposible!'
"Pasensya naman, Insan. Nga pala...Idad, Inday...si Lando, pinsan ko," doon pa lang ako tumingala sa kanya ng dahan dahan.
Hindi ko napigilang manlaki ang mga mata ko.
Si Nathan!
~~Lando's POV~~
I am looking at Idad intently. She looks so shocked when she saw me.
Nathan....
I don't know if I just heard her whispered a name or not. Her eyes are wide open.
"Ang gwapo niya!" gusto kong matawa sa reaksyon ni Inday. "Ruben, lahi talaga kayo ng mga gwapo!"
"Salamat," Ruben said. He and Tiyo Mando, his father, are my relatives on my mother's side. "Kaso, laking isteytsayd iyan! Nakapag-asawa ang nanay niya ng mayaman. Nabato sa Amerika kaya napunta dito sa amin."
"Talaga? May kamag-anak kayo sa Amerika?" tanong ni Inday na hindi nawawala ang ngiti sa akin.
"Kakasabi nga lang, di ba?" sabi ni Idad. Agad siyang nakabawi sa pagkabigla nang ipakilala ako ni Ruben. Ni hindi nga yata napansin ng dalawa ang nakita ko kanina. Or it is just my imagination. Kanina pa lang mula sa malayo ay napansin ko na agad siya. "O sige. Hindi na namin kayo aabalahin. Siya nga pala, pupunta ba kayo sa pagtitipon kina Chairman?"
Umiling si Idad. "Hindi naman ako imbitado. Baka itong si Inday, pumunta," nakita ko ang pagkalungkot sa mukha ni Ruben.
"Isasama na lang kita," he suggested.
Muli itong umiling at ngumiti. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa kasiyahan. Salamat na lang," nakita ko ang pagkainip sa mukha niya kaya siniko ko na si Ruben.
"Come on, Ruben. Tiyo Mando might be there now for all we know," hindi ko man lang nakitaan ng paghanga sa akin si Idad katulad ni Inday. "Your friend is a snob. She doesn't know how to smile. She's not that beautiful, you know."
I saw her eyes widen! "Ruben, pakisabi sa pinsan mo, wag siyang presko dahil hindi din siya kagwapuhan kung makaasta! Halika na nga, Inday! Baka maunahan ako sa pamamakyaw! Sige, Ruben, uuna na kami," sabay sulyap sa akin at umirap!
I smirked. I know her type. She's one of the women who are playing hard to get.
"I like her," napatingin ako kay Ruben. "Matagal ko na siyang nililigawan kaso hindi ako sineseryoso."
"Really? Do you like her? Wala na bang maganda dito sa lugar ninyo?" 'She's not that attractive anyway.'
"Insan, for your information, Karidad is the most beautiful woman in this place," napailing ako at nagkibit balikat.
"Let's see about that. For sure, I will see lots of beautiful women at the party later," 'who will surely swoon because of my good looks, unlike that Karidad!'
I don't know why I am annoyed by what she said. Hindi ko naman alam na nakakaintindi pala siya ng English.
"Kung hindi lang magagalit si Chairman, hindi talaga ako aattend mamaya. Mas gugustuhin ko pang matulog sa bahay," mukha naman talagang ayaw niya dahil kagabi nung makakuha siya ng imbitasyon, umayaw agad. Pinagsabihan lang ni Tiyo Mando.
Nakarating kami ng koprahan. Akala ko, madali lang iyon. Hindi pala.
"Ang ganda ng buhay mo sa Tate, pumunta punta ka pa kasi dito!" natatawang sabi ni Ruben sa akin.
"Isteytsayd pala yang pinsan mo, Ruben," sabi ng isang matandang lalaki. Ngumiti lang ako. "Kaya pala mukhang mayaman at ingles ng ingles."
"Nabuburyo na po kasi sa kanila. Gustong maranasan ang buhay dito sa atin," they all nod on what he said.
"Magugustuhan mo dito sa amin, Lando. Hindi mo pagsisisihan ang pagpunta mo dito," when I looked at the guys around, they are all smiling.
"Sigurado pong magugustuhan ko. It is just that......" I cleared my throat. I forgot that I need to speak straight Filipino when I am here. "Medyo mahirap po pala itong trabaho ninyo."
"Sa una lang iyan. Makakasanayan mo din kalaunan," ipinakilala na sa akin ni Ruben ang mga taong naroroon kanina but I forgot their names. But for sure, if I will stay here for long, I will know each and every one of them.
That is if I will stay that long......
~~Karidad's POV~~
"Oy! Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Mona, nagtitinda ng kakanin na katabi ko sa daan.
Umiling ako. Wala akong gana. Kanina ko pa iniisip si Lando. Kamukhang kamukha kasi ni Nathan kaso, iba ang itsura ng buhok. Nakatali ang buhok nito sa likod.
"Bumili ka nitong kakanin ko. Mabigat ito sa tiyan," tinignan ko ang mga nasa bilao. Kumuha ako ng biko.
"Eto na lang. Mabigat sa tiyan," inabutan ko siya ng sampung piso.
"Alam mo ba, may bali - balita ngayong kumakalat dito sa isla," napatingin ako muli sa kanya.
Hindi ako natuloy sa pagbebenta sa kabilang isla. Tinamad na ako dahil konti lang naman ang nakuha kong isda.
"Ano na naman yang nakalap mo?" tanong ko sa kanya.
"May pinagkakaguluhan ngayon ang mga kababaihan dito sa atin," napakunot ako ng noo. "Yung gwapong mangingisda."
"Mayroon ba?" natatawang tanong ko. "Eh wala naman akong nakita kanina."
"Wala siya kanina," inipit niya sa likod ng tainga ang buhok. "Sabi, nasa koprahan daw."
Napataas ako ng kilay. Wag mong sabihing......
"Pinsan ni Ruben," natawa ako ng mahina. Sabi ko na nga ba. "Lando daw ang pangalan."
"Nakita ko na siya kanina. Nakasalubong namin ni Inday."
"Ha?! Bakit di mo sinabi sa akin kanina?" nanlalaki ang mga mata niya sa akin.
"Eh bakit ko naman sasabihin sa iyo?" hinawakan niya ako sa balikat at iniharap sa kanya.
"Dahil ang aga aga kong nag-antay sa pampang para makita siya! Kung hindi pa naubos ang mga mangingisda, hindi pa ako aalis!"
"Sinabi mo ba sa akin kung bakit ka nag-aantay na parang engot dun kanina?" kaya pala ang aga aga ng lukaret. Umiling siya. "Kitam? Sisihin ba ako sa bagay na wala akong alam?"
Binitawan ako at nangalumbaba. "Buti na lang, walang mga babae doon sa koprahan.....baka kasi maunahan ako nung mga iyon, eh."
Natawa ako. Gustong gusto na kasi nitong mag-asawa. Sa kasamaang palad, wala talagang nanliligaw sa kanya. Ano ang itsura niya? Ayoko na lang magsalita, tapos!
"Alam ko, pupunta sila ni Ruben sa pagtitipon kina Lota mamaya......"
"Kina Lota!" nanlaki ang mga mata niya pero nakita ko ang pagkalungkot ng mga mata niya. "Kung ganoon, wala na akong pag-asa."
Alam ko ang ibig niyang sabihin. Kapag natipuhan ni Lota si Lando, hindi mo na malalapitan pa ang lalaki. At isang daan at isang porsiyento, babakuran na iyon ni Lota! At ewan ko ba, ngayon pa lang ay naiinis na ako!
~~Ruben's POV~~
Gusto kong matawa sa itsura ni Lando kanina pa. Hindi na kasi maipinta. Kahit nakangiti pa siya, halatang naiinis na sa nangyayari.
Paano ba namang hindi? Si Lota kasi, nakakapit sa kanya simula pa lang ng pagtitipon. Tila ngayon pa lang, ipinapakita na sa lahat na kanya na ito.
Ako naman, nakahinga ng maluwag. Dahil sa nangyari, hindi na ako lalapitan pa ni Lota. Tingin ko ay iyon lang naman ang nakakapagpapigil kay Idad para sagutin ako.
"Goodness, Ben!" agad akong hinaltak ni Lando ng makalapit sa akin. Hindi ko alam kung paano siya nakawala sa tabi ni Lota. "That woman is a leech!"
"Wala pa iyan," dire-diretso kaming lumabas ng malaking gate. "Sandali. Uuwi na tayo?"
Tumango siya. Malalaki pa rin ang mga hakbang. Siya na mismo ang sumakay sa driver's seat ng owner jeep na dala namin.
"Make it fast! Ayokong maabutan nun!" agad niyang minaniobra ang sasakyan.
"Makatakas ka man ngayon, sigurado, bukas, may manliligaw ka na!" sabay hagalpak ko ng tawa. "Aaraw arawin kang suyuin niyan. Baka nga pati si Chairman, sumamang dumalaw sa bahay, eh."
"Is she really that bold?" nanlalaki ang mga mata niya. "She's rubbing her body on mine!"
"Oo. Just wait till she offers her body to you," napailing ako. Ilang beses na kasi niyang ginawa iyon sa akin. Buti na lang, magaling akong umiwas.
"She's what?!" lumingon siya sa akin at muling ibinalik ang tingin sa kalsada.
Nakita kong malapit na kami kina Idad. Tatlong bahay lang ang pagitan ng bahay nila sa amin. "Paki tigil muna diyan sa bahay na may puno ng aratiles."
Inihinto naman niya. Bukas pa ang mga ilaw ng bahay. Bumaba kami ng sasakyan. "Who's house is that?"
"Karidad. Mukhang gising pa," humugot muna ako ng hininga bago naglakad palapit sa bahay. Maliit lang ang bakuran nila. "Babatiin ko lang sandali."
"I will not come," lumingon ako sa kanya. "Baka makaabala pa ako sa inyo."
Umiling ako. "Gusto ko ring makilala mo pati ang Nanay niya. Mabait din iyon katulad ni Idad," hinaltak ko ang braso niya.
Umakyat kami sa hagdan na kawayan. Kumatok ako sa pintuan. "Idad! Idad!"
May narinig akong papalapit na mga yabag. Si Aling Linda ang nagbukas.
"Magandang gabi po, Aling Linda," nakangiting bati ko sa nanay ni Idad.
"Ikaw pala, Ruben. Magandang gabi naman. Ano't naparito ka?" sumulyap siya kay Lando.
"Dadalawin ko lang po sana si Idad. Si Lando nga po pala, pinsan ko," tumango siya at ngumiti.
"Magandang lalaki din katulad mo," nakita ko ang pagngiti ng loko. Gustong gusto talagang napupuri.
"Salamat po, Aling Linda," tuwang tuwang sabi nito. "Anak nyo lang naman po ang hindi gusto ang itsura ko, eh."
Ibinukas niya ng maigi ang pinto at pinatuloy kami. "Naku, ayaw noon sa masyadong gwapo. Marami daw kaagaw. Sandali lang at kakatukin ko sa banyo, ha. Kakarating lang kasi."
Bigla akong nahiya. Hindi ko pa kasi nakikitang bagong ligo si Idad......yung kakalabas lang ng banyo.
"Idad! Nandito si Ruben at Lando, dinadalaw ka. May dala ka bang damit diyan?" tanong ni Aling Linda.
"Opo! Pakisabi po, sandali lang," tumingin sa amin si Aling Linda.
"Siguro naman at narinig ninyo," natatawang sabi niya. Maliit lang kasi ang bahay nila, gawa pa sa sawali at kawayan. Buti na lang, ang bubong, yero na. "Tubig lang ang maibibigay ko sa inyo."
"Naku po, wag na po kayong mag-abala....." napalingon kami ni Lando ng bumukas ang pintuan ng banyo.
Lumabas doon si Idad.
~~Lando's POV~~
'Now I know why Ruben likes her.......She's so freakin' hot!'
She's just wearing a simple dress.....yun yata ang tinatawag na daster. Lagpas tuhod iyon kaya nakikita ko ang makikinis niyang binti. The towel was twisted on her head. Tumayo kaming dalawa ni Ruben para bumati. Ganoon daw kasi dapat kapag babati ka. Kailangang tumayo bilang pag-galang.
"Uy! Tapos na agad ang party?" nakangiting tanong niya sa amin.....to Ruben, especially. Her smile.....the beautiful among all.
Maraming babae.......maraming klase ng ngiti. But her smile is one in a million. It's so enchanting!
"Nag-ayang umuwi agad itong si Ruben," I don't know if I will smile or not when she looked at me. I choose the first one.
But to my dismay, she didn't smile back. Agad niyang ibinalik kay Ruben ang tingin.
"Ganoon ba? Sayang naman. Sandali, ha at mag-susuklay lang ako. Gusto ninyo ng maiinom? RC? Bibili......" umiling kami.
"Water can do," ako na ang sumagot. Iba ang pakiramdam ko ngayon. I never felt this way before.....o kahit kanina sa party when Lota was rubbing her body to me.
And this woman is not doing anything yet and properly dressed, for Pete's sake!
"Sige, upo muna kayo......Nay, ako na po," mabilis ang kilos niya na kunin ang hawak na tray ng ina. Lumapit siya sa amin at inilapag sa munting lamesa ang tray. "Pasensya na, ha, Lando. Hindi malamig ang tubig."
"It's okay," agad akong nagsalin ng tubig at uminom. Guminhawa ang pakiramdam ko.
Agad naman siyang pumasok sa isa pang pintuan.
"Magtatagal pa ba tayo dito?" ipinakita kong kunwari ay naiinip na ako. "I want to sleep."
"Sandali lang. Antayin lang natin siyang bumalik dito," damn! I cannot wait that long! Di ko alam na ganoon kalakas ang dating sa akin ni Karidad!
Hell! If Lota will ask me right now to have s*x with her, I will agree! Not because I want her body but because I need her to release my lust for Karidad!
Nauna na akong tumayo ng muling lumabas ng kwarto si Idad. Maayos na ang buhok niya.
"Idad, aalis na kami," sabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ruben.
"Ganoon ba?" Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa harapan ko. s**t! But I am really growing! Dala din kaya ito ng ininom ko kanina sa party?
"Oo. Hindi din kasi maganda dahil medyo nakainom ako," ako lang naman talaga ang uminom, hindi si Ruben. "Nakakahiya naman sa inyo ng Nanay mo," sumulyap ako kay Aling Linda at humingi ng paumanhin.
"O, sige. Umuwi na kayo," naglakad siya papunta sa pinto at binuksan iyon. "Dala nyo pala ang owner. Ikaw ba Ruben ang nagmaneho?"
Nagkatinginan kaming mag-pinsan sabay iling. "It's me."
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Di ba, nakainom ka? Bakit ikaw ang nagmaneho?" sa panggigilalas niya. 'When she will smile at me? Lagi na lang seryoso kapag ako ang kausap!'
"Sorry Ma'am," I saw her smile. "I just want to run away as fast as I could. Some witch was casting a spell on me."
Lalong gumanda ang ngiti niya hanggang mauwi sa malakas na tawa. Natakpan niya ang bibig ng mapansin na tahimik na ang paligid.
"Ikaw na pala, hindi si Ruben," she looks at my cousin and sweetly smiles at him.
'Hell but I am jealous! I can feel my insides are fighting among themselves! She is mine and only mine! Even that smile of her!'
Naunang naglakad pabalik sa owner si Ruben. Pasimpleng binulungan ko si Idad.
"Wait for me tomorrow night, same time, at the back of your house," takang napatingala siya sa akin.
"Bakit?" kumunot ang noo niya.
Pasimple akong dumaan sa likuran niya at idinikit ang katawan ko sa kanya. She held her breath!
"Feel that? I am lusting over you, Babe and I don't want to keep this for so long!" at mabilis ko siyang hinalikan sa ulo bago pa siya makahuma. Pasakay na ng jeep si Ruben ng tumingin sa akin. Bigla akong umupo sa tabi ni Idad para kunwari ay itinatali ko ang rubber shoes ko, which is again, a wrong move. I can see her perfectly shaped legs and smooth skin.
"Lando!" tawag ni Ruben. Agad akong tumakbo palapit sa sasakyan. "Bakit ang tagal mo? Anong sinabi mo kay Idad?"
"I tied my shoelace and I didn't say anything," lumingon kami pareho kay Idad at kumaway.
Hindi ko maiwasang mapangiti.
'She will be mine that is for sure!'