Sa Akin Ka Lang!

4504 Words
"Idad, kumusta?"  napatingin ako kay Ruben na naupo sa tabi ko.   "Mabuti naman, Ruben.  Ikaw, kumusta ka naman?  Bakit nag-iisa ka yata?"  hinayon ko ng tingin ang mga taong naroroon sa palengke.  "Wala kang kasama?" "Kung si Lando ang hinahanap mo, wala siya.  Napagod sa koprahan kaya nagpaiwan sa bahay para matulog." "Buti walang arte yun, ano?"  natawa siya.  "Minsan, mangingisda.......minsan naman, sa koprahan!  Eh kung ibang lalaki iyon, baka di makatagal dito.  Eh siya, isang linggo....." "Dalawang linggo,"  pagtatama niya sa akin.  "Sa totoo lang, matagal na siyang nasa bayan, mga dalawang linggo na din kaso hindi namin agad isinama dito kasi akala namin, hindi niya naman talaga gusto pumunta kaso, nagpilit nung ma-bore doon." Tumango tango ako.  May iniabot siya sa aking isang plastic.  Napangiti ako nang makita ko ang laman niyon, barbeque.  "Nag-abala ka pa pero salamat,"  tumango siya.   "Nilagyan ko na din ng kanin para di ka na bibili.  Alam ko namang sa sobrang tipid mo, tinapay na naman ang kakainin mo,"  napangiti ako.  Talagang kilala ako ni Ruben.  "Oo nga pala.....pwede,"  bumuga siya ng hangin kaya natawa ako.  Tila kumukuha ng lakas ng loob.  "Pwede bang ayain kitang lumabas sa fiesta?" "Oi! Kakaiba yun, ha!  Marunong ka nang mang-aya ngayon!  Dati, sa bahay ka lang dumadalaw, ngayon, gusto mo, lumabas na tayo?"  natawa siya. "Eh, may kasiyahan dahil fiesta, di ba?  Hindi naman siguro kalabisan na ayain kitang lumabas?"  napaisip ako.  Bakit nga naman hindi pwede?  Sa tagal ng panunuyo sa akin ni Ruben, alam ko namang mabuti ang hangarin niya sa akin. "Sige, pumapayag na ako,"  napangiti siya.  "Anong oras ba?" "Sasali ako sa bangkero ngayong taon kaya kung maaari sana, naroon ka din,"  ala una ng tanghali ang larong bangkero.  Pabilisan ng pagsagwan hanggang sa kabilang isla at pabalik.  "Sabi ni Chairman, ang mananalo, makakakuha ng limang libo galing kay Mayor.  Baka sakaling manalo." "Oo naman, wag kang mag-alala.  Pupunta ako sa aplaya ng ala una.  Nais ko rin namang makita ka doon,"  napangiti siya.  "At alam kong makakaya mong manalo." "Salamat sa pagtitiwala.  Gusto mo bang pumunta sa bahay para kumain muna ng tanghalian at sabay na tayong pumunta sa dalampasigan?"   Umiling ako.  Hangga't maaari, ayokong makita si Lando matapos na hindi ko siya siputin nung sinabi niyang magkikita kami.  Buti na nga lang, laging naroroon si Ruben kapag natatanaw ko siya. "Salamat na lang sa paanyaya pero may mga bisita din kami.  Kahit paano, kailangang mag-handa dahil pasasalamat iyon kay San Juan,"  tumango siya.   "Sabagay....." tumayo na siya.  "Mauuna na ako, Idad.  Magpapahinga pa ako dahil bibili kami mamaya ng iihawing baboy.  Napapapikit na din ako.  Naisipan lang kitang dalhan ng pagkain." "Salamat uli.  Mag-iingat ka,"   tumango siya. "Sa fiesta, wag mong kakalimutan!  Ikaw ang inspirasyon ko sa labang iyon,"  ngumiti ako pero ng tuluyan na siyang makalayo, nawala ang ngiti ko. Kailangang malaman na ni Ruben sa lalong madaling panahon na wala siyang aasahan sa akin dahil hindi na ako nababagay sa kanya....   ~~Lando's POV~~   "Where were you that night?"  sinabayan ko si Idad sa paglalakad.   Yes, she stood me up that night.  I waited for an hour.  She didn't come.  And that happened a week ago.  Lagi ko siyang nakikita pero walang pagkakataon na makausap ko siya.  Lagi kasi siyang linalapitan ni Ruben. She looks up at me and frown.  "Anong sinasabi mo diyan?  Siyempre, nasa bahay at natutulog!" muli niyang ibinalik ang tingin sa mga isdang nasa banyera.   "I told you to wait for me,"  may nakiraan kaya napalayo ako sa kanya.  Buti na lang wala ngayon si Ruben kundi ay hindi ako makakalapit kay Idad. "Bakit naman?  May dahilan ba?"  tumingin siya sa mangingisdang nagtitinda.  "Manong Tato, magkano po?" "Dalawa, Idad,"  mabait si Manong Tato.  Siya ang kasama ko kanina dahil wala nga si Ruben.  I am a certified farmer and fisherman in two weeks' time! "Tatlo na po Manong.  Pakihatid nyo na din ako sa kabilang isla,"  nakita ko ang pag-ngiti ni Manong Tato.  "Kayo na din po ang magsundo sa akin bandang alas dose po mamaya." "Aba'y makaka-asa ka, Idad.  Salamat sa pagkuha mo ng banyera ko," such a small fortune but they are already happy with that.   Akmang hihilahin na nila iyon ni Idad pabalik sa bangka ng pigilan ko siya.  "A lady shouldn't do what a guy should do."  sabay buhat ko ng banyera papunta sa bangka. Nakita kong inabutan niya ng pera si Manong Tato.  "O sige na, tsaka na lang tayo mag-usap at pataas na ang araw,"  paalam niya sa akin. "You can run lady but not for long,"  I saw her smile. "Naglalakad kaya ako!"  sabay kaway sa akin.  Natatawang napailing na lang ako.   "We will see each other again, lady!"  I don't know if she heard me.  Kausap kasi niya si Manong Tato.  Nakitulak ako ng bangka.   "Lando,"  napalingon ako sa nagsalita.  Isa sa mga babaeng lagi nag-aabang sa akin.  Di ko tanda ang pangalan at ayaw kong tandaan.  "May dala akong pandesal at mainit na kape." "Lando,"  sabi naman ng isa.  "Ay kuk sam pood por u,"  nakangiting sabi naman ng isa. "Ay olso hab......"  itinaas ko ang dalawa kong kamay. "Ladies.....ladies....."  napatingin ako sa mga naroong kalalakihan na nagtatawanan. "Ang hirap talaga ng artista Lando!" sigaw ni Manong Banong sa akin.  Natawa na lang ako at napakamot ng ulo. Ibinalik ko sa mga babae ang tingin ko.  "Pasensya na pero para walang lamangan, hindi ako kukuha ng pagkain kahit kanino sa inyo dahil maliban sa hindi ako gutom, gustong gusto ko na talagang matulog,"  which is partly true.  I am sleepy, yes but I am hungry as well.  Kanina pang alas dos ang huling kain ko. Naglakad na ako palayo sa kanila.  Kung si Idad siguro ang nagbigay sa akin, hinding hindi ko tatanggihan. And a brilliant idea came to my mind.  Napangiti ako.  For sure, she cannot get away from me, anymore!   ~~Karidad's POV~~   "Anong ginagawa mo dito?!  Nasaan si Manong Tato?!"  hindi ko alam kung lalapit ako sa kanya o hindi.   Nakita ko siyang palapit sa akin at kinuha ang hawak kong banyera.  Ngiting ngiti ang loko!  Ang sarap batukan! "I told him that I will fetch you,"  sabay kindat. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.  May narinig akong nagbubulungan sa likuran ko. Paglingon ko, ang mga babae, akala mo, nakakita ng artista at kinikilig!  Kulang na lang, magpa-autograph! "Ang gwapo niya!"  Halos tumirik ang mata ko ng hindi na napigilan ng isang babae ang bibig.   "Sobra!  Ngayon lang ako nakakita ng mangingisda na ganyan ka-gwapo! Ang swerte naman ng babaeng iyan!"  sabi pa ng isa. Nagulat ako ng umakbay sa akin si Lando at bumulong.  "See.....you are lucky for having me,"  inis na tiningala ko siya. "Having you?  Eh hindi naman kita kaano-ano!"  pumiksi ako pero hindi niya ako pinakawalan.  Hindi ko kasi nagugustuhan ang nararamdaman ko.  Kaparehong kapareho ito ng naramdaman ko ng magdikit ang katawan namin ni Nathan. "Then, make me yours, Sexy,"  bulong niya sa akin.   Kinagat ko siya sa kamay bago ako mabilis na tumakbo papunta sa bangka.  Agad akong sumakay doon. "See, I told you earlier, you cannot get away from me,"  tila hindi naman siya nasaktan sa ginawa kong pagkagat.  Sa iba ko ibinaling ang paningin ko.   Naiinis ako dahil talagang nag-ririgodon ang puso ko!  Kung hindi ko lang alam na pinsan siya ni Ruben, pagkakamalan ko talaga siyang si Nathan, eh! Pumalaot na kami at nagulat ako ng itinigil niya sa gitna ang bangka! "Hoy!  Anong ginagawa mo?  Bakit mo pinatay ang motor?!"  pinanlakihan ko siya ng mata.   "At last!  You are talking to me now!"  tatawa tawang sabi niya.  Napatingin ako sa inilabas niya sa plastic.  Dalawang plastic ng kanin at dalawang plastic ng ulam.  "Take this,"  sabay abot sa akin. "Ano iyan?"  tumaas ang kilay niya. "Pagkain, ano pa?  We will eat in here,"  napatingin ako sa paligid.  Nasa pagitan talaga kami ng dalawang isla.  Halos ga-tuldok na lang kasi pareho iyon sa paningin ko. "Wow! Ang sweet mo pala?! Sa ilalim ng sikat ng araw at sa gitna ng dagat?!"  pinanlakihan ko siya ng mata. Tumango siya at ngumiti bago nagsimulang kumain matapos idawdaw sa tubig ang kamay.   "I know how hungry you are.  Your lips are dry,"  nakagat ko ang labi ko.  "Though I wanted to devour you, so much, hindi ko magagawa iyon kung patay ka na, so eat." "Devour.......hoy!  Anong akala mo sa akin, ha!"  ibinaba ko sa hita ko ang plastic ng pagkain.  "Hindi mo ako maaangkin!" Ngumisi siya.  "Talaga?"  itinaas ko ang ulo ko bago tumango.  "What if I can?" "Hindi iyon mangyayari!"  natawa siya. "Talaga lang, ha.  My dear, I can and I will.  I know you felt it too....."  tumaas ang kilay niya at ikiniling ang ulo. "Ano bang pinagsasasabi mo diyan?"  'Sobrang halata na ba ako?  Syemay!  Bakit ko ba kasi nararamdaman ito?  Di dapat dahil mali ito!' Napaatras ako ng lumipat siya sa tabi ko matapos muling idawdaw sa tubig ang kamay.  "You don't know?  I will let you.....,"  napapikit ako ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Ang boltahe!  Para akong tinamaan ng kidlat sa ilalim ng init ng araw! Naramdaman ko ang paglalim ng halik niya sa akin.  Hindi ko alam kung tutugon ako sa ginagawa niya o hindi. Idad!  Itulak mo siya!  Nagtataksil ka kay Nathan! 'Kung makataksil naman........parang asawa o nobyo mo yung tao?!  Eh isang gabing kahibangan lang naman ang namagitan sa inyo!' Ngunit bago ko pa iyon nagawa, nailayo na niya ang sarili sa akin at hinaplos ako sa mukha. Tinignan niya ako ng deretso bago bumitiw.  Tumingin siya sa malayo. "You are so pure, Idad......I cannot......" umiling siya bago tumingin sa akin.  "The attraction between us is so strong and you cannot deny that." Tumango ako.  Ngumiti siya.  "At last, you admitted......but......"  napabuga siya ng hangin.  "If I will touch you.......I know, I cannot stop....I will not stop.  It's very hard to resist you." "Bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na ito, Lando,"  humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "I know, pagnanasa lang ang nararamdaman ko para sa iyo,"  may naramdaman akong pinong kurot sa puso ko.   Inilayo ko ang tingin ko sa kanya.  "Kung ganoon, walang pupuntahan pa ang pag-uusap nating ito dahil wala akong balak na makipaglaro sa iyo,"  hinarap ko ang pagkain.  "Ubusin mo na yang pagkain mo at ng makabalik na tayo sa isla. " "I like you Karidad....."  napatingin ako sa kanya.  "So much!" "Init lang iyan, kaya ligo lang ang katapat niyan! Ayan, daming tubig! Magpakasawa ka!"  asik ko sa kanya.   "Ligo lang ba?"  tumaas ang kilay niya at nakakalokong ngumisi.  Napaatras ako ng inilapit niya ang sarili sa akin at naramdaman ko ang kamay niya hita ko at marahan na hinahaplos pataas iyon! "Lando!"  pilit kong inaalis ang kamay niya.  Hindi ko siya mahawakan ng dalawang kamay dahil hawak ko pa rin ang plastic ng kanin!  "Puputulin ko yang......oh!"  napapikit ako. Bakit ikamo?   Ang kamay na malikot, dinakma ang dikya ko! "Hhhmmmm......saucy,"  narinig kong sabi niya.   Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas na itulak siya palayo sa akin!  Nanlaki ang mata ko ng mapalakas iyon at nahulog siya sa tubig! Kinakabahang napatingin ako sa kinabaksakan niya.  Namaywang ako, kunyari ay di apektado. "Buti nga sayo! You deserved that!" Napaingles tuloy ako sa kaba!  Baka napaano na siya dahil di pa rin umaahon.  "Lando?  Aaayyyy!" Bigla niya akong iniharap sa kanya at ang loko, tawa ng tawa! "Inglesera ka na, ha!" hinawakan niya ang mukha ko.  "Bwissssseeeettttt!" nanggigigil na pinagsusuntok ko siya.  "Mamamatay ako sa takot sa iyo!" "And why are you scared?  Hindi ako malulunod, ano!"  hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngiti.  "Don't be, my love.  Hindi kita iiwan.  You are too young to become a widow,"  and he winks. "Widow?!  Para namang kasal na tayo!"  Naupo ako muli.  Itinabi ko na ang natira kong pagkain.   "Malay mo naman, di ba?"  takang napatingin ako sa kanya.  Seryoso na ang mukha.  Adik yata ito!  "I might fall in love with you......e di hindi na ako aalis dito sa isla. Ayaw mo ba noon?" "Alam mo, may tiwang ka din ano?"  kumunot ang noo niya.  "Kanina, sabi mo, pinagnanasaan mo lang ako, ngayon naman, baka ma-in love ka sa akin.  Ano ba talaga, Kuya?  Mas magulo ka pa sa bulbol....." Umiling siya at ngumiti ng nakakaloko.  "You don't have that......"   tumaas ang kilay ko.  "You know....that pubic hair that you were......" Naramdaman ko ang pangangapal ng mukha ko kaya binatukan ko siya ng malakas! "Bastos ka talaga!" nanggigigil na ako.  "Bakit nauwi sa pubic hair ko?!" "Eh ikaw kaya ang nagsimula!"  pinanlakihan ako ng mata habang hinahaplos ang nasaktang ulo.  "Ikaw ang nagsabi ng bulbol!" Nakagat ko ang labi ko dahil pinipigilan kong tumawa.  Napalakas yata ang pagkakabatok ko sa kanya dahil hindi maipinta ang mukha. "Eh bakit ba naman kasi kung ano anong kabastusan ang pinagsasasabi at ginagawa mo sa akin!  Hindi gawain ng matinong lalaki iyan!  Si Ruben nga, ni dulo ng daliri ko, hindi pa hinahawakan!"  inirapan ko siya. "Talaga lang?!"  nanlaki ulit ang mata.  "Eh kahapon lang, nakita kong hinawakan ka niya sa braso!  Ikaw naman, tuwang tuwa!"  parang batang sumimangot ito. "O siya!  Hinawakan na kung hinawakan!  At least, sa braso lang!   Eh ikaw, dinakma mo na agad ang.......ang......."  hindi ko maituloy ang sasabihin ko.   At ang abnormal, ayun na naman ang ngiti! Basta tungkol sa ka-elyahan, nabubuhay ang dugo! "O sige, ganito na lang,"  humarap siya sa akin at hinawakan ako sa kamay.  Pilit kong hinihila iyon sa pagkakahawak niya.  "Wag kang magulo!  Let me hold your hands for a while,"  hindi na ako nagpumilit pang kunin ang kamay ko.  Itinaas pa ang kanang kamay!  "I will promise you, Karidad, saksi ang kalangitan.......this vast ocean......the birds........sea creatures........" "Di pa kasama ang Diyos?"  umiling siya.  Napasimangot ako. "I told you, I am lusting over you.......kapag isinama ko na si God, I should swear my love......undying love for you."  Aray naman!  Katawan ko lang talaga ang habol ng lokong ito!  Pero bakit parang wala akong lakas na tumanggi kung ipagpipilitan niya ang gusto niya? Napakamot siya ng ulo at ngumiti ng tipid.  Lalong gumuwapo ang loko!  "I can only swear my fidelity to you, Idad, nothing more.  Baka in the future, kasama na si God kasi......kasi....."  sabay buga ng hangin.  "I might fall in love with you, my Island girl." Ang kilig ko!  Sobra sobra!  Feeling ko, ang ganda ganda ko para mangako siya sa lahat ng saksi........eeerrrr.......yung saksi naming kalikasan pala!  "But for now, yung fidelity lang muna ha.  I promise, that since we are going to have.....you know, s*x, there will be no other woman." "Talaga?  Eh paano mangyayari iyon eh pinagkakaguluhan ka lagi sa aplaya!"  inirapan ko siya.  "Kulang na lang, puri nila ang ibigay sa iyo na tingin ko naman, gustong gusto mong kunin!" "Of course not!"  mariing iling niya.  How can you say that if I only have my eyes for you?"  naramdaman ko ang paghalik niya sa kamay ko.  "Are you jealous?" Nag-init ang mukha ko!  "Ang kapal mo naman!  Paano mong naisip........" "It's written all over your face,"  hinapit niya ako palapit sa kanya.  "And I like it.  I feel the same way kapag nakikita kong nilalapitan ka ng mga lalaki,"  sabay simangot uli.  "Gusto ko, akin ka lang, Idad!  Wag mo silang hahayaan na hawakan ka." "Di naman pwede iyon!  Kita mo naman kung ano ang trabaho ko, di ba?"  hinaplos niya ang braso ko.   "O sige, I will allow them to talk to you....to touch you pero hanggang braso lang, ha!  Wag na wag mo silang hahayaang hawakan ka sa mukha dahil ako lang ang pwedeng humawak diyan!"  napangiti ako at tumango.   "Opo!"  nagliwanag bigla ang mukha niya.  Tila hindi ito makapaniwala sa narinig. "With that yes....you mean to say......" muli akong tumango. "Pumapayag na ako sa nais mo pero......."  nagulat ako ng bigla niyang sakupin ang labi ko!   'Idad, kailangang sabihin mo sa kanya na hindi ka na birhen!  Baka iniisip niya, birhen ka pa din kaya ganyan na lang ang pagnanais niyang makuha ka!' Pero lalong lumalim ang halik niya na ginagantihan ko naman.  Ang halik niya......napakapamil...... Nathan! Hindi ako pwedeng magkamali!  Ang halik ni Lando at Nathan ay iisa lang!   Pero paanong nangyari na nandito siya sa isla?  Paanong naging pinsan siya ni Ruben? Kung ganoon, isa lang ang ibig sabihin nito......hindi ako nagtataksil kay Nathan! Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin at idinikit ang noo niya sa noo ko habang nakangiti. "Thank you for that.....but I need to stop kissing you or else, I will take you here,"  napailing siya.  "Na ayokong mangyari.  I want you to enjoy what I am doing to you,"  muli akong kinintalan ng halik sa labi.  "So.......kailan tayo pwedeng magkita?"  Tumitig ako sa mata niya habang nag-iisip.   "Fiesta na bukas, kaya hindi pwede.....isa pa, lalabas kami ni Ruben,"  nalukot ang mukha niya. "Anong lalabas kayo?  Dapat ako ang kasama mo bukas at hindi siya!"  nakikita ko ang inis sa mukha niya.  "Kakasabi ko lang na walang pwedeng ibang makalapit sa iyo." "Wala nga pero nung isang araw pa ako inaya ni Ruben at anong dahilan ang sasabihin ko?  Na magkasama tayo?  Alam mo namang kalat sa isla na nanliligaw sa akin si Ruben tapos ikaw ang makakasama ko,"  hindi siya kumibo.  "Isa pa, si Lota, malamang, aayain ka niyang sumama sa kanila." Di ko maiwasang mapasimangot.  "Basta, ipangako mo, kahit anong gawin ni Lota, wag kang bibigay sa kanya!" Natatawang tumango siya.  "At ikaw din, siguraduhin mo lang na hindi ka mahahawakan ni Ruben.  Hanggang siko lang siya!  You are mine.....all parts of your body are mine." Tumango ako.  "Opo Manong Lando!"  muli niya akong hinalikan.  Pinabayaan ko na siya.  Tutal, gusto ko naman ang ginagawa niya. Bigla ko siyang naitulak ng may marinig akong tunog ng papalapit na bangka! "Lando!  May paparating!"  lumayo siya sa akin at binuhay ang makina.   "s**t! Ayaw umandar!"  napalapit ako sa kanya. "Anong ayaw umandar?!"  pinanlakihan ko siya ng mata.  "Hindi pwede yun!  Hindi pwedeng maabutan nila tayo dito sa gitna ng....." napapikit ako ng marinig ko ang tunog ng motor na sobrang lapit na sa amin.   Ang bilis naman ng bangkang iyon! "Oy Idad! Lando!"  ngumiti ako at tumingin kay Manong Domeng.  "Anong nangyari at nariyan pa rin kayo?  Kanina pa kayo umalis sa kabilang bayan, hindi ba?" Tumango ako.  "Eh, nasiraan po kami.  Ayaw pong uman......"  bigla kong narinig ang tunog ng motor! "Ayan!"  napalingon ako kay Lando na pinapagpag ang kamay.  "Napaandar ko din!"  lumingon siya sa mga sakay ng kabilang bangka.  "Kanina pa nga po kami nag-aantay kung may daraan, eh." "Aba'y.....wala ka bang dalang sagwan?"  nagkatinginan kami sa tanong na iyon ni Manong Domeng.  "Malayo layo nga lang ang isla mula dito kung sasagwanin mo  pero sa laki ng mga masel mo, kakayanin mo iyan!  Di hamak nga na mas malaki katawan mo kaysa sa mga ibang sasali sa kompetisyon, kahit pa sa pinsang mong si Ruben.   Maganda sanang ensayo para sa iyo ang gagawin mong pagsasagwan." Nanlaki ang mata ko at nagtatakang napatingin sa kanya.   "Sasali ka sa palaro?!"  tumango siya at ibinalik ang tingin kay Manong Domeng. "Naiwan ko po ang sagwan kaya nga po nabilad na kami dito.  Buti na lang po at may dala akong pagkain, kung hindi ay aabutan kami ng gutom dito,"  nakangiting sagot niya. "Ganoon ba?  Sabihin mo kay Tato ang problema ng motor na iyan at baka mamaya, sa kalagitnaan pa kayo ng laot itigil niyan,"  tumango naman siya.  "Mauuna na kami.  Sumunod na kayo at kataas ng araw. Masusunog ang balat ninyo,"  kumaway muna siya sa amin bago pinaandar palayo ang bangka. "Kalokohan mo talaga!"  sabay hampas ko sa kanya.  "Paano kung nakita tayong naghahalikan ni Manong Domeng?!  Baka makarating kay Nanay! At sasali ka rin pala sa kompetisyon!" "That's great!  At least, malalaman na niya kaya magkakaroon ako ng pagkakataon na mas makasama ka at hindi na natin kailangang magtago.  At ang pagsali ko, katuwaan lang naming magpinsan.  Siya lang dapat talaga ang sasama.  Eh nabuyo ako ng ilang kalalakihan kaya hindi na ako tumanggi.,"  naupo siya at tinitigan ako.  "Kiss me first," biglang sabi niya. Kumunot ang noo ko.  "Kiss me before we go.....if not, we will stay here." "Kailangan, may kondisyon agad?!  Eh di magsasagwan ako!"  Kinuha ko ang sagwan at inilubog sa tubig.   "Of course!  That's my vitamins!"  aba, ang loko, pinatay ang makina!  "Now, kiss me or magsasagwan ka hanggang sa isla?" Nakakailang ikot pa lang ako, hindi ko na matagalan.  Ang sakit sa braso!  Inis na tumayo ako at lumapit sa kanya.  Nang akmang hahalikan ko siya, umiwas ba naman! "Ang arte mo talaga!  Hahalikan ka na.....aaaayyyyy!"  nagulat ako ng iupo niya ako sa kandungan niya! "I want you to sit on my lap like this,"  iniharap niya ako sa kanya kaya nakabukaka na ako at lumilis ang suot kong daster!  Napasipol siya.  "Nice view!" Pilit kong inayos ang suot ko.  Napatingin ako sa mukha niya ng mapansin kong nakatitig siya sa akin.   "I want you, Idad....." umiling siya.  "Idad is an old name.  I will call you Kaye." "Kaye....."  napangiti ako.  "Masarap pakinggan." "From now on, you are Kaye for me,"  tumango ako.  Ako na ang humalik sa kanya.  Narinig ko ang pag-ungol niya.   Marahan kong inilayo ang sarili ko sa kanya. "Halika na at sobrang taas na ng araw.  Baka hinahanap na ako ni Inay." Ibinaon niya ang mukha sa pagitan ng dibdib ko.  "You are killing me, Kaye.  The more I taste you.....the more I yearn for you," inangat niya ang mukha at tumingin sa akin.  "What more if I........"  napasinghap ako ng haplusin niya ang hita ko pataas sa ugpungan.  "What more if I enter this body of yours?  You will make me insane, for sure." Napangiti ako.  "At iyon ang gusto ko......"  dahil kung ikaw si Nathan, ayokong mawala ka pa sa akin. "And I want to claim my lucky charm for tomorrow because I know, you will cheer for Ruben,"  kinurot ko ang pisngi niya. "Ang gwapo mo namang magselos!"  dinampian ko siya ng halik.  "Syempre, si Lota na ang taga-cheer mo.  Ako, dahil si Ruben ang unang nagsabi sa akin, siya ang susuportahan ko." "Kaya nga halikan mo na ako.....kung pwede nga lang, I will take you here!"  di ko maiwasang matawa.  "But I promised you that I will wait." "Kaya mag-antay ka.  Sa ngayon, ito lang ang pwede kong ibigay sa iyo," at muli ko siyang hinalikan. Ayokong isipin ang magiging takbo ng relasyon namin ni Lando, o kung siya si Nathan.  Sa ngayon, mas importante yung sayang nararamdaman ko.   ~~//~~   "Idad!"  nakita ko ang kumakaway na si Ruben.  Nasa tabi siya ng bangkang gagamitin niya.  May sampung kalahok sa larong iyon.   Agad kong lumapit sa kanya.  "Handa ka na ba?"  tumango siya.   "Oo at mabuti naman, nakaabot ka," nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at halikan iyon!  "Pampasuwerte lang." "H-hindi mo dapat ginawa iyon!"  napaatras ako para lang mabangga sa isang matigas na bagay! Paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko!  Si Nathan.......ehek!  Si Lando pala! "Lando....."  nakakunot ang noo niya at masama ang tingin kay Ruben.  "Wag," mahina kong sambit sa kanya. "With that one, you already won, cousin!"  wala pa rin ang ngiti niya. "For luck,"  nakangiting sagot ni Ruben na hindi napapansin ang tensyon sa pagitan namin ni Lando.  "She's my lucky charm, cousin!" "Is she your girlfriend already for you to kiss her hand?"  alam kong sinasadya niyang makipag-usap kay Ruben ng ingles dahil iilan lang sa mga taong naroroon ang nakakaintindi sa salitang banyaga.  Kung baga, mga mangmang ang karamihan dito sa amin. Nakita kong napakunot ang noo ni Ruben.  "She's not but I told you, she's my lucky charm!  Kiss Lota for you to have one!"  Nagsisimula na akong makaramdam ng hindi maganda.  Kahapon lang, sinabi sa akin ni Lando na ayaw niyang may ibang hahawak sa kamay ko.  Ang masama pa, hinalikan pa iyon ni Ruben! "Mga ginoo, maaari na kayong pumunta sa panimulang linya,"  nakahinga ako ng maluwag ng lumapit ang namumuno sa palaro.   Nagsimulang itulak ng mga lalaki ang kani-kaniyang bangka, ganoon din si Ruben.  Napatingin ako kay Lando na hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan. "Uy!  Pumunta ka na doon!"  sabay tulak ko sa kanya.  "Mahuhuli ka!" "May kasalanan ka sa akin, Kaye!  You need to make up for it!"  lukot na lukot ang mukha niya. "Oo na!  Manalo ka muna at ibibigay ko sa iyo iyon!"  muli ko siyang itinulak. "Lando!"  nakita kong palapit na si Lota na nakataas ang kilay.  "Ano pa ang ginagawa mo diyan?!  Magsisimula na ang palaro!" Isang sulyap pa ang ibinigay sa akin ni Lando bago tuluyang naglakad papunta sa sarili niyang bangka. Nanlaki ang mata ko ng makita kong hinalikan siya ni Lota sa pisngi!  Di ko maiwasang mapapadyak sa inis!  At ang mokong, nang magawi sa akin ang tingin at nahuli ang ginawa kong pagpadyak, ngingiti ngiti! Nakakagigil talaga! 'Ang landi landi mo!  Kung makasita ka kay Ruben,ganoon ganoon na lang!  Ikaw din pala!' Inirapan ko siya at tumingin ako kay Ruben. Nakita ko siyang kumaway sa akin kaya gumanti din ako ng kaway. "Anong pinag-usapan ninyo ni Lando?"  napalingon ako sa nagsalita.  Si Lota pala! "Wala!  At ano naman sa iyo kung mayroon?"  tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi kasi magandang tignan na tinutuhog mo ang magpinsan,"  pinigilan kong magpahalata na nabubwisit ako sa kanya.  "Isa pa, sa akin si Lando kaya hindi mo siya pwedeng akitin!" "Eh di iyong iyo!  Isaksak mo sa baga mo!"  at inirapan ko siyang muli.  "Wag ako ang awayin mo, pwede ba?  Nagkataon lang na pinsan siya ni Ruben kaya kinakausap ko siya.  Kung hindi, hindi mo ako makikitang kinakausap siya.  Dala ng magandang ugali lang ang ginagawa ko." "Siguraduhin mo lang.....kapag may nalaman akong namamagitan sa inyong dalawa, humanda ka!"  at mabilis na naglakad siya palayo sa akin. 'Ang kapal naman kung maka-panakot ito!  Para namang matatakot ako! Tse!' 'Pasensya ka!  Ako na ang pinili ni Lando, hindi ikaw! Belat!!!' Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na ng marinig ko ang hiyawan ng mga kababaihan na tinatawag ang pangalan ni Lando habang si Lota naman, nakabusangot na ang mukha. Ako siyempre, pigil na isigaw ang pangalan ni Lando.  Kaya ang isinisigaw ko... "Nathan! Nathan! Galingan mo!"  sabay palakpak. "Sino si Nathan?" tanong sa akin ni Inday na kararating lang.   "Anong Nathan?  Eh Ruben ang sabi ko?"  pagmamaang-maangan ko. "Hindi.  Ang layo naman ng Nathan sa Ruben!"  sabay iling niya.   "Linisin mo nga iyang tenga mo, Inday!  Sino naman ang tatawagin kong Nathan diyan, eh wala namang may ganoong pangalan dito sa isla!"  ibinalik ko ang tingin ko sa dagat.   "Sabagay....Nakita ko ang ginawa ni Lota kay Lando.  Binabakuran na talaga ng loka!"  natatawang sabi niya.  "Tignan mo nga, kulang na lang lagyan ng busal ang bibig ng mga babaeng sumisigaw sa pangalan ni Lando!" Natawa ako pero hindi na ako nagsalita.  Pakialam ko kay Lota!  Pakialam ko sa mga babaeng naghahabol kay Lando?! Basta akin lang siya! AAAKKKKKIIIIINNNNN!!!!! HAHAHA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD