Paalam

4122 Words
"Miss, kailangan mong maghanda ng singkwenta mil para sa pagpapaopera ng nanay mo,"  sabi sa akin ng doktor.   May myoma si Nanay at malala na ayon sa mga doktor.  Ilang araw na kasing sumasakit ang puson niya kaya pinilit naming makaluwas ng bayan para ipatingin siya kasi hindi naman ganoon kaalwan ang baryo namin para magkaroon ng mga pasilidad na makakaalam kung ano ang sakit ni Nanay. Tulog na tulog siya.  Pinalis ko ang luha ko.  Saan namang magandang kamay ng Diyos kami kukuha ng ganoong halaga?  Ang pagtitinda ko ng isda sa palengke ay sapat lang para sa pagkain namin araw araw. "Baka po pwedeng maagapan ng gamot?"  umiling ang doktor. "Kapag natamaan ang bandang puson ng Nanay mo, maaaring magkaroon ng bleeding.  Dahil halos kasing laki na ng ulo ng bata ang myoma.  Lalong magiging delikado at mas lalaki ang gastos ninyo or worst, maaaring ikamatay niya iyon,"  nahintakutan ako sa sinabi ng doktor.  Hindi pwedeng mawala si Nanay! "Gagawa po ako ng paraan, Doc,"  hinalikan ko sa noo si Nanay.  "Babalikan ko po siya,"  at mabilis akong lumabas ng ospital. Sinilip ko ang laman ng pitaka ko.  Dalawang dadaanin na lang na papel.  Yung limang daan na kinipit kipit ko, naipambili na ng gamot niya. Tumingala ako sa langit at baka doon ko makita ang hinahanap kong sagot.  Nagulat ako ng biglang may nanulak sa akin! Halos mangudngod ako sa kinatatayuan ko!  Inis na napatingin ako sa kung sino mang herodes na iyon na tuloy tuloy pa rin ang lakad! "Hoy!"  nawala ang pagdadrama ko tuloy!  Nauwi sa inis!  "Sabi ko, hoy!"  hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Kunot ang noong lumingon sa akin ang lalaki.  "What?!"   Aba!  Tignan mo ito at siya pa ang galit! "Anong what?!  E nabangga mo ako!"  namaywang ako.  Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga tao. "I am sorry, Okay? I am in a hurry.  If you need anything.....kung nasaktan ka, here's my business card,"  sabay abot sa akin ng isang kaheta ng papel.  "That's my direct number.  Call me anytime and I will give you whatever you need.  Bye,"  sabay sakay sa naroong kotse na pinaharurot nito. "Aba't......" gigil na gigil ako!  Walang pakundangan porket mayaman at gwapo! Talaga Idad?  Napansin mo pa ang pagiging gwapo niya?  Akala ko ba, inis ka? Binasa ko ang hawak kong kaheta.  Ngani nganing itapon ko iyon sa inis pero pinagpasyahan kong wag na lang.  Isiniksik ko iyon sa wallet ko. "Balik sa realidad, Karidad!  Saan ka hahanap ng pera para sa nanay mo?"  Napakagat ako ng labi ng may maalala akong tao.  Si Essa.... Kaya mo bang gawin ang ipinagagawa sa iyo ni Essa?  Kaya mong magpakababa ng ganoon para lang magkaroon ng pera para sa Nanay mo? Napapilig ako.  Desperado na talaga akong magkaroon ng pera.  Tumingin ako sa paligid para maghanap ng tindahan.  Lumapit ako ng may matanaw ako.  "Ale, pwede pong makitawag?"   tanong ko sa tinderang naka-askad ang mukha.  Ang aga aga, nakasimangot agad! "Limang piso tatlong minuto.  Bawal telebabad,"  sabay irap!  Kaloka! Agad agad kong idinayal ang numero ni Essa.  Sa bahay lang ako tumawag kasi di ko alam ang numero ng cellphone niya.  "Hello,"  tila tulog pa ang diwa ng hitad! "Essa, si Idad ito!"  pakilala ko sa kanya. "Bakla!"  tili nito. Inilayo ko sandali sa tenga ko ang telepono dahil ang lakas talaga ng pagkakatili.  "Ano't napatawag ang beauty mo?" "Ano kasi, Essa.....baka may maipapahiram ka sa akin.  Si Nanay, nasa ospital.  Kailangang maipa-opera agad,"  kinakabahan ako.  Kaibigan ko si Essa pero sa kanya din umaasa ang buong pamilya niya pati anak ng mga kapatid niyang mga batugan, siya ang umaako. Narinig ko ang buntong hininga niya.  "Nasaan ka ba ngayon at susunduin kita,"  sinabi ko ang kinaroroonan kong ospital.  "O siya, wag kang aalis diyan.  Antayin mo ako ng kalahating oras.  Di na ako maliligo para makarating agad diyan.  Kumain ka na ba?" "Hindi pa,"  sabay iling.  "Dalawang daan na lang ang pera ko dito, eh."  "Hay naku!  Kung di lang kita best friend.......basta mamaya na! Babu!"  tila nabuhayan naman ako ng loob.  Mukhang mapapahiram niya ako ng pera at hindi na niya ipagpipilitan yung sinasabi niya sa akin. Iaabot ko na sana ang bayad ng may makita akong tinda niyang hopia.  "Ale, pabili din po ng isang hopia at iced tubig,"  sapat na siguro iyon para maitawid ko ang gutom ko. Ewan ko kung galit ba ito sa mundo at bubulong bulong na iniabot sa akin ang binibili ko.  "Magkano ho lahat?"  "Bente,"  nanlaki ang mata ko.   "Ang mahal naman po!  Limang piso po ba ang ice tubig at saka itong hopia?"  umiling siya. "Dos ang tubig, tres ang hopia.  Yung tawag mo ang matagal,"  napakunot noo ako.  Sigurado akong hindi namang ganoon katagal ang tawag ko. Pero nung nakita niyang magrereklamo ako, inunahan na ako!  "O ito!  Sayo na yang lima mo!  Kakasira ka ng mood!  Ang ganda ganda ng araw ko para lang masira sa limang piso!"  Nanlaki ang mata ko.  Ako pa daw ang pampasira ng mood niya?  Hello?!  Kanina pa kaya siya nakasimangot!   Para matapos na ang usapan, kinuha ko na lang ang limang piso at nagpasalamat.  Mabilis kong nilisan ang tindahan niya.  Baka mahawa pa ako ng pagiging nega niya! Habang inaantay ko si Essa, inuunti unti ko ang pagkain ko.  Sapat na rin ang malamig na tubig para mabusog ako.   "Karidad!"  natanaw ko na ang bakla!  Sobrang iksi ng suot!  Akala mo, rarampa at ang kapal nang naka-kulapol sa mukha niya! "Essa,"  niyakap ko siya ng mahigpit.  Ang bango niya.  Mapera na tiyak ito ngayon. Si Essa ay isang bakla.  Dati siyang naggugupit sa maliit na parlor sa baryo namin.  Sabay kaming lumaki.  Litanya ito ng litanya ng problema sa araw araw na ginawa ng Poong Maykapal.  Tapos bigla itong nagpaalam na makikipagsapalaran sa bayan.   At eto na siya ngayon......madatung na! "Anong nangyari kay Aling Linda?"  nagtubig na naman ang mata ko sa tanong niya.  "Hoy!  Wag kang maarte"  sabay haltak sa buhok ko.  "Ang pagiging mahina ay hindi karakter ng isang Karidad Bernabe!  May paiyak iyak pa ito!" Tinampal ko ang braso niya.  "Hindi ba pwede, ha?  Tska nanay ko ang pinag-uusapan dito at alam mo kung gaano ko kamahal si Nanay," suminghot ako. "Alam ko naman iyon,"  naglabas ito ng panyo at nagpunas ng mga mata.  Natawa ako.  "Bwisit ka kasi!  Nahahawa ako sa iyo!  Syempre naman, si Aling Linda ang pinag-uusapan natin dito, eh parang nanay ko na din iyan!  Dali, let's go!  I want to see her!"  napataas ang kilay ko.  Nag-iingles na ang bakla!  "Nagulat ka ba?!  Of course, I have to learn how to speak in english, di ba?  Paano na lang ang mga parokyano ko kung simpleng ingles lang, di ko pa masasabi? "  Ako naman, nakatapos kahit paano ng high school at gustuhin ko mang kumuha ng vocational course, hindi na talaga kaya ni Nanay.  Bata pa lang ako ng nawala si Tatay kaya si Nanay ang naghirap para kahit paano ay may matapos ako.   Sabay kaming naglakad papunta sa ward na kinaroroonan ni Nanay.  Tulog pa rin siya.  Hinalikan siya sa noo ni Essa. "Magkano ba ang hinihingi sa iyo ng ospital?"  kinuha niya ang wallet at naglabas ng dadaanin. "Singkwenta mil......" "SINGKWENTA MIL!"  napalakas ang sigaw niya!  Buti na lang, hindi nagising si Nanay.  Hinaltak ko siya palabas ng kwarto.  "Seriously, sister?  Fifty kiaw as in?!"  tumango ako.  "Kung sampung libo, mapapahiram kita pero singkwenta........"  nagulat ako ng itaas niya ang mukha ko at sinipat iyon.  "Makinis naman ang mukha mo.....now nganga,"  na siya kong sinunod.  "Maganda ang ngipin at walang halitosis, mabango ang hininga......."  inikutan naman ako.  "Balingkinitan, maganda ang tayo ng dibdib,"  nagulat ako ng itaas niya bigla ang palda ko!   "Bakla!  Ano ka ba!"  tinapik ko ang kamay niya. "Maganda ang legs, makinis....."  ibinalik niya ang tingin sa mukha ko.  "At virgin pa, di ba?" tumango ako.  Hinawakan niya ang kamay ko at inamoy iyon sabay binitawan!  "Kaso, malansa ang mga kamay!  Ang kuko, nanlilimahid!"  tila diring diri siyang makita ang kamay ko.  Napatingin ako doon.  Totoo naman kasi. "Ano ang aasahan mo sa kamay ko?  Naka-cutex katulad ng sa iyo?  Eh nagtitinda kaya ako ng isda, ano!  Syempre, malansa!  At bakit mo ba ako pinag-aaralang maigi?" eto na naman ang kaba ko.  Sobra sobra at nakakabingi! "Halika, sumunod ka sa akin," humantong kami sa canteen at siya na mismo ang nag-order ng pagkain namin.  Sinigang na baka at lechong kwali.  Halos tumulo ang laway ko dahil biglang kumalam ang tiyan ko.  Akala ko pa naman, busog na ako sa kinain kong hopia kanina.  "O, ano pang tinutunga tunganga mo diyan, lafang na!"  nilagyan pa niya ako ng kanin sa plato ko.   Kumain muna kami.  Kwento siya ng kwento tungkol sa mga pinaggagagawa niya sa bayan at nakakarating na pala siya ng ibang lungsod.  Lumalaki ang inggit ko sa kanya.  Ako kasi, masaya na sa baryo lang ako. Tapos na akong kumakain at umiinom ng softdrinks ng mapansin kong nakatitig siya sa akin.   "Bakit?"  nginitian ko siya. "Alam mo, bakla, maganda  na pero mas maganda ka lalo kapag ngumingiti,"  sumimangot ako.  "Pa-cute naman ito!  Teka lang nga, balik tayo kay Nanay mo...."  napatuwid ako ng upo.  "Mapapahiram kita ng pera pero kailan mo maibabalik?" Napailing ako.  "Di ko alam basta ang alam ko, babayaran kita."  Sandali muna siyang nanahimik bago hinawakan ang kamay ko.  "Yung......yung dati kong sinasabi sa iyo......alam ko, napag-isipan mo na ang bagay na iyon bago mo ako tawagan,"  hindi ako nakakibo.  Hindi ko kasi alam kung kaya ko, eh. "May raket ako ngayon.  May nagpapahanap sa akin ng mga virgins,"  nanlamig ako.  Tila gusto kong ilabas lahat ng kinain ko!  "Malaki ang bayaran.   Gusto talaga nung kukuha, certified virgin para sure sila na malinis ang babae.  Since I know that you are, pasok ka na sa banga!" "I-ilan ba ang kailangan nila?"  ang lakas ng tahip ng dibdib ko. "Lima kasi para daw iyon sa mga kaibigan niya.   Mga walang magawa sa pera ang mga iyon kaya para lang mailabas ang init ng katawan, kukuha sila ng babaeng bayaran......at kaya nilang magbayad kahit magkano masiguro lang na malinis ang babae.  At kwidaw ka!  May mga babaeng tuluyan ng ibinabahay kapag natitipuhan na!  Kaya ikaw, kung sisige ka, malamang, matipuhan ka ng lalaking makakauna sayo!"  tila kinikilig pa siya sa naiisip. "Y-yung ano......yung mga lalaki.....ano naman ang mga edad nila?"  nagtaasan ang mga balahibo ko ng maisip ko na baka matandang hukluban ang maka-kuha ng Bataan ko! Ayoko! "Ang totoo, most of the time, matatanda na.  Mga congressman, mayor, senador.....ganoon.  Pero this time, mga nasa early thirties pa lang yung nakausap ko.  At gwapo, ha!"  kinikilig na naman! "Eh kung gwapo, bakit naghahanap ng babaeng bayaran?"  takang tanong ko. "Madali naman silang makakakuha ng babaeng gusto nila."  "Bakit kamo?  Eh kasi alam nila, hindi sila hahabul habulin.  Mostly, ang mga kinukuha ko, mga taga baryo talaga maliban dun sa may atin dahil wala namang nakakaalam ng totoong trabaho ko doon.  Ang alam nila, sa hotel ako nagtatrabaho, di ba?"  tumango ako.  Ako lang naman ang sinabihan ni Essa ng totoo niyang trabaho.  "Ikaw lang ang kinuha ko doon maliban sa kilala naman kita, alam ko, magiging forever ang sekreto nating dalawa!  At syempre, ang mga girlalu, kailangan, presentable naman ang itsura!  At for sure, sa iyo, hindi ako mapapahiya! Pero teka lang, pumapayag ka na ba?"   Kahit mabigat sa loob ko na kung sino na lang ang makakakuha ng pinakaiingatan ko sa loob ng dalawampu't apat na taon, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.  Tumango na agad ako! "Ayan!  Kumpleto na!  Namomroblema na nga ako kasi mamayang gabi na yun eh kulang pa ako ng isa.  Kung pwede nga lang ang ka-birhinan ko ang ibigay ko sa kanila, without second thought, nag-go na ako!"  hindi ko maiwasang mapangiti kahit kinakabahan ako. "Ngayon, uuwi tayo sa bahay at kailangan mong maligo.  Dadalhin kita sa resort kung saan mawawala......ay!  Wag naman masyadong brutal ang words," at tinapik tapik ang labi.  "Kung saan ka pala mododonselya!"  sabay tawa ng malakas! Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil namumula na ang mukha ko!  Kahit naman alam kong walang pakialam ang mga tao sa paligid, nakakahiya pa rin! "Ikaw, nakakainis ka!  Pumayag na nga ako, pagtatawanan mo pa ako!"  inis na kinurot ko siya sa tagiliran. "Day!  Baka akala mo, barya barya lang ang ibabayad sa iyo dito!  Baka magulat ka sa sasabihin ko.  Yang sampung libong sinasabi ko sayo, wala iyan,"  nagtatakang napatingin ako sa kanya.  "Birhen ang pinag-uusapan dito.  Yung mga babaeng iyon, naipa-doktor ko na kaya sigurado akong birhen at ikaw, dahil alam ko ang likaw ng bituka mo, alam kong wala......as in, wala pang nakakapasok dyan sa flower farm mo!"  pinanlakihan ko siya ng mata.   "Hinaan mo nga ang boses mo!  Tama ba namang ipangalandakan pa iyon sa buong mundo? Ikaw.....pagkatapos mo akong pakainin......"  nag-peace sign sa akin.  "Sorry na, sis.  Let's go na sa balurrr ko at kailangan mong maligo.  Yung ibang babae, nasa kani-kaniya nang kwarto kahapon pa at nagpapaganda.  Ikaw ang kailangan nating habulin.  Kailangan mong magpa-spa....magpamasahe.......magpa-manicure at pedicure.  Dapat mabango ka mamaya!"  nauna na siyang tumayo at naglakad. "Eh mabango naman ako, eh.  Maliban na lang talaga sa daliri ko......"  napatingin naman ako sa kamay ko.  "Di naman siguro niya ito aamuyin, ano?" "Gaga!  Yung ibang lalaki nga, isinusubo pa iyan!"  nanlaki ang mga mata ko!   "Talaga?!  Bakit isinusubo?"  umikot ang mga mata niya. "Hay naku, ganda.  You are so naive talaga.  Yaan mo, mamayang gabi, malalaman mo kung bakit isinusubo pati ang mga daliri,"  hinaltak na ako at sumakay kami sa kotse niya.   "Wow!  Essa!  Ang yaman mo na talaga!"  hinimas himas ko ang upuan ng kotse.  "Amoy bago pa!" "Gaga!  Isang taon na iyan!  Palibhasa, ngayon ka pa lang nakasakay ng kotse, eh!"  pinaandar na niya iyon.  "I changed my mind.  Ibibili kita ng damit at doon na tayo dederetso sa resort.  Doon ka na maligo para dere deretso na ang mga gagawin sa iyo.  Hindi ka naman mabalbon, ano?"  kunot noong umiling ako.  "Good.  Dahil ayaw nila ng masyadong mabuhok.  Eh ang kipay mo, may buhok?"  napamaang ako sa kanya.  Kunot noong napatingin siya sa akin.  "Itinatanong ko kung may buhok ang kipay mo!  Dahil kung meron, ipapatanggal natin iyan!" Sunod sunod ang iling ko. "M-manipis lang........"  "Patingin nga,"  umiling ako.  "Patingin nga dahil kung hindi, ipapatanggal ko iyan mamaya!" "Ayoko nga!  Ipapatanggal ko na lang kung hindi ka kumbinsido.   Basta hindi mo ito makikita!  Mamaya, maging lalaki ka bigla!"  inirapan ko siya.   "Hoy, Bakla!  Ang dami dami ko nang nakitang hubad na babae at kahit kailan, wala akong naging pagnanasa sa mga iyon!  Kung makaarte ito!  Tse!" sabay irap sa akin kaya inirapan ko rin siya! "Kahit na!  Ayaw ko pa din!"  inihimpil niya ang kotse sa isang mall.  Mabilis kaming bumaba at isang tindahan  ang pinuntahan namin.  Nagulat ako ng bilhan niya ako ng tatlong pares ng damit, bra at pati panty.  Ang huli, isang puting pantulog na parang net lang! "Ito ang isusuot mo mamayang gabi,"  bulong niya sa akin.  "You are a virgin so you need to look like one.  Mamaya, e-enjoy mo lang at isipin mo, para sa nanay mo ang gagawin mo.  Ang usapan ng kliyente ko, kailangan, may makita siyang dugo sa bedsheet kinabukasan dahil kung wala, walang bayad ito." "Bakit naman kailangang may dugo?"  natuktukan niya ang sarili sa tanong ko.  "Ano ka ba  Idad?  Tanga......nagtatanga tangahan o sadyang wala lang talagang alam?!  Syempre, tanda ng pagkawala ng kabirhenan mo iyon!"  pinanlakihan ako ng mata. "Eh paano kapag hindi ako dinugo?  Eh di wala akong makukuha?"  kinabahan ako.  Paano si Nanay kapag nangyari iyon?  "Sabi ng kliyente ko, only half of the hundred thousand......."  nanlaki ang mata ko!   Isang daang libo!  Sobra sobra na iyon sa pang-paopera ni Nanay! "Kahit pala kalahati, okay lang......"  bigla siyang napalingon sa akin. "Alam mo bang twenty percent ang kinukuha ko doon?  Maliban sa akin, may katulong akong maghanap ng mga babae.  Alangan namang kayo lang ang kikita tapos thank you na lang ang mga beauty namin?!  Halllleeerrrr!!!!"  pinanlakihan niya ako ng mata. Agad na siyang nagbayad ng mga pinamili namin.  Bago kami lumabas ng gusali, may nakita siyang tindahan ng sapatos.  Hinila ako papasok doon. "Shoes and sandals for her, please,"  sabi niya sa sales lady.   "Yung mababa lang, ha.  Di ko kaya kapag mataas na ang takong,"  nakangiting sabi ko sa babaeng lumapit sa amin.   Si Essa din ang pumipili kung ano ang babagay sa paa ko.  Pagkatapos ay agad niya akong hinila palabas. "Isa na lang pala!  Pabango!"  pasok ulit kami sa isang tindahan.  "Ang bagay sa iyo, yung hindi matapang ang amoy.  Pang-virgin pa rin!"  sabay kindat. Nakita ko ang binili niya.  Elizabeth......basta, Green Tea ang nakalagay doon! "Ang tsaa pala, ginagawa nang pabango ngayon?"  natatawang napailing siya.  "Wag mo nang pasakitin ang ulo mo kung paano nagiging pabango ang tsaa.  Ngayon, ang importante, maging sobrang linis at bango mo para sa laban mo sa kama mamayang gabi!"  natatawa pa din siya. Napasimangot naman ako.  "Alam mong kung hindi dahil kay Nanay, hindi ko gagawin iyon!" "Alam ko at alam ko ding tatanda ka nang dalaga dahil wala na ang pinakaiingatan mong puri!"  lalo akong napasimangot. "Ewan ko sayo, Essa!"  tumingin ako sa paligid.  Napakaganda ng tanawin.  "Malapit na ba tayo?"  Tumango siya.  "Nasa akin naman ang susi ng kwarto mo.  Yung mga babaeng iyon, hindi nila kilala ang isa't isa at ganun din ang gawin mo!  Wag mong uusisain sa akin kung sino ang mga babaeng iyon!"  "Syempre, hindi!  Alangan namang makipag-kaibigan ako sa kanila tapos kapag nagkasalubong kami sa daan, magkakakilanlan kami at pagkukuwentuhan namin ang mga nangyari!  Kahiya hiya!"  napailing ako.    "We are here!"  tinulungan niya akong ibaba ang mga pinamili namin.  "Maligo ka at may kakausapin lang akong tao.  Babalikan kita.  Isuot mo ang isa sa mga bago mong damit.  Nang isinarado niya ang pinto, iniikot ko ang paningin ko.  Malaki ang kama at puting puti ang sapin noon.  Kumpleto ang gamit.  Bigla akong natakot.....gusto kong umatras.  Pero nang maalala ko si Nanay, nagkalakas ako ng loob.   Kaya mo iyan Idad!  May mga lalaki pa rin na hindi hadlang ang pagkawala ng kabirhinan ng babaeng mahal nila.  Kung mahal ka, tatanggapin ka ng buong buo at walang pag-aalinlangan! Dali dali akong pumasok ng banyo matapos kong kumbinsihin ang sarili ko.  Napatingin ako sa loob ng banyo.  Maganda iyon at malaki.  May bath tub yata iyon. Ang totoo, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar na pati ang banyo, kasing laki na ng buong bahay namin!   Napatingin ako sa gripo na may hose.  Ito kaya ang tinatawag na shower? At dahil talagang gusto kong malaman, inikot ko ang inikot ko ang isang bilog na nasa ibabaw ng gripo.  Kulay asul ang kulay niyon.  Bigla akong nabasa! "Ang lamig!"  napatalon ako palabas ng bath tub.  Nakasuot pa kasi ako ng damit.  Pilit akong umiwas sa umaagos na tubig dahil talagang malamig iyon.  Inabot ko ang gripo at pinatay iyon. Napangiti ako.  Dali dali akong naghubad ng damit at ang isa naman ang iniikot ko, iyong may kulay pula.  Ang init naman! "Ano ba ito!  Di ba pwedeng maligamgam......."  napangiti na naman ako sa naisip ko.  Pinagsabay ko silang buksan at tinimpla ang init at lamig ng tubig. "Pwede naman pala, eh!"  nakuha ko ang tamang timpla na kaya ng balat ko.  Naghanap ako ng sabon.  May mga nakita akong maliliit na bote sa gilid.  Iniangat ko ang mga iyon isa isa.  Shampoo, conditioner at shower gel......napakunot noo ako.  "Anong shower gel?  Ipinapang-shower ang gel?"  at dahil likas na pakialamera, naglagay ako ng konti sa palad ko at ng tamaan iyon ng tubig, bumula!  "Ayun naman pala!  Sabon!  Pa-shower gel shower gel pa!"  mabango din iyon.  Tuwang tuwa akong sinabunan ang katawan ko.  Ang dulas sa balat!  Tapos naglagay ako ng shampoo.  Hindi ko na pinakialaman ang conditioner.  Okay na ang shampoo. "Naku Idad!  Bilisan mo at baka dumating na si Essa!  Sasabunutan ka nun!"  agad kong pinatay ang gripo ng matanggal na ang bula sa katawan ko.  Kinuha ko ang isang nakasampay na malaking tuwalya.  Ang bango din! Nakapagpalit na ako ng damit ng bumalik si Essa.  May inilapag sa lamesa. "Nakalimutan kitang bilhan nitong maskara na isusuot mo mamaya para di ka niya makilala.  Ayaw mo naman siguro iyon, hindi ba?"  tumango ako.  "Tara na at nag-aantay na ang magpapaligo sa iyo,"  napalingon ako sa kanya. "Magpapaligo?  Eh naligo na ako......"  umiling siya. "Yung ligo mo, ligong itik lang yun.  Yung sinasabi ko, Moroccan bath.  Kakayusin nila ang libag mo tapos may massage pa at tatanggalin ang mga unwanted hair mo,"  pumasok kami sa isang kwarto.  Kinausap muna niya ang naroong babae bago ako hinarap. "O, ikaw na ang bahala, ha.  Iiwan na kita.  Magkita na lang tayo bukas. Susunduin kita, don't worry......." "Essa......"  nakita ko ang panlalaki ng mata niya.  Nabasa yata ang nasa isip ko. Tumaas ang kilay niya.  "O, wag mong sabihing tumatanggi ka, ha!  Isipin mo na lang, para ito kay Aling Linda.  Pupuntahan ko ang Nanay mo, ako na muna ang mag-aalaga sa kanya.  Kapag hinanap ka, sasabihin kong ikaw muna ang pinag-trabaho ko dito sa resort for the meantime,"  hinalikan niya ako sa pisngi.  "Kayo na ang bahala sa best friend ko, ha,"  bilin niya sa mga ito bago tuluyang lumabas ng silid. "Ma'am, hubad na po kayo,"  nanlaki ang mata ko.  Nagkatinginan ang dalawang babae.  Niyakap ko ang sarili ko.  "Ano kasi, Ma'am.  Kailangan po namin kayong paliguan.  Bilin sa amin iyon ni Ms. Essa.  Wag po kayong mag-alala.  Puro babae lang naman po ang nandito." Napahinuhod nila ako.  Kailangang simulan ko na ngayon pa lang, na may makakita na sa katawan ko!  "Ate, nakakakiliti naman po!"  hindi ko mapigilang mapahagikgik.  Natawa ang dalawang babae.  "Pati ba talaga singit ko, kakayusin nyo?" "Opo.  Kailangan,"  sagot ng isa.  Nakita kong pinagtutuunan ng isang babae ang mga kamay ko at paa.  Nang matapos siya sa isang kamay, pasimpleng inamoy ko iyon at aba!  Mabango na! "Ma'am, alam mo, ang ganda ng hubog ng katawan mo.  Nakakainggit," naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko! "Hindi naman.  Wala ngang espesyal....."  umiling siya. "Ma'am totoo ang sinasabi ko.  Maganda ang katawan mo at makinis pa.  Napaka-pino ng balahibo mo kaya hindi na nating kailangang i-wax ang buhok nyo doon,"  sabay nguso sa ibabang parte ng katawan ko.   "Kaya nga!  Konting ayos lang ang gagawin natin sa kanya.  Kung yung ibang babae, simula pa lang kahapon, inaayusan na namin, sa iyo, mga kuko lang ang problema!"  napangiti ako. "Naku, pasensya na talaga kasi nagtitinda ako sa palengke kaya malansa," nagkatinginan sila at napangiti. "Don't worry, Ma'am. Mawawala ang lansa niyang kamay mo.  Gagawin namin ang lahat para bumango ka ng bongga!"   "Salamat,"  itinalikod ako ng babae at kinayos ang likod ko.   Pagkatapos akong paliguan, minasahe naman ang buong katawan ko.  Halos makatulog na ako sa ginagawa nila sa akin.   May pagkakataon pa na nagtatalo sila kung bubunutan ako ng kilay o hindi pero napagpasyahan nila sa huli na wag na lang.   At ang pinaka natuwa ako sa lahat, noong nilinisan nila ang kaninang nanlilimahid kong kuko!  Halos hindi ko na iyon makilala dahil sa linis at nilagyan pa nila ng pulang cutex! "Ayan!  Ready ka na!"  natutuwang sabi nila. Napatingin ako sa salamin.  Pati ang buhok kong umaabot na sa baywang ay pinutulan nila nang di pantay pantay. "Anong tawag sa gupit na ito?"  tumalikod ako at iniharap sa salamin ang likod ko.   "Layered po,"  napapangiting hinawakan ko iyon.  "Lalo kayong nagmukhang bata." "Salamat sa inyo,"  nagisang ikot pa ako bago ako tuluyang nagpaalam sa kanila. Pagpasok ko sa kwarto, nawala ang ngiti ko.  Kung kanina, para akong prinsesa na pinagsisilbihan at nakatuntong sa ulap, ngayon, nakatapak na muli ang mga paa ko sa lupa!  Balik sa realidad, Karidad!  Napapikit ako at padapang ibinagsak ang sarili ko sa kama!  Gusto kong magsisigaw at umiyak sabay takbo palabas ng resort na ito!  Pero si Nanay..... Mariin akong ipinikit ang mga mata ko.  Gusto kong umiyak!  Ang pinaka-iingatan kong kayamanan ay mawawala at kukunin ng kung sinong herodes! Pero ang tanging pakunswelo ko na lang, mapapagamot ko si Nanay.  Kaya mabigat man sa loob ko, kailangang tanggapin ko na ang katotohanan na ako ay magiging babaeng pababa ang lipad!   At hindi ako pwedeng umiyak!  Mamaya na lang pagkatapos ng lahat lahat!  Iyon ay kung may lakas pa ako para umatungal!    Napahawak ako sa puson ko at dibdib.  Ang aking birheng katawan......ang aking labing mamula mula na wala pang nakakahalik na langaw o lamok o kahit ipis ay opisyal nang mamamaalam sa kainosentehan........ Paalam mahal kong puri!  Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing ito......aalalahanin ko ang sandaling ito hanggang sa huling yugto ng aking buhay..... Paalam aking puri......PAALAM.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD