Prologue

1183 Words
"Nathan!"  niyakap ako ni Mario sabay tapik sa likod.  "What brings you here?"  nakataas ang kilay nito. "Di ba, ngayon ang flight ninyo papuntang States ni Cassandra?" Tumango ako.  "Yes.  In a few hours and I need to be there at the airport." Naglakad kami papunta sa coffee shop.  "So, what are you doing in here?  Di ba dapat, sa Cagayan ka manggagaling?"  sinenyasan nito ang waiter para lumapit. Ibinalik ko ang tingin sa kanya matapos kong ibigay sa waiter ang order ko.  Nakatingin pala siya sa akin at tila pinag-aaralan ang itsura ko. "Why are you looking at me like that? Nababakla ka na yata!"  tatawa tawang sabi ko sa kanya.   "Pagdating sa iyo, oo!"  sabay halakhak.  He folded the sleeves of his shirt.  "Now, tell me the reason why you came."   Napabuntong hininga ako at sumandal sa upuan.  "About that woman in the resort......." He frowns.  "Which woman?" "That woman that you gave to me that night!"  pinanlakihan ko siya ng mata.  "Yung apat na unggoy, nakilala nila yung mga babae nila samantalang ako, hindi mo man lang ipinakilala sa akin!" Natatawang napailing siya.  "Malay ko bang mahina ka?  Matapos mong pagsawaan buong magdamag, ni hindi mo man lang itinanong ang pangalan! At wag mong sabihing hindi mo rin tinignan ang mukha niya?"  Umiling ako.  Lalo siyang nagtawa.  Tumigil lang siya ng dumating ang mga kapeng inorder namin.  "Ewan ko sa iyo, Nathan.  Matinik ka naman sa babae noong kabataan natin pero bakit hindi mo ginawa iyon noong gabing iyon?  And why a sudden interest?  It happened almost two months ago!" Yes, it's been two months but I don't know why I cannot forget that night........  "Don't tell me, balak mo ding ibahay katulad nung apat na unggoy!"  nanlalaki ang mga mata niya.   Those four 'unggoy' are our friends back in high school.  Siya ang nag-organize ng gathering naming anim at matapos noon, binigyan niya kami ng kani-kaniyang 'regalo'. "You will be a dead meat, Pare, kapag nalaman ni Cassandra iyon!"  napapailing na sabi niya.  "Is she that beautiful para di mo makalimutan?"  "It's not about the face!  Or the body!"  pinanlakihan ko siya ng mata.  "Ni hindi ko nga nakita ang buong mukha niya, paano ko malalaman?!" "Or maybe because of the great.....hhhhmmm.....you know.....S......E.......X....that you had that time, right?"  hindi ako nakakibo.  "See!  I knew it!  Kayo ang pinaka-huling lumabas ng cottage.  And since you abstain yourself to have i*********e with Cassandra, you gave everything to that woman!"  nahawa ako sa tawa niya.   "Loko!  It is just that.......you know that I am getting married, right?"  tumango siya.  "I don't want any complications with my relationship with Cassie.  For all I know, that woman is carrying my child,"  inilapag ng waiter ang mga order naming kape. "Problema nga iyan kung ganoon,"  humigop siya ng inumin.  "Balak mo ba talaga siyang hanapin?" Tumango ako.  "Since ikaw ang utak ng kalokohang iyon, for sure, alam mo kung saan ko matatagpuan ang babaeng iyon." "At kung makikita natin siya........"  tinitigan niya akong mabuti. Hindi ko iniiwas ang tingin ko sa kanya.  "Once I see her and found out that she's carrying my child, I will give her that damn money that she needs though I already gave her some amount......." "You gave her something?!"  tumango ako.  "How much?!  I already paid her the following day!"  nanlalaki ang mga mata niya. "That was your payment since you are the one who hired her but she satisfied me that night so I need to pay her according to the amount that she deserves,"  I sip my hot coffee. "And tell me how much is that?"  inaantay niya ang sagot ko.   Nagkibit balikat ako.  "Eight digits with seven 'O's'......"  tuluyang nanlaki ang mata niya. "Are you crazy!  Hindi ka man lang nag-isip?!  Ano ka, nagtatapon ng milyones para lang sa isang gabing kaligayahan?!"  natawa ako sa itsura niya dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig mula sa akin. "She lost her precious treasure that night and I am the culprit,"  balewala kong sabi sa kanya.  "Hindi ko itinanong ang pangalan niya dahil hindi din naman niya sasabihin sa akin kaya pinabayaan ko na lang na siya ang magsulat doon.  I wrote the amount on the cheque and signed it.  I only withdrew like, fifty thousand from the machine while she was waiting for somebody to pick her up.  For sure, hindi kakayanin ng machine if I will withdraw that amount written on the cheque.  And since it's Sunday, sarado din ang banko,"  nagkibit balikat ako.   "You also gave her cash other than that cheque?"  tumango ako.  Hindi makapaniwalang itinaas niya ang mga kamay sa ere.  "Ikaw na!  Ikaw na ang maging Nathaniel Guanzon!  Ang taong walang pakialam sa pera!" "Enough about money.  I want to see her and know if she's pregnant or not.  Ayokong may makasira ng relasyon namin ni Cassandra,"  umiling siya.  "Di ba, nakita mo siya?" Muli siyang umiling.  "I just gave the money to her agent kaya hindi ko siya nakita.  Sorry Pare kung hindi ko siya maituturo sa iyo.  At kahit siguro malaman ko pa, hindi ko rin sasabihin sa iyo dahil ang perang bigay mo sa kanya ay sobra sobra na para siya manahimik.  Sa klase ng buhay dito sa probinsya, malaking tulong na iyon sa kanila." Tumayo siya at tinapik ako sa balikat.  "Let's go.  Sasabay na ako sa iyo pauwi ng Maynila.  I will pilot the chopper,"  hinaltak niya ako patayo at inakbayan.  "Forget about that woman.  Hindi na kayo magkikita noon.  Focus on your wedding.  Cassie is waiting for you." Tumango ako.  Tama siya.  Cassie is waiting for me and I don't need to worry about what happened for a night with a stranger.  And again, Mario is right.  That money which I gave her was enough for her to have a new life. Gaya ng usapan, si Mario ang nagpalipad ng chopper.  Nasa kalagitnaan na kami ng karagatan ng kunot noong napatingin siya sa akin.   "Why?  Anything wrong?"  hindi siya kumibo ng ilang sandali. "Hear that?  Something is wrong with your chopper,"  nakinig akong mabuti.  Maingay kasi ang chopper kaya hindi mo masyadong maririnig not unless you are always behind the wheels.  Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang panic sa mukha ni Mario.  "Remove your seatbelt, Nathan, and jump!" "What?!  What's wrong?!"  hindi niya ako sinagot.  I can see how hard he is trying to keep us in the air but the chopper keeps on swinging! "Damn it!  Don't ask questions!"  nagbubutil butil na ang pawis niya sa noo.  "We cannot make it to the shore!"  totoong malayo kami sa pampang nang oras na iyon.  "Jump Nathan!"  sigaw niya sa akin. "How about you?!"  mabilis na kinuha niya ang life vest at iniabot sa akin sabay tanggal ng seat belt ko.    Ngumiti siya.  "Remember, I am a pilot and my passenger will always come first," sabay kindat sa akin bago ako itinulak palabas ng chopper! Alam kong tinatawag ko siya habang bumubulusok ako papunta sa dagat.  Nakita ko pa ang pag-sabog ng chopper sa ere bago ako tuluyang nilamon ng tubig....... Cassandra.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD