MIRACLE
Handa na ang lahat... iisa na lang ang kulang. Tumingin si Mira sa listahan ng mga kakailanganin para sa binyagan ng kambal na anak ng besfriend niyang si Lanie. Minsan talaga ay may pagka obsessive compulsive o OC itong si Mira bilang events organizer at may-ari ng Miracle Moments.
What she wants is perfection.
Ikinasal kamakailan ang bestfriend niyang si Lanie sa ngayo'y asawa nitong si Mateo Vera, ang may-ari ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas ang Vera Industries. Mula sa di kalayuan ay natatanaw niya ang kaibigan. Bakas sa mukha nito ang kaligayahan bilang Mrs. Mateo Vera.
Miracle has always been a romantic at heart. Naipagkakamali minsang hindi siya seryoso dahil sa kaniyang bubbly personality o pagiging mabiro. Madalas nitong idinadaan sa biro ang mga bagay lalo pa ang usaping pag-ibig.
Tama na nga 'yan Mira. You have a lot of things to think about today. Bulong niya sa sarili.
Gaganapin ang binyagan dito mismo sa simbahan kung saan sinuyo muli ni Mateo si Lanie nang may hindi naging pagkakaunawaan ang mga ito. Nagkahiwalay sandali ang mga ito bago nagkabalikan at tuluyan nang ikinasal. Sa ilang saglit pa at magiging ninang siya ng kambal na mga anak nito. Yun lang, ang damuhong ninong ng mga kambal na si baby Migs at baby Lira ay wala pa hanggang ngayon.
Nasaan na kaya itong si Miguel Cruz. Kahit kailan talaga sakit ng ulo ang lalaking yon.
ISANG UNGOL AND NAGPAGISING KAY IGGY. s**t! s**t! s**t! What time is it?
"Iggy, are you awake bunny boo?" anang babaeng nasa kama ni Iggy.
"Awww!" Iggy groaned as hungover went to his head. "What time is it?" tanong nito sa katabi... Ni hindi niya matandaan ang pangalan nito.
Buzzzz... Buzzz... Buzzz...
Where's that phone? Nang mahanap, tiningnan ang pangalan na lumabas sa screen ng smart phone nito. Nagdalawang isip kung sasagutin ba o hindi.
"H-hello?" Mahinang anas ni Iggy.
"Miguel Cruz! Nasaan ka na? Anong oras na? Magsisimula na in thirty minutes ang binyagan. Unang obligasyon mo bilang ninong ang pumunta sa binyag." Sunod-sunod na tirada ng boses sa kabilang linya. Kagyat din na sunod-sunod ang sakit na umakyat sa kaniyang ulo. Si Mira, ang bestfriend ni Lanie na asawa ng bestfriend niyang si Mateo.
"Women..." he muttered. At pinilit niyang kunwari ay magpakasaya sa susunod na sasabihin habang tumatayo na papuntang shower. "Good morning my soon to be kumare. Don't worry, aabot ako. I won't miss it for the world."
Pilit na sumunod ang hubad ding babae rito, "Bunny boo, stay here with me..." habang ang tanging sagot nito dito ay ang panlakihan ito ng mga mata at pag aksiyon na wag itong maingay.
Inilayo ni Mira ang phone sa tainga at tiningnan ang screen ng phone nito na naniningkit ang mga mata. "Sigurado ako nasa kama ka pa kasama 'yang bunny boo mo. Subukan mo lang na di dumating on time, sisiguraduhin ko na kukuha ako ng proxy sa mga bisita na ipapalit ko sa 'yo bilang ninong ng mga inaanak ko." Grrrr! Pinindot nito ang cellphone para tapusin ang tawag. Hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Iggy.
Nag-ring naman ang cellphone ni Mira. Sinagot nya ito nang nakataas ang kilay. "Mira, kapag dumating ako just in time sa binyagan, sisiguraduhin ko hindi lang mga inaanak ang meron ka ngayon kundi parusa mula sa akin."
"Deal!" I'm sure di ka aabot.
Sa kabilang banda, nag-ring ang cellphone ni Mateo. "Iggy." Sumilay ang ngiti sa labi ni Lanie matapos marinig sa asawa kung sino ang tumawag dito.
"Maniningil ako ng pabor ngayon bro. Make sure not to start without me. I will make that woman pay for giving me this nerve-wracking headache."
At sabay lang tumawa ang mag-asawang Mateo at Lanie. Parang aso't pusa ang dalawang ito mula una pang magkita. Pero alam nila na all bark and no bite naman itong si Iggy pagdating kay Mira. Sa di kalayuan ay natatanaw nila ang mga anak sa twin strollers kasama ang ninang-to-be.
"THIRTY MINUTES DELAYED NA TAYO, FRIENDSHIP." Kinokontrol ni Mira ang panic na nararamdaman. Habang may pilit na ngiti sa lahat ng mga nakakasalubong.
"Okay lang yan, ngayon pa lang naman nagdadatingan ang mga bisita. Alam mo naman ang crowd ng asawa ko, uso sa kanila ang 'fashionably late'" ani Lanie.
"Ano naman ang fashionable sa pagiging late? E kamo nga napaka rude nito para sa mga dumating on time."
"Chill ka lang Mira. Relax." Hinila pa ni Lanie si Mira sa isang tiffany chair. "Eto na nga ba ang sinasabi ko, ikaw ang ninang pero ikaw ang organizer, baka di ka mag-enjoy."
"Hindi naman sa ganun, friend. Nagpapasalamat nga ako dahil madaming kontak sa alta sosyedad ang makakaharap ko ngayon. New networks para sa Miracle Moments. Isa pa, mas importante sa akin ang mabinyagan na ang mga inaanak ko. Pero susme naman, di ko akalain na pati ang pari e male-late pa."
"Lanie! Hello! How's the beautiful new mom?" boses ni Iggy na nag beso pa kay Lanie.
Humarap ito kay Mira, "Hi to soon-to-be, less-than-an-hour na lang kumare," over reacting na bati ni Iggy kay Mira at aktong yayakap at magbe-beso rin.
Isang sumobrang tamis na ngiti ang ibinalik dito ni Mira. Sa aktong yayakap ay palihim na hinila nito ang tie, idinikit ang kanyang pisngi sa pisngi ng lalaki at ibinulong, "Hindi ko alam kung anong suwerte ang meron ka at mas na late pa sa 'yo ang pari. Pero tandaan mo, hanggang buhay ako, paulit-ulit kong ikukuwento sa mga bata na late ka pa rin sa binyagan nila." Pagkatapos ay sabay marahas na pagbitiw sa tie nito.
Kapagdaka'y hinila nitong muli ang tie at sinabing, "Isa pa, tanggalin mo ang shades mo ha. Makulimlim sa labas, kagabi pa umuulan at sa burol lang ako nakakakita ng shades sa simbahan."
"Kumare, na-miss mo ata ako. Don't worry I missed you too." Wika nito habang inaayos nang bahagya ang umigting na necktie.
Wala naman nakahalata sa mga bisita maliban kina Lanie at Mateo na aliw na aliw tuwing nagkikita ang tinatawag nilang karinyo brutal ng mga mga kaibigan sa isa't isa.
Natapos ang seremonya ng binyag ay dumiretso ang lahat sa reception na ginanap sa isang five-star hotel na pag-aari ng mga Vera.
"This is impressive, Lanie. Ipakilala mo naman ako sa events organizer mo. I'm having a fund raising event. Gusto ko ang mga fresh ideas na nakikita ko rito." Anang isang ginang na business associate ng mga Vera.
"Don't worry Madam Esa, hindi ako mapapahiya na i-recommend sa iyo ang bestfriend ko. Si Mira of Miracle Moments. Nasaan na ba siya..." lumingon-lingon si Lanie upang hanapin ang kaibigan.
Nang mapako ang tingin niya rito at nakita ng ginang na busy pa ito, "It's no rush hija, I can invite you two in my house sometime this week. Gusto rin kita makausap to consult on some environmental projects that we have for the foundation. Make sure to bring your bestfriend." Iyon lang at nagpaalam na ito.
Maging si Iggy ay gayun din ang obserbasyon. Napansin din niyang may ilan tao na ang kumausap sa dalaga na interesadong kunin ito para sa kanilang mga company at family events.
Nilapitan ni Iggy si Mira na alam nitong pagod na pagod na rin dahil sa ilang araw na preparasyon bukod pa sa pagiging abala sa mismong araw na ito.
"Mira, why don't you eat first. Ako na muna ang bahala. Just give me that list. Sanay naman ako sa ganito. May PR Agency ako, remember?" concerned na sinabi ni Iggy rito.
"How sure am I na hindi mo isasabotahe ang event na ito?"
"Ano ka ba naman Mira. Binyagan ito ng bestfriend ko na daig pang kapatid ko. At higit sa lahat ng mga inaanak natin." Idiniin pa nito ang huling salita. "Anong dahilan para gawin ko iyon. Para naman makabawi rin ako sa pagiging late ko."
Walang salita na iniabot ni Mira ang checklist niya rito. Nahihilo na rin siya sa gutom at ilang araw nang puyat bilang paghahanda. Bukod pa sa ang aga niyang nag-asikaso kaninang umaga.
—————
HULING BATCH NA NG MGA GAMIT na hinakot ng mga suppliers ang kalalabas lang na mga tauhan. Pagod na pagod man ay masaya si Mira sa kinahinatnan ng lahat. Andami niyang bagong contacts nang matapos ang gabi, na isang pahiwatig na marami ang natuwa sa selebrasyong naganap. Dahil kung hindi, bakit naman magkaka-interes ang mga ito na kunin ang serbisyo ng Miracle Moments sa isip-isip niya.
Hawak ang batok, nakapikit na inikot ikot nito ang ulo kasabay nang pagpapakawala ng mahabang buntong-hininga. Naramdaman niyang may tumabi sa kaniyang pagkakaupo sa natitirang bare stage nang function room. Nagulat si Mira nang makita na si Iggy pala iyon.
"Tired?" tanong ng lalaki sa kaniya, "Why am I asking the obvious diba, I'm sure you are." Natatawang sagot sa sariling tanong. Akmang uupo ito sa tabi ni Mira habang iniaabot dito ang isang glass ng champagne. Inabot naman iyon ni Mira.
"Toast for a job well done." Alok ni Iggy sa kanya.
"Thanks, kumpare." Inilapit nito ang baso sa nakaabang na baso ng binata.
Pagkainom ay hindi napigilan humikab ni Mira. "S-sorry... Parang dumating lahat ng pagod ko ngayon na tapos na ang binyagan."
"You want me to drive you home?" tanong nito, "puede mo naman iwan ang kotse mo dito or yun sayo ang gagamitin natin, balikan ko na lang yun sa akin dito. You look ready to pass out."
"Hindi na... kaya ko pa naman."
Sa akmang tatayo ito ay noon lang napansin ni Iggy na wala itong sapatos nang iunat ang mga binti.
"Nasaan ang sapatos mo?"
"Eto, nasa tabi. Ang sakit na ng mga legs ko. Alam mo na, kaming mga babae para magawa ang trabaho namin, kailangan pa ng dagdag na torture. Dapat nakatingkayad pa." pagbibiro pa nito.
"Alam mo, okay naman tayo na ganito. Nai-stress ako pag inaaway mo ako. Dapat nasasanay ka na sa akin. Biruin mo lifetime na ang pagiging kumpare at kumare natin."
"Hellooooo... Sino naman kasi ang di maiinis sa 'yo ano. Kung di ka ba naman, walang..."
"Wait..." Iggy stopped her, "okay na e, wag na mang-away. Next occasion mo na ako awayin. Kanina pa masakit ang ulo ko kaya."
"Ikaw ba naman ang magpuyat gabi-gabi na may katabing iba't ibang babae" bulong nito.
"What did you say?" tanong ni Iggy na nakababa na ng platform.
"Ay wala... sabi ko tara na para makapagpahinga na rin." Nagsisimula na itong tumayo habang akmang isusuot ang four-inch heels na stilleto nito.
Naging mabuway ang pagkakatayo ni Mira dahil na rin sa pagod kung kaya napakapit siya kay Iggy.
Naagapan ni Iggy ang muntik nang mabuway na si Mira. At dahil nakatayo ito sa platform ng empty stage, napaakbay ito sa kaniya.
He stopped breathing. Mira's arm went around him to stop herself from falling. Iggy was able to brace himself from her weight and automatically put his arm around her. His face at the level of her breast. Floral scent tortured his nostrils from the sudden closeness.
Nabigla si Mira sa bilis ng pangyayari, naiyakap niya ang kaniyang braso dito. Ramdam agad niya ang libong boltaheng umakyat sa kaniyang katawan nang mapadikit ang kaniyang dibdib sa pisngi nito dahil sa biglang pagyakap niya sa binata.
Bakas ang pagkabigla ay parang napapasong humiwalay ito sa lalaki.
"Naku sorry naman, ang bigat ko pa ata. Ang hirap naman kasi isuot nito." Bumalik sa pagkakaupo si Mira upang simulang isuot muli ang mga sapatos nang nakaupo na ito.
Naramdaman na lang niya na hinawakan din ni Iggy ang mga sapatos niya at tinulungan siyang isuot ang mga ito. Hindi na siya tumanggi at bagkus ay nagpawala nang matipid at alanganing ngiti.
"Thanks." Isang tipid na tinuran ni Mira kay Iggy.
"Let's go. Ihahatid na kita and I won't take no for an answer."Miracle