HABANG DAAN AY DI NA NAPIGILAN NI Mira ang antok. Napapikit ito at di sinasadyang makatulog. Malayo ang bahay ni Mira. Dati ay nakatira ito sa isang condominium sa Makati ngunit lumipat ito sa isang French-inspired house and lot sa isang mid-sized subdivision sa Cavite.
Kung ipaghahalo ang pagod nito, ang grabeng ulan at trapik mula sa Makati, nag-aalala si Iggy na baka may masamang mangyari dito sa daan kung ito pa ang magmamaneho. Nakarating na siya sa bahay ni Mira nang magpa-blessing ito kamakailan lang.
That house, as he remembered, is everything Mira. Ang personalidad nito at taste sa magaganda pero practical na bagay. Ang problema, hindi niya mahanap ang bahay at ayaw niyang gisingin ang may-ari nito. Bakas na bakas ang pagod sa mukha ni Mira.
Pumasok sa isang malawak na gas station kung saan ay maraming bakanteng parking space, "I'll need to park here and wait out. Kawawa naman si Mira pag ginising ko pa..." sa isip ni Iggy.
Masuyong tinitigan ni Iggy ang maamo nitong mukha. She has child-like features kung kaya nagpipilit ito magmukhang matured sa pamamagitan ng make up at pananamit. Lalo na pag tumatawa ito o nagpapatawa, lumalabas ang mumunting biloy malapit sa labi nito.
Napapikit na ring sumandal si Iggy sa headrest ng kaniyang kotse at iniunat ang mga binti. "Grabeng traffic." Naibulong pa nito. Naiiling na naalala niya ang una nilang pagkikita. Ni hindi niya alam ang pangalan nito pero hinalikan niya si Mira upang tumahimik lamang. He chuckled at the thought nang maramdaman niya ang pag galaw ni Mira sa kaniyang tabi.
Mahina itong umuungol na parang may hindi magandang napapanaginipan.
"Mira..." mahinang tawag niya rito. "Mira..." ulit pa niya na ngayon ay inilapit na ang sarili dito. Hinawakan ang balikat nito upang yugyugin ng kaunti kasabay ang mas malakas na pagtawag sa pangalan nito, "Miracle."
"Huwag!" naitulak ni Mira si Iggy. Nahihintatakutan ang mukha nitong nagmulat ng mga mata.
"Whoa! Easy. Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Iggy.
Bakas ang takot na nakita ni Iggy sa pagbukas ng mga mata nito ay napalitan ng lungkot. "Sorry, nanaginip ako. H-hindi siguro maganda kaya nagulat ako sa iyo." Tumingin-tingin ito sa labas upang iwasan ang mga mga ng lalaki.
"Nasaan na pala tayo?" sunod na tanong ni Mira.
"Nag park ako dito sa gas station, naiwala ko ata tayo. Di ko alam kung napaaga ba ako ng liko o talagang dito nga iyon." Parang bata pa itong naka 'peace' sign.
NANG MAPAGTANTO NI MIRA kung nasaan na sila ay itinuro na nito ang daan kay Iggy. Malakas ang ulan at madilim na maski hapon pa lang. Ilang araw na ibinabalita ang parating na habagat na inaasahang kinabukasan pa ng umaga dapat tuluyang bubuhos ng malakas. Ngunit mukhang nagdesisyon na ang panahon na ibuhos na ngayong gabi ang lakas nito.
IPINAGHAHANDA NI MIRA NG kape si Iggy at hot chocolate naman ang sa kaniya. Pinapanood nila ang balita mula sa kitchen TV set niya ukol sa mga baha at mga saradong daan sa Maynila dulot ng walang tigil na buhos ng ulan.
"Paano ba yan, alangan naman isugod mo ang mamahalin mong kotse sa baha, baka maanod ka pa. Tingnan mo o... di lang basta binabaha o. Inaanod pa ang mga kotse."
"Grabe nga. Dati binabaha lang, nalulubog ng konti sa daan ang mga sasakyan 'pag may bagyo nung nag-aaral pa kami. Pero ngayon, ibang klase. Eto na siguro ang masamang epekto ng climate change."
"Uhmmm, Iggy. Thank you ha, naabala ka pa tuloy. Tapos ngayon stranded ka pa dito."
"Ayos lang yun kumare. Natutumba ka na nga kanina, kawawa ang madidisgrasya mo sa daan kung nagkataon. Ayaw ko din naman siyempre maging ulila agad sa ninang ang mga inaanak ko. Dalawa kaya 'yon." Pagbibiro pa nito.
"Seriously, dito ka na muna magpalipas ng sama ng panahon. Kung may mangyari sa iyo sa daan kawawa naman ang mga inaanak ko, mauulila agad sa ninong." Ganting biro nito. "Dito ka na muna, di naman binabaha itong subdivision namin."
"Salamat ha. Okay naman ako humanap ng hotel na malapit dun sa walang baha. Pero kung okay lang sayo na dito ako, mas gusto ko para at least may kasama ka in case of emergency. Buti na lang may ilan akong damit sa trunk ng kotse. For emergency cases..."
Itinuro ni Mira sa guest room kung saan ito matutulog. Ito ay ang katabing kuwarto ng sa kaniya sa ikalawang palapag ng bahay. Apat ang kuwarto ng kaniyang bahay. Sa master's bedroom si Mira at ang guestroom na gagamitin ni Iggy. Wala pang masyadong gamit ang isang kwarto na may nasimulan nang mga artworks na pambata sa disenyo ng mga pader nito, animo isang nursery. Ang isa naman na nasa ibaba ay ginawang opisina.
"Dito ka muna Iggy, pahinga ka." Tumingin ito sa relo, "Medyo late na pala... Okay lang ba dinner at 8 PM?
"Thank you. Wag ka na masyado mag-abala sa akin ha. You also need your rest."
"Nakapag power nap naman na ako sa kotse mo kanina. Sige see you later. Wala nga palang sariling bathroom dito... doon sa may right na pinto yun bathroom or dun sa kabilang kwarto meron din."
ALAS OTSO NG GABI, inabutan ni Iggy na naka apron pa si Mira sa kitchen nito. Umupo siya sa isang kulay neon green na high stool sa puting kitchen counter nito. "Ang ganda ng design ng kitchen mo. Masaya ang kulay. At maliwanag."
"Nagulat naman ako sa 'yo." Ngiti ni Mira. Naka tank top ito na light pink habang ang flowing pajama nito ay kulay fuschia pink.
She looked pretty and young without makeup. Naihahawig pa nga niya ito sa artistang si Maricar Reyes lalo pa pag ngumingiti ito. "Ready na, give me ten seconds." Sa sampung segundo nga ay tumunog ang buzzer ng oven sa island counter nito at kinuha ang isang tray ng putahe.
"Ang bango naman niyan. Iyan pala ang naamoy ko kanina." Excited na sabi ni Iggy. "Teka, di ka na nakapagpahinga mula nang dumating tayo kanina."
"Mabilis lang iluto ang prawns thermidore. Wala pang thirty minutes ko ginawa. Isa pa, yan ang pang relax ko, nagluluto habang nagpapahinga."
Sabay na natawa ang dalawa. "You know Mira, we started on the wrong foot. Actually, napansin ko naman masaya kang kasama pero pagdating sa akin parang lagi kang high blood. Di kaya may gusto ka sa akin?"
Namilog ang mata ng dalaga at namula ang mga pisngi. "Hoy, Mr. Miguel Cruz, excuse me. Huwag kang assuming."
"See, nagba-blush ka o." pang aasar pa nito.
"Namumula ako sa galit!"
"Hindi ka mukhang galit. Mukha kang kinikilig."
"'Pag di ka tumigil ikaw ang magluluto ng kakainin mo at dun ka sa kotse mo matutulog."
"Di pa man, outside de kulambo na agad. Eto naman di na mabiro." Kinuha ni Iggy dito ang mga inayos na pagkain sa serving tray. "Dito na ba tayo o sa dining?"
"Dun na sa dining, naka set na dun, eto na lang ang kulang."
Napataas ang kilay ni Iggy sa ayos ng dining table. "Daig pa natin ang kakain sa restaurant nito a. You continue to impress me. Baka di na ako umuwi nito."
"Ngayon lang ako nagkabisita dito bukod sa blessing ng bahay. Sayang naman ang mga koleksyon ko ng mga dining wares kung nakatago lang sa cabinets." Sagot ni Mira. "Isa pa, suhol ko yan sayo dahil sa sakit ng ulo mo kaninang umaga."
"Aha! Akala mo nalimutan ko na ang ipinangako kong parusa sa iyo ha."
"Eto na nga o, bumabawi na ako."
Nagpatuloy ang usapan ng dalawa kung saan lang madako ang paksa ng mga ito. Kanilang mga kabataan, kalokohan, at ang mga kaibigang sina Mateo at Lanie. Inilabas din ni Mira ang kalahating roll na home made brazo de mercedes nito. Parang bata naman na tuwang tuwa si Iggy dahil sa nabanggit na paborito niya ito nung bata siya tuwing uuwi ng Pilipinas. Sa Amerika ito nag-aral noon hanggang sa magpasya ang mga magulang na iuwi ito noong nasa highschool ito.
"Bakit naman kayo umuwi pa dito noon, e diba ang mga Pilipino dati pag nasa Amerika na, bihira na ang umuuwi. Nagbabakasyon na lang dito?"
Bahagyang natigilan si Iggy sa tanong ni Mira. Bumuntong hininga pa ito bago muli nagsalita, "Mahabang kuwento."
Nang hindi na muli pang umimik si Iggy ay tumahimik na lamang si Miracle. Akmang tatayo si Iggy mula sa hapag upang magsimulang magligpit ng mga pinagkainan.
"Ano ka ba, bisita kita dito, ako na lang." Saway ni Miracle sa binata habang hawak nito ang mga platito papunta sa kusina.
Pilit naman itong inaabot ng lalaki, "Sa Amerika, marunong kami ng gawaing bahay dahil wala kaming maids doon. Marunong ako niyan."
"Huwag Iggy. Teka nga baka mabasag!"
Natigilan si Mira sa pagtawa at paggalaw nang maramdaman na mula sa likuran niya ay hinawakan ni Iggy ang mga platito at pilit na kinuha sa kaniyang mga kamay. Nakulong siya sa mga malalaking bisig nito. May kung anong hilakbot ang naramdaman ni Mira sa pagkakakulong sa mga bisig ni Iggy. Pumikit ito at parang na-estatuwa sa kinatatayuan.
"Mira, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Iggy. Nang akmang mabibitawan nito ang mga hawak na plato ay naagapan ito ni Iggy.
She was dead pale. When she opened her eyes there was fear then replaced by anger. Nagmamadaling tumalikod at tumakbo sa kaniyang kuwarto si Mira. Isang malakas na pagsara ng pinto ang tanging narinig ni Iggy.
Curled on the carpet at the corner of her room, Mira was lost. Di alintana na ilang oras na itong naroon. She may be in her room but her mind is somewhere in the dark past of a lost child. Pawisan at marahas na ipinipilig ang kaniyang ulo upang maalis ang mga nagdadagsaang mga alala-ala. Ang nagpupumilit na umahon na mga pangyayari sa kaniyang isipan na nakabaon sa matagal na panahon.
Naputol ang hinga ni Mira. Naririnig niya ang ilang pag galaw sa kaniyang paligid, mumuniting kaluskos, ingit ng pinto at pagpatak ng tubig sa sirang gripo di kalayuan. Her hearing sense magnified the sounds she cannot see. She was blindfolded. Her arms were tied and her mouth sealed by duct tape. May kung anong malaking bagay, hindi, tao ang mula sa likod ni Mira ay yumakap dito. Ramdam ang pawis ng mga braso nito at masangsang na pinaghalong alak at sigarilyo amoy mula sa taong nasa likod niya. She forced out a scream that cannot be heard because she was muffled.
Kasabay ng malakas na kulog, matatalim na kidlat at walang patid na buhos ng ulan, pinakawalan nito ang isang malakas na sigaw.