Nasa warehouse si Iggy at si Hans nang makatanggap ng tawag si Iggy. Rumehistro sa screen ang pangalan ng main security ni Miracle na si Arnold.
Tumingin ito sa biyenan na may kausap na warehouse manager. Nang makita nito ang bahagyang nakataas na cellphone ay tumango ito. Lumayo ng bahagya si Iggy. Nagsisimulang kumabog ang dibdib sa kaalaman na hindi ito basta tumatawag sa kaniya. Mas madalas na mag text ito dahil alam naman ni Arnold na hectic ang kaniyang schedule sa araw araw.
"Yes Arnold?" mabilis na sagot ni Iggy patuloy sa paglalakad palayo sa karamihan.
"Sir, on the way kami ngayon sa ospital. Nagmamadaling bumaba si Yaya Meding para sunduin namin si Ma'am Mira sa kuwarto at mukhang manganganak na po. Binuhat ko na po sa kotse kasi di na makalakad si Ma'am." Mabilis na sagot nito.
"Gusto ko makausap si Mira."
"Sir..." may kung anong malakas na tunog ang narinig ni Iggy sa background.
"What the hell is that? Arnold! Arnold!" nagsisimula nang lumakas ang boses ni Iggy.
Maririnig sa background ang tunog nang radyo at hiyawan ng mga tao.
"Move, move!"
"Secure diamond! Secure diamond"
Nahintatakutan na si Iggy sa naririnig. Diamond ang code ng mga ito para kay Miracle.
Maya-maya pa. Si Arnold muli ang nagsalita sa phone. "Binangga kami Sir. I need to cut off."
"What the hell?!" sigaw nito ngunit nawala na ang kausap.
Katabi na ni Iggy ang biyenan nito sa oras na iyon. "What is it?"
"On the way to the hospital manganganak na si Mira, may bumangga sa kotse nila." Nagmamadalaling tinuran nito.
Mabilis na maglalakad si Iggy sa direksyon ng palabas sa kotse nito nang pinigilan ng matanda ang braso ni Iggy. "We're taking the chopper."
Mabilis na gumalaw ang mga tauhan nito sa warehouse maging ang security upang ihanda ang helicopter na sasakyan nilang dalawa.
Sa cellphone nito ay nagsisimula nang magsalita ang matandang lalaki kausap ang chief ng pulisya. Bilang pinakamayaman na tao sa bansa, hindi nakapagtataka na may access ito sa malalaking tao.
Ang secretary nito ay may kausap na rin sa cellphone nito kausap ang mayor kungsaan nasasakupan ang kanilang tinitirahan.
Noon din naipagpasalamat ni Iggy ang tunay na estado ng pamilya ng kaniyang asawa. Hindi man mawala ang patuloy na pagkabog ng kaniyang dibdib, nabawasan ng kaunti ang kaniyang isipin. Tanging si Mira na lamang at ang kanilang magiging anak ang dapat nyang isipin.
Hawak ang cellphone, tinawagan nya ang pinakamalapit na pamilyang mayroon siya na nasa Pilipinas.
"Iggy" si Mateo sa kabilang linya.
—————
ISANG MALAKAS NA ANIMO AY PAGSABOG ANG NARINIG NI MIRACLE.
Naramdaman niya ang marahas na paggalaw at pag ikot ng kanilang sasakyat. Ang hindi nito alam ay kung ang pag-ikot ba ay dahil sa nararamdamang sakit ng kaniyang katawan. On instict at hinawakan ni Miracle ang kaniyang tyan.
"Oh my God! Ang baby ko." Napapikit na si Miracle sa dagling sakit na naramdaman. May kung anong basa ang umaagos sa gilid kaniyang pisngi. Kung luha man ay hindi na niya alam.
Ramdam ni Miracle nang may nagkalas ng kaniyang seatbelt at binuhat siya. Nang ibukas nya ang mga mata, ang dalawang kasambahay na kasama niyang umalis ng bahay ay mga naghihintakutan na nakayuko habang naka cover dito ang ilan sa kaniyang security.
May isang malaking sasakyan ang nakabukas na upang isakay siyang muli. Sa pagsara ng pinto ay doon na narinig ni Miracle ang ilang putok nang baril sa kaniyang sinasakyan.
Ang isa sa kaniyang kasambahay na si Badette ang naglagay nang tela sa kaniyang ulo, malapit sa itaas ng kaniyang tenga.
"Naku ma'am may sugat kayo sa ulo. Baka tumama kayo sa gilid nung bumangga tayo. Buti na lang pinilit kami mag seatbelt ni Arnold kanina kundi daig pa namin ang inalog sa dito sa kotse."
Nagmulat ng mata si Miracle. "Salamat..." Pilit nitong sinabi bagaman hirap magsalita.
"Malapit na ba tayo sa ospital? Baka mapaanak na dito si ma'am." tanong ni Badette kay Arnold.
"May suporta na tayo. Naitawag pala ni Sir Hans sa pulis. Kung hindi, maiipit pa tayo dun sa putukan kanina." Sa labas ng kotse nila ay may ilang de motorsiklong pulis ang naka palibot sa kanilang sasakyan.
Nararamdaman na ni Miracle ang paghina nang mga boses sa kaniyang paligid. Sinasabi nang kaniyang katawan na pumikit at matulog pero ang kaniyang isip ang nagsasabing huwag bumigay sa tawag na iyon.
Huminto na ang kotse at naramdaman ni Miracle ang pagbubukas ng mga pinto. Nang magmulat ito nang mata, nakita niya ang tumatakbong asawa. Kasama nito si Mateo at ang kaniyang ama.
Noon lang naramdaman ni Miracle ang halo-halong kaba, sakit, pagod. Hindi na nito napigilan ang luha at hinagpis na nararamdaman.
"Iggy..."
"Mira... you'll be fine now. Shhh, it's going to be okay."
Kinuha na ng hospital staff si Miracle at isinakay sa stretcher. Si Iggy, hawak ang kaniyang kamay. Ayaw nitong mawala siya sa paningin.
Hanggang dalhin sa isolation room si Miracle, hindi na pinayagan na makapasok si Iggy sa loob niyon.
Doon na inabutan ni Mateo si Iggy.
Hindi na napigilan pa ni Iggy ang pagbalong ng sunod sunod na luha. Yugyog ang balikat na inilabas nito ang lahat ng nararamdaman. Kaba, takot, pag-aalinlangan, pagmamahal.
Niyakap ito ng kaibigan. "She's going to be fine. They're going to be fine."
"Ang inisip ko, hindi ko na kayang magmahal muli after Kaye.
I've been a fool, Mateo. All the while she's been holding my heart."
"Ate Kaye will be happy for you wherever she is." Ani Mateo sa kaibigan.
"I hope she would." bulong nito. " Nang kausap ko kanina si Arnold, halos mabiyak ang puso ko. Nang makita ko si Mira pagbukas ng pinto... with blood on her clothes, face, namumutla and all, akala ko nawala na siya. My soul was ripped apart."
"I never said to her that I love her. Pero siya, she never failed to tell me and make me feel it."
"Oh God, I should be there beside her. Hindi yun naghihintay lang dito. My wife and child are inside and I can't do anything."
Sa huling tinuran ni Iggy ay syang pagdating ng mga magulang ni Miracle. Naka wheelchair na ang ama nito. Marahil na stress na dala ng pangyayari. Ang ina ni Miracle ay mugto na ang mga mata sa pag-iyak.
"What we can do right now is pray hijo." Sabi pa ng matandang babae.
Siya namang parating si Lanie na sinalubong ng asawang si Mateo.
MAY MGA PULIS NA DUMATING SA OSPITAL UPANG SUBUKING KUMUHA NG STATEMENT.
Kausap ng mga ito ang security detail at mga kasambay na kasama sa insidente.
Nang mga oras na iyon, kinuhanan na rin ng hospital suite ang mag-asawang Kho upang ma monitor ang matatanda.
Si Iggy at mga kaibigan ay patuloy na nakaantabay at naghihintay ng balita kay Miracle.
Isang sandali pa ay bumukas ang pinto. "Mr. Cruz?"
Dagling napatayo si Iggy, "Yes doc?"
"On the way na ang OB ni Mrs. Cruz. We prepped her for delivery. You have a very strong-willed wife, Sir. After assessing her accident injuries, okay naman na siya. We've done first aid. And the baby is holding well."
Isang napakalalim na buntong-hininga ang kumuwala sa didbdib ni Iggy. Lalo naman napaiyak si Lanie sa narinig sa doktor. Inaalo ito ni Mateo.
"Can I see her now?" tanong ni Iggy.
"Yes it should be fine." at iniutos nito sa nurse ang pag asiste sa kaniyang pagpasok sa isolation room.
MARIRINIG ANG BEEP NG ILANG APARATO PAGPASOK SA ISOLATION ROOM.
Inilang hakbang lang ni Iggy ang papunta sa kama kung nasaan ang asawa.
Nakatagilid ito na may fetal monitor sa palibot ng tyan, may oxygen sa ilong, at dextrose sa isang kamay. Ang gilid ng ulo nito ay tila inalisan ng buhok, kaya kita ang isang sugat na may gamot.
"Miracle, Mira..." pabulong ni Iggy na tinawag ito. Dahan dahan na nagmulat ang mga mata ng asawa. May munting luha ang namuo sa mga mata nito at ningning nang rumehistro sa isip na si Iggy ang nasa harap.
"Iggy..."
"You scared the hell out of me, wife." Pabirong tinuran ni Iggy.
"I love you, Iggy. And our baby."
Noon din ay inilapit ni Iggy ang labi nito sa labi ni Miracle ay kinintalan ito ng mabilis ngunit madamdaming paghalik. Nakadikit pa rin ng noo ito kay Miracle, hawak ang magkabilang pisngi, nakatingin si Iggy sa mga mata nito.
"And I love you too my Miracle."
Isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi ni Miracle. Noon din ay pumatak na ang nagbabadyang luha nito. Hindi sa lungkot kundi sa tuwa. Ito ang unang beses na sinabi ito ni Iggy sa kaniya. Bagaman ramdam nito ang pagmamahal nito, hindi maski minsan na sinabi ito ni Iggy kundi ngayon.
"Oh and I'm just so happy Mr. Cruz. Parang nawala ang lahat ng masakit sa akin."
"I'm sorry sweatheart I can't bear all your pain, But I'm just here ok."
Daig pa nito ang mga bagong couple sa tamis ng tinginan ng mga ito. Ang mga nurse na nakaantabay kay Miracle ay tila kinikilig na nasasaksihan ang pangyayari.
"It's more than enough... Isang kiss-pirin pa nga dyan." Pabiro pa nito.
"Maski pa ilan." And he indulged her.