Epilogue

284 Words
IGGY Handa na ang lahat... iisa na lang ang kulang. Iyon ay ang dumating ang kaniyang mag-ina. Tumingin si Iggy sa kaniyang relo. Treinta y minuto pasado alas nueve. Malapit na magsimula ang binyagan. Bibinyagan ang kanilang anak ni Miracle. Matapos ang insidente nang nakalipas na mga buwan kung saan naospital si Miracle, napag alaman na hindi iyon aksidente kundi sinadya. Ang mastermind ng pananambang sa entourage ni Miracle ay ang matagal nang kanang kamay ni Hans Kho, ang kapatid nito sa ama na si Ben Kho. Pinipilit nitong isakatuparan ang masamang balak na mawala sa landas si Miracle, ang tanging tagapagma ng mga negosyo ng pamilya. Bagaman mapait na tanggapin ito para sa mga magulang ni Miracle, hindi nila mapapalampas ang mga nawalang mga taon na hindi nakapiling ang isa't isa. Kinasuhan at naipakulong ang may sala. Kung hindi pa sa insidenteng ito, hindi mare-realize ni Iggy na hindi niya kayang mawala si Miracle sa buhay nya. Na ang pagmamahal sa kaniyang puso na matagal nang umusbong pero di nya maamin ang tanging nagbigay na muli ng kulay sa kaniyang buhay. Ang mahalaga ay ang ngayon. Ang kahapon ay bakas na ng nakaraan. Maiisip, maalalala, ngunit dapat magpatuloy ang buhay. Si Maricar Kaye Kho-Cruz, ang kanilang panganay. Isang napakagandang regalo sa kanila ni Miracle. And he looked back to the church entrance where his blessings are walking towards him. Napatingin si Iggy sa harap ng altar. "I really cannot ask for anything more." Muli itong tumingin sa kaniyang mag-ina. "Thank you. For the new beginning, for my Miracle." The End Note from author: I hope you enjoyed reading this as much as I enjoyed writing it. Will really appreciate your comments and votes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD