A WEEK AFTER.
Magkakasama ang mga kaibigan na sina Mateo at Lanie, Iggy announced his and Miracle's engagement. Inimbitahan ng mga ito si Lanie and Iggy na mananghalian sa bahay ng mga ito.
Hindi pa nakakabawi si Lanie sa balita nang itanong nito, "Wow... are you sure?" Huli na nag mahuli nito ang sarili sa sinabing mga salita.
Napamulagat dito si Iggy. "What do you mean? Aren't you happy for us?"
"S-sorry, I was just shocked, why so sudden?" sabi nito kay Iggy. Naglipat ito ng tinging kay Miracle, "Are you pregnant, hence the urgency?"
Nag-init ang pisngi ni Mira sa biglang pagtatanong ni Lanie. "No. I don't know yet... Lanie, it was a mutual decision."
Hinawakan ni Mateo ang kamay ni Lanie nang may sasabihin pa sana ito. "We're very happy for you and Iggy, Miracle." Masayang tinuran nito, "So, when is the wedding?"
"As soon as we can arrange it. But I guess kailangan muna naming mamanhikan." Sagot ni Iggy.
Hindi nakaimik kaagad si Miracle sa sinabing iyon ni Iggy.
"Right, Mira?" tumingin si Iggy sa katabing si Miracle na tila napako sa hindi nito paggalaw.
Nang makabawi si Miracle, "W-wala, h-hindi na kailangan Iggy."
Napakunot ang noo ni Iggy sa halos hindi maturang sabihin ni Miracle.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Iggy.
"It's a long story Iggy, suffice to say it's just me..." mahinang sagot ni Miracle.
Sinalo ni Lanie ang usapan nang sabihing, "Mukhang kailangan nyo mag-usap muna nang heart to heart before starting any of the preparations. We'll just go to the kids first and prepare our lunch."
Nang makaalis ang mga kaibigan, isang bunting hininga ang pinawalan ni Miracle. Tila naghahanap ito ng lakas para sa mga susunod na sasabihin.
"I'm not supposed to tell you this, Iggy." Matiim na tiningnan ni Miracle ang mga mata ng lalaki. Bakas doon ang lungkot at pagkalito.
"I was under witness protection after the kidnapping incident I told you before. I assumed a different identity after the incident. My parents are still alive but I cannot be with them for fear that I will remain to be in danger. Kinailangang palabasin na nawala ang tunay na nilang anak matapos masunog ang katawan sa enkwentro habang inililigtas ito mula sa mga kidnappers. My testimonies were used to track down a big sindicate. It led to the arrest of bigtime criminals. At dahil wala naman death penalty, those people remained alive. Ang iba pa nga ay nakalabas na sa bilangguan matapos ang ilang taon."
Miracle stopped, looking pensive and then continued, "I'm sorry Iggy, alam kong magpapakasal na tayo pero hanggang dun lang puede kong sabihin sa iyo."
Miracle's eyes were pleading for understanding as she looked at Iggy. He sighed, as if weighing all the information she has just dropped.
"It's okay. In time, I hope you'll trust me with more information. Ang gusto ko lang malaman ay kung safe ka ba ngayon?"
"So far, it's been okay." Sagot nito.
"Yun lang, sapat na sa akin ngayon. Do you think we can continue to live here? We can go to the United States and live there."
Mabilis ang naging pagsagot ni Miracle, "Hindi na kailangan, okay naman dito sa Pilipinas."
"Regarding the wedding... so walang mag attend sa side ng family mo?" Iggy asked.
Isang malalim na buntunghiniga ang isinagot ni Miracle. Nakatunngo ito.
Iggy touched Miracle's chin and lifted her face to meet his gaze. "Don't be sad. Magsisimula tayo ng pamilya natin. One that you will call your own and will always be here no matter what."
"Iggy, my family never left me. Andyan lang sila, but we can't be together. It's for the best." Depensa nito.
"I didn't mean to offend you, I'm sorry. What I just wanted to say is, our family is a new beginning for you, for us. Forgive me?" pagsumama nito.
Isang tango nag isinagot ni Miracle.
Iggy gathered her in his arms. Mahigpit na pagyakap ang naramdaman ni Miracle.
She wanted to say how much she has fallen in love with him but she stopped herself.
KUNG GAANO KA-INTENSE ANG PAG PREPARE NI MIRACLE NG MGA EVENTS, lalo na para sa mismong kasal nito. Kung si Iggy ang masusunod, gusto nito ay maging napakalaking event ang kanilang kasal. After all, pareho sila na nalilinya sa events and promotions ang mga negosyo. Ngunit ipinaubaya ni Iggy kay Miracle kung ano ang gusto nito, magarbo ba hindi, maraming bisita o intimate, ang motif, ang mga detalye. Kung ano ang gusto ni Miracle, okay na kay Iggy.
Sa huli, mas pinili ni Miracle na gawing intimate ang selebrasyon ng kanilang kasal. Hindi maiiwasan na imbitahan ang mga malalaking kliyente ni Iggy na mga kilalang negosyante at executives ng mga kumpany dito at mula sa abroad. Malaki rin ang angkan ng mga ito mula na karamihan ay pawang nasa Pilipinas at Amerika.
Nakilala na ni Miracle ang mga magulang ni Iggy nang mag video call sila dahil nasa Amerika ang mga ito. Pinagsabihan pa nga ng mama ni Iggy ang binate dahil hindi manlang sila nakapamanhikan ng maayos. Matapos ipaliwanag ni Iggy na walang kamag-anak si Miracle, ay naunawaan naman nito.
Mabilis na napalapit ang mama nito sa kaniya na parating katawagan ni Miracle. Dahil nag-iisang anak si Iggy, sabik ang matanda sa anak na babae.
"Hija, we'll soon be there soon. Kami na ng mga pamangkin ko ang bahala sa ibang bagay. Sabi ng assistant coordinator mo, platsado na halos lahat. You should relax." Boses ni Margaret Cruz, ang ina ni Iggy. Nasa video call ito kausap si Miracle.
"I'm alright, I'm used to this." Sagot ni Miracle. "Hindi naman po ako napapagod sa ginagawa ko."
"Mira, hija, narinig kong tinawag na ang boarding ng flight namin. See you soon, papunta na kami dyan. Remember, relax. Leave the other details to us. Will call you soon as we land there."
Nawala na sa screen ang ina ni Iggy. Isang malalim na paghinga ang pinawalan ni Miracle. Naalala nito na noong bata pa siya, pinangarap niya na makilala ang isang prince charming at pakasalan ito balang araw. Lagi niya itong sinasabi sa kaniyang mommy at maghahanap pa sila ng costume sa mga damit nito ng kunwaring pang kasal niya.
Kung naririto lang sana ito ngayon, tiyak na matutuwa itong tulungang siya sa paghahanada ng kaniyang kasal. Nangilid ang luha ni Miracle sa isiping iyon.
Ang kaniyang daddy na bagaman mahigpit pagdating sa negosyo ay maluwag pagdating sa kanila ng kaniyang mommy. Naisip pa ni Miracle na kung makikilala lang nito si Iggy ay magkakasundo sila.
NAPASUKAN NI IGGY NA TILA malungkot at balisa si Miracle. He suddenly got worried about her.
"Are you feeling okay?" Nag-aalalang tanong nito. "Baka naman napapagod ka na sa dami ng mga dapat asikasuhin? I'll call more of my staff to help out."
"Hindi naman Iggy. Okay lang ako. I just remembered my parents. They would've been happy to know your parents."
Iggy's face softened. Wala itong ibang sinabi kundi inabot nito ang pisngi ng nobya at tiningnan ito.
Miracle smiled back at him. How much he love Iggy, but he can't find the words to tell him. Sa isip ni Miracle, mabuting tao ito at sapat na iyon maski pa hindi suklian nito ang kaniyang nararamdaman.
"May taste test pa tayo mamaya sa caterer." Paalala ni Miracle.
Pilyo ang ngiti, sinagot ito ni Iggy, "Bago tayo pumunta dun, baka naman ikaw muna ang tikman ko?"
"Iggy!"
At wala nang nagawa pa si Miracle nang siilin ito ni Iggy ng halik sa labi.
ARAW NG KASAL.
"Inhale... exhale..." ang instructions ni Lanie sa kaibigang si Miracle habang nasa loob ng bridal car.
"BFF, sanay ako sa pressure ng events pero iba pala pag sarili mong wedding." Tugon ni Miracle dito.
Sabay na napalingon ang dalawang babae nang biglang bumukas ang pinto ng kotse at nakaupo si Iggy sa front passenger seat.
"Anong ginagawa mo rito?" Sabay na tanong ng magkaibigan kay Iggy.
"I'm worried about Mira. Sabi sa akin ng isang abay mo, you were not feeling well when you left the hotel." Nag-aalalang sagot nito.
"Iggy!!! It must just be the nerves!" Mabilis na tugon ni Miracle.
"You shouldn't be here!!!" Pasigaw na sagot ni Lanie.
Biglang bumukas muli ang pinto ng kotse at sumungaw ang mukha ni Mateo. Hawak nito ang braso ni Iggy, "We should get back at the altar. Bakit ka nandito?"
"Go!" Sabay na pagtataboy ni Lanie dito.
"Okay, okay. I'm going but only if Mira is doing fine." Tumingin ito kay Miracle.
"I'm okay Iggy, wait for me there."
At saka lang bumaba ang groom.
"I guess we have to go, my groom is restless." Pabiro na lang na sinabi ni Miracle.
It was a beautiful ceremony. Miracle's staff made sure everything were as she imagined her wedding should be.
Mula sa di kalayuan nang simbahan, may ilang heavily tinted na kotse ang nakaabang.
Muli sa reception venue, ay naroon muli ang mga ito.
Patapos na ang seremonya, pumasok sa isang private room ang bagong kasal. Maghahanda na ang mga ito upang magpalit ng kanilang damit from their wedding outfit to something more casual bago ituloy ang after party.
Hindi pa nila planong umalis para sa honeymoon sapagkat gusto ni Miracle na samantalahin ang oras na nasa Pilipinas ang mga kamag anak ni Iggy para makasama ang mga ito.
Pumasok ang dalawang malalaking mga lalaki. Nagulat ang mga bagong kasal. Iggy grasp Miracle's body and placed her behind him.
"Sino kayo? Bakit kayo narito?" Matigas ang boses nito.
Bagkos na sumagot ay lumingon ang isa sa mga ito sa direkson ng pinto. Mula room ay may pumasok na dalawang tao. Nakatingin ang mga ito kay Miracle.
Mula sa likuran ni Iggy ay makikitang gumalaw si Miracle. Mixed emotions showing in her watery eyes. Inilang hakbang nito ang distansya sa mga dumating.
"Mom! Dad!"