"What?"
Tanging si Iggy ang nakarinig ng tanong nito. Kung sa kaniyang sarili ba o sa mga taong kaharap ang tanong nito ay hindi na rin alam ng lalaki.
In front of him is his crying wife hugging two people. Dalawang tao na alam ng lahat ay ang pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Ang mga ito ang may-ari ng pinakamalaking fastfood congromelarate sa bansa.
At tinawag ito ng kaniyang asawa bilang mga magulang nito.
Lumaki man sa Amerika, may alam si Iggy sa mga ilang kwento na may kinalaman sa mga negosyo sa Pilipinas. Sina Mr. Hans Uy Kho at Mrs. Nancy Kho ang may-ari ng MK Food Corporation. Pag-aari nito ang sikat na sikat na Mandy's na halos lahat ng kanto sa buong Pilipinas ay may branch.
Hindi rin lingid sa lahat na ang nag iisa nitong anak ay maagang nawala matapos itong maaksidente noong bata pa ito. Kung gayon... si Miracle nga ba ang sinabing anak ng mga ito?
Maricar Kho was the child who would've been the fastfood heiress kung hindi ito namatay. Ngunit sa bilis ng pangyayari, tama ba na si Miracle, ang kaniyang asawa, at si Maricar ay iisa?
"Anak, we wouldn't miss your wedding. No matter how far we seem to be, alam mong naririto kami para sa iyo." Ang ama ni Miracle ang unang nakabawi sa emosyonal na pagtatagpo.
Habang ang mag ina ay patuloy na magkayakap ng mahigpit.
Tumingin ang ama ni Miracle kay Iggy. "Are you our new son?"
Hindi agad nakapagsalita si Iggy. Nang makabawi, "I'm Miracle's husband..." at di nito alam ang isusunod habang palapit sa mga ito.
Inabot ni Iggy ang palad ng matandang lalaki nang hilahin siya nito at yakapin. Kasabay ang pagsasabi, "Take care of my daughter. She's Miracle now, but she remains to be the little miracle blessing to us, Maricar."
Nakabawi na rin si Miracle at nagsalita, "Mom and Dad, this is Miguel Cruz, my husband."
Dugtong pa nito nakatingin kay Iggy, "These are my parents, Iggy."
"Ang itatawag mo sa aking mula ngayon ay "Mom" hijo." Maluha luhang tinuran ng ina ni Miracle. Niyakap din nito si Iggy at sinabing, "She's our precious daughter, mahaba habang istorya ito that maybe we can talk about some other time. But I guess you'll need to get back to your guests."
"It's a pleasure meeting both of you... M-om.." sagot nito sa ginang. Lumipat ang mga mata sa ama ni Miracle.
"Son, you call me "Dad" dahil ikaw ang asawa ng kaisa isa naming anak." Ngumiti ito, bagaman nakangiti ay kita ang namumuong luha sa mga mga mata nito.
"Can you stay? I'm glad you’re here. This is the best day ever mom and dad..." Yumakap pa si Miracle sa ama nito.
Habang mahigpit na niyakap rin ito ng ama, "I'm sorry we cannot stay. Alam mo naman kung bakit. This is highly risky enough. Pero di namin kayang palagpasin ang araw na ito, anak."
"I saw you holding hands on your way in..." tanong ni Mira dito na nakatingin sa mata ng ama.
"After you were separated from us, hindi namin kaya na maging kami ay magkahiwalay din. Your mom and I were back together a day after you were held in custody by the state."
"I'm so happy. Akala ko talagang nagkahiwa hiwalay na tayo."
Isang mapait na ngiti ang isinukli ng ina nito, "We will contact you para magkita tayo at pag usapan ang pagbabalik mo in public. No more hiding anak."
Nanlaki ang mata ni Miracle sa sinabi ng ina.
Dugtong pa ng ama nito, "Lahat ng pagsisikap namin ay para sa iyo. Hindi ang pera ang importante sa amin. Ginawa naming maging pinakamalaking fastfood company ang kumpanya natin upang mas mabigyan ka namin ng proteksyon sa pagdating ng araw na dapat ka nang bumalik."
"We miss you so much Maricar... our Miracle"
"I miss you too." At muling bumalong ang mga luha sa mata ni Miracle.
Nagpaalam na ang mga magulang ni Miracle. Bumalik sa after party ang bagong kasal.
ISANG LINGGO MAKALIPAS ANG KASALAN nakasakay sa isang chopper ang bagong kasal patungo sa isang pribadong isla, ang Insula Mirari.
Pag-aari ito ng mga magulang ni Miracle na lingid sa kaalaman ng publiko. Sa islang ito sila magkikitang muli para pag usapan ang muling pagbabalik ni Maricar Kho.
Kasunod na pupunta sa isla ang pamilya Vera na pinakamalapit kay Miracle. Kasama ang kambal, inaasahan ang pagdating ng mga ito sa makalawang araw.
Sadyang pinili ng mag-asawang Kho na sa isla magkita para malayo sa mata ng publiko. Wala ring mga ibang kamag ng mga ito ang may alam sa pagpunta nila sa isla.
Ang helipad ay nasa mataas na bahagi ng isla kung saan kalapit nito ang napakalaking bahay, mansion itong matatawag.
Sa bandang gitna ng isla ay may lawa kung saan isang maliit pang islet ang naroroon.
Animo ay isang paraiso ang Insula Mirari. Tanaw ang halos kabuuan ng isla mula sa bahay kung saan tumuloy sina Iggy at Mira.
"How was your trip anak?" bungad ni Nancy sa anak.
"It was very good mom, magaling ang piloto ng chopper. Ang ganda ng isla na tanaw mula sa chopper." Sagot nito at tumingin sa ama, "And dad, thank you for this trip."
"Anything for you Maricar. Or should you prefer Mira now?" nakangiti pa nitong bati sa anak.
"Whichever you prefer dad. I don't really mind."
"Miracle is who you are now and I like it better dahil milagro ang dahilan kung bakit ka nakaligtas over the years."
"Naku, baka gutom na itong mga anak natin. Ipaakyat na muna ang mga gamit and get ready for lunch. Manang Bina will show you to your room." pagtataboy ng matandang babae.
Iggy closed the door behind him. Nauna nang nakapasok si Miracle at nakaupo ito sa harap ng dresser. Her back towards the door. Naramdaman niya ang sandali na pumasok si Iggy. His mere presence emanate a certain vibe na maski pa magkalayo o hindi niya ito nakikita ay ramdam na ramdam ni Miracle. She sighed at the thought.
"Tired?" tanong ni Iggy rito.
"Just a bit... siguro overwhelmed lang ako." Lumingon ito sa asawa, half smiling.
Niyakap ito ni Iggy mula sa likod. "I'm just here."
"I know... and Iggy," Looking up, Miracle found his eyes on hers, "I'm sorry if these may be too much to dump on you. Lahat ng mga sikreto, nagpakasal ka sa taong di mo kilala."
Imbes na sumagot, bahagyang hinigpitan ni Iggy ang pagkakayakap dito.
SA KAGUSTUHAN NG MGA MAGULANG NI MIRACLE, magbabalik ang anak bilang Maricar Kho. Ito na ang magpapaandar ng napakalaking food empire ng MK Foods Inc. Hindi nito isasara ang sarirling negosyo na Miracle Moments, bagkus ay ipo-promote ang assistant manager ni Miracle.
Suportado naman ni Iggy na sundin ni Miracle ang mga magulang bilang tunay na tagapagmana ng family business na iyon. Ang tanging nahihirapan si Iggy na tanggapin ay ang napaka istriktong security detail sa kanila.
Ayon kay Hans Kho, hindi pa nila alam kung ang banta sa buhay ni Miracle ay tuluyan nang nawala. Mahirap daw itong matunton lalo na hindi mawala sa isip nila na ito ay inside job. Hangga't hindi nakasisiguro na wala na ang threat na ito, dapat silang mag-ingat.
Kailangan din nilang lumipat ng bahay sa Forbes Park na sadyang nakalaan para kay Miracle. The place is exclusive at sa dami ng security nila, bukod sa security ng subdivision, mahihirapan sila kung sa condo ni Iggy or bahay ni Miracle sila maninirahan.
"Iggy, your PR agency is one of the best, if not the best in the country. Baka naman puwede na ikaw mismo ang mag-handle ng pagbabalik ni Maricar sa publiko?" Hiling ng ina nito.
"Of course mom, that should be fine, it's my pleasure. We can talk about the details later." Si Iggy.
Hinawakan ni Nancy Kho ang kamay ni Iggy. "I hope this is not too much to ask from you. Hindi ganoon kadali ang situation ng aming pamilya. Maski pa anong yaman, hindi nabibili ang kaligayahan. But it definitely gives a lot of choices. Kaya pinilit namin mag-asawa na lalo pa mapalago ang aming negosyo. Ito lang ang nakita naming paraan upang maibalik sa amin ang aming anak."
Hindi umimik si Iggy kundi isang matipid na ngiti lang ang isinukli nito sa ginang.
NASA INSULA MIRARI ANG MGA MATATALIK NA KAIBIGAN na mag-asawang Vera maging ang mga kambal na sina Migs at Lira.
Magkausap sina Iggy at Mateo sa may beachfront ng isla.
"Bro, sanay naman ako sa mayayamang tao. I grew up with you. But being married to one? I don't know. Halos nagpapalitan lang ang magulang mo at magulang ni Mira sa richest sa bansa or Asia." umpisa ni Iggy.
Dugtong pa nito, "Or should I call her Maricar?"
"It may not be that bad. I grew up okay. Being rich is okay, gave me a lot of options. Akala ng lahat pag may pera ka, wala nang problema. Which is not true. But it's not that bad either." Sagot ni Mateo.
"And the security? Daig pa namin ang first family sa dami ng security. Naiintindihan ko naman na para kay Mira iyon lahat." Tumigil ito ng matagal, tila may iniisip.
Nagpatuloy si Iggy, "I married Mira to give her the family she longed for. Ngayon andito na ang pamilya nya, kailangan pa ba nya ito? She will be busy running a business empire."
"Take it each day at a time bro. And if you really love each other, malalampasan nyo ang lahat ng pagsubok."
Hindi nakasagot si Iggy. He felt guilty knowing he never intended to open his heart to anyone else.