Since this morning, Nigel started to throw tantrums. Kahit nagpaliwanag na siya sa anak na hindi ito makakapunta sa bahay ng ama nito dahil isinama ito ng ama sa Singapore para sa business meeting ng una roon. Kahit ayaw niyang makarinig ng balita tungkol kay Ashton hindi pa rin pala maiiwasan 'yun. Nalaman lang niya ang tungkol doon dahil sa Yaya nito ng anak na hindi na raw muna nito dadalhin ang bata sa bahay ng binata. Kahapon lang din niya nalaman 'yun pagkauwi nila galing sa bahay ng magulang niya, tumawag daw ang lalaki at ipinaalam iyon na tatlong araw ito roon. Hindi siya nag-react sa sinabi ng Yaya ni Nigel dahil sukdulan na talaga ang galit niya rito at wala siyang pakialam kahit saan pa ito pumunta. Tahimik lang ang anak nila na nakikinig pero pagkagising ay nagsimula na niton

