Nang makapasok na silang mag-ama ay saktong lumabas ang mayordoma at naglabas ng juice at cake na paborito ni Nigel. Ngunit Hindi man lang ito kumilos at umimik. Tahimik lang ito at hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Hindi niya maiwasang mainis kay Marshmallow, paano ba nito nagawang makipaghalikan sa lalaking 'yun na hindi nito inisip kung nasa malapit lang ang anak nito.? Sana man lang ay nag-ingat sila para hindi sila makita ni Nigel. He sigh. "Nigel-" Tiningala siya nito at tinignan sa mata. "Bakit po kasi hindi mo na lang ligawan si Mama, Papa. Hindi mo po ba siya mahal?" "I love her." Ngumiti siya rito na hindi umabot sa mata niya. "Hindi ko lang masabi sa Mama mo dahil marami akong kasalanan sa kanya." "Talaga po ba, Papa? Mahal mo siya?" Nagningning ang mata nito. His eyes

