Maaga siyang umalis ng office niya sa araw na 'yun para sunduin ang anak niya at ihatid sa bahay ni Marshmallow. Habang nagmamaneho siya papunta sa school ng anak niya at nagtext na rin siya kay Marshmallow na ihahatid niya ang bata. Nang makarating siya sa M&S school of Arts ay nakita niya ang anak na naghihintay na sa kanya sa may waiting area. Hininto niya ang kotse at umibis doon. Ngumiti agad si Nigel at patakbong lumapit sa kanya. "Tapos mo na ba 'yung painting mo, 'yung teacher ninyo?" tanong niya "Opo, tignan po natin!" Hinila siya nito sa loob at itinuro ang painting. Hawak ang kamay nito na lumapit sila sa painting. Napangiti siya ng makita iyon. "So beautiful!" puri niya. Nakaupo ang teacher at may binabasang libro. Nakatali ang buhok nito at may munting ngiti sa labi, makula

