Nang maghapunan na sila ay tahimik lang ang dalawa habang si Nigel ang palaging nagsasalita. Kung wala siguro ang bata lalong magiging awkward ang paligid nilang dalawa. Hindi maiwasan ni Marshmallow ang manginig ng makita ang mga sulyap ng binata sa kanya. Kung hindi lang niya iniisip kung tatawanan siya nito 'pag iniwan niya ang dalawa ay ginawa na niya. Ang ginawa na lamang niya ay ang iwasang magtama ang tingin nilang dalawa. "Ay! Nga pala, Mama, may family day kami sa Friday. Gusto ko pong kasama ko kayong dalawa sa lahat ng laro," umaasang sabi ni Nigel. "Oo naman, 'nak. Ewan ko lang sa Papa mo kung may time siya. Baka busy siya sa TRABAHO!" pinagdiinan niya ang huling salita at sumulyap dito na kita ang pagkadismaya sa mukha nito. Ang hindi siguro niya pagsuot ng regalo nito ang d

