Chapter 4

1706 Words
Binagalan niya ang paglalakad na hindi agad napansin ni Kiel. At nang mapansin nito na wala siya sa tabi nito ay lumingon agad ito sa kanya. Malawak ang ngiting kumaway siya rito at pinihit ang seradura ng music room at pumasok doon sabay lock. Narinig niya ang pagkatok at pagtawag nito sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin at nahiga sa sofa na naroon para umidlip bago mag-alas otso ng gabi. Kapipikit pa lamang niya ng mata ay may kumatok na naman. Nalukot ang mukha niya at tinakpan ang taynga gamit ang throw pillow doon at muling pumikit. Kung ngayon na nahuhulaan niya na may gagawin na naman ang mga pinsan ay pupuntahan niya sila, nagkakamali sila. Ayaw niyang mapag-trip-an nila. Naalimpungatan lang siya nang bumukas ang pinto at iniluwa 'nun ang kanyang ina na halata ang distress sa mukha nito. Paano ba naman kasi? Sa lahat ng may kaarawan ay siya ang naroon at nagtatago sa karamihan para umidlip. Alam na niyang hinahanap na rin siya ng mga kamag-anak dahil sa hitsura ng ina. "Anak, anong ginagawa mo rito at hindi ka pa lumalabas?" naninitang tanong ng mama niya. "Kung hindi pa sinabi ni Kiel na nagtatago ka rito kanina pang alas sais ay hindi ko alam kung saan kita hahanapin." "Wala, 'Ma, iniisip ko lang na baka may pakulo na naman sina Tita. Nangyari na kaya 'to last year. Besides, umidlip lang ako saglit habang hinihintay ang 8pm pero hindi ko namalayan ang oras," pagdadahilan niya. Tumawa ang kanyang ina. "Ashton, naman. Parang hindi ka na nasanay sa kalokohan ng mga Tita mo. At'saka pumayag na nga ako na simple lang ang selebrasyon ng birthday mo tapos ngayon magkukulong ka lang dito." Napakamot siya sa batok. "Kasi naman, Mama, 'pag hindi ko ipinilit na simple lang ang gusto ko baka nasa isang hotel na naman tayo at doon ipinagdidiwang ang kaarawan ko," katwiran niya. "Hay naku. Ewan ko sa'yo na bata ka at ang arte mo pagdating ng iyong kaarawan. Ayusin mo na 'yang buhok mo at sabay tayong lumabas at baka makutusan na kita riyan," naghihinampong wika ng Mama niya. Napipilitang tumayo siya at naunang lumabas. Sa katunayan ay kaya ayaw niyang lumabas ay dahil ayaw  niyang harapin ang mga Tito at Tita niya. Maraming pakulo ang mga iyon basta may isa sa kanila ang magdiriwang ng kaarawan. Pero sa kanilang lahat, siya ang palaging nagtatago sa kanila. Katulad noong nakaraang taon, sa araw ng kaarawan niya. Pinasayaw ba naman siya ng baby shark at kung anu-ano pang sayaw pambata. Malay ba niya kung ano naman ang naisipan nilang ipagawa sa kanya. Hiniling din niya noon na simple uli ang gusto niya pero hindi siya pinayagan ng ina. Kaya naman sa harap ng mga kakilala nila ay sinayaw niya ang iniutos ng Tita niya na ina ni Kiel. Sino ang hindi mag-iisip na magtago sa kanila ngayon at ipilit na silang mag-anak lang ang dadalo sa kaarawan niya? Ayaw kaya niyang maulit ang nangyari last year. He paused midway, malakas na pinitik ng kanyang Mama ang noo niya kaya laglag ang  balikat na nagpatuloy siya sa paglalakad. Pagkalabas niya ng main door ay napasimangot agad siya nang may sumabog na mga confetti sa paligid niya. Sabi na, eh, may naisip na naman na kalokohan ang kamag-anak niya. Ano siya bata? Ang mas nakaagaw ng pansin niya ay ang tarpaulin na hawak ng Tita niya at nakalagay ang litrato niya noong isang taon pa lamang niya at tanging diaper ang suot niya. Muntik siyang matisod pagkakita roon at gusto niyang lapitan ang Tita niya para agawin iyon. "Happy Happy birthday, Ashton!!!" sabay na sigaw nila. Pinaikot niya ang mata at sinipat ang paligid niya. Lahat ay pawang nakangiti at nakatingin sa kanya. "Hoy! Ashton, huwag kang sumimangot!" narinig niyang sigaw ng boses ni Kiel. Hinanap ito ng mata niya and give him a deadly look. "Gago!" mura niya. "Ashton!" saway ng papa niya sa kanya. Tinikom agad niya ang bibig at naglakad palapit sa grupo ng mga pinsan niya na agad siyang niyakap. "Matanda ka na, cousin, dapat ka nang mabinyagan," kantiyaw ni Cain sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. "Sanggol pa lang ako ay nabinyagan na ako." "Tang'na, Ashton, hindi mo naintindihan ang sinabi ko," nakangising balik nito. "Virgin pa kasi iyan!!!" malakas na kantiyaw ni Beverly sa kanya. He gritted his teeth and glare at her. "Proud ako roon" "Langya!!! Si kulot nga nakatikim na." Tukoy ni Nina sa kuya nito na mas matanda ng apat na taon sa kanilang lahat. "Ulol, don't call me that filthy name!!" naiinis na tungayaw ni Cain dito. Siya naman ngayon ang tumawa ng nakakaloko. Binansagan kasi nilang kulot si Cain dahil sa buhok nito. 'Pag ito ang may kaarawan ay sinasadya nilang mag-edit ng larawan nito na may mahabang kulot na buhok at ire-regalo rito. At kapag nakita nito ang litrato ay agad nitong pinupunit. "Mamaya hindi na virgin 'yang si birthday boy!" singit ni Kiel at humalakhak. Umarko ang kilay niya. "Paano ka nakakasiguro?" hamon niya. Ngumisi lang ito at nag-thumbs up sa kanya. Nanunuring tinignan niya silang lahat ngunit ngumiti lamang sila sa kanya. "What? May pinaplano na naman ba kayo?" asik niya. "Subukan ninyong gumawa ng kalokohan at itatakwil ko kayong lahat." "Pinaplanong ano?" patay-malisyang balik tanong ni Kiel. "May plano ba tayo?" Baling nito sa kanilang pinsan at sabay pa silang umiling na lahat. "Im out of here!" mabilis na sabi niya at akmang tatalikod pero napigilan siya ni Cain sa braso. "Man! Wala kaming pinaplano, okay! Ikaw talaga," anito. Bumuntong-hininga siya. "Malay ko ba na baka-" "Wala," giit nito. "Ano naman ang gagawin namin sa'yo?" Matiim niya tinignan niya siya at nang nagtaas ito ng kamay na parang nanunumpa ay saka siya nagbawi ng tingin. "Happy birthday, Ashton," bati ni Marshmallow na lumapit sa kanya. Nginitian agad niya ang kababata. "Salamat." Iniabot nito ang maliit na kahon. "Regalo ko 'yan sa'yo. Ingatan mo 'yan, ah." Tumango siya. "Thanks." Nang buksan niya iyon ay isang silver bracelet ang laman 'non. Nginitian niya siya bago ibinalik sa kahon at ibinulsa. "Tita, 'dun na po kami sa dalampisigan," malakas na sabi ni Beverly sa mama niya. "Huwag masyado sa alak," paalala ng mama niya. "Opo!" chorus na tugon ng mga pinsan niya. Kumapit naman sa braso niya si Marshmallow at hinila siya. "Bakit kailangan pa natin pumunta roon?" protesta niya at pinabigat ang katawan, may kutob na kasi siya na 'pag sumama siya sa mga ito ay gagawa sila ng kalokohan. "Kasi po nandoon ang surprise ng mga pinsan mo sa'yo," paliwanag nito at malakas na hinila siya. "Paano naman 'yung handa nina mama?" aniya. "'Yaan mo na. Mas gusto mo bang makiumpok sa mga oldies? Ayaw mo kaming makasama?" nakalabing maktol nito. "Siyempre gusto ko. Pero-" "Naman pala!" mabilis na putol nito sa sinasabi niya. Bumuntong-hininga siya. Iba talaga ito kumilos 'pag kasama siya pero 'pag 'yung ibang kaibigan niya ay mature kumilos. NAKAUPO SILANG lahat ng hugis pabilog habang naglalaro ng spin the bottle. Kanina pagdating nila roon ay alak agad ang ininom nila kaya may iba na rin sa pinsan niya ang medyo tipsy at nagsuhestiyon ng laruin nila. Pinaikot ni Kiel ang bote na unti-unting tumigil at tumapat sa kanya. Ngumiti ng nakakaloko si Beverly at nakipag-high five pa kay Nina. Blangko lang ang matang nakatingin siya sa bottle na nakaturo sa kanya. Hindi niya sinulyapan ang mga pinsan na makahulugang nagtitinginan. "Ako ang magbibigay ng dare niya," mabilis na turan ni Beverly. Napahugot siya ng malalim na hininga, nakahanda na sa kung anong iuutos nito sa kanya. Nilinga niya ito at tinaasan ng kilay. "I dare you to sleep with someone," hamon nito. Napaubo siya at tumilamsik ang alak na nasa bibig niya. "Are you fu*cking sh*tting me??" bulalas niya. "You're telling me to sleep with someone? Bakit hindi n'yo na lang sabihin na mag-uulam ako ng karne sa isang buwan?" sarkastikong wika niya. "Nope, 'yun ang dare namin sa'yo. Just do it with someone, to a stranger I guess," taas kilay na wika ni Beverly sa kanya. Matigas na umiling siya at todo ang tanggi niya. "No way!! Hindi naman laruan ang iniuutos mo." "Come on, nowadays, everyone do premarital s*x. Ika nga, kissing is a habit, f*cking is a game," sabi ni Nina at ngumisi sabay high five sa katabi nitong si Mitch. "Nonsense!" mabilis na turan niya. "Tsk! Huwag n'yo ng asarin ang birthday celebrant at baka mag-walk out at iiwan tayo rito," wika ni Cain at iniabot sa kanya ang isang baso na may lamang alak. Tahimik na inabot niya 'yun at ininom ang alak. Salubong na salubong ang kilay niya at tumututol sa isip niya ang sinabi ng pinsang si Nina. Siya lang ba talaga ang napag-iwanan ng panahon dahil konserbatibo siya habang sila ay nabuksan na ang isang daan para sa kanila tungkol sa makamundong bagay? "Good luck, insan," biglang wika ni Kiel. Napatuwid siya ng upo at magtatanong sana nang makaramdam siya ng pagkahilo at pag-iinit ng katawan. "F-f*ck you!! A-anong...? Hey!" protesta niya ng biglang pagtulungan siyang alalayan nina Kiel at Cain. "Happy birthday, Ashton!" muling bati ng dalawa bago siya idiposito sa kama ng cottage na pinasukan nila. Hell? What's happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD