Chapter 3

1579 Words
Malalakas na katok ang gumising kay Ashton kaya pupungas-pungas na bumangon siya at iritadong pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok. Sasakalin talaga niya kung sino ang nasa labas ng kuwarto niya. Pagbukas niya ay napaatras agad siya nang patalong sinugod siya ni Marshmallow. Dahil sa gulat ay napahiga siya sa lapag kasama ito. Nasasaktan na umungol siya nang mauntog siya sa sahig. "Aray!!!" Hinimas niya ang nasaktang ulo at sinamaan ng tingin si Marshmallow na nasa ibabaw niya at pilyang nakatingin sa mukha niya.  "Do you have to do that?" paangil na wika niya not minding their current position. "I..." nanulas sa labi nito kaya nagsalubong ang kilay niya ng hindi man lang nito pinagpatuloy ang sasabihin. She lick her lips and give him a seductive look. "What?" sabi niya at hinawakan ito sa baywang para alisin sa ibabaw niya. "And please, don't give me that creepy look," dugtong niya. Hindi pa man niya nagagawang alisin si Marshmallow sa pagkakadagan sa kanya ay may biglang dumagan din dito. Nanlaki ang mata niya nang biglang bumaba ang mukha nito at naglapat ang labi nila. Ilang segundong hindi siya nakakilos gano'n din ito. Ang kaibahan lang ay hindi man lang ito nagulat sa nangyari. Drat!!! Mabilis na naitulak niya ito kasama ang dumagan din dito. "Ayie!!" Tudyo ng mga tinig. Binalingan niya ang tatlong pinsan na nakasilip sa kanila. Nagtutulakan siguro sila kanina at si Beverly ang nasa unahan kaya ito ang natumba. "Mga walanghiya kayo?" asar na angil niya sa mga pinsan bago nilingon si Marshmallow na nakahawak sa labi at matagumpay na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. Sa pagkagulat niya ay hinawakan ni Beverly ang ulo niya habang si Mitch ay mahigpit siyang kinulong sa braso nito. "Anong ginagawa ninyo?" Pumalag siya at pilit kumakawala rito. Tumawa lang sila. Nilapitan naman nina Helen at Nina si Marshmallow. Hinila ng dalawa ang dalaga na hindi naka-react at nag-fassioned lamang. Sinamaan niya ang mga pinsan ngunit hindi man lang sila natinag. "Stop it!!" gigil na angil niya sa apat. "Hey!!!" natatawang wika ni Marshmallow. Bago pa siya makaiwas ay itinulak ni Beverly ang ulo niya palapit sa mukha ni Marshmallow na hindi man lang umiwas. Sa pangalawang pagkakataon ay nagdikit ang labi nilang dalawa. At dahil likas na malaking babae at malakas si Beverly ay hindi niya maipaling ang mukha. "Hindi namin kayo bibitawan kung hindi kayo maghalikan, the real kiss," Helen said playfully. Hindi siya pumikit kaya sa sulok ng mata niya ay nakita niya ang mga nakangising pinsan. Mukhang hindi rin makapalag si Marshmallow dahil unti-unti ay gumalaw ang labi nito. Nanlaki ang mata niya at umawang bibig niya dahilan para magkaroon ng access ang dalaga para malalim siyang halikan. Hindi na niya napansin ang pagluwag ng hawak ng apat sa kanila ni Marshmallow. Hinawakan pa niya sa batok ang dalaga at ginantihan ito ng halik. Her lips is very soft and sweet and he don't want to end it. Great!! He didn't know that kiss would be this sweet. Nagtilian ang mga pinsan niya kaya para siyang napasong napaiktad palayo kay Marshmallow na ang lawak na ng ngiti sa labi. "Happy birthday!" bati nito. Naningkit ang mata niya at tinignan lahat ang mga pinsan niya na pawang kinikilig. "What's this? Pinagkaisahan n'yo ako?" sikmat niya. "Tinulungan lang kaya namin si Ate Marshmallow na ibigay ang gift niya sa'yo," ngiting-ngiti na katwiran ni Nina. "Go to hell!" mura niya. Sinamaan na rin niya ng tingin si Mallou na tumabingi ang ngiti. "This is not funny!" malamig na bigkas niya at tumayo. "Labas!" taboy pa niya. Madilim ang mukha niya at kung hindi pa sila lalabas ng kuwarto niya ay siya na ang magtutulak sa kanila. "Hey! It's not a big deal you know. Gusto lang namin na biruin ka ngayong birthday mo," nakangusong wika ni Helen na mas bata sa apat at kaedad niya. "Oo nga. Ang KJ mo naman, Ash," nakalabing turan ni Beverly. "Puwede naman kayong magbiro ng kahit ano, huwag—" "Heh!! Kunwari ka pa. Nagustuhan mo naman," pambabara naman ni Mitch sa kanya. "Whatever! Lumabas na kayo at magpapalit lang ako," taboy niya sa lahat. "Sabihin mo munang hindi ka galit sa amin," ungot ni Nina. "Go!" 'Yun lang at tinalikuran niya ang mga ito. Pumasok siya ng banyo at napangiwi. Hindi naman talaga pumasok sa isip niya na halikan ang dalaga kahit pa ipilit ng pinsan niya. Ngunit ng gumalaw ang labi ni Marshmallow ay parang tinangay ng hangin ang utak niya at gumanti rito. Hindi naman siya affected dahil biruan lang 'yun. But still, kissing is not just a game. For him, kissing is a serious matter. Isa iyong paraan para iparamdam ng bawat kapareha ang pagmamahal sa isa't isa. And looking at Marshmallow's behavior, wala talaga sa kalingkingan niya si Shanna. Ang huli kasi ay very prim and proper. Inosente sa lahat ng bagay. Isa kasi iyon sa gusto niya sa isang babae. Ayaw niya sa babaeng gabi-gabi kung uminom. Ginagawang laruan ang halik at iba pang makamundong bagay. Katulad na lang ni Marshmallow, yes! She's beautiful inside and out. Wala lang talaga sa kanya ang hinahanap niya sa babae, na kay Shanna lahat 'yun. And Mallou is liberated. Kaya malaking ekis na ito sa kanya. Isa pa ay, tinging kapatid lang ang kaya niyang ibigay dito. Napailing siya at mabilis niyang iwinaksi ang bagay na 'yun sa isip at naghubad. Binuksan niya ang shower at tumapat doon. Inisip niya ang kaarawan niya. Hindi naman talaga magarbo ang birthday niya. Mga kamag-anak lang niya ang imbitado. Ayaw kasi niya ang party na puro business associates ng magulang ang imbitado. Mas maganda pa rin kung sila-sila lang. Gusto nga niyang imbitahin si Shanna at Olivia pero tumanggi ang una, 'yun tuloy hindi rin dadalo ang huli. Ewan nga ba niya sa dalawang 'yun, kung wala ang isa hindi sasama ang isa. Minadali na niya ang pagligo para mapuntahan niya ang ibang mga pinsan niyang lalaki. Magba-bonding na naman silang lahat ngayon dahil minsan lang din sila magkakasamang lahat. PAGLABAS niya ng banyo ay nakaupo si Kiel sa kama. Nagsalubong ang kilay niya at humalukipkip. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya at palaging pinagbibigyan ang lahat ng hiling at gusto ng kapatid nitong si Beverly. Kaya nang makita niya ito ay alam na niya ang sadya  nito. Ang balak niyang puntahan sila ay nagbago ang isip niya. "What are you doing here?" tanong niya. "Hinihintay ka. Nakiusap sa akin ang mga girls na dalhin kita sa..." "Save it! Ayokong mapag-trip-an na naman ng mga 'yun," putol niya sa sinasabi nito at naglakad palapit sa may tokador. Isinuot niya ang walking shorts at itim na t-shirt. Ngumisi ito at inakbayan siya. "Pinsan, naman. It's your day, hayaan mo na silang bigyan ka ng regalo at surpresa" "Ayoko nga. Kahit naman kaarawan ko ngayon hindi ibig sabihin 'nun na pagtripan niya ako. Man! I have to save my virginity for my future wife. Ayoko pang ma-rape ni Marshmallow. Katulad na lang ng ginawa nila kanina," reklamo niya. Humalakhak ito. "Seriously, Ashton? Ikaw pa ngayon ang nagre-reklamo na ma-rape ka?" "Bakit ba? Basta ayoko pa rin silang puntahan!" matigas na pagtanggi niya. "Ashton, naman. Baka bibigwasan ako ni Beverly 'pag hindi kita dinala roon. Kilala mo naman 'yung 'lil 'sis ko," angal din nito. Inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kanya at mabilis na naglakad palabas ng kuwarto niya. "Sabihin mo sa kanila, save their surprise for me later. I already had enough a while ago. Ayaw kong pati ang iniingatan ko ay mawala," flat na sabi niya. "What? Para lang sa babae ang sinasabi mo. Sabihin mo nga sa akin kung sino ang babae sa inyo ni Mallou?" natatawang bigkas nito at sumabay sa kanya sa paglalakad. "Siya ang babae siyempre, but I dont like her. Masyado siyang liberated at ayaw ko sa gano'n klaseng babae," seryosong saad niya. "Malay mo sa labas lang ganoon si Mallou," pagtatanggol nito sa best friend niya. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. "If you are interested in her, just say so. Hindi naman kita hahadlangan na ligawan siya," bored na sabi niya and leave him there flustered. Para sa kanya, iisa lang ang nagmamay-ari sa puso niya. At si Shanna 'yun. Walang kahit na sino ang makakapalit dito not even his best friend, Marshmallow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD