Pagkatapos niyang idiposito ang bag sa trunk ng kotse ay sumakay na si Marshmallow sa backseat. Pinigilan niya ang mapasimangot nang makita si Ashton na prenteng nakaupo at nakasandal sa upuan. Nakapikit pa ito at may headphone na nakapasak sa taynga nito. Sinadya niyang tapakan ang paa nito nang umayos siya ng upo at patay-malisyang sumandal din sa backrest at inayos ang nakalugay na mahabang buhok para hindi mahila.
Nilinga niya ito at tumaas ang sulok ng bibig nang makitang nagsalubong ang kilay nito at nagmulat ng mata. Nang tumingin ito sa kanya ay nagpikit agad siya at nagkunwa'y hindi pinansin ang pagsimangot nito.
"Dahan-dahan naman! Sinasasadya mo talaga, eh!" nasasaktan na reklamo nito.
"Sa ano?" nagmulat siya at tinignan ito. Pasimpleng kumilos siya dahilan para dumiin ang pagkakatapak niya sa paa nito.
Ngumiwi ito at sinamaan siya nito ng tingin bago inalis ang paa niyang nakaapak sa paa nito. Napakislot pa siya ng hawakan nito ang binti niya. Inalis nito ang headphone. "Masakit kaya! At huwag ka ngang painosente riyan. Sinadya mo naman talaga na apakan ang paa ko."
"Huwag ka ngang mambintang diyan. Ayusin mo kasi ang paa mo dahil hindi mo pag-aari ang sasakyan," lukot ang ilong na saad niya bago tinignan ang driver. "Kuya Larry, tara na ho. Susunod daw sina papa mamaya lang," aniya.
"Yes, Ma'am." Tumalima si Larry at pinaandar ang kotse. Ilang saglit lamang ay binabaybay na nila ang kahabaan ng kalsada.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Ashton at hinila ang buhok niya para mapasandal siya rito. The moment na nagkalapit ang katawan nila ay biglang lumipad ang natitirang pagpipigil niya sa sarili. Nakagat niya ang labi at pinigilan ang hininga. Her heart raced erratically lalo ng akbayan siya nito. At para hindi lumawig ang kakaibang nararamdaman niya ay mabilis na humiwalay siya rito at lumayo. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa mukha niya na parang nababaliw siya.
"Ayaw kitang makatabi!" mataray na bigkas niya.
Sarkastikong tumawa ito at itinuro ang front seat. "'Doon ka umupo. Ang arte nito, gustong-gusto mo naman ang umuunan sa kandungan ko 'pag inaantok ka," panunumpla nito sa kanya.
Umirap siya at tumingin sa labas ng bintana para itago ang totoong reaksyon niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at sigurado siyang halata sa mukha niya na hindi ito nagsisinungaling 'nung sabihing gusto niyang umuunan sa kandungan nito. Isa kasi iyon sa nakasanayan niya, 'pag magkasama sila at inaantok siya ay sa kandungan siya nito umuunan. Ang mga daliri naman nito ay sinusuklay ang buhok niya. Hindi rin nito pinalagpas na padaanan ng daliri nito ang kilay niya, ang matangos ngunit maliit na ilong niya, at 'pag gusto siyang asarin ay hihilain ang manipis na pang-ibabang labi niya. Sa tuwing ginagawa nito iyon ay hindi niya mapigilan ang isipin na kung ang bibig kaya nito ang ilalapat sa labi niya, gaano kaya kalambot ang labi nito.
Minsan para pagtakpan ang totoong nararamdaman ay kakagatin niya ang daliri nito pagkatapos ay tatawa siya ng malakas at aalis sa pagkakaunan sa binti nito.
"T—teka..." naalarmang bulalas niya nang ito ang lumapit sa kanya at humilig sa balikat niya.
"Tignan mo 'to, Marshmallow. Bagay kami 'noh!" Ipinakita nito sa kanya ang cellphone nito. Parang may kutsilyong humiwa sa dibdib niya nang makita ang larawan nito at ni Shanna. Parehong nakangiti ang dalawa at nakahawak ng stem rose ang dalagita. Kuha iyon noong sumali ang dalawa sa pageant. Last semester pa iyon pero hindi nito binubura at naka-save sa cellphone nito.
"Yeah!!" tipid na sang-ayon niya kahit ang totoo ay gusto niyang agawin ang cellphone nito at ihagis sa labas ng bintana.
"Magkaibigan na kami ngayon. Pero ang manhid lang talaga niya, eh." Biglang lumungkot ang tono nito.
Hindi niya napigilang makaramdam ng kunting tuwa sa sinabi nito. Ibig sabihin 'nun kasi ay hindi nito maipakita ang totoong nararamdaman nito sa babae.
"Manhid?" Pinakaswal niya ang boses.
"Yes. Palagi ko siyang binibiro at sweet pa ako sa kanya pero hindi yata nakikita na may gusto ako sa kanya," daing nito.
Kinagat niya ang labi at pilit itinago ang paninikip ng dibdib niya sa kung paano nito tratuhin ang dalagita."Then court her," kunwari ay suhestiyon niya.
"I can't. Diniinan talaga niya sa akin na wala pa sa isip niya ang pakikipag-boyfriend," malungkot na tugon nito.
Lihim siyang nagdiwang at kunwari ay tinapik ito sa ulo. "Naku mapapansin ka rin niya." Pampapalubag loob niya. Sa kaibuturan ng puso niya ay sinasabing makahanap sana si Shanna ng lalaking magpapatibok sa puso nito para naman hindi nito mapansin si Ashton.
"Yeah, thanks!" matapat na tugon nito. Wala ng umimik sa kanilang dalawa ng ilang minuto.
Maya maya ay umayos ito ng upo. Nang tignan niya ang mukha nito ay nakangiti na ito.
"Ikaw? Bakit wala ka pang seryosong boyfriend? Tumatanda ka na. Dapat seryosohin mo na 'yung isang naghatid sa'yo noon." Ngumisi ito. "'Yung palaging nakatayo ang buhok at may hikaw sa taynga. Uy! laman tiyan din 'yun."
Ayan na naman ang pagka-alaskador nito. Nalukot ang mukha niya at pinandilatan ito. Ang tinutukoy nito ay naging kaklase niya sa isang subject at nagpapalipad-hangin sa kanya. At para tigilan siya nito ay pumayag siyang ihatid siya nito sa kanila. Nagkataon naman na nasa bahay nila si Ashton kaya nakita nito. Nakita niya sa mukha nito ang pagkadisgusto sa lalaking 'yun na hindi na niya matandaan ang pangalan dahil sa hitsura nito. Pagkaalis ng lalaki ay pinintasan agad nito ang lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nakakalimutan 'yun at palagi ay iyon ang pinang-aasar sa kanya.
"Huwag kang magsimula!" banta niya ngunit ngumisi lang ito.
"Bakit nga?" Kulit pa rin nito na hindi pinansin ang pagbabanta niya.
"Ashton, isa," pagbibilang niya.
Mataginting itong tumawa. Sa inis niya ay hinila niya ang taynga nito.
"Aray!!" padaing na sabi nito.
"Masasaktan ka talaga sa'kin 'pag ayaw mong tumigil sa pang-aasar sa'kin!" litanya niya.
"Oo na, tama na," hayag nito at tinapik ang kamay niyang nakapingot sa taynga nito.
Paingos na binitawan niya ang taynga nito at umayos ng upo. Lumayo rin ito sa kanya ng kunti bago siya sinundot sa tagiliran.
"Sh*t, Ashton!!" malutong na mura niya na ikinahalakhak nito. Huminto agad ito at hinila siya pahilig sa balikat nito. Mabilis na humugot siya ng hininga ng masamyo ang natural na bango nito. Hindi ito gumagamit ng kahit anong pabango pero kahit pawisan ay hindi ito mabaho.
PAGKARATING nila sa resort ay agad na sumalubong ang maids ng villa ng mga ito at sila ang kumuha ng gamit nila para ipasok sa loob. Si Ashton naman ay mabilis na bumaba at inilibot ang tingin sa paligid. Tumayo siya ilang dipa ang layo rito at pinagmasdan ang mukha nito. Hindi talaga niya makuhang ipaliwanag sa sarili kung bakit na-in love siya rito. Pilyo ito at puno ng kalokohan sa katawan pero malakas pa rin ang pagrigodon ng puso niya para rito.
"Nagaguwapuhan ka na naman sa akin!" nakahalukipkip na pukaw nito sa kanya.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Nananaginip ka na naman diyan."
He grinned. "Bakit, hindi nga ba ako guwapo sa paningin mo?" biro pa nito.
"Hindi!!" sagot niya. Sumimangot ito.
"Kunwari ka pa. Alam ko naman na attracted ka sa kaguwapuhan ko, eh," mayabang na turan nito.
"Sino nagsabing guwapo ka? Mas guwapo naman yung friend ko na pintor," pairap na sabi niya. "Hindi mo mahihigitan ang taglay niyang kaguwapuhan."
"Talaga? Crush mo ba?" tudyo nito.
"Hindi, kaibigan ko lang si James. Nakilala ko siya noong exhibit niya last year. Gusto ko 'yung paraan niya sa pagguhit kaya kinaibigan ko," hayag niya. "Mas matanda siya sa'kin ng dalawang taon pero kilala na siyang pintor. Gusto ko na maging katulad niya."
"You really love painting, huh! Ako naman ang gawin mong subject. Gusto ko nude," pilyong presenta nito. "Dapat 'yung talagang may magandang stroke yung lower part para naman magandang tignan."
Hindi siya nakaimik agad sa sinabi nito. Pakiramdam pa nga niya ay excited siyang iguhit itong nakahubad. Pinigilan niyang sumang-ayon at seryosohin ang sinabi nito, ilang ulit na ba niyang pinaglaro sa utak ang hitsura nito 'pag hubad ito.
"Heh! Kung anu-ano sinasabi mo," sikmat niya.
"Huh! Ayaw mo ba? Maganda rin naman ang katawan ko, ah." Itinaas nito ang T-shirt kaya bumungad sa mata niya ang magandang katawan nito. May anim na abs na ito dahil sa pagkahilig nito sa sports, hindi nito pinapabayaan ang sarili. Ang hindi lang niya kayang sabayan na pagkain ng binata ay ang araw-araw na gulay ang ulam nito. Kung may karne o isda man, hindi dapat nawawala ang paborito nitong gulay dahil nito gusto ang karne.
Nakakatakam!!!
"Ano? Nabato-balani ka na riyan. Huwag mo masyadong tignan at baka mabusog ka ng wala sa oras," nakangising bigkas nito at ibinaba ang damit.
Lumunok naman siya at pasimpleng tinalikuran ito. Ipinakitang hindi siya apektado sa ginawa nito. "Tara na sa loob, gusto kong magpahinga."
Mabilis naman itong lumapit sa kanya at inakbayan siya. Iniwasan niyang mapapiksi sa pagkakalapat ng balat nilang dalawa. "Marshmallow, bakit Marshmallow ang pangalan mo?" he singsong.
Siniko niya ito sa tagiliran at binirahan ito ng alis. Puro talaga kalokohan ang naglalaro sa utak nito.
"Teka lang!!" malakas na pigil nito sa kanya.
He look at him over her shoulder, benelatan niya ito bago patakbong pumasok. Maya-maya lang ay hinabol siya nito at para silang mga batang paslit na naghabulan sa loob ng bahay. Umaalingawngaw pa sa buong kabahayan ang mga halakhak nilang dalawa.
Basta talaga magkasama silang dalawa ay umaakto siyang parang bata. Nahahawa rin kasi siya sa kakulitan ng lalaking 'to.
Huminto silang dalawa sa harap ng kani-kanilang magiging kuwarto.
"See you later, birthday boy. Madadagdagan na naman ang kulubot sa mukha mo," pabirong bigkas niya.
"Uy! Bata pa naman ang 18, ah. Ikaw ang matanda sa atin," defensive na saad nito.
Pinaikot niya ang eyeballs at binuksan na ang pinto.
"Bagay sa'yo ang suot mo," out of the blue ay puri nito.
Natigilan siya at kumabog ng mabilis ang puso niya. Napatingin pa siya sa nakangiting mata nito. Bago pa siya maka-react ay pumasok na ito sa kuwarto at naiwan siyang nakatanga sa nakasarang pinto.
Pinuri ba talaga siya ni Ashton? O nananaginip lang siya??
Niyuko niya ang sarili at tinignan ang suot niya, may munting ngiting umalpas sa mata niya. Ito ang mga damit na gusto ni Ashton para sa kanya, maluwag at hindi bumabakat sa katawan niya. 'Pag nakita nitong nakikita ang pusod at cleavage niya ay sisimangutan siya nito. Hindi nabubura ang ngiting pinihit niya ang seradura ng pinto at pumasok na sa kuwarto niya para magpahinga.