Chapter 1

2094 Words
(4 Years ago) Mula sa pagkakasubsob sa kama ay tumihaya si Marshmallow nang makaramdam ng tapik sa binti niya. Namumungay ang matang nagmulat siya ng mata. She blink twice and twitch her lips upon seeing him. Her heart started screaming his name and telling her to grab him and kiss him. But she stop herself and hide her inner feelings. Umasim ang mukha niya at itinulak ang mukha nitong malapit sa mukha niya na nakikipagtitigan sa kanya. Bumalikwas siya ng bangon at hinablot ang unan sabay hampas sa mukha nito. Hindi ito nakaiwas at umungol ito sabay agaw ng unan at ibinalik sa may ulunan niya. Ngumisi pa ito sabay kurot sa pisngi niya. "Gising ka na ba?" "Ano ba ang kailangan mo?" sa halip ay kumukolo ang dugong sikmat niya rito. "Bumangon ka na riyan. Nakakahiya naman sa birthday celebrant at siya pa ang naghihintay sa'yo," sarkastikong pasubali nito at mahinang hinila ang buhok niya. "Naman, Ash, mayang 9am pa ang punta natin sa resort!" lukot ang ilong na reklamo niya. "Tatlong oras lang naman ang  biyahe natin papunta roon." Pinaningkitan siya nito ng mata at hinila ang comforter sa katawan niya. "Nagbago ang schedule, maaga raw tayo pumunta roon sabi ni Mama. At'saka ayaw mo 'nun? Maglilibot muna tayo roon bago ang party," giit nito. Kahapon pa naunang pumunta roon ang magulang ni Ashton para maghanda sa birthday nito. Puwede naman silang sumabay sa kanila kahapon pero tumanggi agad ang binata na mabo-bore lang ito roon. "Huwag mong idamay si Tita rito. Nakakairta ka talaga!" sita niya bago kinusot ang mata. "Kita mong ang ganda-ganda ng panaginip ko. Hahalikan na sana ako ni Park Hae Jin, eh! Mararanasan ko na sana ang mahalikan ng isang artista kahit sa panaginip ko lang pero panira ka talaga," dugtong pa niya. Pinaikot nito ang mata at walang salitang binuhat siya at naglakad papunta sa banyo. Ni hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Seriously! Marshmallow, sigurado ka bang twenty-one ka na? Ang liit-liit mo, ang gaan-gaan mo pa na parang hindi ka kumakain," napapalatak na saad nito. Parang nalulon niya ang dila at hindi nakaimik. Basta napatitig lamang siya sa guwapong mukha nito. Since when did she find him very attractive in her eyes? Hindi na niya matandaan kung kailan 'yun. Pati nga ang nararamdaman niya rito ay hindi na niya makalkula sa isip kung kailan nagsimula. Basta ang alam niya ay paggising niya kinaumagahan, mahal na niya ito. Nakakatawa mang isipin pero nagmahal siya ng lalaking mas bata sa kanya ng apat na taon at best friend pa niya. Matangkad at malaki ang katawan nito sa edad nitong seventeen. Kumpara sa kaedad nito ay mukhang matured na ang katawan nito. Though, kabaliktaran naman ang mukha nito na baby face. May kakapalan ang kilay nito, matangos ang ilong at ang makipot at kulay pink na labi nito na ilang ulit niyang napanaginipan na hinahalikan. Mahilig ito sa sport katulad ng basketball at palaging tumatakbo sa umaga kaya maganda at perpekto ang katawan nito. At ang buong-buo at baritonong boses nito na gusto niyang i-record para palagi niyang pinapakinggan. "Don't look at me like you want to eat me. I'm not interested to someone who is older than me," pabirong saway nito sa kanya. "Virgin pa ako at wala akong muwang sa mundo, maawa ka sa akin!" eksaheradong drama nito. Umirap siya. "Hoy, Ashton. Nangangarap ka na naman," lukot ang ilong na wika niya at kinurot niya ng malakas ang leeg nito. Hindi ito nag-react sa ginawa niya sa halip ay ibinaba siya nito sa tapat ng dutsa. "Maligo ka na nga, amoy alak ka." Tinakpan pa nito ang ilong bago binuksan ang dutsa at mabilis na lumabas ng banyo. "Puny*ta ka talagang Ashton ka!!!" hiyaw niya nang bumuhos ang malamig na tubig sa katawan niya. Papalayong halakhak nito ang narinig niya. Nanginig ang katawan niya at inayos ang heater pagkatapos ay naghubad.  Unti-unti ay gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. Ganito silang dalawa 'pag umaga. Papasok ito sa kuwarto niya at pipilitin siyang gumising. Kung ayaw niya ay mahihiga ito sa tabi niya at samahan siyang matulog hanggang sa pumasok ang mama niya at pareho silang makakatanggap ng batok. Pero bago pa sila sermonan ng kanyang mama ay agad maglalambing si Ashton na gusto raw nito ng ulam na lettuce. Ang ina naman niya ay agad matutunaw ang puso nito at iiwan sila para ipagluto ang huli. Edad pito ito at onse naman siya nang maging close sila. Nagturingan silang  parang magkapatid dahil inaanak ito ng kanyang ama. Spoil ito sa parents niya at doon ito palagi naglalaro. Hanggang sa magbinatilyo ito ay hindi pa rin nagbago ang closeness nila at naging mag-bestfriend silang dalawa. 'Yun nga lang palagi itong naiinis sa kanya dahil marami na siyang naging kaibigan sa university at natutong uminom ng alak. Kung hindi siya nito pagagalitan ay iiwasan naman siya at ayaw siyang kausapin 'pag natuklasan nitong uminom sila ng mga barkada niya. Siya na ang susuyo at maglalambing dito na agad ding bumibigay. 'Pag pinatawad na siya nito ay kailangan niya itong samahan na kumain ng gulay at 'pag naghanap siya ng karne ay tatakutin siyang hindi uli siya nito kakausapin. Palagi silang nagkakatampuhan pero agad nagbabati. At nang matuklassan niyang mahal niya ito ng higit pa sa pagkakaibigan ay biglang natakot siya, ayaw niyang magsilbi itong daan para mag-away sila. Binilisan niya ang paliligo at baka naiinip na si Ashton. Ngayon kasi ang birthday nito at sa resort ng pamilya nito ipagdiriwang ang kaarawan nito. Nahuhulaan naman talaga niya kung bakit ito maagang pumunta roon, hindi dahil gusto nitong maaga silang pupunta sa Morning Sun Resort na pag-aari ng pamilya nito kundi gusto nitong bulabugin ang pagtulog niya. Gano'n naman kasi ang palaging ginagawa nito kung gusto siya nitong asarin. Pagkatapos niyang maligo ay mabilisan siyang nagpunas at lumabas ng banyo suot ang puting roba. Pagkalabas niya ay nakahanda ang mga susuutin niya at ang isang maliit na traveling bag. May kasamang maliit na nakatuping papel sa damit na nakalapag sa kama. Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat. I already prepared your clothes. Bilisan mo at naiinip na ako. Ash. Ngumiti siya at napailing. Inilagay niya ang papel sa drawer at nagsimulang magbihis. Isang maong jeans at blue na t-shirt na maluwag sa kanya ang inihanda nito. Nang hablutin niya ang panty niya sa kama ay biglang namula ang pisngi niya. Uminit ang taynga niya at hindi niya alam kung tatawa o iiyak siya. Buwisit talaga ang lalaking 'yun, may ulterior motive pala ito kung bakit nito hinanda ang susuotin niya. Iyon ay para asarin siya. Isang pambatang panty ba naman ang inilagay nito at may picture ni Barbie. "Ashton!!! Humanda ka talaga sa akin mamaya," gigil na bulong niya at nilagay sa drawer ng undies ang panty. Kumuha siya ng iba at iyon ang isinuot. Ang sarap talagang tirisin ang lalaking 'yun. Palagi na lang nitong sinisira ang umaga niya. NATATAWANG NILARO-LARO ni Ashton ang 5 peso coin sa daliri niya at ini-imagine kung ano ang reaksyon ni Marshmallow sa nilagay niya kasama ng damit nito. Na-i-emagine na niya na namumula ang pisngi 'nun sa inis at sinasakal na siya sa utak nito. Walang araw na hindi niya inaasar ito maliban lang sa araw na nagagalit siya rito dahil sa pag-inom nito kasama ang barkada nito. Minsan ang pinagbabangayan nila ay 'yung mga isinusuot nitong damit na nakikita ang cleavage nito, makapal na lipstick at make-ups. Ngunit hindi naman umaabot 'yun na magkasakitan talaga silang dalawa. "May kalokohan ka na naman na hinahabi riyan sa kukute mo, hijo," narinig niyang pukaw ng ninong niya sa kanya. Hindi pa rin nabubura ang nakakalokong ngiti sa labi niya nang lingunin niya ito. "Wala, Ninong, iniisip ko lang po kung anong ire-regalo ni Marshmallow sa akin," tugon niya. Tinaasan siya nito ng kilay na parang sinasabing hindi ito naniniwala sa kanya. "Hay naku, hijo. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin," napapalatak na saad nito. Akmang sasagot pa sana siya nang may isang bagay ang tumama sa ulo niya bago nag-landing sa paanan niya. Tumabingi ang ngiti niya at mabilis na tumayo. Nalingunan niya ang dalaga na naniningkit ang matang nakatingin sa kanya. "Andiyan na ang resback," tumatawang bigkas ng ninong niya at bumalik sa dinning room. Binigyan niya ng ngiting-aso si Marshmallow bago pinulot ang maliit na stuff toy at ibinato pabalik dito. "Kasya ba sa'yo?" inosenting tanong niya. Umasim ang mukha nito. Binitawan ang bag at patakbong lumapit sa kanya. Bago pa siya nito maabutan ay tumakbo na siya papunta sa dinning room para iwasan ito. "Bumalik ka rito!!" sigaw nito pero hindi niya ito pinakinggan. Malalaki ang hakbang na nakalayo agad siya rito. Nang maabutan naman siya nito ay nagtago siya sa likod ng mama nito."Tita, ang ganda-ganda po ni Marshmallow 'noh!" bigkas niya at kinindatan ito. Nagbabasakaling ma-divert ang atensyon ni Marshmallow na matalim ang tingin sa kanya. Mahinang tumawa ang ina nito at kinurot ang pisngi niya. "Of course she is, Honey. Kaya dalian mo ang paglaki para maligawan mo na siya," biro nito. Tumabingi ang ngiti niya at tinignan si Marshmallow. "'Ma!!!" naeeskandalong bulalas ng dalaga. "Bakit? Hindi naman masama 'yun, ah!" wika ng Tita Elise niya. "Eh, Tita, may nagugustuhan na po akong iba. Simple ngunit maganda. Palaging mag-isang kumakain at may sariling mundo," napapakamot sa batok na saad niya. "At'saka, ayaw ko po si Marshmallow. Palaging amoy alak 'pag umaga," lukot ang ilong na dugtong niya. "See? Ikaw talaga 'Ma," saad ni Marshmallow. "Kaya tumigil ka na sa pag-inom. Eh, kilala ba namin, hijo?" singit ng ninong Ben niya. "Remember, Shanna? 'Yung kasama kong nanalo sa Miss and Mister Cheng University? Siya po 'yung gusto ko," kumikislap ang matang tugon niya. Nang matuklasan na kukuha ito ng nursing ay agad din siyang nag-enroll para masundan ang dalaga. Nang matuklasan ng kanyang ama na hindi Business Administration ang kinuha niya ay nakarinig siya ng sermon dito na umabot ng apat na oras. Nang sabihin niya ang dahilan ay malakas pa na binatukan siya nito at sinabing mag-shift siya pero matigas ang naging pagtutol niya. Sumingit agad ang kanyang ina na hayaan siya sa gusto niya pero 'pag kailangan na siya sa company nila ay siya na ang hahalili sa ama at hindi na raw siya dapat na magreklamo.  "Oh! Yes, I remember her. Cute siya at maganda. Bagay kayo!" Hindi niya sigurado kung nahimigan niya ang pait at lungkot sa tono ni Marshmallow ng sabihin iyon. "Don't make yourself very obvious, my darling," nakangiting saway ng ina nito. "Obvious about what?" Kumunot ang noo niya at sinulyapan si Marshmallow. Exaggerated na tumawa si Marshmallow at lumapit sa kanya sabay kurot sa braso niya. "Ah... Ah... Aray naman. What did I do?" padaing na protesta niya at hinawakan ang galanggangan nito. "Kanino mo kinuha ang..." Tumikhim ito at tinignan ang magulang nito. Parehong naghihintay ng sasabihin nito. "Ano?" hamon niya. "W—wala pala," mariing nakalapat ang ngipin na saad nito. He smiled at her sweetly, alam kasi niya kung ano ang tinutukoy nito hindi pa man tapos ang tanong nito. "Mag-agahan na tayo. Hindi pa ako kumakain." Kinindatan niya ito at inirapan naman siya nito ng pagkatalim-talim. Pero saglit siyang natigilan nang makita ang lungkot at pait na dumaan sa mata nito. Napatitig tuloy siya rito. Nag-iwas naman ito ng tingin at umupo sa bakanteng silya. Pilit niyang hinuhuli ang mata nito ngunit hindi siya nito binigyan ng chance. Bumuntong-hininga siya at umupo na rin para kumain. May problema siguro ito na hindi lang masabi sa kahit na sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD