ALL IS WELL

2485 Words
"Wherever life will plant you, may you find a way to grow and bloom." Tatlong buwan na rin ang lumipas. Hindi ko namalayan ang pagsikat at paglubog ng araw na unti- unting nagbibigay ng kahulugan sa aking pag- aaral sa Mapua. Naging mahirap man sa umpisa dahil sa kakaibang schedule at klase ng pagtuturo dito sa college, masaya naman akong kinakaya ko. Muling nag- ingay ang aking cellphone na naging dahilan ng aking paggising. Alas singko na ng umaga at isang araw na naman ang aking haharapin para aking pangarap. Sabay kaming kumain ng breakfast ni Phil. Pagkatapos naming maligo (syempre hindi kami nagsabay), nagpapalit na rin kami ng damit. Habang ibunu-butones ko ang aking polo, nakita kong hindi maayos- ayos ni Phil ang necktie na suot niya. Lumapit ako at tinulungan siyang ayusin ito. Tumingin ako at ngumiti sa kanya, bigla naman niya akong hinalikan sa labi sabay sabing, "Good morning, love." "Good morning, too, love," sagot ko naman sa kanya at pagkatapos ay ipinagpatuloy ko na rin ang aking pagpapalit. Pagkarating namin sa eskwela, habang naglalakad ako sa hallway, napansin ko ang mga posters na nagkalat sa iba't ibang bulletin board. Iba- iba rin ang kulay ng flaglets na naka- bitin sa mga puno at nakakabit sa mismong poste ng hallway. "Ano ang meron?" napatanong ako sa aking sarili dahil tila kakaiba ang environment ngayon sa Mapua. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad at nagulat nang hilahin ako ng kaibigan kong si Thalia. "Good morning, sis!" bati niya sa akin na hindi ko malaman kung bakit ang taas- taas ng energy. "Sting ba ang ininom mo kanina, sis, instead of milk? Ang taas ng energy level mo," sabi ko sa kanya. Hinihila niya pa rin ako papunta sa isang bench na nasa labas ng aming building. Mag- a alas 7 pa lang naman ng umaga kaya naman hindi pa ramdam ang init mula sa araw. "Ito na nga, sis. This November, Campus Intramurals na natin! Isn't it exciting? This is our first year in Mapua kaya naman we really have a lot to look forward to this coming big event!" Hindi mapigil ang mataas na energy ni Thalia. Halatang- halata sa kanya na sobrang excited siya sa mga kaganapan sa darating na intramurals namin. Kahit ang mga mata niya ay nakangiti at kumikinang sa saya. "Sis, before yang intra- intramurals na 'yan, nakapag- review ka na ba para sa quiz natin mamaya sa subject natin kay Mrs. Valdez?" Inilabas ko ang aking notebook at gusto ko munang magbasa- basa para sa quiz namin mamayang second subject. Tumingin ako kay Thalia at nakita ko siyang nagli-lipstick. Oo. Nag-li lipstick siya sa ilalim ng araw, sa harap ng building namin, habang kinakausap ko siya. Ang saya! Hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa at nagpatuloy na lamang ako sa pagbabasa. Ganyan na talaga si Thalia. Maayos sa sarili. Dati, akala ko ay simple lang siya. Pero sa tatlong buwan din naming pagkakaibigan, naku! Lipstick ngayon, lipstick ulit mamaya. Polbo bago ang klase, polbo ulit mamayang pagkatapos ng klase. Naaalala ko tuloy yung linyahan niyang... "Dapat always fresh!" Hawak- hawak ko pa rin ang notebook ko habang nakaupo pa rin kami sa bench na nasa harap ng aming building. "Tuuuuuuuuuuuuuuuttt!" Isang maingay at nakaka- alarmang tunog ang siyang gumulat sa aming building mula sa speaker na nakakabit sa hallway. "Aish! Lagi na lang akong nagugulat sa tuwing may announcement dahil sa tunog na 'yan!" pagyayamot ni Thalia. Padabog niyang inilagay sa kanyang bag ang kanyang maliit na salamin at lipstick. Sa tuwing may announcement, ang tunog na iyon ay naririnig sa buong campus. Pagkalipas ng nakaka- gulat na tunog ay sunod namang narinig ang boses ng isang babae. "Good morning, Mapuans! Today starts our month- long preparation for the Annual Campus Intramurals! The Intramurals week will be held on the last week of this month. Contested activities will be discussed per faculty. After this announcement, please proceed to your faculty hall for your departmental meeting. Thank you." "Tuuuuuuuuut," iyon ang announcement tungkol sa darating na Campus Intramurals namin. Pagkatapos ng announcement ay bigla naman kaming nakarinig ng hiyawan mula sa classrooms sa building namin. Tila nag- ce celebrate dila dahil malapit na ang intrams! "Yeyy! Wow! 1 month!!! Grabeee! Ang sayaa!", Thalia exclaimed. I stopped moving for a while. As I sit beside her, looking at her, I am still in awe because I can't believe how the announcement made the people in our campus happy. "Alam mo, Kob, sa lahat ng mga estudyante dito, parang ikaw lang yung malungkot," sabi ni Thalia sa akin. Feeling ko tuloy ang lungkot masyado ng itsura ko. "Don't you have anything to look forward to?" dagdag niya. "Wala," mabilis kong sagot sa kanya. "Kob, sa Campus King, maraming mga lalaki dun. I'm sure you'll enjoy," nabigla ako sa sinabing ito ni Thalia. Hindi pa niya alam na may jowa na ako. Hindi ko pa kasi nao- open sa kanya ang tungkol sa amin ni Phil, and I guess this calls for the grand reveal. "Sis, may jowa ako," nahihiyang sabi ko kay Thalia. Nakita kong nagulat din siya sa sinabi ko at parang hindi makapaniwala. "Hindi ako nag- jo joke, sis. Pakilala ko siya sa iyo later," I told her. "Wow! I did not know, sis! I'm happy for you," Thalia hugged me and then we already went to our faculty hall where our departmental meeting will be held. We walked together and sat beside each other. Nagsimula na ang meeting nang dumating kami sa hall. Nasa harapan na si Neriza, ang Governor namin sa aming faculty. Nagsimula na siyang mag- tawag ng mga volunteers para sa try out na siyang gagawin naman sa College Day namin next week. Nagsisitaasan na ng mga kamay ang mga student athletes na kaklase ko samantalang kami ni Thalia, nasa likod. Itong si Thalia, wala pa ring ibang ginawa kundi ang mag-lipstick at magpolbo. Ewan ko ba rito. Parang kada segundo ay tinitignan niya ang kanyang mukha sa salamin. Wala namang mali sa kanya dahil sobrang ganda niya actually. Kanina pa nagtitinginan sa amin ang mga lalaki na nasa harapan. Sure akong dahil ito kay Thalia. Naiirita na rin ako dahil sa mga matang nakatingin sa aming kinauupyan kaya naman sinita ko na ang kaibigan ko. "Sis, tigilan mo na muna 'yan. Agaw- eksena ka," sabi ko kay Thalia na nag- taingang kawali na naman. Tapos na ang sports kaya naman sumunod na ang Academics. Unang tinawag yung mga gustong sumali sa Quiz Bee. Agad na nag- raise sina Cham, Rocky, at Dei. Sila ang mga advance learners talaga sa amin. Sobrang bilis nilang mag-memorize ng facts and details na siya namang waterloo ko. Sunod na nagtawag sa kung sino ang gustong sumali sa Impromptu Speaking. Parang gusto kong itaas ang aking kamay ngunit nag- aalangan ako dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Yumuko na lang ako at pinag- iisipan ko pa rin kung sasali ba ako o hindi. Gusto kong sumali dahil gusto kong maipagpatuloy ang nasimulan ko noong high school ngunit natatakot din ako baka matalo ako. Kinalabit ako ni Thalia at may sinabi sa akin. "Sis, join ka na," she encouraged me to join. "Baka matalo ako, sis," sagot ko sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya na bigla siyang nalungkot sa sinabi kong ito. "Okay. H'wag ka nang sumali. The moment you thought that you might lose, you already lost, Kob," ito ang tila pango- ngonsyensyang sabi niya sa akin. Napaisip ako. Na- realize kong, hindi pa nga tapos ang laban pero sumusuko na ako. With this in mind, I bravely raised my hand and volunteered to be one of the contestants for the Impromptu Speaking Contest. Sa hall na siyang venue ng aming meeting, narinig ko ang malakas na sigaw at palakpak ni Thalia. And doon ko masasabi na sobrang supportive niya. Pagkatapos ng Academics, sumunod naman ang Socio- Cultural Events kung saan kasali ang Singing and Dancing Contests, plus ang Campus King and Queen. Nang dumating ang oras ng pagtawag sa gustong mag- try out para sa Campus King and Queen, tumayo na lamang bigla itong si Thalia. She stood confidently and spoke these words: "I volunteer!" Yes. She said those words with conviction. Every one's eyes are already on us. Some are murmuring probably about us. But well, that's my girl! Humiyaw ako at pumalakpak noong tumayo at nag- volunteer si Thalia. "It's a wrap. The contenders for our College Day are already complete. The complete guidelines and rules will be posted on our bulletin boards on Friday. The try out will be Friday next week. Thank you for attending, guys!" said Neliza who eventually dismissed us. "This is it, sissss! Ilaban natin ito, sis," ito ang linya sa akin ni Thalia pagkalabas namin sa faculty hall. "Laban, sis?" dagdag niya. "Laban, sissss!" sigaw naman naming dalawa. "Sshssshhhhh..." nagulat ako dahil naistorbo na pala namin ang mga estudyanteng nag- aaral sa table sa isang kubo malapit sa kinatatayuan namin ni Thalia. Naglakad na kami diretso sa aming classroom. Tumingin ako sa oras at mag- a alas onse na rin pala. Ang tagal naman pala ng meeting namin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Phil. "Love, wait lang may klase pa ako," ito ang nagmamadali at pabulong na sabi ni Phil. Agad kong pinatay ang tawag ko nang narinig kong may klase pa pala sila. "Tara na muna sa Grand Hall," niyaya ko si Thalia na pumunta doon para naman sa wakas ay makilala na niya si Phil. Naghanap kami ng bakanteng table malapit sa may fountain sa gitna at doon umupo. Nag- checheck naman ng kanyang social media account si Thalia at nagpi- picture picture samantalang ako, iniisip kung paano ipapakilala sa kanya si Phil. Nag- vibrate ang aking phone. May na- receive akong message mula kay Phil. "On my way..." saad ng message niya. Tinext ko na siya na nandito kami ni Thalia sa Grand Hall, at siguro tapos na ang klase niya kaya papunta na rin siya rito. Kumaway si Phil nang nakita niya ang pwesto namin ni Thalia. Naglakad siya papunta sa amin at umupo sa tabi ko. Nang makita niyang nasa table na rin namin si Phil ay itinigil na rin ni Thalia ang paggamit niya ng kanyang cellphone. "Ah, Phil, this is Thalia. Thalia, this is Phil," Sinimulan ko na ang pagpapakilala sa dalawa. "Hi, I'm Philip Marquez," sabi ni Phil at iniabot niya ang kanyang kamay kay Thalia. "Thalia Sereña," nakipagkamay si Thalia kay Phil at nagngitian silang dalawa. Pagkatapos nilang magpakilala at makipag- shakehands sa isa't isa, iniisip ko na kung paano didiskartehan na ipakilala si Phil bilang boyfriend ko kay Thalia. Habang nag- iisip ako ng way, biglang nagsalita ang kaibigan ko. "So, gaano na kayo katagal ni Jacob? nakangiting tanong ni Thalia kay Phil. Nagulat ako nang tinanong ito ni Thalia. Tumingin ako kay Phil at tumingin din siya. Ilang minuto ring hindi umimik si Phil kaya kinabahan ako. There was an awkward silence. "Magfo- four months na rin," sagot ni Phil. I felt relieved nang sumagot siya. Napayuko si Phil at kinalikot ang kanyang cellphone. Ilang sandali pa ay nagsalita siyang muli. "Excuse me," tumayo siya at naglakad paalis sa table namin ni Thalia. Hindi ako nakapagsalita nang makita kong naglakad papalayo si Phil. Nagtinginan lang kami ni Thalia at lalo ni siya ay nagtataka sa kung ano ang rason ng pag- walk out ni Phil. "What happened?" tanong sa akin ni Thalia nang tuluyan nang nakalabas sa pintuan si Phil. "I do not know," I answered her. Pati ako ay nagtataka sa inasta ni Phil sa harap ng kaibigan ko. "Sundan mo, sis. I'll just see you later sa classroom," Thalia said. Napailing na lamang ako at tumayo para sundan si Phil. Mabilis ang aking lakad dahil gusto ko siyang masundan. Lumingon ako sa kanan ngunit hindi ko siya nakita. Tumingin ako sa kaliwa at doon ay nakita ko ang likuran ni Phil. Naglalakad pa rin ito papunta sa parking area. Sinundan ko siya hanggang sa nakita ko siyang sumakay sa kanyang sasakyan. Binilisan ko ang aking paglakad ngunit nang nasa tapat na ako ng pintuan ng sadaktan, dahan- dahan ko itong binuksan. Sa loob ay nakita ko si Phil na tila mainit ang ulo. Tumingin siya sa akin. Isang matalim na tingin ang aking nakuha mula sa kanya pero hindi pa rin siya umiimik. "May problema ba?" ito ang mahina kong tanong kay Phil na mukhang galit sa akin. "Ikaw! Ikaw ang problema, Kob!" sagot niya. Mataas ang kanyang boses at pasigaw ang kanyang pagkakasabi rito. "Ha? Bakit ako? Ano bang ginawa ko, Phil?" tanong ko sa kanya. Sa pagkakataong ito, hawak niya ang manubela at nakatingin siya sa harapan habang galit na galit pa rin. Dahil sa galit ay hinampas niya ang manubela gamit ang kanyang kamay. "Bakit alam ni Thalia ang tungkol sa atin? Bakit! Sinabi mo?! Kob naman! Diba sabi kong---" "Hindi ka pa handa," hindi pa man natatapos ni Phil ang sasabihin niya ay nagsalita na ako. "Yes, Phil. Mali ako na nabanggit ko kay Thalia ang tungkol sa relasyon natin dahil HINDI KA PA HANDA," my voice already raised when I uttered these words to Phil. Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko mabasa ang kanyang emosyon. "Kung hindi ka handa ngayon, Phil, kailan ka pa magiging handa? If you are comfortable with this kind of relationship, with this private relationship, well, hindi na ako nagiging kumportable!" Binuksan ko ang pintuan ng kanyang sasakyan at bumaba. I slammed the door and headed back to our classroom. Doon ay nakita ko si Thalia na nag- aayos na naman ng kanyang sarili. Nang nakita niya akong parating, agad siyang tumayo at sinalubong ako. Unti- unti nahulog ang aking mga luha habang naglalakad ako palapit kay Thalia. Napahiya ako. Nasaktan ako. Niyakap ako ni Thalia at doon, mas lalo kong nadama ang pakiramdam ng taong napahiya at nasaktan. Hinahaplos niya ang aking likuran bago siya nagsalita. "Kob, alam mo kapag kinakabahan ko, malungkot, o problemado, hawakan mo lang ang dib- dib mo at sabihing All is well, all is well," banggit niya. When I heard this line taken from the movie The Three Idiots, I felt comfortable within the arms of Thalia. She is a friend. She is a real friend. I can feel it. Dalawang klase ang pinasukan ko ngayong hapon ngunit walang pumasok sa aking isipan. Nakatingin ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga taong naglalakad- lakad sa labas. Inaalala ko si Phil. Hindi ko alam kung tama bang ganon ang mga sinabi ko sa kanya. Alam kong mali na pilitin ko siyang pumayag na gawing public ang relasyon namin lalo na kung hindi siya handa at hindi siya kumportable. Ganunpaman, naalala ko yung sinabi kanina ni Thalia. Hinawakan ko ang aking dibdib at sinabi sa aking sariling, "all is well, all is well".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD