PERCEPTION

1821 Words
"What we see may not necessarily what we get. What we hear is not always the truth. What we touch can be artificial. What we smell and taste regardless of its aesthetic appeal can be toxic. Our senses have their own way of deceiving us." This is indeed a long and tiring day. Imagine, full load kami ngayon. Kaya naman itong mga classmates ko, kanya- kanya nang ganap habang nag- di discuss sa harapan si Mr. Buenavista na teacher namin sa Philosophy. "How much do you trust your perception?" ito ang tanong niya habang naglalakad sa aisle ng klase namin. Nakita kong agad namang inayos ng mga classmates ko ang kanilang pag- upo at nagpanggap na nakikinig talaga sa matandang teacher namin. "Anyone?" wala pa ring nagbo- boluntaryo sa aming sumagot sa tanong ni Mr. Buenavista. Naglalakad pa rin ito at biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang tumigil ito sa tapat ng row namin. Tumingin siya sa bawat isa sa amin na nakaupo sa row na ito na tila naghahanap ng mapapatayo. "Ikaw," narinig kong sabi niya at itinuro ang isang isang magandang babae nasa huling upuan sa amin row. Inayos pa niya ang kanyang buhok bago ito tumayo. Matangkad siya at may magandang pangangatawan. Blonde ang buhok niya na unat na unat at may pagka- mestisa ang kulay niya. "Name, please," sabi ni Mr. Buenavista. Nakatingin kaming lahat sa babaeng nakatayo. Lalong lalo na ang mga classmates naming lalaki ay tutok na tutok sa kanya. "Thalia Sereña, sir," sagot niya. "So, how much do you trust your perception?" inulit ng aming guro ang tanong para kay Thalia. "Sir? Ahm..." isang minuto na siyang nakatayo at wala pa rin itong maibigay na kasagutan. Nakakunot na ang noo ni Mr. Buenavista at nakasimangot na rin ang kanyang mukha. "Call a friend or remain standing," narinig kong sabi ng aming guro. Napayuko ang babaeng nakatayo. Marahil, hindi niya alam kung sino ang tatawagin niya gayong hindi pa naman kami masyadong magkakakilala sa klase. Wala pang pagkakaibigang nabubuo. Narinig ko ang mga ka- klase kong nagbubulungan sa likod na kesyo ganda lang daw ang mayroon kay Ms. Sereña. Itinaas ko ang aking kamay at nag- volunteer upang sumagot. "Sir, Jacob Mendoza po, a friend of Thalia," ito ang sinabi ko sa aming guro na bumalik na sa harapan. Nakita kong ibinaba niya ang kanyang salamin na tila gustong i- double check ang kanyang nakikita. "Mr. or Ms.?" tanong ni Mr. Buenavista at pagkatapos ay tumawa siyang may kasamang insulto. Sumunod namang nagtawanan ang aking mga kaklase na akala mo ay magandang joke ang binitawan ng aming matandang guro. "I do not mind being called Mr. or Ms., Mr. Buenavista. Well to answer your question, sir, I do not really trust my perception. We can say that we are looking at a beautiful vase from afar and only to find out when we inspect it vividly that it is not really beautiful. We may hear some people say that they like us, but they might not mean that. Our senses have their own way of fooling us. Hence, I do not totally trust my perception," umupo ako pagkatapos kong mag- recite at nagpalakpakan naman ang aking mga classmates sa narinig nilang sagot ko. Ngumiti sa akin si Mr. Buenavista at pumalakpak. "Well said, Mr. Mendoza. That explains our last topic today, Plato’s Allegory Of The Cave. Originating in Plato’s The Republic, the cave allegory aims to make a key point about the unreliability of human perception. In the scenario described a group of individuals chained up inside a cave initially come to believe that the shadows on the wall are entities in and of themselves. In reality, of course, the shadows are there because of the prisoners’ bodies. Plato intended to convey that we can sometimes have an entirely inaccurate perception of the world around us. We need to be open to shifting that perception if we ever want to make contact with reality," "Questions?" tanong ni Mr. Buenavista pagkatapos niyang talakayin ang Allegory of the Cave ni Plato. Walang umimik sa klase namin kaya naman dinismiss na rin kami ng aming teacher. Nagsimula nang mag- ingay muli ang klase namin na tila nasa gubat. I was relieved dahil pagod na pagod na rin ako ngayong araw. Nagkaroon kami ng quiz kanina sa isang subject namin tapos ngayong hapon, 3 oras na discussion! Nakakaloka! Binuksan ko ang aking bag at gusto kong magpa- fresh pagkatapos ng mahabang araw na ito. Ang gulo ng bag ko. Halo- halo. dalawang notebooks, dalawang ballpen, cellphone, biscuits, nasaan na ba yung polbo ko? Hays! "Saan na ba yung pulbo ko," reklamo ko nang kinalkal ko na ang buong bag ko ngunit hindi ko pa rin mahanap ang pulbo ko. May lumapit sa akin na isang babae at nag- abot sa akin ng polbo. Tumingin ako sa babaeng ito at siya si Thalia. Ngumit ako sa kanya at kinuha ang polbong ino- offer niya. "Sis, salamat pala kaninang ni- rescue mo ako, ha?" sabi niya sa akin pagkatapos niyang umupo upuan na nasa likuran ko. "No worries, sis. I got you," sagot ko naman sa kanya habang inaabot pabalik ang kanyang polbo. Mukha naman siyang mabait at mas maganda siya sa malapitan. "Tara, milk tea? It's on me," yaya niya sa akin. Na- excite naman ako sa narinig kong ito mula kay Thalia dahil bukod sa matitikman ko na ulit ang paborito kong Taro Milktea, makakapag- kwentuhan din kami ng first friend ko sa classroom na si Thalia. Naglakad kami ni Thalia patungong Beautiful Life Café. Habang umiinom kami ni Thalia ay nagulat ako sa binanggit niya. "Jacob, I think we already saw each other before," she said. "Huh?" nagtaka ako kung ano ang sinasabi ni Thalia sa akin. Inisip ko kung kailan kaya kami nagkita dahil short- term memory loss ang palaging nangyayari sa akin. Inisip ko nang inisip hanggang sa sumuko ako. "Kailan?" tanong ko kay Thalia. "Ikaw ba yung nakabangga sa akin noon malapit sa Faculty of Architecture Building? Entrance Exam day," sa puntong ito ay naalala ko na kung kailan kami unang nagtagpo. Naalala ko ring nakita ko siya ulit noong nag- enroll kami dahil sabay kaming pumunta sa harapan para kunin ang form namin. Siya iyong babaeng nagandahan ko na noong una pa lamang kahit walang masyadong ayos at kahit magulo pa noon ang kanyang buhok. "Wow! What a small world," I exclaimed to Thalia. "Ikaw yung nagmamadali noon. Ano ba ang nangyari noon at nagmamadali ka?" tanong ko sa kanya. "Yung boyfriend ko kasi, nagmamadali rin. Pupunta kasi kami sa Boracay noon para mag- bakasyon after ng entrance exam natin kaya actually sobrang nagmamadali ako noon," she answered. Naging mahaba ang kwentuhan namin ni Thalia sa café. Napansin kong mamahalin ang kanyang mga gamit. Nag- order din siya ng Nachos na siya namang kinakain namin habang nagkwekwentuhan. Parehong doktor ang kanyang mga magulang at ewan ko na lang kung pro-problemahin pa niya ang kanyang tuition o baon araw- araw. Siya ang only child kaya naman sa tingin ko ay wala siyang kaagaw sa lahat. Nakita kong inilabas niya ang kanyang wallet mula sa Chanel niyang bag. Nang buksan niya ang kanyang wallet, tumambad ang makapal na tig- wa 1 thousand bill at iba't ibang cards. Napa- sana all na lang ako sa nakita kong pera ni Thalia. Kumuha siya ng 1 thousand mula sa wallet niya at inilagay sa maliit na folder kung saan nakalagay ang aming bill. Pagkatapos niyang ilapag sa mesa ang bill kasama ang bayad namin ay bigla na lamang akong napatanong kay Thalia. "Kumusta naman ang buhay na dalawang doktor ang parents? Edi wala ka nang problema. Wala ka nang iniisip," I asked her. "Actually, malungkot," banggit niya. Biglang nag- iba ang mood ni Thalia nang bigkasin niya ang mga salitang ito. Hindi ako umimik dahil gusto kong ituloy niya ang pagkwe- kwento niya. "I grew up feeling alone. They were always busy saving lives of other people. And there was a point in my life when I asked them how about me? How can they save me?" Nakita ko ang luhang nagtatago sa mga gilid ng mata ni Thalia. Nakita ko sa mga mga mata niya ang lungkot at pangungulila sa aruga ng kanyang mga magulang na hindi naman kayang ibigay ng salapi. "I am sorry, Thalia. I did not know," I held the hand of Thalia as a way of comforting her. "Actually, Jacob, you were right earlier when you said that you do not totally trust your perception because our senses have their way of fooling us," "Laging iniisip ng mga tao na maswerte ako dahil mayaman kami. Sinasabi nilang wala na akong problema. They thought that every thing can be bought and replaced by money. Hindi nila alam na sa mga araw na marami akong gamit na nabibili, mas maraming araw na wala sina mom and dad sa tabi ko dahil nagtratrabaho sila," her tears crawled on her rosy cheeks. "I am sorry, Thalia. I am sorry if I misinterpreted you. Masyado akong nagtiwala sa perception ko," ito ang sinabi ko sa kanya. I felt the genuineness and sincerity of Thalia's emotions while she was crying inside the café. And I appreciate that she opened up about her family even if we just became friends today. Nagpasalamat ako kay Thalia na ngayon ay nakasakay na sa kanyang sasakyan. Habang nag-gu good bye ako kay Thalia ay naramdaman kong mayroong nag- va vibrate sa aking bag. Yung cellphone ko. Binuksan ko ang aking bag at hinanap ang cellphone ko. It is Phil. He is calling me. "Love?" ito ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Nandito na ako sa parking area, love," sagot ko kaagad sa kanya dahil alam kong hinahanap niya ako sa klase namin. Naglakad ako patungo sa waiting area sa aming parking lot. Habang nakaupo at hinihintay ko si Phil, naaalala ko iyong lesson namin kanina about Plato's Allegory of the Cave. Mali talagang masyado tayong naniniwala sa nakikita ng ating mga mata. Parang kay Thalia kanina. Akala ko dahil mayaman sila, wala na siyang problema. I trusted much what my eyes saw- her Chanel bag, her cards, and her money. Hindi ko alam na malaki pa rin pala ang pinagdadaanan niya. I said earlier in our class na hindi ko masyadong pinagkakatiwalaan ang aking perception. But I did not say na madali lang itong gawin- na hindi siya pagkatiwalaan. It is easier said than done. And for the Nth time, I got fooled and deceived by my eyes. Nakita kong papalapit na sa waiting area si Phil. Nakita ko si Phil na gwapo, maputi, matangkad, mabango, at makinis. Naglalakad siya patungo sa kinauupuan ko. Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad, I realized that things are not just to be seen or touched. Some things are meant to be felt, not by the hand but by the heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD