HIS SMILE

2431 Words
"I saw heaven in his smile." Several months passed and everything was still uncertain as to where I am going to study for college. After taking the entrance examination of Mapua University, I also took the admission test of Sangay University and University of St. Thomas. It's not in my plans, though. But, I think it's better to be sure. "Bakit hindi ko mahanap ang pangalan ko?" I went hysterical about what I just saw on the website of Mapua. My name is not included in the list of MUAT passers! I cried so much because of disappointment. NO! This can't happen! Noooooooooo! "Jacob! Wake up! What's wrong?" Ramdam ko ang pagyugyog sa'kin ni mama. I immediately opened my eyes and thanked God for it was just a dream- a bad dream. "Ano'ng nangyari? Binangungot ka ba?" Ito ang nagtatakang tanong niya sa akin. "Ah ehh. Napanaginipan ko kasing hindi ako nakapasa sa MUAT, ma!" Mangiya- ngiyak kong sabi sabay yakap sa kanya. "Ma, hindi pwede. Gustong gusto ko talagang mag- aral 'dun. Alam mo 'yan, diba?" dagdag ko. "If it's really for you, it will be yours. Tara na. Bumaba ka na dyan, manananghalian na tayo. Tsaka, Jacob, darating mamaya sina Tito Uly mo. Bibisita raw kasama si Phil." Ha? Manananghalian? I looked at the clock on the wall and to my surprise, it's already 11:50 AM! And wait, today is the day! July 9, 2018. Mapua will release the list of passers today at 12 noon. Dali- dali kong kinuha ang phone ko na nasa ilalim ng unan at dumiretso sa website ng Mapua. Updating... I didn't breathe for a few seconds waiting for the result to come out. Updating... Ano ba?! Ang tagal! At pagpatak ng alas 12... List updated. Loading... Heto na. Nakita ko na ang listahan! A... B... C... E... F... G... H... I... J... K... L... Marquez... 845 Marquez, Philip Yes! Nakapasa si love! Mas lalo akong kinabahan nang nakita ko ang pangalan ni Phil. Sana all. Sana ako rin. Sunod kong hinanap ang pangalan ko. 856 Mendoza, Jacob B. "Mamaaaaaaaaaa!" Napasigaw ako nang malakas dahil sa nakita ko. Mukhang nagulat si mama sa pagsigaw ko kaya dali- dali siyang umakyat sa kwarto ko. "O bakit?! Ano'ng nangyari?" "Ma! Nakapasa ako! Nakapasa kami ni Phil!" Abot tenga ang ngiti ko nang ibinalita ko ito kay mama. "Congratulations, anak!" tuwang-tuwa si mama sa nalaman niya. Samantalang ako, hindi pa rin makapaniwala na makakapasok na ako sa paaralang pinapangarap ko. Hanggang sa pagligo at pagbaba sa sala ay hindi pa rin mawala- wala ang ngiti sa mga labi ko. Sana August na. Gusto ko nang mag- aral! Nadatnan ko si Drake na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Si Drake ang nag- iisang kapatid ko. Labing pitong taong gulang na siya pero hanggang ngayon ay isip- bata pa rin. Malapit kami sa isa't isa at palagi kaming nagkukulitan. Palagi ko siyang inaasar dahil puro siya One Piece at Naruto. "Saan si mama?" Malakas naman ang pagkakasabi ko pero parang naka- focus siya sa cartoons na pinapanood niya. Dumiretso na lang ako at umupo sa kabilang sofa. Hindi pa matagal ang pagkakaupo ko nang may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Sasakyan nila Tito Uly ang nakita ko. Ah, oo nga pala. Darating pala sila ngayon. Matagal nang kaibigan ni mama si Tito Uly. Hindi ko alam kung kaibigan lang pero malaki ang parte ni Tito Uly dahil kung hindi dahil sa kanya, baka nawala na si mama sa tamang pag- iisip noong namatay si papa. Sampung taon na ang nakalilipas ay namatay si papa sa isang bakbakan sa Mindanao. Isa siyang sundalo at kaibigan niya si Tito Uly. Bago raw namatay si papa ay nakiusap daw siya kay Tito Uly na alagaan niya kaming mag- iina. Matagal na ring patay ang asawa ni Tito Uly dahil sa car accident. Sa ngayon ay silang mag- ama nalang ang magkasama sa bahay nila. Nakita kong bumaba si Tito Uly sa sasakyan at binuksan ang pintuan. Sumunod namang bumaba si mama na may bitbit na dalawang karton. At, huling bumaba ang isang matangkad, maputi, at gwapong lalaki- si Phil, ang nag- iisang anak ni Tito Uly. Well, ang boyfriend ko. I can't stop myself from smiling. But I should. We haven't divulged yet to our parents that Phil and I are together, as in boyfriends. With this reason, I should learn to control my feelings especially in times like this when we gather as a family, since my mother and Tito Uly seem to develop an intimate relationship already. "Drake! Open the gate!" I heard my mama shouting. "Maaaa! May chocolate ka bang binileeee?" Hays. He is indeed childish! Nakangiting pumasok sa bahay sina Tito Uly at Philip. "Hello po, tito," bati ko sa kanya sabay mano. "God bless you. Uy! Congrats, Jacob! I heard from Phil that you also passed the entrance exam of Mapua!" "Opo. Thank you po," sagot ko naman. Napansin ko namang nakatingin lang sa akin si Phil habang nakangiti. Wala man lang salitang lumabas sa bibig niya. We've been this way since Senior High School. I can't even explain how we managed to hide our feelings and emotions from our parents for such long time. We love each other. But because of our family's stable relationship, we wouldn't want to destroy it so we are waiting for the perfect time to tell our parents that we are in a relationship. We are discreet sa harap ng parents namin. Both of us are not yet ready to let them know. Knowing that Tito Uly might not be able to understand us, let alone Phil's gender preference, we have decided to keep our relationship private. I am his first boyfriend that's why I don't want to trouble him so much with our relationship. Besides, he always makes it sure to make up when we are alone and what I fear is that sometimes, Phil forgets to control himself when we are in public places. For the meantime, when we are in this "family drama" the least thing we could do is to smile and have a little chitchat with each other in spite of the Collosal love that we have for each other. "O, halina na kayo at kumain na tayo." Naghahanda na sina mama at Drake ng mga pagkain sa dining table. Dumiretso na kami sa hapagkainan upang mananghalian. May cake sa mesa na may nakalagay na "Congratulations, Jacob!". "Ma, buying me cake isn't really necessary." "I would just like to show that I am so proud of you, anak." My mother is really sweet. She never failed to appreciate and guide us even if she's doing it alone since my father died. "Kob, magsama na kayo ni Philip sa isang apartment para mabantayan mo rin siya," biglang sabi ni Tito Uly na ikinagulat ko. "Tama. Para hindi kami masyadong mag- alala ng Tito Uly mo." Napatingin ako kay Philip na nakaupo sa tapat ko. "Ah, eh Philip..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang sumabat si Drake. "Same school sila Kuya Kob at Kuya Philip, mama?" tanong niya na ako sana ang mismong magtatanong kay Philip. "Oo. Sa Mapua University din mag- aaral ang Kuya Philip mo." So, yun na nga. We're going to the same school. And, most probably, we'll live under the same roof. It's going to be official! We'll be live-in partners. Can I say it that way? I'm jubilant upon knowing that we'll live together. Of course, this entails more time with my love. Pagkatapos ng "family meal" namin ay nagpaalam na rin agad sina Tito Uly dahil may bibilhin pa raw sila. I- cha- chat nalang daw ako ni Philip kung kailan kami mag- eenroll para sabay na raw kami. Sabagay, it's better na rin para may kasama rin akong maglakad- lakad sa campus. Few weeks later, I received a chat from Philip telling me to prepare the necessary documents for the enrollment. According to him, he's going to pick me up tomorrow at 8 AM. At yun na nga, kailangan kong magising ng maaga bukas. Pero magbabasa pa ako ng novel eh! Hays! As expected, I didn't go to bed early. That's why I... "Love! Gumising ka na! Uyyy!" I can feel my body shaking. Nagulat ako nang buksan ko ang mga mata ko ay si Phil ang nakita kong gumigising sa akin. Seryoso? Napatitig nalang ako sa kanya dahil sa gulat. Aside from the fact that he's inside my room, he is also calling me "love". "Sshshshsh. Huwag kang maingay baka marinig ka nila," naiinis kong sabi kay Phil. "JACOOOBBB, gising na!" pang- iinis niya. Napansin kong bihis na bihis itong si Philip. Naka- denim jacket, black tee, black ripped jeans at white sneakers. Hindi naman niya pinaghandaan ang araw na ito, ganito lang talaga siya manamit. "Ano? Bakit mo ako tinititigan?!" tanong niya. Naalimpungatan ako sa nangyari. Tumingin ako sa wall clock at... 8:30 na! Nagulat ako kaya agad akong tumayo para pumunta sa banyo nang bigla kong nabangga ang balikat ni Philip. "Hayss!" naiinis niyang sabi. Hindi na ako nag- almusal pa dahil male- late na kami. Siguradong mahaba na ang pila dahil ngayon ang unang araw ng enrollment. Kanina pa kami nakasakay sa kotse ni Philip pero hindi pa rin niya ako kinakausap. "Love, galit ka ba sa'kin?" nahihiyang tanong ko. Hindi siya tumingin at napailing na lang. "Pasensiya ka na, love. Bawal kasi tayong marinig na... Alam mo naman 'yun eh," dugtong ko. Tumingin siya sa akin at nakita ko ang maamo niyang mukha. Maamo pa rin ang mukha niya kahit galit na. "Pasalamat ka dahil mahal kita." His sweet voice melts my heart. Nagpatuloy na kami sa byahe namin papuntang Mapua. Nang makarating kami sa Registrar's office, tama nga ako. Mahaba na ang pila. Kitang- kita ko ang mga estudyanteng nakaupo na halatang atat na. Kumuha kami ng numero at umupo nalang muna sa may bandang likod. Dalawang oras. Dalawang oras din kami naghintay dahil sa paggising ko nang late. Nakokonsyensya tuloy ako kay Phil. Sa dalawang oras ay hindi kami nag- usap. Ewan ko ba. Siguro, nahihiya rin akong kausapin siya. Hanggang sa naglakas- loob na ako pampalubag- loob sa ginawa kong pagpapahintay sa kanya. "Ahh, love kain tayo mamaya, ha?" "Oo na. Pagkatapos nito, date tayo," nakangiting sabi niya sa akin. "212, 213" Sabay na tinawag ang mga numero namin kaya sabay din kaming pumunta sa windows 4 at 5 para kumuha ng assessment records at class cards. Habang kinukuha ko yung class cards ko ay napansin kong ang isang babae na lumapit sa window 6. Pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya noon, dito rin sa university. Noong araw ng admission test? Tama! Siya yung babaeng nakasalubong ko at nabangga pa ako dahil sa pagmamadali. "What's your course?" Narinig kong tanong sa kanya. "BS in Legal Management, ma'am." Pareho rin kami. Malamang magiging kaklase ko siya. Mukha naman siyang mabait sa itsura niya lalo sa damit niyang jacket, tee at shorts at... "Tara na?" narinig kong tanong sa'kin ni Phil. Dumiretso kami sa isang room kung saan may naka- set up para sa pagkuha ng ID picture. Pagkatapos naming magpakuha ng litrato ay nauna nang naglakad si Philip at sumunod nalang ako sa kanya tutal hindi ko rin naman alam kung saan pupunta. Naglakad- lakad kami papunta sa iba't ibang building. Ang pinakahuling building na binisita namin ang talagang nagustuhan ko. Pumasok kami sa "Mapua Grand Hall". Isang malaking, hindi, napakalaking building. Pagkatapos ng entrance, may lobby. Tapos, after ng "Lobby" may tatlong passages. To the left, papunta sa "Food Hall", canteen for short, sa right, papuntang "Multi- purpose Hall", at sa gitna naman, papuntang "Royal Hall". Syempre, nabasa ko lang din yan sa mga nakalagay na instructions. Pumasok si Philip sa Royal Hall kaya wala akong choice kundi sumama. Nagulat ako sa sobrang lawak ng hall na ito. Napa- wow nalang ako dahil sa fountain na nakalagay sa gitna. Benches are also everywhere. May mga table and chairs din sa gitna. Sobrang ganda! "Wooww!" Tumawa nang mahina si Philip nang narinig niya ang sinabi ko. "First time mong pumasok dito?" tanong niya. "Oo. Kaya nga sunod ako nang sunod sa'yo ehh. Bakit, ikaw ba?" Umupo muna siya sa isang bench bago siya sumagot. "My parents are alumni of this school. They, especially my mother, always engaged into fundraising and other activities of Mapua. So, I had the chance to enter and roam around this university even when I was still a kid. And, nothing really changed since then, kaya alam na alam ko ang paikot- ikot dito," kwento niya. Tumango- tango nalamang ako habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng may kanya- kanyang ginagawa. Yung iba, nagbabasa ng mga libro, yung iba nagsusulat, yung iba, nagkwekwentuhan, samantalang yung iba, natutulog. "Gutom ka na? Gerry's, you like?" Oo nga pala. Di pa ako nag- aalmusal. Alas- dose na rin. Tumingin ako kay Phil at tumango bilang sagot sa tanong niya. Tumayo siya at naglakad na kami papuntang parking area. Nang makatapat kami sa Beautiful Life Café, "Bili muna ako saglit," sabi niya. Umupo ako sa isang bench sa tapat ng isang malaking Acasia tree para hintayin siya. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na siyang naglalakad palapit sa akin hawak- hawak ang dalawang milk tea. Binigay niya sa akin ang isa at saktong yung paborito kong Taro flavor ang napunta sa akin. "O. Catch!" Ibinato niya sa akin ang milk tea habang naglalakad siya palapit sa akin. After naming kumain sa Gerry's Place ay dumiretso na kami sa pag-uwi. Nang nasa tapat na kami ng bahay namin, "Love, salamat ha. Buti nalang nandyan ka, pasensiya ka na ulit kung---" ang sabi ko kay Phil na seryosong nagdra- drive ngunit hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. "Thank you lang? I think I deserve more than that. How about a kiss?" Tumingin siya sa akin at tinitigan niya ang mga mata ko at dahan- dahang ngumiti. Nang sandaling ngumiti siya sa akin, wala na akong nagawa. Puso ko na mismo ang naglapit sa aking sarili sa kanya. Unti- unting nagdampi ang mga labi namin at muli ay naramdaman ko ang t***k ng mga puso naming dalawa na tila umaawit. It was a short kiss. But it was sweet... and full of love. Bago ako bumaba ay hinawakan niya ang aking kamay. "I love you, love," bigkas niya bago ngumiti. On that very moment... "I saw heaven in his smile."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD