"Lovers were once strangers."
Nakatitig ako sa mukha ni Phil habang nagmamaneho siya ng sasakyan papuntang campus.
Ngayon ang aming first day of class sa Mapua University. Habang ang iba ay busy sa paghahanda para sa unang araw ng klase, natagpuan ko ang aking sariling tutok na tutok sa maamong mukha ni Phil.
"Baka matunaw naman ako sa kakatitig mo sa akin," natatawang sambit niya.
"I love you," ito naman ang sagot ko.
"I love you more than you'll ever realize," Phil replied.
Patuloy ako sa pagtitig sa kanya habang nakangiti. Napakaganda ng simula ng araw ko kasama siya. Napakasarap gumising sa tabi niya. Kay sayang imulat ang aking mga mata at siya ang unang nasilayan ko ngayong umaga. We are in a relationship for just 5 months but it feels like it's been eternity already.
Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha ay naaalala ko yung tagal ng pinagsamahan namin bilang magkaibigan bago naging magka-ibigan.
Pero kasabay nito ay ang paggising sa akin ng katotohan na nagsimula kami bilang estranghero sa isa't isa.
Ngayong araw, tiyak na marami kaming makakasalubong na hindi namin kilala. Ako nga, wala akong kilala sa Mapua maliban na lamang kay Phil.
We are about to meet many strangers. Somehow, I have this fear. A fear that as we enter the portals of Mapua University, we might end up meeting strangers who will turn out to be our lovers in the end.
I fear this because I know that Phil and I started as strangers.
Paano ko ba makakalimutan yung unang araw kaming nagkakilala ni Phil? That day in our Senior High School life was really memorable. It was his first day in our campus because he was a transferee.
*** flashback ***
"Kob, may bago tayong classmate," Denise, my friend, said to me as I entered our classroom.
I looked around our classroom para makita kung sino ang sinasabing ito ni Denise.
"Sino? Saan?" Ito ang tanong ko sa kanya nang wala naman akong nakitang bagong mukha mula sa mga nakaupo sa klase namin.
Napatingin si Denise sa likod ko at may itunuturo gamit ang kanyang bibig. Naramdaman kong may nakatayo sa aking likod kaya dahan- dahan akong humarap sa kanya.
"Hi," ito ang narinig ko mula sa lalaking nakatayo sa aking harapan. Matangkad, maputi, at mabango. Siya na nga ata ang sinasabi ni Denise na bago naming classmate. Nakatitig pa rin kami sa isa't isa habang nakatayo sa harapan ng buong klase namin.
"I'm Phillip, but you can just call me Phil," dugtong niya.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Phil. Grade 11 kami noon. Naaalala ko pa iyong pakiramdam ko noong nahihiya dahil sa very pleasant personality niya. And that time, I thought I did not deserve it.
Iniabot niya ang kanyang kanang kamay para makipag- shakehands. Agad naman akong nakipagkamay sa kanya.
"I'm Jacob. Welcome to Sangay National High School,"
At ang pakikipag- shakehands naming ito sa isa't isa ang naging hudyat ng isang pagkakaibigan.
Since High School days, Phil is a really sweet guy. We would always go out together kasama si Denise. And alam ni Denise na hindi ko talaga natipuhan si Phil noong Grade 11 kami. He was a complete stranger to me way back then.
But as time goes by, unti- unti ko siyang nakilala. Lagi na lamang siyang nagkwe- kwento sa akin tungkol sa family affairs nila.
"Hello, Kob? Saan ka? Can I talk to you? May problema lang," his gentle voice would always make me say yes to listen to him. And yes, lagi akong nandoon para makinig sa kanya.
But our High School life was not always happy. Lalo na sa akin.
It was a hot afternoon that time. Naglalakad ako sa basketball court papunta kay Phil para ibigay ang isang bote ng mineral water. He was with his friends. They were busy watching their friends playing basketball. Napatigil na lamang ako nang narinig ko silang nagkwe- kwentuhan tungkol sa akin.
"Bro, bakit lagi kayong magkasama ni Jacob? Wala. Napansin ko lang. Lagi kang di nakakasama sa amin dahil lagi kayong magkasamang kumakain," ito ang sabi ng isa sa mga barkada niya.
"No offense meant, bro, pero bakla ka ba? Kasi ang lagi mong kasama eh bakla,"
I waited for him to answer.
"Ako? Bakla? Hindi ah! Hayaan niyo. Iiwasan ko na si Jacob,"
That hurt me. I did not see a reason for him to get away from me solely because I am gay.
Sa narinig kong ito ay mabilis akong tumalikod at naglakad palabas ng basketball court. Binuksan ko ang hawak kong bote ng mineral water at ininom ito. I was angry because I did not expect Phil to give that answer.
Days passed. It was Sunday. I received a call from Phil.
"Kob? Do you have time to listen?"
"Bakit ako? Baka kapag nalaman ng mga barkada mong kausap mo ako, mapagkamalan ka na namang bakla," words just came off my mouth.
"Ha? Anong sinasabi mo?" tanong niya.
"Narinig ko kayo noong Friday. Narinig ko kung paano niyo ako pinagkwentuhan. And sorry, this time, I don't want to listen to you."
I hanged up the phone call and disregarded him.
Hindi kami nagpansinan ni Phil for one week. Kapag nagkikita kami sa school ay nag- iiwasan kami. Wala na rin akong paki-alam sa tuwing nagsasama sila ni Denise kumain dahil tumatanggi ako sa tuwing niyayaya nila akong sumama sa canteen.
But fate is a master.
Saturday the week after, ginising ako ni mama nang maaga.
"Ma, 7 AM pa lang. Wala po kaming klase ngayon," nagmamaktol kong sabi sa kanya. Napuyat din kasi ako kaka- cellphone kaya sobrang hirap dumilat dahil na rin sa sakit ng ulo ko.
"Bumangon ka na d'yan. Ikaw na ang pumunta sa bayan para mamili ng mga lulutuin natin. May bisita tayo ngayon,"
"Huh? Seryoso, ma?"
"Mukha ba akong nagjo-joke?"
Bago pa ako mapagalitan ay bumangon na nga ako at naligo. Pagkatapos kong nag- almusal ay sumakay na ako sa tricycle papuntang bayan. Hawak- hawak ko ang listahan ng mga pinapabili ni mama habang inaantok akong nakasakay sa tricy.
"Saan ka bababa?"
Dahil na rin ata sa antok ay hindi ko masyadong narinig ang tanong na ito ni manong driver.
"Neneng? Saan ka bababa?! " Nagulat ako sa sinabing ito ni manong. Naalimpungatan ako.
"Dito na po," matipid kong sagot.
Mag- aalas 9 na ng umaga noon. Tirik na ang sikat ng araw at nandoon ako sa palengke, naka- t-shirt at maiksing short.
Mga isang oras din akong naglibot- libot sa palengke. Mga 30 beses din akong tinawag na bakla, sinipulan, tinawanan ng mga tao doon. Hays. Ganyan talaga. Nasanay na rin ako.
Nang makauwi ako sa bahay ay tinulungan ko na rin sina mama at Drake sa pagluluto ng pagkain. Adobo at Sinigang.
"Ma, sino'ng mga bisita natin? Parang specialty mo ata ang niluluto mo ngayon ah," tanong ko kay mama.
"Sina Tito Uly mo, dumating na pala sila rito sa Sangay. Galing sila sa Vista City pero kinailangan nilang bumalik dito sa probinsiya para sa business niya," sagot naman ni mama.
"Tito Uly? Sino 'yun, ma?"
"Kaibigan siya ng papa ninyo. Mabait yun. Inaalagaan nga kayo noong mga bata pa kayo eh," paliwanag niya.
Habang naghahanda kami ng pagkain sa mesa ay may isang sasakyan ang tumigil sa harapan ng bahay namin.
"Nandito na sina Tito Uly ninyo," masayang sabi ni mama bago ito dali- daling lumabas upang buksan ang gate.
Naiwan kami ni Drake sa kusina para ayusin ang mga pagkain. Nakapasok na rin pala sa bahay ang aming mga bisita. Narinig ko na rin kasi ang boses ng isang lalaki. Siguro si Tito Uly yun.
"O, nasaan na ang mga anak mo?" ito ang narinig kong tanong niya.
Bigla na lamang kaming tinawag ni mama sa sala upang ipakilala sa aming Tito Uly.
Binitiwan ko muna ang hawak kong mga plato at naglakad papuntang sala kung saan naghihintay ang aming mga bisita.
Laking gulat ko nang tumambad sa aking harapan ang isang pamilyar na mukha. Ang lalaking hindi ko pinapansin sa school.
"Phil?" gulat kong sabi.
"Magkakilala na pala kayo, anak?" tanong sa akin ni mama.
"Magka-klase kami, ma," sagot ko.
After this encounter, we learned that our families are actually friends. Magkakilala na pala talaga sina mama at ang dad ni Phil.
Medyo naging awkward ang lunch namin sa bahay dahil isang linggo na rin kaming walang imikan ni Phil. And that time, we had no choice but to talk to each other.
Bumili saglit sina mama at Tito Uly ng merienda. Sumama rin si Drake kaya naman naiwan kaming dalawa ni Phil sa bahay. Nakaupo kaming dalawa sa sala. Ilang minuto ring katahimikan ang namayani sa bahay.
"Galit ka ba?"
Ito ang mga salitang unang lumabas sa bibig ni Phil.
"Oo. Tsaka dapat wag mo na akong pansinin. Iwasan mo na ako," madrama kong linya sa kanya.
"Sa tingin mo hindi ko sinubukan? Pero tingnan mo, tadhana ang nagbabalik sa atin sa isa't isa. Kaibigan kita, Jacob, at walang rason para iwasan kita,"
Ito ang mga salitang hinihintay ko. Ito ang mga salitang inaasahan ko. Iyong sasabihin niyang kaibigan niya ako kahit na bakla ako.
Pagkatapos ng pag- uusap naming ito ay naging maayos na ulit ang pagkakaibigan namin ni Phil.
Katulad ng dati, sabay na kaming nag- re review, kumakain, nanonood ng mga ganap sa school, at iba pa. Isang pagkakaibigang matatag ang napanday naming tatlo- ako, si Phil, at si Denise.
Hanggang sa dumating graduation day namin at nagtapat ng kanyang pagmamahal si Phil. Hindi ko inaasahan na sasabihin niyang mahal niya ako dahil minsan ko na ngang pinagdudahan ang pagkakaibigan namin.
*** end of flashback ***
Habang sinasariwa ko ang mga ala-ala naming ito ni Phil, palaisipan sa akin kung tama ba ang naging desisyon kong sagutin siya agad noon. Nagsimula kaming hindi magkakilala at ngayon ay ilang buwan na rin kaming magka-relasyon.
Magkaibigan man kami bago naging magka-ibigan, nagsimula naman talaga kami bilang hindi magkakilala.
Strangers turned friends... turned lovers.
Truly, in the beginning, lovers were once strangers to each other.