"New things come with fear. Whenever we enter unknown doors, we fear what is behind it. Whenever we use new things, we fear that we might destroy it. Whenever it is our first time to meet people, we fear that we might not get along with them. Yet, at the end of the day, it is always up to us how to control it in such a way that this fear does not overpower two things- joy and excitement."
Tumigil ang aming sasakyan sa parking area ng aming eskwela. Pagkatapos ang sampung minutong paglalakbay ay nakarating na rin kami rito sa Mapua University. Binuksan ko ang pintuan ng aming sasakyan at dahan- dahang bumaba. I stood in front of the gigantic facade of our campus where its name is enshrined on top of our main building.
Totoo ba ito? Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa Mapua. Parang kailan lang noong napapanood ko ito sa telebisyon dahil sa angking galing at talino ng mga estudyante nito, pero ngayon, nandito na ako. Parang kailan lang noong nakikita ko ang picture ng facade ng university namin harap mismo kung saan ako nakatayo ngayon, pero nandito na ako!
"Ready ka na?"
Ito ang narinig kong tanong mula kay Phil na naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko.
"This is the beginning of achieving my dream," I answered back. Nag- umpisa na kaming maglakad ni Phil patungong gate. Nakita kong nakalinya ang mga estudyante habang isa- isa nilang swina- swipe ang kanilang mga ID sa isang machine. Pagkatapos kong mag- swipe ng ID ko, binuksan ko na ang bag ko lumapit at pinakita ito sa guard. Nakita kong kumunot ang noo niya. Narinig ko naman ang mahinang tawanan ng mga lalaki na kasunod ko.
"Relax ka lang. Ilagay mo yang bag mo dun sa baggage scanne," bulong sa akin si Phil. Tumingin ako sa gilid at nakita ko ang baggage scanner na tinutukoy niya. Naloka ako dahil ito yung literal na ginagamit sa airport. Oo. May scanner pala para aming mga bag. Inalapag ko na ang bag ko at nakahinga nang maluwag noong nakalagpas na kami sa security post.
"Wala namang ganun noong entrance at enrollment ah," reklamo ko kay Phil.
Nakikita kong natawa siya bago siya sumagot.
"Actually, tuwing pasukan lang ginagamit ang baggage scanner. Kapag bisita or from other schools, mano-mano nilang chine- check," pagpapaliwanag naman niya.
Kasalukuyan kaming nandito sa Main Building. First day of class ngayon pero ayon sa mga nababasa ko sa f*******:, wala raw masyadong ganap ngayon. Orientation daw muna. We are walking towards the Grand Hall. Doon kasi ang Orientation Program. Nasa gitna pa yun ng campus namin at mula sa main building, malayo layo pa ang lalakarin namin.
Habang naglalakad kami papuntang Grand Hall, hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng design ng mga buildings.
Mapua University is muted red bricks and mortar. That is its public image. But as I look around, and I can quickly see many campus buildings made of wood, granite, marble, concrete, steel, and glass.
While the brick buildings of the Grand Hall depicts the expected aura of Spanish architecture, the University actually has a sweeping range of building styles that, taken together, amount to an informal history of Philippine architecture with a touch of architecture from our various colonizers. A walker can sample almost 300 years of innovative designs in an easy stroll.
"Mapua's eclectic architectural mix helps to explain its values, its academic priorities, its responses to new teaching methods, its desire for stronger collaboration, its embrace of the urban environment, and its ongoing flexibility."
Ito ang nasa speech ng aming University President kaninang Orientation. Punong- puno ang Multi- Purpose Hall during the program. Syempre, pinakilala ang nga professors namin, pinaalam yung mga facilities, services at kung ano- ano pa. Bago matapos ang orientation, isang linya ang hindi ko makalimutan na sinabi ng emcee.
"Welcome to Mapua University, the best university in the country!"
Oh diba! Ang bongga lang. Tumayo ang balahibo ko noong narinig ko ang mga linyang ito. I felt something na nagsasabi sa aking ito na yung pangarap ko. And I have to work for it.
Actually, yun lang yung mga naaalala ko kaninang orientation. Paano ba naman kasi ako makakapag- concentrate if kung ano- ano ang ginagawa nitong si Phil?
***flashback***
Nasa kalagitnaan na kami ng programa kaya medyo nakakabagot na rin talaga. Ganunpaman, I urged myself to listen attentively.
Kasalukuyang tinatalakay ng Office of the Student Developement and Welfare (OSDW) Coordinator namin ang mga different types of scholarships na pwede naming i- avail.
Tahimik ang lahat at hindi ko mawari kung lahat ba ay nakikinig o yung iba ay tulog na rin. Sobrang lamig dito sa hall dahil sa naka- full yata nitong aircon.
Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy ako sa pakikinig. Ilang minuto pa ay hindi ko na kaya ang lamig kaya naman pinag-kiskis ko ang aking dalawang kamay at inihipan dahil sa sobrang lamig. Hindi rin kasi ako naka- jacket dahil gusto kong i-rampa ang aking uniform. Pero nagsisi akong hindi man lang nagdala ng jacket. Habang patuloy kong ini-ihipan ang aking dalawang kamay, bigla na lamang kinuha ni Phil ang aking kaliwang kamay. Nagulat ako sa ginawang ito ni Phil kaya napatingin ako sa kanya. Nag- smile siya sa akin habang patuloy niyang hinahawakan ang aking kamay.
Seryoso? Sa gitna ng program magka- holding hands kami? Magkahalong hiya at takot abg naramdaman ko noong magkahawak kamay kami ni Phil during the orientation. But at the same time, kinikilg na rin. Halo- halo nga ang aking nararamdaman at lalo pa akong nagulat nang inilagay na ni Phil ang ulo niya sa balikat ko na tila inaantok na.
"Uy, Phil!" pilit ko siyang ginigising pero wala na eh. Hays. Kahit kailan talaga itong si Phil. So yun. Ganun na nga ang itsura namin hanggang natapos ang programa. Buti na lamang at nasa likuran kaming bahagi ng hall at medyo madilim din kaya hindi kami masyadong napapansin maliban na lamang sa mga mismong katabi namin.
***end of flashback***
11:30 na noong natapos ang orientation. After that ay wala na rin kaming eksena kaya uuwi na sana kami ni Phil sa apartment namin nang biglang may na- receive akong chat mula sa isang kaibigan.
"Uwi na tayo? Or may pupuntahan ka pa?" tanong ni Phil.
"Love, may pupuntahan pa tayo. Tara muna sa Beautiful Life Café. Nandito si Denisse!"
Nagulat din si Phil nang malaman niyang nandito sa campus si Denisse.
"Ha? Seryoso? Wow!"
Hindi ko maipinta ang mukha ni Phil sa sobrang saya nang malaman niyang nandito si Denisse. Si Denisse ay High School friend namin ni Phil. Kami ang tri-squad noon. Classmates kami noong Grade 11 pero nag- transfer kasi siya sa private school noong Grade 12 na kaya di na kami masyadong nagkita after. Akala nga namin ay sa Canada siya mag- aaral dahil nandoon na ang parents niya. Pero apparently, dito rin pala siya sa Mapua mag- aaral.
"Edi puntahan na natin siya. Baka kanina pa yun naghihintay," Phil suggested.
We headed towards the café. Nang nakapasok kami sa building ay nakita ko na kaagad si Denisse.
"Kob! Phil! Here!" ito ang sigaw ni Denisse na fresh na fresh ang datingan.
In fairness, literal na nag- glow up si Denisse. Glowing ang skin niya at sumexy na siya compared noong high school pa lamang kami. Lumapit na rin kami sa table kung saan siya nakaupo. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sobrang miss ko na rin siya. Umupo na kami sa harap niya. Magkatabi kami ni Phil. Ilang minuto pa ang nakalilipas ay hindi pa rin nagsasalita itong si Phil. Basta naka-smile lang.
"Oh, Phil. Kumusta ka na?" Denisse said which broke the ice of Phil.
"Ah eto, masaya," matipid namang sagot ng boyfriend ko.
"Talagang solid friends na kayo no? Parang kailan lang noong nag- aaway pa kayo eh," she said without knowing na Phil and I are officially together as boyfriends.
Hindi pa ito alam ni Denisse and I don't know how to tell her. Hinihintay ko na lamang na si Phil ang mag-open about our relationship... but he did not.
Medyo naloka ako sa part na 'yun pero hindi ko na lang pinahalata. Nagpatuloy na sila sa pagkwe-kwentuhan about sa sari- sarili nilang buhay. Ako naman, I volunteered to order for our drinks. Tumayo na ako at nag-order.
Habang nag- oorder ako, lumingon ako sa table namin at nakita ko sina Phil at Denisse na nagtatawanan. Ang saya nila. Legit na masaya. Nag-picture din silang dalawa at hindi man lang ako hinintay. But I did not mind those things. Bumalik na ako sa table namin and I pretended that I did not see anything.
"Kob, why did you not tell me that you are together..."
Ha? Sinabi rin pala ni Phil?
"... in one apartment?" Denisse continued.
Akala ko naman sinabi na ni Phil. Hays.
"Ah oo. Since magkaibigan naman parents namin, they decided for us to stay under one roof. Para na rin mabantayan ko raw itong si Phil. Hehehe," pagbibiro ko.
Naging masaya rin ang aming pagtatagpo with Denisse. Nasa apartment na kami ni Phil noon nang napansin niyang hindi ako umiimik.
Dumiretso ako sa kama at nag- cellphone. Pumunta rin siya sa kama kung saan ako nakahiga at tumabi sa akin.
"Love, ang saya natin kanina," he stated.
"Oo nga eh. Pero ikaw, parang SOBRANG saya mo," I answered.
My words were not empty. Alam 'yun ni Phil. Tumingin siya sa akin bago siya nagsalita.
"What do you mean?"
"Ay hindi ka ba masaya? Hindi ka ba sobrang masaya to see Denisse?"
Nagtitigan lang kami Phil. Without words, our eyes said it all.