"Two hearts walking together in the dark alley of today. What happens when the ghost from yesterday appears in front of them? Will they brave the darkness together?"
*Kriing!*
Ginising ako ng alarm clock. Nainis ako sarili ko dahil hindi ko man lang na- off ang alarm ko scheduled 5 AM for school days. Araw ngayon ng Sabado. O, diba?Nakakainis.
Habang nag- uunat ako, may na-realize ako. Isang linggo na rin pala ako sa Mapua. These past few days, naging sobang busy kami sa school. Of course, I had to mark a good impression sa class namin. Kaya naman first week pa lamang ay I already spent sleepless nights studying. This is not just for myself but for my parents as well. Phil, on the other hand, is chill. But to be perfectly honest, we are not yet in really good terms with each other. I mean, we're speaking. Hindi naman pwedeng hindi because we're living under one roof. However, hindi pa ako mapalagay since we've been confronted by the Denisse issue.
Well, I feel guilty dahil Denisse is also my friend. Pero I can not just turn a blind eye on how Denisse makes Phil happy. Pagkatapos naming mag- usap ni Phil about sa kanya last Monday night, hindi na rin namin siya napag- usapan pa. Good thing for us but sabi ko nga, feeling ko hindi pa rin kami okay ni Phil.
Or ako lang talaga ang hindi okay sa relationship namin. I feel insecure.
Today is Saturday and since wala naman akong ibang plano, I decided to go home. Hindi rin kasi ako sanay na mapalayo nang matagal kina mama. I am still adjusting and one week is too much for me not to see them.
Bumangon na ako upang makapaghanda na rin. Tumingin ako sa kabilang kama and nakita kong tulog mo si Phil. I did not want to disturb him that is why I just let him sleep. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na uuwi ako muna ako amin. Well, this city is not really far away from our province dahil magkatabi lang sila. One-hour travel lang ang kailangan. Besides, accessible naman ang transportation. I can just ride a jeep kung hindi man ako sasamahan ni Phil.
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang cellphone ko. Tinawagan ko sina mama dahil gusto kong aware din sila na uuwi ako.
*phone ringing*
"Oh, ate? Bakit?" Boses ni Drake ang sumagot.
"Nasaan si mama?" I asked him.
"Nasa palengke, ate. Bakit ba?"
"Pakisabi kay mama na uuwi ako ngayon," I instructed him.
"Huh? Diba sa katapusan ka pa dapat umuwi?" pagtatanong niya.
Hays. Bawal na ba akong umuwi kapag hindi pa katapusan? Kaloka 'to!
"Basta. Sabihin mo uuwi ako ngayon," ito ang sabi ko sa kanya bago pinatay ang tawag.
Mag- a alas 6 na rin ng umaga at nagugutom na rin ako. Kinuha ko ang wallet ko para bumili sa labas ng breakfast namin ni Phil.
Maingay at mausok. Normal na ito sa city pero hindi pa ako sanay sa ganitong klaseng environment. Unlike sa amin na tahimik at sariwa ang hangin, life in the city is really busy.
Habang naglalakad ako papuntang restaurant ay may isang pulang kotseng tumigil sa harapan ko. Hindi ko naman alam kung sino ang sakay nito kaya dumiretso pa rin ako sa paglalakad. Bago pa man ako makalampas ay bumusina ang kotse kaya napalingon ako. Nakita kong bumaba ang bintana nito.
"Kob!" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Boses ng isang babae. Boses ni Denisse.
"Denisse?" ito ang gulat kong tanong.
"Sakay ka na," pagyayaya niya.
"Ha eh d'yan lang naman ako bibili oh," ito ang sabi ko sa kanya sabay turo sa restaurant na nasa kanto.
"Halika na. Breakfast tayo. Treat ko," she offered with a smile.
Seryoso? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Denisse. Wala namang rason upang tanggihan ko siya except na lang sa siya ang dahilan ng cold war namin ni Phil these past few days.
She is still waiting and naka- stop pa rin ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. I will feel guilty kung tatanggi ako kaya I said "okay" and sumakay na rin ako sa kotse ni Denisse.
Okay. This is awkward... at least for me. Perhaps this is good for the two of us. To catch up and para naman mas mapalapit din ang loob ko kay Denisse.
"So saan tayo, Denisse? Nakakaloka naman. What a coincidence! Naglalakad ako tapos bigla kang sumulpot. Hahaha!"
Natawa na lang din si Denisse sa sinabi kong ito.
"Well, actually hindi siya coincidence," she said.
"I was really planning to visit your apartment and to invite you for breakfast," she continued.
"Huh? Good idea! Pero paano mo nalaman kung saan ang apartment namin?" tanong ko.
"Phil told me about it," said Denisse.
"Umm... cool. Bisita ka some other time. Inform mo ako para makapag- ayos din kami," sabi ko sa kanya.
"We're here. Lakeview Restaurant," Denisse said as she stopped the engine of her car.
After we ate our breakfast, umorder pa itong si Denisse ng coffee. Umupo kami sa balkonahe ng restaurant. Feel na feel namin ang sariwang hangin dahil ang restaurant na ito, bagamat nasa city, ay maraming puno ang nasa paligid.
Lakeview restaurant is a beautiful place. Overlooking the sun rising over Lake Hiraya is a perfect scene while taking a sip of coffee.
I started the conversation.
"Kumusta naman ang love life mo?"
Out of the blue, I asked her about that.
"Cupid is not my friend. Kaka- break lang namin ng boyfriend ko four months ago kaya last minute ko ring napag- desisyonang mag- aral sa Mapua. I know it shocked you to know that I did not pursue studying at Canada. Pero yun nga, hindi ko rin naman kayang pumunta doon with Andrei. Tapos kukulitin lang kami ng family namin na parehong nasa Canada. That is why I decided to stay here instead," she blabbed.
"I'm actually glad that we're in the same school. And I miss you, Denisse. We've been good friends when we were in Grade 11 and I am happy that you still consider me as a friend," I told her.
Isang mahabang chikahan ang nangyari habang umiinom kami ng coffee. We had so much stories to tell each other.
"Anyway, may lakad ka ba ngayon? Gusto ko rin kayong makasama ni Phil," she said.
Gusto niya kaming makasama ni Phil? Hmm... I did not speak for a while. I thought of a way to stop prevent her from seeing Phil.
"Uuwi ako sa amin. Baka gusto mo akong samahan," pag- aaya ko kay Denisse.
"That would be great! Matagal na rin akong hindi nakabisita sa Sangay" ito ang sagot ni Denisse na halatang excited.
Hinatid na ako ni Denisse sa apartment namin at napag- usapan naming uuwi sa Sanay ng mga ala- una ng hapon. Dadaanan na lang niya ako sa bahay. Bago pa man ako bumaba sa kotse niya, may bilin si Denisse.
"Kob, i-kumusta mo naman ako kay Phil. I- sama mo siya mamaya," sabi niya sa akin.
Ngumiti at tumango na lamang ako kay Denisse at binuksan ang pintuan ng kotse. And even without telling Phil, I am already thinking na hindi siya sasama dahil ayaw ko silang magkita.
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita kong sakto namang katatapos maligo ni Phil. Kakalabas niya sa banyo at nakatapis pa.
"Good morning, love!" ito ang bati ko sa kanya na parang wala akong iniisip at ibang nararamdaman.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Good morning, my love," sagot niya sabay halik sa aking pisngi.
"Kumain ka na. May binili na ako d'yan," I told Phil.
Lumapit na siya sa mesa at binuksan ang take- out order namin mula sa Lakeview Restaurant.
"Pumunta ka sa Lakeview? Malayo yun dito ah. Sino'ng kasama mo?" Ito ang tanong na binato sa akin ni Phil.
Nakakunot ang kanyang noo noong tinatanong niya ako. Nakataas naman ang kilay niya habang naghihintay ng sagot ko.
"Si Denisse. Nakita niya kasi ako sa labas ng apartment kaya nagyayang kumain sa Lakeview Restaurant," sagot ko.
"Ahh. Akala ko kung sino na. Kob, baka nakikipagkita ka sa ibang lalaki ha. Malilintikan ka sa akin!" ito ang pagbabanta ni Phil bago mag- umpisang kumain.
"Abnuy!" natatawang sagot ko sa kanya bago dumiretso sa kwarto at humiga muna sa kama para magpahinga. Pagkatapong kong humiga ng mga 15 minutes, nag- umpisa na rin akong mag- ayos ng mga gamit ko.
Habang nilalagay ko sa backpack ko ang isang pares ng damit, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Phil.
"Oh, saan ka na naman pupunta?" nagulat si Phil sa tila pag- i impake ko.
"Relax ka lang. Uwi lang ako saglit sa bahay," sagot ko sa kanya.
"Samahan kita," sabi niya sa akin.
Ngunit hindi ako pumayag at sinabi ko sa kanyang sasamahan naman ako ni Denisse.
"Edi tatlo tayo," pagpupumilit ni Phil.
Umupo ako sa tabi niya at biglang naging seryoso ang ambiance ng kwarto namin.
"Hindi pwedeng tatlo. Dapat dalawa lang. Hindi pwedeng tatlo tayo. Dapat dalawa lang tayo," ito ang linyang ibinato ko kay Phil. Nagulat siya sa sinabi ko at tila nalilito siya kung ano ba ang gusto kong tumbukin.
"Alam mo Kob, ang labo mo. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin o palabasin? Tungkol pa rin ba ito kay Denisse? Kob naman! Hindi mo na nga ako pinapalapit sa kanya sa school sa campus. Lumabas pa kayong dalawa kanina, ha. Tapos di ka pa rin pala tapos sa issue na ito?!" Phil uttered.
Hinawakan ko ang kamay niya."You don't understand. Iniingatan lang kita, love." sabi ko sa kanya.
"Iniingatan? O kino- control? You are becoming territorial, Jacob!"
Tinanggal niya ang kanyang kamay mula sa mahigpit kong paghawak dito.
"Should I not be territorial? Tell me. Jowa mo ako!" tumaas na ang boses ko ng banggitin ko ang mga katagang ito kay Phil.
"Or perhaps you are becoming territorial because you are afraid that I might leave you just like you childhood love?!"
These words from Jacob kept reverberating in my ears.
"So tungkol na ito sa akin ngayon?" mahinahon kong tanong kay Phil na hindi na makatingin sa akin pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang iyon at ibinalik ang isang kahapon na pilit ko nang kinakalimutan.
Wala akong narinig na kahit isang salita mula kay Phil. Tumayo lang siya, umiling, at naglakas palabas ng kwarto namin.
Dumating ang ala- una ng hapon at narinig kong may tumigil na sasakyan sa labas ng apartment namin ni Phil.
Dumungaw ako sa bintana at nakita ang pulang kotse ni Denisse.
Kinuha ko na ang backpack ko at naglakad na papalabas nang biglang bumukas ang pinto. Narinig ko ang takong ni Denisse na pumasok sa apartment namin. Nagsalita ito at kinausap si Phil. Hindi muna ako lumabas sa kwarto at pinakinggan ko kung ano ang pinag- uusapan nila.
"Oh bakit yang mga mata mo namumula? Umiyak ka ba?"
Ito ang narinig kong tanong ni Denisse kay Phil.
Phil has a very soft heart. Palagi siyang umiiyak kapag nag- aaway kami. Ewan ko ba 'dyan.
Ilang minut pa ang nakalipas pero hindi ko narinig na sumagot si Phil.
"Jacoob! Tara na!" sigaw ni Denisse.
Dumiretso lang ako ng lakad palabas ng apartment namin at hindi man lang nagpaalam o lumingon man lang kay Phil.
Nang nakasakay na kami sa kotse ni Denisse, nagtanong siya sa akin tungkol sa kung anong nangyari kay Phil.
"Huh? Hindi ko alam. Nagulat na lang ako na umiiyak siya," pagsisinungaling ko.
Pasado alas-dos na nang makarating kami sa Sangay. Bumaba na ako sa bahay namin samantalang si Denisse, dumiretso naman sa bahay ng lola niya.
Pagkababa ko sa bahay namin ay nandoon na sa labas ng gate sina mama at Drake. Niyapos ko si mama ng yakap na tila hindi ko sila nakasama ng ilang taon.
Kinagabihan, habang kumakain kami sa bahay, tinanong ako ni mama kung bakit ako biglang umuwi.
"Anak, kumusta naman sa eskwela mo? Okay lang ba ang lahat? Bakit bigla kang umuwi?"
"Ah, ma, okay lang po. Wala pong problema. Na- miss ko lang po kayo agad. Tsaka maganda rin at nandyan si Denisse, gusto rin daw bumisita ulit dito," kwento ko.
"Kuya, sakto. May biglaang reunion ata sila sa family house nila. Nandyan silang lahat eh," ito ang sabi ni Drake na biglang nagpahinto sa pagkain ko.
Napakunot ang noo ko.
"Silang lahat. Pati mga pinsan ni Denisse?" pang- uusisa ko.
"Opo. At kung gusto mong tanungin, nandyan din si kuya Nat," saad ni Drake.
Tila tumigil ang mundo ko nang narinig kong bumalik na rito sa Sangay si Nathan. Bumilis ang t***k ng puso ko na para bagang tuluyang nanunumbalik ang pagmamahal na pilit kong ibinabaon sa limot.
Bakit kapag naririnig ko ang pangalan niya ay bumabalik ang lahat? Bakit?